Kabanata 11
“Wayne, huwag mong isipin na nanalo ka na,” sabi ni Shirley.
Para siyang nacorner na halimaw, nakahanda na siyang dalhin sa hukay kasama niya ang kaniyang kalaban.
“Makinig ka. Sisiguruhin ko na pagbabayaran mo ng iyong buhay ang iyong ginawa sa sandaling may mangyari na kahit ano kay Megan. Huwag mo akong subukan.”
Dito na siya tumalikod para umalis.
Siyempre, hinding hindi siya basta bastang papakawalan ni Bennet. Tumayo ito sa harapan ni Shirley para harangan ito sa kaniyang daraanan. “Shirley—"
Itinaas ni Shirley ang kaniyang kamay para sampalin si Bennet. Dito na tumindi ang panlalamig sa kaniyang mukha.
“Huwag mo akong tatawagin nang ganiyan.”
Napaatras at natigilan ng isang sandali si Bennett.
Narinig ng ilang mga bodyguard sa labas ang komosyon sa loob kaya agad silang sumugod papasok sa manor.
Mabilis na nahimasmasan si Bennett. Nang masampal siya ni Shirley, agad na nawala ang kabaitan sa kaniyang mukha. Tumitig siya rito habang sinasabi na, “Mukhang gusto mo ng pahirapan huh?”
Tumitig ang napakaraming galit na mata kay Shirley.
Kahit na maharap siya sa ganito katinding sitwasyon, hindi pa rin nakaramdam ng kahit na kaunting takot si Shirley. Mas naging matalas at namuhi pa ang kaniyang mga mata kaysa sa mga ito. “Kahit na bumasak ang ama ko, hindi ko hahayaang bumagsak ang pamilya Weiss. Nasa labas ngayon si Brook. Tingnan natin kung sino sa inyo ang maglalakas loob na humarang sa akin.”
Nang mawalan ng malay si Owen, humahawak pa rin sila ng kaunting kapangyarihan sa siyudad. Mayroon pa ring koneksyon ang pamilya Weiss. Kahit na hindi ganoon katindi ang presensya ng pamilya Gray sa Elderstone, wala pa ring makakapigil kay Shirley na magwala sa loob ng manor ng mga Clay.
Alam din ito ni Bennett kaya natatakot siya sa kung anong kayang gawin ni Shirley sa kanila.
Ilang sandaling natigilan ang dalawa sa kanilang kinatatayuan.
Kinalaunan, kinaway ni Wayne ang kaniyang kamay bago niya sabihing, “Hayaan niyo siyang makaalis.”
Kumalma nang kaunti ang tensyonadong itsura ni Shirley habang umaalis siya nang taas noo sa manor.
Nagdadalawang isip na tumingin si Bennett kay Wayne habang pinapanood niya itong umalis. “Hahayaan mo lang ba na umalis siya nang ganoon ganoon na lang?”
Nanlalamig namang tumawa si Wayne. “Matalas lang ang dila niya. Babalik iyan dito nang nakaluhod sa loob ng dalawang araw.”
Wala nang mapupuntahan ang pamilya Weiss nang dahil kay Wayne. Mayroon itong koneksyon sa kahit na sino sa Elderstone. Kaya kahit na humingi pa si Shirley ng tulong kay Samuel, hinding hindi siya nito matutulungan.”
Sabagay, nasa mga kamay na niya ngayon ang pamilya Weiss kaya bakit hindi niya muna hayaang magpumiglas si Shirley ng dalawa pang araw?
Habang pabalik, pinaputukan ang gulong ng sasakyan ni Brook ng isang shotgun. Muntik na siyang mawalan ng kontrol at mahulog sa isang tulay.
Alam ni Shirley na paraan ito ni Wayne para pagbantaan siya.
Tumingin si Brook sa sumabog na gulong habang nagsisindi siya ng sigarilyo, dito na siya sumandal sa luxury car. Humarap siya kay Shirley para sabihing, “Sumosobra na talaga si Wayne. Mukhang dapat ko nang…”
Dito na niya iginuhit ang kaniyang daliri sa kaniyang leeg.
Kumunot naman dito ang noo ni Shirley. “Gusto mo ba talagang tumira habangbuhay sa kulungan?”
Natahimik sa kaniyang narinig si Brook.
Malamig na umihip ang hangin noong gabing iyon. Tumitig si Shirley sa mga poste ng ilaw sa ibaba ng tulay. Tila nawawala na sa kaniyang iniisip ang kaniyang mga mata. Kung mayroon lang na taong makapagsasabi sa kaniya ng susunod niyang gagawin.
…
Nang makabalik siya sa ospital, hindi nagawang magsabi ng kahit na ano ni Shirley kay Rachel.
Hindi siya masyadong nakatulog noong gabing iyon.
…
Pagkatapos ng almusal kinabukasan, kinontact ni Shirley ang kapatid ni Brook na si Cecilia Gray. Tinanong niya kung nakatanggap ba ito ng imbitasyon mula sa mga Blackwood.
Gaya ng inaasahan, nakatanggap din si Cecila ng imbitasyon.
Tinanong siya ni Shirley kung ano ang dapat niyang ihanda para sa birthday banquet.
Sinabihan siya ni Cecila na dalhin ang kaniyang horoscope information bago ito magtanong ng, “Shirley, pupunta ka rin ba sa dating banquet ni Benjamin?”
Nagdilim dito ang paningin ni Shirley. Pinaalalahanan niya si Cecilia na, “Kailangan mong itago ang tungkol dito. Huwag mo itong sasabihin sa kahit na sino.”
