Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 19

Nang matapos si Benjamin as pagsasalita, tinawag niya si Arthur para samahan siya sa study room. Mabilis na ibinaba ng nanginginig na mga kamay ni Shirley ang kaniyang dress bago kumatok si Arthur sa pinto at pumasok sa loob. Bumaluktot siya sa sofa habang nanginginig siya nang magisa roon. Nang pumasok si Benjamin sa study room, nakita niyang nakabaluktot si Shirley sa sofa na parang isang nawawala at kaawa awang kuting. Sa kasamaang palad, gawa sa bato ang puso ni Benjamin kaya hindi ito nagpakita ng kahit na kaunting awa sa kaniya. Nang makita ni Shirley ang palabas na si Benjamin, tinanggal niya ang pagdadalamhati sa kaniyang mukha na napalitan ng mataas na ngiti. Naisip niya na mas maiging dilaan niya ang kaniyang mga sugat para mas mapatibay ang kaniyang sarili. Nagtapon si Benjamin ng dokumento sa lamesa na nasa kaniyang harapan. “Bibigyan kita ng sampung minuto. Ayaw na kitang makita rito pagbalik ko.” Dito na siya tumalikod para magpunta sa banyo. Kinuha ni Shirley ang prenuptial agreement para basahin ito nang maigi. Naging maiksi at specific ang dokumentong ito. Sinasabi rito na habang epektibo ang kasal nilang dalawa, si Benjamin ang magmamanage ng Weiss Group para kay Owen nang walang kahit na anong bayad hangga’t hindi pa ito kayang pamahalaan ni Owen. Samantala, si Shirley, bilang manugang ng pamilya Blackwood ay inaasahang magpapanatili sa reputasyon ng pamilya habang tinatrato nito si Damian na parang sarili niyang anak. Isa sa mga clause nito ang malinaw niyang nabasa. Inoobliga nito si Shirley na sumunod sa anumang desisyon ni Benjamin. Mayroong itong karapatan na tapusin ang kanilang kasal anumang oras na magiiwan kay Shirley sa wala. Sumikip ang kaniyang dibdib nang mabasa niya ang huling clause. Mula sa araw na ito, kailangan na niyang ibigay ang buo niyang buhay sa isang lalaking may nanlalamig na puso at manatiling asawa ni Benjamin sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng gusto nito. Pero hindi nabanggit sa kasunduan ang tungkol sa maaari nilang maging anak. At kung titingnan ang pagkainis ni Benjamin sa mga babae, malaki ang tiyansa na hindi siya galawin nito. Malinaw na wala sa plano niyang magkaroon ng anak. Pagkatapos ng isang sandaling pagdadalawang isip, pinirmahan ni Shirley ang dokumento bago niya idiin ang kaniyang fingerprint sa papel. Kinuha ni Arthur ang dokumento bago niya buong galang na sabihing, “Congratulations, Ms. Weiss sa pagiging manugang ng pamilya Blackwood! Ako po si Arthur Whitlock, ang butler ng manor na pagmamayari ng mga Blackwood. Inaasahan ko po kayo sa city hall alas otso ng umaga bukas.” Sandali… ireregister nila ang kanilang kasal kinabukasan? Tumango naman dito si Shirley. “Salamat, Arthur. Pupunta ako roon sa tamang oras. Pero paano ang kapatid ko?” Bahagyang pumiyok ang kaniyang boses. Nakangiti namang sumagot sa kaniya si Arthur. “Huwag po kayong magalala dahil nangako po si Mr. Blackwood na ibabalik niya ang inyong kapatid sa manor ng mga Weiss mamayang hatinggabi.” Sa hindi malamang dahilan, pinagkatiwalaan ni Shirley ang mga sinabi ni Arthur. Nang makalabas siya sa kuwarto ni Benjamin, naramdaman niya na parang nagising siya sa isang kakaibang panaginip. Pero sa huli, nagawa pa rin niyang magpakasal sa isang tao na hindi niya kilala. Hindi nagtagal pagkatapos niyang umalis, lumabas si Benjamin mula sa banyo. Humarap siya kay Arthur bago siya magutos ng, “Kumuha ka ng taong magbabantay sa kaniya.” Si Shirley ang magiging responsable sa pagaalaga kay Damian at kailangang makasiguro ni Benjamin na nakamonitor ang bawat galaw ni Shirley. Walang katumbas na halaga para sa kaniya ang kaligtasan ni Damian. Nang maglakad si Shirley palabas ng main building, nakita niyang nakatayo si Cecilia hindi kalayuan kasama ng ilang mga pamilyar na mukha. “Ms. Weiss!” Dali daling sumugod sa kaniya ang ilang mga kalalakihan para tawagin ang kaniyang pangalan nang sabay sabay. Agad na itinago ni Shirley ang sugat sa kaniyang kamay sa kaniyang likuran. Ito ay walang iba kundi sina Marley, Wyatt at iba pa. Nakokonsensya siyang nilapitan ni Marley. “Ms. Weiss, nalaman po namin ang nangyari sa inyong pamilya. Huwag po kayong magalala dahil hindi hahayaan ni Mr. Moore na…” “Marley,” Kalmado at determinadong pinutol ni Shirley si Marley sa pagsasalita, “Sinabihan na kitang huwag mo akong tatawagin na Ms. Weiss. Ito na ang huling pagkakataon na gagawin mo ito. Gamitin mo na lang ang pangalan ko para tawagin ako mula ngayon.” Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang bahagya siyang nakatingin, “Salamat sa pagaalala. Okay lang ako at okay lang din ang pamilya ko. Pero pagbalik mo roon, huwag na huwag mo akong mababanggit sa kaniya. Hindi rito matutuwa ang kahit na sino sa kaniya. Siya man, o ang babaeng kasama niya ngayon. Ito na ang nakabubuti para sa lahat.” Nakita niyang naiinis si Marley at ang kaniyang mga kasama. “Ms. Weiss, wala na po ba talagang pagasa na magkabalikan kayo ni Mr. Moore?” Hindi nila matiis si Sophia lalo na ang maselan at nagpapakampi nitong ugali habang si Shirley ang nagtatanglay ng mga bagay na kanilang hinahangaan at nirerespeto sa isang babae. Maraming pinagdaanan si Shirley at ang tatlo sa nakalipas na mga taon, kaya para sa kanila, si Shirley lang ang nagiisang babae na karapat dapat para kay Samuel. Hindi naman sumagot si Shirley. At sa halip ay tinapik nito ang balikat ni Marley gamit ang kamay niyang hindi nasugatan bago niya buong pusong tingnan ang tatlo. “Isang malaking karangalan para sa akin na makilala kayong lahat. Wala na akong ibang hihilingin kundi tagumpay sa inyong hinaharap.” Nang masabi niya ang mga salitang iyon, naglakad si Shirley palayo sa manor ng mga Blackwood nang hindi tumitingin sa kaniyang likuran. Pinanood ni Marley at ng kaniyang mga tauhan ang papalayo nitong imahe. Nakaramdam sila ng bigat at pait sa kanilang puso. Paano ito nagawan ni Samuel sa kaniya? Sa labas ng manor, nakita ni Shirley si Brook na nakatayo sa kaniyang sasakyan habang tinititigan siya nito nang husto. Sumakay siya at sumakay din si Brook. Hindi ito nagsabi ng kahit na ano habang nananatili ring tahimik si Shirley. Nang buksan niya ang kaniyang phone, isang tawag ang bigla niyang natanggap. “Shirley, nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Ang kausap niya sa kabilang linya ay walang iba kundi si Rachel. Nanginig ang boses nito habang nalalapit na ang pagbagsak ng kaniyang mga emosyon. “Nahanap mo na ba ang kapatid mo? Sabihin mo kung nasaan na siya ngayon! Pakiusap!” Naging magaan naman ang tono ng boses ni Shirley. “Mom, papunta na ako sa ospital para ihatid ka sa bahay. Makikita mo roon si Megan.” Mabuti na lang at nagawa niyang makumbinsi si Benjamin dahil hindi na rin niya alam ang gagawin niya kapag hindi niya ito napapayag. Nang ibaba niya ang tawag, isinuntok ni Brook ang kaniyang kamao sa bintana ng sasakyan. Kitang kita ang nararamdaman niyang frustration ngayon. Hindi niya nagawang maprotektahan si Shirley kaya nagawa na nitong makipaglaro sa apoy. Kilala ni Brook si Shirley mula noong kindergarten at naging malapit sila sa isa’t isa na parang magkapatid. Alam ni Shirley na nagaalala si Brook pero wala siya sa mood na icomfort ito. Kailangan na nitong tanggapin ang realidad. “Saan tayo pupunta?” Harap ni Shirley kay Brook. “Hindi ito ang daan papunta sa ospital.” Nanatili namang nasa daan ang mga mata ng hindi sumasagot na si Brook. Habang papalapit ang sasakyan sa tirahan ni Samuel, napagtanto ni Shirley ang tunay nitong intensyon. Agad na namutla ang kaniyang mukha at tuluyan na siyang hindi nakapagpigil. “Itigil mo ang sasakyan! Sinabi kong itigil mo ang sasakyan! Gusto mo bang dagdagan pa ang kahihiyang tinanggap ko?” Dumiin naman ang panga ni Brook habang sumasagot ito ng, “Hindi ko puwedeng hayaan na pakasalan mo ang demonyong si Benjamin. Sinimulan ni Samuel ang problemang ito kaya dapat lang na siya ang tumapos nito.” Mapait namang tumawa rito si Shirley habang nahahaluan ng pagsuko ang kaniyang boses. “Wala siyang pakialam sa nangyayari sa akin. Hindi mo alam kung gaano na siya kagalit sa pamilya ko ngayon.” Pero hindi niya pinigilan si Brook dahil nakabaon pa rin sa loobang bahagi ng kaniyang puso ang kaunting pagasa na tutulungan siya ni Samuel. Nang makarating sila sa manor ng mga Moore, tinawagan ni Brook si Samuel. Nagring ito ng ilang beses bago ito sagutin ng tao sa kabilang linya. “Samuel, nasa labas kami ni Shirley ng bahay mo. Lumabas ka. Kailangan nating magusap.” Mula sa bintana, nakita ni Shirley si Samuel na humila sa kurtina. Makiktia ang matangkad nitong imahe na nakatalikod sa liwanag. Nilagay ni Brook ang tawag sa speaker mode, dito na nagecho ang nanlalamig na boses ni Samuel sa loob ng sasakyan, “Sinabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Wala na kaming rason para magkita.” Hindi na napigilan ni Brook ang kaniyang galit, “Alam mo ba kung saan siya nanggaling ngayong gabi?” “Wala akong pakialam, at ayaw ko na itong malaman,” walang pakialam na isinagot ni Samuel. Mahigpit na nagsara ang mga kamao ni Brook nang tingnan niya ang namumutlang mukha ni Shirley. Habang naguumapaw ang kaniyang galit, kinuha ng isang malambot na kamay ang phone mula sa kaniya. “Magkita tayo sa huling pagkakataon,” Kalmadong sinabi ni Shirley. “Mayroon akong gustong sabihin sa iyo sa personal.” Gusto niyang sabihin kay Samuel nang direkta na papakasalan niya si Benjamin kinabukasan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.