Kabanata 17
Tinapos ni Benjamin ang kaniyang tawag, bahagyang nagdilim ang kaniyang mukha nang marinig niya ang boses ni Isabelle. Pero wala pa rin itong nagawa kundi maglakad papunta sa isang grupo ng mga kababaihan.
Sinundan ng paningin ng mga socialite ang bawat galaw ni Benjamin.
Hindi maalis ni Jessica ang kaniyang paningin kay Benjamin. Masyadong kaakit akit ang nanlalamig at marangya nitong presensya. Nahulog siya rito nang husto noong una niya itong makita. Pasimple niyang hinatak ang manggas ni Mia.
Tinapik naman ni Mia ang kamay ni Jessica nang maintindihan nito ang nangyayari para siguruhin ito na magiging okay lang ang lahat.
Nang huminto si Benjamin, nakangiting humarap si Mia kay Shirley. “Malapit talaga si Shirley sa mga bata. Kung ang baby lang nila ni Samuel ay…”
“Mom! Ano ang sinasabi mo?” Biglang pinigilan ni Jessica si Mia sa pagsasalita.
Napansin ni Mia ang pagkakadulas niya sa pagsasalita kaya agad siyang tumigil sa pagsasalita pero narinig na ng marami ang kaniyang sinabi gaya ng kanilang inaasahan.
“Baby? Anong baby?”
“Grabe! Mayroon nang baby si Shirley?”
Nagmamadali namang nagpaliwanag si Mia, “Hindi, hindi! Mali ang mga sinabi ko! Sinabi ko lang na mahilig talaga sa bata si Shirley.”
Pero sino nga ba ang maniniwala sa ganitong klase ng paliwanag?
Tumingin si Jessica kay Isabelle at gaya ng inaasahan, nagdilim ang mukha nito.
Habang nakatingin ito kay Shirley, nawala ang masiglang tono ng boses ni Isabelle. “Ms. Weiss, gusto kong marinig ang paliwanag mo.”
Tumama ang paningin in Shirley sa mukha ni Benjamin, at napansin niya ang panlalamig ng mga mata nitong nakatingin sa kaniya na para bang wala siyang pakialam sa kung ano man ang nangyayari rito.
Direkta naman siyang sumagot kay Isabelle, hindi ito naging mapagpakumbaba o arogante, “Totoo man o hindi ang intensyon nina Mrs. Clay at Jayden nang sabihin nila ang mga bagay na iyon, hindi pa rin magsisinungaling ang pagiging virgin ng isang babae.”
“Mrs. Blackwood, maaari po kayong tumawag ng isang gynecologist para mapatunayan na hindi totoo ang kanilang mga sinabi. Dahil kung hindi, siguradong sisirain ng kanilang mga sinabi ang aking reputasyon.”
Ang verification na kagaya nito? Sino nga ba ang nakahandang umabot sa ganitong punto? Maaari kayang wala pang nangyayari kina Shirley at Samuel sa ilan taon nilang pagsasama?
Naging kalmado at malinaw ang pagsasalita ni Shirley habang nagpapakita ito ng hindi matitinag na mga mata na siyang nagpataranta sa isip ni Mia. Nang makaramdam siya ng problema, agad niyang sinubukan na bawiin ang kaniyang mga sinabi. “Shirley, hindi ko gustong…”
“Naniniwala ako sa iyo.”
Bago pa man makapagsalita ang kahit na sino, isang matandang babae ang umabante para depensahan si Shirley.
Pero mas naging mabilis si Isabelle. Mainit niyang hinawakan ang kamay ni Shirley bago siya ngumiti at sumagot ng, “Mabuti kang bata ka. Naniniwala ako sa iyo.”
Si Amelia Whitman ang matandang hindi nakapagsalita nang dahil kay Isabelle, siya ang lola ni Derek. Galit nitong tiningnan si Isabelle.
Nangako si Isabelle na hindi siya makikipagkumpitensya kay Amelia! Paano niya ito maipapaliwanag kay Derek mamaya?
Bumagsik ang itsura ni Isabelle habang nagdedeklara ito ng, “Kung magiging ina ka ni Damian, hindi ko hahayaan ang kahit na sinong sirain ang reputasyon mo ngayon gabi.”
Namutla ang mukha nina Mia at Jessica. Hindi nila inasahan na lalala nang ganito ang mga bagay bagay.
Kung gusto talagang magpakasal ni Shirley sa pamilya Blackwood at maging ilaw ng kanilang tahanan, ang mga bagay na kanilang sinabi ay para na ring insulto kay Benjamin. Ito ang dahilan kung bakit nainis sila sa kanilang narinig.
Nasurpresa maging si Shirley sa matinding suporta ni Isabelle. Nagpapasalamat niyang dinagdagan ang mga sinabi nito. “Salamat po, Lola. Nangangako po kayo na hindi ko po kayo bibiguin.”
Grabe napakaganda ng timing ng kaniyang pagbati! Marunong talaga si Shirley makipaglaro.
Suminghal naman sa kaniya si Benjamin. “Ms. Weiss, hindi ba masyado pang maaga para tawagin siyang ‘Lola’?”
Naiinis naman itong tiningnan ni Isabelle, “Ben, anong klaseng tono iyan?”
