Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

”Ano? May mabubuting tao bang nakakulong sa kulungan?” Sa sandaling bumagsak ang mga salita ni Catherine, niyuko ni Egbert ang kanyang ulo sa kahihiyan, pinipiling huwag magsalita ng anuman. Lalong nagdilim ang ekspresyon ni Randolph. Gayunpaman, nanatiling walang kibo si Perseus. Natutunan niyang tanggapin ang nangyari sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan. Ngayon, kumirot ang puso niya sa sakit para sa pagdurusa nina Egbert at Lindsay. Pagkatapos ng lahat, kinutya at minaliit sila ng iba dahil sa kanya. Paano sila namuhay sa nakalipas na tatlong taon? “Cath, hindi dating preso si Perseus. Kahit na oo, napatawad na siya ng bansa, di ba? Wala kang karapatan na punahin siya. “Iniisip mong nakakahiya maging pinsan niya, ano? Naaalala mo pa ba kung paano niya nalampasan ng isang milyong milya ang SAT scores mo noon?” Pagkatapos, huminga ng malalim si Randolph bago ipinahayag ang kanyang desisyon. “Kahit ano pa man ang nangyari, kailangan mong mag-ayos ng posisyon sa trabaho para kay Perseus. Mas gaganda ang pakiramdam natin kung mabibigyan mo siya ng tulong sa trabaho. At—” “Sige, sige! Tama na satsat! Oo na, tutulungan ko na siya, okay?” Naiinip na ikinaway ni Catherine ang kanyang kamay. Pagkatapos, sinabi niya kay Perseus, “Hintayin mo ako sa foyer bukas ng 8:00 ng umaga. Dadalhin kita sa kumpanya at aasikasuhin ko ang interview mo. “Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino na pinsan kita, okay? Sige na, abala ako, kaya paalam!” “Ugh! Napakabastos ni Cath!” Ungol ni Randolph, halo-halong galit at inis ang makikita sa mukha niya. Pagkatapos, binigyan niya ng mapait na ngiti sina Egbert at Perseus. “Huwag ninyong dibdibin ang inasta niya. Dahil pumayag na si Cath, tiyak na tutulungan niya si Perseus.” “Sige. Hindi na namin iistorbohin ang pahinga mo, kung ganoon. Aalis na kami.” Ngayong nakamit na ni Egbert ang kanyang layunin, naisip niyang oras na para umalis sila ni Perseus. “Gabriella, aalis na kami. Pasensya na kung naabala kita.” “Alam mo na palang nakakaistorbo ka, eh bakit pumupunta ka pa rin dito? Nananadya ka siguro! Hmph!” Matapos gamitin ni Gabriella ang kanyang sheet mask, pumunta siya sa banyo nang walang pakialam kung gaano kasungit ang ekspresyon ni Randolph. “Mag-iingat kayo sa pag-uwi, ha? May pera ka ba? Alam mo, pumara ka na lang ng taksi.” Habang nagsasalita si Randolph, inilabas niya ang kanyang wallet para mabigyan niya ng pera si Egbert. Ngunit mabilis siyang tinanggihan nito. Nang makapasok na sila sa elevator, sinabi ni Egbert, “Perseus, huwag mo sanang kamuhian ang tiyahin at pinsan mo. Normal lang na magkaroon sila ng mga opinyon tungkol sa atin. Tiyuhin mo ang tumutulong sa amin nitong mga nakalipas na ilang taon. Kahit sino ay kamumuhian kami kung patuloy namin silang guguluhin.” “Hindi ko sila kinamumuhian,” sagot ni Perseus habang umiiling. Hindi niya sinabi iyon para lang maging kampante si Egbert. Totoong hindi niya kinasusuklaman sina Gabriella at Catherine. Isang tao lang ang pinakaayaw niya—si Rochelle. “Mabuti.” Naningkit ang mga mata ni Egbert habang nakatingin kay Perseus. “Tandaan mong gumising ng maaga bukas para makapunta ka sa kumpanya kasama si Cath. Huwag ka nang mamili sa mga trabahong iaalok sa’yo. “Naniniwala ako na magtatagumpay ka sa career mo basta’t ibuhos mo ang puso at kaluluwa mo doon. Tumutok ka sa pagkikita ng mas maraming pera at pagpapakasal sa mabuting babae. Sa ganoong paraan, sa wakas ay makakapagpahinga na kami ng nanay mo.” “Naiintindihan ko, Dad. Uwi na tayo.” Sa kabila ng kanyang kalmadong tono, maski katiting ay hindi mahinahon ni Perseus. Naglakad na silang dalawa pauwi pagkatapos. Tulog na si Vincent nang makarating sa bahay sina Perseus at Egbert. Nais ni Perseus na magkaroon ng magandang mahabang usapan sa kanyang mga magulang, ngunit mabilis siyang sinabihan ni Lindsay na maligo sa sandaling nalaman nitong makakatrabaho niya si Catherine. Nang walang pagpipilian, magagawa lamang ni Perseus ang sinabi sa kanya. Habang nakahiga siya sa kanyang kama, iniisip niya ang kanyang mga plano para bukas. Napagdesisyunan niyang hanapin si Rochelle kapag tapos na siya sa panayam. Kailangang makipagtuos ni Perseus kahit anong mangyari. Hindi niya ito ginagawa para sa sarili niya. Ginagawa niya ito para kina Egbert at Lindsay, na kinailangang mamuhay nang may kahihiyan sa nakalipas na tatlong