Kabanata 13
Mula noong umalis sila sa Valian Lounge kagabi, ayaw nang umuwi ni Damian sa kanila. Walang tigil itong tumuro sa lounge, gusto niyang bumalik dahil alam niyang nandoon pa rin si Shirley.
At pagkatapos niyang puwersahang hatakin ni Benjamin pauwi, nagtantrums at nagkulong si Damian sa kaniyang kuwarto. Hindi siya kumain o uminom ng kahti na ano. Hindi rin ito lumabas ng buong araw.
Kaya naramdaman ni Shirley na mas matindi ang naramdamang pagkainis ngayon sa kaniya ni Benjamin kaysa kahapon. Nanginig ang buo niyang katawan sa napakatinding panlalamig ng aura nito na kaniyang naramdaman.
Bumalik si Benjamin sa loob nang maramdaman niya ang paghatak ng isang bagay sa kaniyang pantalon. Iniyuko niya ang kaniyang ulo nang makita niya ang paghawak nang mahigpit ni Damian sa kaniyang pantalo. Itinaas ni Damian ang kaniyang ulo para harapin si Benjamin bago nito ituro ang labas ng balkonahe gamit ang isa pa niyang kamay.
Gusto nitong dalhin siya ni Benjamin pababa para makita si Shirley.
Tiningnan naman ni Benjamin ang tumahimik na si Damian bago siya nagsquat sa harapan ng bata. Gumaan ang walang emosyon niyang mukha habang nagtatanong ito ng, “Gusto mong bumaba?”
Tumango naman dito si Damian bago niya tingnan si Benjamin gamit ang nanlalaki niyang mga mata.
Hindi nagsabi ng kahit na ano si Benjamin. Itinaas niya lang ang malalakas niyang mga braso para kargahin si Damian palabas ng kuwarto.
Isang sandali nang nakatayo sa ibaba si Shirley. Mabuti na lang at malawak ang manor ng mga Blackwood. Masyadong masigla at maingay ang banquet kaya walang nakapansin sa tagong sulok na iyon ng villa. Pero agad na nakita ni Shirley ang isang pamilyar na mukha.
Hindi niya inasahan na makikita niya rito si Brooke!
“Sinasabiko na nga bang nandito ka rin, Shirley.” Tingin ni Brook kay Shirley na may ilang talampakang layo mula sa kaniya.
Alam ni Brook na magpupunta rito ngayon si Shirley pagkatapos nilang hindi magkasundo ni Wayne kagabi. Para isipin na magpapakita talaga siya rito…
Habang nakatingin siya sa nagdidilim na itsura ni Brook, hindi alam ni Shirley kung ano ang kaniyang sasabihin.
Naglakad si Brook palapit sa kaniya para sabihing, “Sumama ka na sa akin pauwi, Shirley. Hindi pa huli ang lahat.”
Iniling naman ni Shirley ang kaniyang ulo. “Hindi ako aalis. Hindi ako puwedeng umalis.”
“Shirley, hindi mabuting tao si Benjamin. Siya ay…”
“Pero wala na akong choice.”
Pinutol ni Shirley si Brook sa pagsasalita bago pa man ito makasagot. “Hindi ko ito maaayos nang magisa. Hindi mor in ito magagawang ayusin. Hindi rin ito magagawa maging ng kapatid mong si Cole! Wala na akong choice. Ako na lang ang inaasahan ni Megan at ng aking mga magulang. Kailangan ko itong gawin.”
Biglang napatigil sa pagsasalita si Brook. Bigla siyang nainis nang mapagtanto niya na wala siyang magagawa sa problema ni Shirley. Kung siya lang ang CEO ng Gray Corporation, siguradong tutulungan niya si Shirley kahit na bumagsak pa ang kaniyang kumpanya.
Pero sa kasamaang palad, hindi siya ang may hawak nito. Isa lang siyang ikalawang anak ng pamilya Gray na walang angking talent. Wala na siyang maipagmamalaki maliban sa kaniyang pangalan kaya hindi niya matutulungan si Shirley sa pinagdaraanan nito.
“Hahanapin ko si Samuel.”
“Bumalik ka rito, Brook. Huwag mo siyang hanapin kung gusto mo pa akong maging kaibigan.”
Napatigil si Brook sa kaniyang paglalakad. Humarap siya kay Shirley nang makita niya ang determinado nitong muklha na para bang kinailangan niyang putulin ang lahat ng kaniyang ugnayan kay Samuel sa loob lang ng isang araw.
Dito na nakaramdam ng sakit si Brook sa kaniyang dibdib. “Shirley, alam naman nating dalawa na hindi si Sophia ang nababagay kay Samuel. Gumawa lang siya ng maling choice ngayon pero babalik din siya sa iyo. Hinding hindi mapapalitan ni Sophia ang anim na taon ninyong pagsasama.”
Alam ni Brook na hindi kailanman naging interesado sa kaniya si Shirley pero mas pipiliin pa rin niyang bumalik ito kay Samuel kaysa makasama nito si Benjamin.
Ito ang babae na kaniyang pinakamamahal. Kahit na hindi niya ito makukuha, umaasa pa rin siya na mabubuhay ito nang masaya. Hindi niya matatanggap na makita itong mahulog sa mga kamay ng isang demonyo.
Hindi naman nagdalawang isip si Shirley nang dahil sa mga sinabi ni Brook. “Hindi ko alam kung babalik pa siya. Pero ayaw ko nang tumayo para lang hintayin ang araw na iyon para sa kaniya.” Sabi niya.