Nakahinga nang maluwag sina Jessica, Mia at iba pang mga socialite nang makita nila ang pagkainis ni Benjamin. Kahit na ano ang gawin ni Shirley para mapalapit siya kay Isabella, wala siyang magagawa kung si Benjamin na ang umayaw.
Alam ni Shirley na mamaliitin siya ni Benjamin pero alam niya rin na nangangalahati siya sa tagumpay sa sandaling makuha niya ang loob nina Isabelle at Damian.
Noong mga sandaling iyon, nagsimula nang magplay ang music habang nagiiba ang mga ilaw sa dance floor. Agad na nagsiabante ang mga ginoo para imbitahin ang mga dalagang sumayaw kasama nila.
Ibinigay ni Isabelle si Damian sa isang attendant bago siya nakangiting nagsalita sa mga tao. “Sige! Huwag na kayong magtipon tipon sa paligid ng matatandang katulad namin!”
Habang tinitingnan ng lahat, si Shirley ang naunang lumapit kay Benjamin. Itinaas niya aang kaniyang kamay nang buong galang. “Mr. Blackwood, maaari mo ba akong isayaw?”
Tumingin naman si Benjamin sa nakataas na kamay ni Shirley bago siya nanlalamig na sumagot dito. “Hindi ako interesado.”
Pagkatapos nito, tumalikod at naglakad palayo si Benjamin nang hindi na niya binibigyan pa ng tingin si Shirley na para bang hindi na siya makatiis pa na manatili sa harapan nito.
Hindi naman nagpatinag dito si Shirley. Binawi niya ang kaniyang kamay nang hindi nagpapakita ng kahihiyan bago siya ngumiti sa mga nakakatanda at tahimik na sumunod kay Benjamin.
Habang pinapanood ang papalayong imahe ni Shirley, isa sa mga socialite ang suminghal. “Hindi na talaga siya nahiya! Hindi ba niya nakikita kung gaano siya kinainisan ni Mr. Blackwood?”
Ganito rin ang ipinakitang sentimyento ng grupo. Minaliit nila ang pagpupumilit ni Shirley. Pero sa loob loob ng mga ito, hinangaan nila ang lakas ng loob ni Shirley. Hindi ba talaga siya natatakot mapahiya?
Ang hindi nila alam, wala ng choice sa mga sandaling iyon si Shirley.
Ngayong nandito si Mia at ang kaniyang mga anak, siguradong makakarating ang nangyari kay Wayne. Nauubos na ang kaniyang oras. Kailangan na niyang kumilos sa lalong madaling panahon. Siguradong malalagay sa panganib si Megan sa bawat segundong lumilipas.
“Benjamin! Hintayin mo ako!”
Nahirapang makahabol si Shirley nang dahil sa malalaking paghakbang ni Benjamin. Habang itinataas ang kaniyang gown, nagjog si Shirley papunta sa kaniya.
Pero hindi pa rin tumigil si Benjamin sa paglalakad. Direkta siyang nagpunta sa main building para umakyat sa hagdanan.
“Sampung minuto lang, Benjamin! Kahit limang minuto lang! Ipinapangako ko na hindi ko sasayangin ang oras mo!”
Nang makita niya na mawawala na ito pagpasok nito sa pinto, dali daling naglakad si Shirley.
Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Benjamin, bigla itong huminto sa paglalakad na nagresulta sa pagbangga niya rito.
Bago pa man niya maitayo nang maayos ang kaniyang sarili, nagpakita si Benjamin ng isang nanlalamig at nanglalait na singhal.
Siguradong narinig ito ang usap usapan ng mga tao sa paligid.
Alam ni Shirley na dinadala siya ng desperasyong nararamdaman niya sa punto na kung saan parang itinatapon na lang niya ang kaniyang sarili kay Benjamin. Pero sa halip na depensahan ang kaniyang sarili, tinitigan niya ito nang husto. “Mr. Blackwood, alam ko na nangangailangan ka ng asawa. Pakiusap, ikonsidera mo ako nang maigi.”
Napasimangot naman dito si Benjamin. “At sino naman ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng asawa?”
“Mr. Blackwood, maaaring ayaw mo sa mga babae pero hinayaan mo pa rin si Mrs. Blackwood na magdaos ng matchmaking event na ito. Para sa isang tao na katulad mo, ang pagsisimula sa isang bagay ay nangangahulugan na dapat mo itong tapusin.”
Kalmadong nagsalita si Shirley. “Pipiliin mo ang sinumang magugustuhan ni Mrs. Blackwood, at ang taong magugustuhan din ni Damian. Kailangan ng isang bata ng isang tahanan na puno ng pagmamahal. At base sa kasalukuyan mong sitwasyon, ako na ang pinakamaganda mong option para matupad ito.”
Walang duda na matalino ngang sumagot si Shirley.
Tumama ang paningin ni Benjamin kay Shirley bago siya sumisinghal na nagtanong ng, “At ano ang nagbigay sa iyo ng confidence na pipiliin kita?”
Nagmatigas naman si Shirley sa kaniyang puwesto. “Una sa lahat, nakuha ko na ang loob ng iyong lola at ng iyong anak. Ikalawa, kung paguusapan ang kagandahan, ako na ang nangunguna sa buong Elderstone. At masisiguro ko sa iyo na natural ang aking ganda, hindi ako sumailalim sa kahit na anong procedure.”