Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 14

Sa limang lalaki, si Derek ang may pinakamagandang background ng pamilya, si Benjamin naman ang pinakamayaman sa kanila. Si Samuel naman ang pinakabata at pinaka may potensyal sa lima pero nagkaroon din ng kahinaan ang tatlong ito. Nakilala sina Derek at Benjamin sa kawalan nila ng awa kaya hindi masyadong mataas ang naging tingin sa kanila ng lahat. Nagkaroon naman ng kapansanan sa kaniyang binti si Samuel kaya siya ang nahuli sa ranking. Sina Marcus at Cole ang pinakamabait pero mayroon nang asawa si Cole. Gaya ni Shirley, na naengage kay Samuel noon, hindi rin nasama sa invitation list si Cole. Para naman kay Marcus, ilang beses na itong nakita ni Shirley. Hindi siya masyadong naging interesado rito. Naramdaman niya na may itinatago si Marcus. Ayaw na ayaw niya sa mga taong doble kara. Palagi itong pinupuri ng best friend niyang si Janine dahil ilang taon na niyang crush si Marcus. Para naman kay Derek, palagi silang magkalaro noong mga bata pa sila. Isa itong disenteng tao noon. Mas matanda ito kay Shirley ng ilang taon at isa rin itong disente at mabuting nakatatandang lalaki. Alam niya kung paano magalaga ng mga mas nakababata sa kaniya. Pero mula noong sumali ito sa army, pinutol na niya ang lahat ng kaniyang contact. Nang alalahanin niya ito, magsasampung taon na mula noong huli itong makita ni Shirley. Nakalimutan na ni Shirley kung ano ang itsura nito. Pero sa hind malamang dahilan, umalis ito sa army para magnegosyo. Ito ang pinabagong balita tungkol kay Marcus. Ngayong gabi, nandito si Shirley para kay Benjamin. Pero hindi pa niya ito nakikita kahit na noong tuimingin siya sa kaniyang paligid. Sa stage, tinapos ni Isabelle ang kaniyang speech. Dito na niya tinawag sina Benjamin at Damian. Sa kabila ng palakpakan, nagpakita si Benjamin habang hawak niya si Damian. Nagpakita ito ng presensya na para bang isa siyang ipinagmamalaking bayani na gumulat at nagpanganga sa lahat. Tinitigan siya ng mga socialite sa ibaba habang nakatayo siya sa stage. Kagaya ni Shirley, hindi nila masyadong kilala si Benjamin. Wala na silang ibang alam kundi ang pagtatrabaho nito sa ibang bansa. Dalawang taon pa lang ang nakalilipas mula noong bumalik ito rito. Nang makabalik siya sa kanilang bansa, agad na pinatalsik ni Benjamin ang kaniyang lolo na si Bart Blackwood sa kanilang kumpanya. Siya na ngayon ang may hawak sa buong Blackwood Group. Nagalit nang husto si Bart na nagresulta sa pananakit nito sa kaniyang sarili hanggang sa maparalisa ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan mula sa kaniyang baiwang. Nangangailangan na ito ngayon ng wheelchair para makapunta sa iba’t ibang lugar. Inakusahan din ni Benjamin ang kaniyang tiyuhin na si Bill Blackwood ng pageembezzle ng pondo ng kanilang kumpanya kaya agad niya itong ipinatapon sa kulungan. Kasabay nito ang pagbangon ng Blackwood Group mula sa napipinto nitong pagkalugi. Sa loob lang ng dalawang taon ay nagawa niyang makontrol ang lahat. Walang awa ang kaniyang mga pamamaraan. Masyado itong matindi at tuso at wala siyang pakialam sa sentimyento ng kahit na sino. Maging ang malalaking tao sa business world ay natatakot at naiinis sa bawat sandaling mababanggit ang pangalan ni Benjamin. Hindi madalas magpakita si Benjamin sa publiko nang makabalik ito sa Elderstone. Hindi nagmuka sa business world ang mga taong dumalo ngayong gabi. Ang karamihan sa kanila ay mga taong nakakakilala lamang sa kaniya pero hindi pa nila ito nakikita sa personal. Sa totoo lang, hindi nakafocus kay Benjamin ang lahat ng socialite dito. Pero nang makita nila ang guwapo at prestihiyosong lalaki sa stage, agad na napatingin ang mga socialite ng Elderstone na para bang mga gamo gamong lumalapit sa apoy. Para isipin na guwapo ang itsura ng walang awang demonyo sa Elderstone! Maging ang pinakasikat sa Five Stars ng Elderstone na si Marcus ay hindi nagawang pumantay kay Benjamin. Sa pamamagitan ng kahanga hanga niyang aura at presensya, masyado nang pambihira ang pagkakaroon ng isang tao na pumapantay sa kaniya. Hindi naging concern sa lahat maging ang batang dala nito ngayon. Napatingin ang mga socialite sa ilalim na magsalia si Benjamin. Parang musika sa kanilang mga tainga ang husky at malalim na boses nito. Ito ba talaga ang kinatatakutang lalaki ng lahat? Hinawakan nang maigi maging si Emily Bennet ang kamay ni Marie Carter sa sobrang pagkasabik. “Marie, mas okay si Benjamin kaysa kay Marcus! Sigurado ako na ikaw ang magiging si Mrs. Blackwood!” Umangat naman dito ang mga labi ng ngumingiting si Marie habang nahihiya