Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Sa loob ng isang iglap, natapos ang anim na taong pagmamahal niya nang husto kay Samuel. Mula sa araw na ito, tapos na si Shirley sa kaniya. Tumama ang paningin ni Shirley sa box na nasa gitna ng kama. Nilagay niya ito sa isang sulok ng kaniyang cabinet. Nang magawa niya ang lahat ng ito, nagshower si Shirley. Pumili siya ng isang kulay purple na evening gown na kaniyang isinuot para sa party. Umupo siya sa harapan ng salamin para maglagay ng kaunting makeup sa kaniyang mukha. Nagkaroon ng mahaba at malambot na buhok ang babae sa harapan ng salamin. Para ring manika ang kaniyang mukha habang nagpapakita ito ng elegante at ubod ng gandang aura sa kaniyang paligid. Nagisip siya ng isang sandali bago niya napagdesisyunang itali ang kaniyang buhok. Kumuha siya ng isang hair curler na ipinangayos niya sa kaniyang bangs. Kahit na nabawasan nito ang kaniyang pagkaelegante, mas nagmukha naman siyang energetic at inosente sa bago niyang itsura. Bumagay nang husto sa kaniya ang light purple gown na kaniyang isinuot. Dito na siya nagsuot ng ilang mga simpleng alahas. Siguradong magugustuhan ng matatanda roon ang kaniyang suot. Pinlano niya kaninang maglagay ng kaunting perfume pero agad niyang naalala kung paano mapalayo si Benjamin sa mga babae. Maaaring ayaw nito ang amoy ng perfume kaya hindi siya nagspray nito. Nang isuot niya ang kaniyang high heels, tumingin nang maigi si Shirley sa salamin. Nagpakita ng ngiti ang kaniyang mga labi na nahaluan ng pagdadalamhati at hinanakit. Sa mga nakalipas na taon, inaayusan niya lang ang kaniyang sarili para kay Samuel. Ito ang unang pagkakataon… ang unang pagkakataon niya na magbihis at magayos para sa isang lalaki na hindi niya kilala. Wala na siyang oras para magpatumpik tumpik pa. Agad na inalis ni Shirley ang hinanakit at pagdadalamhati sa kaniyang isipan habang itinatago ang horoscope information sa kaniyang bag. Kinuha niya ang kaniyang regalo bago siya dali daling umalis sa tahanan ng mga Weiss. … Dahil para sa kaarawan ni Damian ang banquet na ito, maaga itong idinaos. Hindi pa lumulubog ang araw nang dumating ang mga ginang mula sa iba’t ibang mga pamilya sa manor ng mga Blackwood kasama ang kanilang mga anak. Nabalot ng sigla at ingay ang pangkaraniwang tahimik at walang lamang tahanan ng mga Blackwood. Umupo si Shirley sa loob ng sasakyan hanggang sa magsimulang maguwian ang mga tao. Dito na siya naglakad papasok nang pasimple. Ibinigay niya ang regalo at ang horoscope information bago niya pirmahan ang kaniyang pangalan sa guest list. Malaki at marangya ang villa ng pamilya Blackwood. Naging masigla rin ang hangin sa paligid ng malaki nitong hall. Isang magandang babae ang naroroon na tumugtog ng piano para ipakita ang kanyiang talento. Masyadong maganda at nakakadala ang naging performance nito. Nagusap usap naman ang mga tao sa labas ng hall. Umiwas si Shirley sa mga tao bago siya umupo sa isang tagong lokasyon. Hinintay niya na maganap ang tunay na “main event” ng okasyon. Samantala, nasa loob si Benjamin ng main building sa manor ng mga Blackwood. Nagdilim at nainis ang kaniyang mukha habang nagpapakalat ng panlalamig ang kaniyang aura sa paligid. Magsisimula na ang birthday banquet pero nagkukulong pa rin si Damian sa loob. Ayaw pa nitong lumabas sa kaniyang kuwarto. Nanginginig siyang hinikayat ng mga butler, “Damian? Damian, pakiusap, lumabas na po kayo sa inyong kuwarto…” Pero nanatili pa ring nakasara ang pinto ng kuwarto. “Ang mga susi po, Mr. Blackwood.” Dali daling dumating si Arthur dala ang mga susi. “Buksan mo ang pinto,” Nanlalamig na utos ni Benjamin. Pero nang maisuksok nila ang susi, isang malakas na ingay ang kanilang narinig mula sa loob. Agad na nagulat ang lahat ng nasa labas sa kanilang narinig. Agad na humarap ang family butler na si Arthur Whitlock kay Benjamin. Inulit ni Benjamin ang kaniyang sinabi gamit ang nagdidilim na tono ng kaniyang boses. “Buksan mo na ito.” Pinihit ni Arthur ang mga susi hanggang sa bumukas ang pinto. "Argh!" Sa pagkakataong ito, narinig nila ang pagkabasag ng isang bagay habang malakas na sumisigaw ang isang batang lalaki. Naglakad papasok si Benjamin at isang ilaw ang tumama sa ulo nito. Napapigil hininga ang mga butler sa kanilang mga puwesto. Pinanood nila ang pagsara ni Benjamin sa pinto sa kaniyang likuran. Iisa lang ang kanilang iniisip. Papaluin ba nang matindi ni Benjamin si Damian nang dahil sa ginawa nito? Dito na napatingin ang lahat kay Arthur. Kumunot ang