Ito ang produkto ng buong magdamag niyang pagiisip.
Tama nga si Nina. Ang nagiisa niyang paraan para matapos ang mga problema ng pamilya Weiss ay ang paghahanap ng isang tao na makakapagpatahimik sa mga matatandang iyon sa kanilang kumpanya. Sa buong Elderstone, walang sinuman ang may kakayahang gumawa nito maliban kay Benjamin.
Pero nabagabag si Shirley sa isang bagay. Mula noong magdinner silang tatlo kagabi, mukhang hindi interesado sa kaniya si Benjamin. Sa totoo lang, hindi ito naging malapit sa kaniya.
Mabuti na lang at hindi lang siya ang pinakitaan nito ni Benjamin dahil malayo talaga ito sa mga babae. May mga kumalat ding mga usap usapan na hindi raw ito straight na lalaki.
Pero kahit na ganoon, hindi pa rin imposible ang kaniyang gagawin. Walang magagawa na mabuti sa kaniya ang pagooverthink.
Muling tumawag ang mga tao sa kanilang kumpanya para pagbantaan si Rachel. Nalalapit na itong bumigay. Nangako sa kaniya si Shirley na aayusin niya ang lahat sa loob ng isang araw.
…
Kinahapunan, nagpunta si Shirley sa mall para bumili ng regalo para kay Damian bago siya bumalik sa manor ng mga Weiss.
Hindi umuwi si Shirley mula noong mangyari ang insidenteng iyon. Hindi na niya makita ang kahit na anong bakas ng dekorasyon sa kanilang bahay na kaniyang iniwanan. Nagawa na itong itago ng kasambahay nilang si Jenny Adler.
Umakyat sa itaas si Shirley para buksan ang pinto. Walang kahit na anong nagalaw sa loob nito mula noong iwan niya ito noong nakaraang linggo.
Ayaw niyang hinahawakan ng kahit na sino ang kaniyang mga gamit kaya siya mismo ang naglilinis sa sarili niyang kuwarto. Makikita pa rin ang litrato nilang dalawa ni Samuel sa tabi ng kama at sa kaniyang table.
Nagdala lang ito ng matinding sakit sa puso ni Shirley na parang mga kutsilyong tumutusok sa kaniyang puso at pumupunit dito nang husto.
Namutla ang itsura ni Shirley habang dali dali siyang umaabante. Agad niyang itinapon ang lahat ng konektado kay Samuel sa kuwartong iyon.
Itinapon niya rin sa tabi ng basurahan ang mga pre wedding photo na nasa kaniyang kama.
Habang tinitingnan niya ang nakangiti niyang sarili sa litrato, dahan dahang nagsquat si Shirley. Humawak ang kaniyang kamay sa nakangiti niyang mukha habang dahan dahang napupunta ang kaniyang paningin sa mukha ni Samuel.
Umapaw na ang luha sa kaniyang mga mata.
Habang pabalik, nagtanong si Brook kay Shirley, “Shirley, kinamumuhian mo ba siya?”
Hindi niya ito sinagot.
At ngayon, hindi niya naiwasang tanungin ang kaniyang sarili kung kinamumuhian ba niya talaga si Samuel.
Siyempre naman. Ginamit siya nito ng anim na taon bago siya nito itapon sa tabi. Bakit hindi niya ito kamumuhian? Kung hindi siya nito mahal, bakit ito papayag na magpakasal sa kaniya? At ngayong umoo na siya, bakit kailangan niyang sirain ang kaniyang pangako?
Hindi malalagay sa posisyong ito ang pamilya Weiss kung hindi dahil sa kaniya.
Kailangan nang alugin ngayon ni Shirley ang kaniyang ulo para magisip ng paraan kung paano niya magagawang ikasal sa pamilya Blackwood. Magpapakasal siya sa isang tao na hindi niya kilala, isang demonyo na kinatatakutan ng lahat.
Bakit hindi niya ito kamumuhian?
Maaaring kinamumuhian na rin niya ang kaniyang sarili.
Responsable rin siya kung bakit nagkaganito ang pamilya Weiss. Bilang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Weiss, wala na siyang ibang ginawa kundi magpaspoil at gastusin ang yaman ng pamilya. Wala siyang kahit na anong naibigay sa kaniyang pamilya.
Kung nagawa niyang maging responsable sa kaniya imbes na isisi ang lahat kay Samuel, hindi sana malalagay sa ganito ang kaniyang pamilya.
Pero nahaharap na ang pamilya nila ngayon sa malaking problema. Wala pa ring malay si Owen at sumailalim naman sa ioperasyon si Rachel. Isa pa ring sanggol si Megan. Kaya bilang pinakamatandang anak ng pamilya Weiss, kailangang saluhin ni Shirley ang problema ng kanilang pamilya.
Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo si Shirley bago niya punasan ang kaniyang mga luha. Tinawag niya si Jenny bago niya ituro ang “basura” sa sahig. “Itapon mo ang lahat ng ito. Itapon mo rin ang lahat ng nasa bahay na ito na may kaugnayan kay Samuel.” Sabi niya.
Dali dali namang kumilos si Jenny.
Nang makita niya ang walang kalaman lamang kuwarto, hindi na ito nagkaroon ng kahit na anong bakas ni Samuel. Naramdaman ni Shirley na nawala ang malaking bahagi ng kaniyang buhay sa kaniya. Masyado itong masakit para sa kahit na sino.
Ilang taon na umikot ang kaniyang mundo kay Samuel. Si Samuel ang lahat para sa kaniya kaya masaya siya kung masaya ito, malungkot siya kung malungkot ito. Ito ang mundo niya.