Nang maaksidente si Owen, nawasak nang husto ang puso ni Shirley nang makita niyang abandonahin nito ang nabangga niyang ama.
Napakarami ng nagawa niya para kay Samuel sa anim na taon nilang pagsasama. Itinuring din ito ng kaniyang mga magulang bilang sarili nilang anak. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagawa pa rin silang itapon ni Samuel na parang basura nang walang pagaalinlangan. Gaano ba talaga siya kawalang awa?
Maaari ngang hindi bagay si Sophia kay Samuel. Pero problem ana niya iyon. Gumawa na siya ng choice para sa kaniyang sarili kaya ano pa ang kinalaman nito sa kaniya.
“Magsisimula na ito kaya dapat na akong pumasok doon.”
Nang marinig niya ang ingay mula sa loob ng hall, kinuha ni Shirley ang kaniyang bag bago niya tingnan si Brook sa huling pagkakataon. “Brook, kaibigan mo pa rin naman ako, huwag mong dadalhin sa akin si Samuel maging maayos man ang lagay ko o hindi.”
Hindi niya kailangan ng awa o ng basbas nito. Mas maigi pang kumilos siya na parang hindi nila kilala ang isa’t isa.
Nang makita niya ang papalayong imahe ni Shirley, alam ni Brook na hindi na niya ito mapipigilan. Pero hindi pa rin niya magagawang hayaan si Shirley na makawala sa walang awang si Samuel para lang tumalon papunta sa mga kamay ng isang demonyo.
Binunot niya ang kaniyang phone para tawagan si Samuel sa sobrang frustration.
Matagal na nagrin ang phone bago niya marinig ang boses ng isang babae.
“Hello? Hinahanap mo ba si Samuel? Sandali.”
Naisip ni Brook na si Sophia ang babaeng sumagot ng tawag kaya agad na nagdilim ang kaniyang itsura.
Pagkatapos ng ilang sandali, maririnig ang boses ni Samuel sa kabilang linya. “Mayroon bang problema?”
Isang buong linggo nang hindi magkausap sina Samuel at Brook. Mukhang bumagsak na ang kanilang relasyon na para ng nangyari sa relasyon nina Samuel at Shirley.
Naging malinaw na ang mga bagay bagay sa lahat pero hindi pa rin nila ito nagagawang mapagusapan.
Naging malayo at nanlalamig ang tono ng boses ni Samuel.
Pinigilan naman ni Brook ang galit sa kaniyang dibdib. “Nasan ka ngayon? Gusto kong kausapin ka tungkol kay Shirley…”
Naiinis naman siyang pinigilan ni Samuel sa pagsasalita, “Brook, naghiwalay na kaming dalawa. Mayroon na akong Sophia ngayon kaya huwag mo na siyang banggitin sa akin. Alam ko na may nararamdaman ka para sa kaniya kaya ituloy mo na ang gusto mo at manatili ka sa kaniyang tabi.”
Nabalot ng galit si Brook nang marinig niya iyon, “Samuel Moore, lalaki ka ba talaga? Sige! Kung wala ka na talagang pakialam, umaasa ako na hindi mo ito pagsisisihan balang araw!”
Galit na ibinaba ni Brook ang tawag.
Itiningala ni Sophia ang kaniyang ulo. Namula ang namumutla niyang balat pagkatapos niyang makapagpahinga ng isang linggo. “Samuel, sino ang babaeng tinutukoy niya?” Tanong nito habang pilit siyang ngumingiti.
Itinago ni Samuel ang phone habang nakakaramdam siya ng frustration sa kaniyang dibdib. Buong pagmamahal niyang hinawakan ang buhok ni Sophia habang mahina siyang sumasagot ng, “Isa lang siyang ex-girlfriend. Huwag mo na siya masyadong isipin. Maaga kang matulog ngayon may flight pa tayo bukas.”
“Na… Natatakot ako sa dilim…” Maingat na sinabi ni Sophia habang namumula ang kaniyang mukha.
…
Sa manor ng mga Blackwood, naglakad si Shirley papasok sa banquet hall.
Dito na humakbang papunta sa stage ang lola ni Benjamin na si Isabelle Hawthorne nang may malaking ngiti sa kaniyang mukha. Isa siyang malaki at matandang babae na nagpakita ng kabaitan at pagiging approachable sa kaniyang mukha.
May mga usap usapan na walang awa si Benjamin sa kahit na sino sa pamilya Blackwood maliban na lang kay Isabelle na kaniyang iginalang nang husto.
Nagpakitang gilas sa pagpapatawa si Isabelle. Ilang minuto pa lang siyang nasa stage pero nagtatawanan na ang mga tao sa paligid.
Pagkatapos nito, binanggit niya ang pangalan nina Benjamin, Marcus Finch at Derek Ashfold. Nagulat dito ang mga socialite sa paligid.
Hindi inasahan maging si Shirley na iimbitahan ng mga nakatatanda ang tatlong pinakabata at pinakamayayamang tao sa buong Elderstone!
Alam ng lahat sa banquet na si Benjamin, Samuel, Cole, Marcus, at Derek ang Five Star ng Elderstone. Silang lima ang simbolo ng kayamanan at kapangyarihan sa Elderstone.
Hindi lang kayamanan ang tinatanglay ng limang ito dahil wala ring kapantay ang kanilang mga itsura kaya agad nilang nakukuha ang atensyon ng kahit na sinong babae sa buong Elderstone.