Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 16

Sa napakaraming mga kababaihan, mayroon pa ring ilan na nagkulang sa manners. “Bakit hindi pa siya umaalis? Ang lakas naman ng loob niyang manatili pa rito?” “Kakaiba talaga si Shirley. Matapos niyang pagusapan nang ganoon, siguradong iiyak na ako at tatakbo palayo. Wala na akong mukhang maihaharap sa iba.” Pero hindi naapektuhan ng kanilang mga sinabi si Shirley. Nang makita nilang naglalakad si Shirley palapit sa kanila, kusang naglakad palayo ang ilang mga socialites mula sa kaniya na para bang natatakot ang mga itong madumihan. Dito na nagbukas ang isang daan sa harapan ni Shirley at ni Isabelle. Naayos na ni Shirley ang kaniyang sarili habang engrande niyang nilalapitan si Isabelle. Bahagya siyang ngumiti bago niya sabihing, “Mrs. Blackwood, ako po si Shirley Weiss, ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Weiss. Ikinagagalak ko pong makilala kayo.” Tiningnan naman siya ni Isabelle. Kahit na hindi masyadong nagpakita ng emosyon ang kaniyang itsura, naging mainit ang tono ng kaniyang boses habang sumasagot ito ng, “Kung tama ako, Ms. Weiss, wala ka sa invitation list.” Nagulat ang lahat nang magpunta rito si Shirley kahit na hindi ito inimbitahan. Sabagay, nang isilang si Shirley, sinabi ng manghuhula na isa siyang swerte sa kaniyang pamilya na magdadala ng kasaganahan at swerte sa mga tao sa kaniyang paligid. Maraming tao ang sumubok na magpakasal sa kaniya na umabot sa punto na kung saan halos sirain na ng mga ito ang mga pinto papasok sa manor ng pamilya Weiss. Kinalaunan, mabilis na umangat ang pamilya Weiss na kumumpirma sa hula, kasabay nito ang pagkakakilala kay Shirley bilang numero unong socialite ng siyudad. Maging si Samuel na dating kinamumuhiang anak ng kaniyang pamilya ay naging isang malakas na CEO. Sa nakalipas na mga taon, napuno ng dangal ang buhay ni Shirley. Pero ngayon, pinigilan ni Samuel ang kanilang kasal at kasalukuyang wala ngayong malay si Owen. Agad na naging katatawanan ang dating ipinagmamalaking nangungunang socialite sa siyudad. Ipinakita rin nito na hindi dapat nila pagkatiwalaan ang mga hula ni Adrian. Nagkataon lang ang lahat ng ito. Dahil kung hindi, bakit siya iiwan ni Samuel? Suminghal dito si Emily. “Ha! Nagawa niya pang magpakita nang hindi iniimbitahan sa matchmaking banquet. Nawalan na talaga ng dignidad ang nangungunang socialite ng siyudad.” Habang nakatayo sa tabi ni Jessica, sinabi ni Beatrice na, “Kahit na ayaw pa sa kaniya ni Samuel, hindi pa rin siya dapat nagmadali sa paglabas para humanap ng bagong kasintahan, hindi ba?” Hindi pa masyadong masakit ang mga komentong ito pero sa sandaling isipin ito ng kahit na sino, masyado na itong malisyoso. Sa puntong ito, naiinis na sumagot si Jessica ng, “Beatrice, itigil mo na nga iyan.” Nakakuha ng paghanga si Jessica sa mga tao sa kaniyang paligid nang dahil sa kaniyang ginawang pagsaway. Mabuti na lang, isang babaeng naniniwala sa rason si Isabelle kaya hindi ito basta bastang nadala sa mga usap usapan sa kaniyang paligid. Nagpatuloy siya sa pagtatanong. “Maaari ko bang malaman ang pakay ng iyong pagbisita, Ms. Weiss?” Prangka namang sumagot si Shirley. “Nandito ako para sa apo ninyong si Benjamin Blackwood.” Napapigil hininga rito ang lahat sa paligid. Masyadong naging direkta si Shirley! Inobserbahan ni Isabelle si Shirley sa kaniyang harapan. Isa itong maganda at eleganteng babae na nagdadala ng natural na presensyang hindi kamumuhian ng kahit na sino. Malinaw at tapat din ang kaniyang mga mata at hindi nagpakita ng kahit na kaunting awkwardness ang confident niyang aura roon. Kahit sa kabila ng malisyosong mga komento sa kaniya kanina, hindi nagpakita ng reaksyon sa mga ito si Shirley. Hindi manlang niya tiningnan ang mga babaeng iyon. Masyado nga talaga siyang angat sa iba kung titingnan ang ipinakita niyang composure at poise sa bata niyang edad. Bigla namang natawa rito si Isabelle. “Hindi ako ang makakapagdesisyon niyan para sa iyo. Ganito na lang. Pinapahalagahan ni Ben si Damian nang husto. Siguradong iba ang magiging tingin sa iyo ni Ben sa sandaling mapatawa mo si Damian.” Halos sumabog sa katatawa si Jessica nang marinig niya iyon. Isang batang malayo sa lahat si Damian, masyado itong sensitive at maingat sa mga taong hindi niya kilala. Kaya kahit na subukan ito ni Shirley nang buong araw, hinding hindi ngingiti si Damian sa kaniya. Naramdaman ng mga tao sa paligid na pinapahirapan ni Isabelle si Shirley. Naiisip na nila kung