itong sumasagot ng, “Huwag ka nga masyadong maingay. Siguradong pagtatawanan tayo sa sandaling marinig ka nila.” “Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Sino ba ang papantay sa iyo sa banquet na ito?” Sabi ni Emily. Tahimik namang tumawa si Emily sa kaniyang sarili. Nasa likod ng dalawa si Jessical Clay. Nanglalait na ngumiti ang kaniyang mga labi nang marinig niya ang sinasabi ng dalawa. Sina Marie at Jessica ang kilalang mga nagagandahang babae sa Elderstone. Siguradong kasama ang dalawang ito sa mga kandidato ng susunod na magiging nangungunang socialite ng Elderstone sa sandaling mawala si Shirley sa posisyong ito. Sa kasamaang palad, hindi naging maganda ang background ng pamilya ni Jessica. Palagi siyang nahihigitan ni Emily sa pagkakatong ito nang dahil doon. Pagkatapos ng simpleng pagpapakilala sa kaniya, engrandeng ipinakilala ni Benjamin sa lahat si Damian. May mga usap usapan na naguwi si Benjamin ng anak niya sa labas mula sa Newlandia. Pero hindi ganoon karami ang mga taong nakakaalam na may severe autism ang batang ito. Hindi pa nito nagagawang magsalita kahit na apat na taong gulang na ito. Tiningnan ni Shirley si Damian na buhay ni Benjamin sa kaniyang mga braso mula sa malayo. Hindi ito makikitaan ng sugat sa kaniyang mukha. Naging malambot din ang mga braso at binti nito. Nagmukhang cute si Damian habang patagal nang patagal ang ginagawa nilang pagtingin dito. Mukhang nagkamali siya nang akusahan niya si Benjamin sa isang bagay na hindi naman nito ginawa. Mukha namang mapayapa si Damian. Mukhang hindi ito sinaktan nang kahit na kaunti si Benjamin. Itinulak ni Arthur ang isang cart na may lamang cake papunta sa stage. Nakita naman ni Shirley na walang nakaupo sa grand piano kaya naglakad siya papunta rito. Sumayaw ang payat at malambot niyang mga daliri sa mga keys habang nagsisimula siyang gumawa ng masasayang tunog sa piano. "Happy birthday to you! Happy birthday to you…" Nahaluan ng masiglang musika ang mahinang kantahan ng lahat sa hall. Isa itong nakakarelax at nakakatuwang melody. Napunta ang mata ng lahat kina Benjamin at Damian. Inakala nila na isa lang itong recording na pinatugtog para mapakanta sila ng happy birthday. Iilan lang sa kanila ang nakapansin kay Shirley na nakaupo sa harapan ng piano. Isa na sa mga ito si Damian. Nang dahilsa kahiya, napansin din ni Benjamin si Shirley. Sandali niya lang itong tiningnan bago niya ilayo ang kaniyang paningin. Hindi niya hinayaang magtagal ang kaniyang mga mata kay Shirley upang hindi umukit ang kagandahan nito sa kaniyang isipan. Sa gitna ng pagkanta ng lahat, hinawakan ni Benjamin ang kamay ni Damian para hiwain ang cake. Dito na napalitan ng palakpakan at masayang tawanan ang kantahan sa hall. Binuhat ni Benjamin si Damian pababa ng stage habang nagpapalakpakan ang lahat. Dito na opisyal na nagsimula ang speed dating. Kabababa baba pa lang ni Benjamin nang mapaligiran siya ng tatlong mga socialite na nagpaimpress sa kaniya. Kilala ni Shirley ang una sa mga ito. Ito ayw alang iba kundi si Jessica, ang anak ni Wayne. Nagkaroon ito ng makapigil hiningang itsura pero alam niya na nagpapakitang tao lamang ito ngayon. Halos makalimutan na ni Jessica ang tungkol sa kawalan ng aw ani Benjamin. Kasama ng dalawa pa niyang mga kaibigan, naglakad siya palapit kay Benjamin. Hindi pa siya nakakalapit nang mapatigil siya sa kaniyang paglalakad nang mapansin niya ang naiinis nitong pagtingin sa kaniya. Binuhat ni Benjamin si Damian habang nanlalamig itong lumalampas kay Jessica, hinayaan niyang panoorin ng mga ito ang paglalakakad niya palayo sa kanilang tatlo. Hindi na nagkaroon ng pagkakataong magsalita si Jessica. Nakanganga siyang napatayo roon habang hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nagpasalamat naman ang ilan pa sa mga socialite dahil hindi nila nagawang lapitan si Benjamin. Nagawa pang magyabang ng ilan sa kanila nang dahil sa pagkabigo ni Jessica. Suminghal naman dito si Emily, “Hindi na siya nahiya! Sino ba siya sa tingin niya? Dapat lang na matutong lumugar ang isang babaeng katulad niya. Hindi niya alam kung paano maging sopistikado. Iniisip ba niya na magagawa niyang lumapit sa kahit na sino nang dahil lang sa ganda niyang nakakaangat nang kaunti sa iba? Hindi pa ba sapat ang mga kahihiyang tinanggap niya noon?” “Emily!” Tawag ng hindi sumasangayon na si Marie para pigilan ito sa pagsasalita. Sumama ang itsura ni Jessica nang makita nito ang nagmamalaking si Emily at walang pakialam na si Marie. Suminghal ito bago siya tumalikod para umalis.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.