noo ni Arthur, nakaramdam din siya ng pagkabahala sa nangyari. Sa loob ng kulay sea blue na kuwarto, nagtitigan sina Benjamin at Damian. Nanlamig nang husto ang itsura ng isa habang para namang isang nagwawalang halimaw ang mukha ng isa. “Halika rito.” Hakbang ni Benjamin paabante. “Ah!” napaatras si Damian habang nafufrustrate niyang sinisigawan si Benjamin na para bang ganito lang niya magagawang sabihin ang kaniyang gusto. Sa bawat hakbang na ginagawa ni Benjamin, nagsisigaw si Damian sa galit habang nagbabato ito ng iba’t ibang mga bagay kay Benjamin para palayuin ito sa kaniya. Ano ang ingay na iyon? Magisa lang si Shirley kaya malinaw niyang narinig ang ingay na nagmumula sa itaas. Itinaas niya ang kaniyang ulo papunta sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay. Mas naging malinaw ang tunog ng mga nababasag na bagay at ang pagsigaw ng isang bata kaya agad na napatayo si Shirley. Nang marinig niya ang huling pagsigaw nito, nakita ni Shirley ang isang imahe na umakyat sa mga guardrail ng balkonahe. Masyado itong naging mabilis. Damian? Nagkatinginan ang dalawa. Natigilan si Damian sa kaniyang kinaroroonan. Hindi ito inaasahang mangyari ni Shirley. Dali dali siyang tumakbo papunta sa ilalim ng balkonahe sa takot na baka mahulog si Damian. Gusto niyang sumigaw kay Damian na bumalik sa loob dahil masyado itong mapanganib. Pero bago pa man niya mabuksan ang kaniyang bibig, isang medyo pamilyar na boses ang kaniyang narinig. Nahaluan ito ng awtoridad na hindi makukwestiyon ng kahit na sino. “Bumaba ka riyan. Ano ba ang pinagmumulan ng tantrum mo ngayon?” Kahit na masyadong mabigat ang kaniyang mga sinabi, tumigil sa paglapit si Benjamin habang nababalot ng pagaalala ang malalim niyang mga mata. Humawak si Damian sa mga guardrail bago siya umupo roon. Maaari itong tumalon anumang sandali. Nagpapanic namang nanood mula sa ibaba si Shirley. “Huwag kang gagalaw! Dali—" “Bumaba ka. Huwag mong hayaan na ulitin ko pa ang mga sinasabi ko sa iyo!” Napatigil si Shirley ng seryosong boses na nagmumula sa loob ng villa. Nakaramdam siya ng galit sa tono ng bosesna iyon. Iniisip ba ni Benjamin na naguutos lang siya sa isa niyang tauhan? Hindi ba niya nakikitang nasa panganib ngayon si Damian? Puwede ba niya itong hikayatin sa maaayos na paraan nang kahit na kaunti? Tumitig ang mga mata ni Damian kay Shirley. Mahigpit na nagsara ang kaniyang mga labi na para bang sasabog ito sa pagiyak sa sandaling hindi niya ito mapigilan. Nagmukha siyang kaawa awa roon. Habang tinitingnan niya ang kaawa awang imahe ni Damian, hindi maiwasan ni Shirley na maisip na isa lang siyang outsider kaya wala siyang karapatan na mangialam sa buhay ng pamilyang ito. Nagalala siya na baka mabitawan ni Damian ang kaniyang hinahawakan at mahulog ito mula sa itaas. Pero pagkatapos nito, nakita niya ang isang malaking kamay na umabot at humatak kay Damian papasok. Hindi na nagkaroon ng sapat na oras si Shirley para makahinga nang maluwag nang makarinig siya ng malakas na sigaw mula sa itaas. Pinapalo ba talaga nito si Damian? Bigla niyang naalala ang hindi magandang reputasyon ni Benjamin kaya agad niyang naalala ang eksena ng pagtakbo ni Damian sa balkonahe para tumalon. At ngayon ay mukhang nagmumula na sa pamamalo nito kay Damian ang malalakas na sigaw ng bata. Wala na siyang oras para magisip pa. Malakas siyang sumigaw ng, “Benjamin! Bata lang iyan! Kausapin mo siya nang maayos! Huwag mo siyang paluin!” Sa isang hindi malamang dahilan, biglang tumigil ang pagsigaw ni Damian nang mabanggit niya ang mga salitang iyon. Dito na niya nakita ang isang mukha na magpapatingin sa kahit na sinong babae. Sa layo na ilang talampakan mula sa kaniya, malinaw niyang naramdaman ang lakas at panlalamig na nagmumula kay Benjamin. Naging kasing talas ng kutsilyo ang malalim niyang mga mat ana nagbigay sa kaniya ng kaunting takot. Sabagay, ito pa rin ang lalaking nakatayo sa tuktok ng Elderstone. Ilang segundo siya nitong tiningnan bago ito umalis. At pagkatapos, tuluyan nang tumigil sa pagsigaw si Damian. Seryoso namang tumawa si Benjamin na para bang nilalait niya si Shirley sa pangingialam nito sa kanilang buhay habang hindi ito marunong lumugar. Nakaramdam ng kaunting pagsisisi si Shirley sa kaniyang dibdib. Mukhang isa ngang pagkakamali ang pagkakaroon ng tiwala sa isang walang awa at walang emosyong lalaki na katulad nito. Lingid sa kaalaman ni Shirley na nagtantrums si Damian kay Benjamin nang dahil sa kaniya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.