paano mangyayari kay Shirley ang nangyari kanina kay Emily na nilagyan ni Damian ng cake sa kaniyang mukha. Pero pumunta lamang ang paningin ni Shirley kay Damian. Noong mga sandaling iyon, tinititigan nang husto ni Damian si Shirley gamit ang mabilog at parang kristal niyang mga mata habang kumikislap ang mga ito na parang isang pares ng mahahalagang gem. Gumaan ang mukha ni Shirley bago nito sabihing, “Hello, iho. Nakita tayong muli.” Nanatiling nakatitig ang bata na hindi manlang kumurap kay Shirley. Nagpakita ng mahinhing ngiti si Shirley habang itinataas niya ang kaniyang kamay papunta sa bata. Mahinahon siyang nagtanong dito ng, “Maaari ba kitang kargahin?” Hindi naiwasang suminghal ng mga socialite. Hindi ito nagawang paamuhin ni Marie kanina kaya naniniwala sila na hindi gagana ang itsura sa batang ito. Siguradong gagawin lang mangmang ni Shirley ang kaniyang sarili. Inisip nila na dapat lang bumagsak at mapahiya si Shirley dahil sa hilig nitong sumapaw sa lahat saan man siya magpunta. Siguradong mabubuo ang gabi ng lahat sa sandaling ipahiya ito ni Damian. Pero natigilan ang lahat sa mga sumunod na nangyari. Ano ang nakita nilang lahat? Itinaas ng nanlalamig at parang manikang si Damian ang kaniyang mga braso papunta kay Shirley! Hindi nila ito inaasahan. Maging si Isabelle ay nagulat sa kaniyang nakita. Hinayaan ng palaging malayo sa ibang taong si Damian si Shirley na kargahin siya. Masyado itong kakaiba. Nahirapan si Shirley na pakawalan ang maliit at malambot na batang may mahinang amoy ng gatas. Hindi niya naiwasang halikan nang bahagya ang mataba nitong pisngi. Natigilan si Damian habang nababalot ng pagkasurpresa ang malaki nitong mga mata. At pagkatapos ng isang sandali, tumawa ito kay Shirley. Nahihiya at awkward itong ginawa ng bata pero ipinakita pa rin nito kung gaano siya kasaya. Ngumiti si Damian! Ngumiti talaga siya! Namamanghang tiningnan ng lahat si Shirley. Tumayo lang siya roon habang nagpapakita ng makapigil hininga niyang ngiti. Mukha ngang nadadala sa kaniyang kagandahan ang lahat ng uri ng tao anuman ang kanilang edad. Maging ang lola niyang si Elena Stone ay nagpaita ng kaunting paghanga kay Shirley. Dito na umabante si Jessica para mainit na ngumiti kay Damian na kasalukuyang karga ni Shirley. “Napakacute mo talaga, Damian. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kargahin ka, puwede ba kitang hawakan?” Walang pakialam na sumulyap si Damian kay Jessica bago niya ibaon ang cute niyang mukha sa leeg ni Shirley. Natigilan ng isang sandali ang nakangiting si Jessica pero agad siyang nakarecover habang nakangiti siyang humaharap kay Shirley. “Mukha ngang gustong gusto ka ni Damian.” Tumama ang walang pakialam na tingin ni Shirley sa pekeng ngiti ni Jessica. “Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kaapproachable.” Parang sinampal ang pride ni Jessica nang marinig niya ang salitang “Approachable”. Nanatiling kalmado at composed si Shirley. Sumagot siya gamit ang simpleng mga salita na nagkaroon ng malalim na nilalaman. Masyado itong naging mabuti at epektibo sa sinumang makakarinig sa kaniya. Dito na unti unting gumanda ang impresyon ni Isabelle kay Shirley. Sinabihan niya ang staff sa kaniyang tabi na, “Dalhin mo rito ang birth chart ni Ms. Weiss.” Masyadong matindi ang debosyon ng mga nakakatandang miyembro ng Elderstone sa kanilang relihiyon. Sa una at ika 15 araw ng bawat buwan, nagdadasal ang mga ito. Naniniwala rin ang mga ito sa astrological compatibility at sa face reading. Nang hanapin nito ang birth chart ni Shirley, ipinapakita ni Isabelle ang kaniyang pagpabor kay Shirley. Siguradong hindi niya hahadlangan ang paglapit ni Shirley kay Benjamin sa sandaling magalign ang kanilang mga chart. Dito na tumingin si Marie kay Shirley gamit ang naguguluhan niyang mga mata. Hindi nga talaga ordinaryong babae si Shirley. Pero nabahala naman dito nang husto si Jessica. Siguradong masisira ang mga plano ni Wayne sa sandaling makuha ni Shirley ang puso ni Benjamin. Ang ginawang kritisismo ni Jayden kanina kay Shirley ay pinaplanuhan nila para hindi ito makakuha ng malakas na kakampi. Pero kahit na napahiya ito sa harap ng lahat, nagawa pa rin niyang makuha ang pabor ni Isabelle. Hindi ito maaaring mangyari! Hindi dapat hayaan ni Jessica na magtagumpay si Shirley. Pagkatapos niyang magbigay ng instruction sa kaniyang mga staff, agad na humarap si Isabelle kay Benjamin para tawagin ito, “Ben, halika rito!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.