taon. Isa pa, papaanong nakatuluyan ng kupal na iyon, si Gilbert, si Rochelle? Bakit sila nagpakasal kaagad? Syempre, andiyan din ang alalahanin tungkol sa kapansanan ni Vincent. Ang mycotoxicosis ay mabagal na kumakalat na lason na may panlunas na halos imposible makuha ng sinuman. Upang makagawa ng panlunas, kailangan ni Perseus na makabuo ng paraan upang makakuha ng malaking hanay ng mga pambihirang halamang gamot. Namatay na sina Ethan at Olivia sa malagim na aksidente. Hindi dapat hayaan ni Perseus na may mangyari sa kanilang nag-iisang anak na lalaki. “Nakabalik na ako. Simula ngayon, hindi ko na hahayaan na may mang-api sa pamilya ko!” mariin niyang naisip. Hindi nagtagal, nakatulog nang mahimbing si Perseus. Nang maagang nagising si Perseus kinabukasan, hinatid na ni Lindsay si Vincent sa paaralan. Si Egbert ay nasa kalagitnaan ng pag-aasikaso para sa kanyang negosyo sa tindahan. “Bilisan mo at mag-almusal ka na. Kapag tapos ka na, dapat umalis ka kaagad ng bahay. Tandaan mo, dapat mong panatilihin ang iyong integridad bilang matapat na tao at magsikap sa anumang gagawin mo.” Pagkatapos noon ay umalis na ng bahay si Egbert. Mabilis na nag-almusal si Perseus. Pagkatapos, dumampot siya ng cinnamon roll sa mesa at kinain ito habang nagmamadaling lumabas ng bahay. Nang makarating siya sa apartment ni Randolph, saktong nakita niya si Catherine na papalabas pa lang ng elevator. Nakasuot ng tipikal na damit pangtrabaho si Catherine. Pinaresan niya ang collared blouse ng pencil skirt. Ang gray na pantyhose at pares ng high heels ang kumumpleto sa kanyang porma para sa araw na iyon. Pinabanguhan pa niya ang sarili niya. Sa kabuuan, mukhang elegante at maganda si Catherine. Ngunit nang mapansin niya si Perseus, bigla siyang sumimangot. Nang maalala ang plano ng nobyo na naisip nito kagabi, mabilis na lumuwag ang kulubot sa pagitan ng kanyang mga kilay. “Hi, Cath!” bati ni Perseus. “Huwag mo akong tawaging ganiyan, lalo na kapag nasa trabaho na tayo. Ayokong bumaba ang reputasyon ko.” Pagkatapos noon, naglakad si Catherine patungo sa isang Mercedes Benz-C, na nakaparada sa gilid ng kalsada. “Nga pala, sa likod ka uupo.” “Sige.” Hindi naman nagalit si Perseus. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok. Ang Mercedes Benz-C ay kilala bilang sikat na kotse para sa mga dalaga. Ang panloob na aesthetics ay kaaya-aya sa mata, ngunit bukod doon, ang iba pang specifications ng kotse ay karaniwan lang. “Cath, ito ba yung pinsan mong dating preso?” Ang lalaking nakaupo sa upuan ng drayber ay sumulyap sa rearview mirror na may panunuya sa mukha. “Tama na. Ibahin mo ang usapan.” Pagkatapos ay hinimok ni Catherine, “Bilisan mo at magmaneho. Kailangan ko pang makipagkita sa isang kliyente pagkahatid sa kanya sa kumpanya para sa interview niya.” “Huwag kang mag-alala, honey. Hindi ka male-late.” Tila nabiyayaan ng pilak na dila ang lalaki, dahil hindi nagtagal ay idinagdag niya, “Nga pala, ang ganda mo ngayon, honey.” Natigilan si Perseus sa sandaling iyon. Sa wakas ay napagtanto niya na ang lalaki ay nobyo ni Catherine. “Oh, bolero ka talaga! Sige, alis na tayo!” “Masusunod, aking reyna. Ikabit mo na ang seatbelt. Malapit nang umarangkada ang personal coach mo.” Humagikgik si Catherine mula sa harap. “Nga pala, dating preso—” Napakunot ng noo si Perseus sa palayaw. “Ang pangalan ko ay Perseus Caitford.” Hindi naman siya tulak-tulakan. Ang problema, halos hindi niya kilala ang boyfriend ni Catherine. Kung ipipilit nitong tawagin si Perseus na “Dating preso”, hindi ba’t nananadya itong mangutya at manlait? Sagot ng lalaki, “Ah, sige. Perseus. Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko. Ako si Raymond Miller, ang boyfriend ng pinsan mo. Pamilyang tayong lahat dito, ha? Kaya gusto kong bigyan ka ng payo. Kailangan mong tandaan ang sasabihin ko, okay?” Kinindatan ni Raymond si Catherine pagkatapos. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho habang sinabi niya, “Ang Quantum Innovations ay isang high-tech na kumpanya. Dahil wala kang degree o anumang karanasan sa trabaho, malamang na matatanggap ka bilang security guard. Baka bumagsak ka pa nga sa interview. “Kailangan mong ihanda ang isipan mo, okay? Kung tutuusin, nadungisan na ng nakakahiyang nakaraan mo ang pagkatao mo.” Quantum Innovations? Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi ba kabibigay lang kahapon ni Nancy ng kumpanyang iyon kay Perseus? Nagsimulang maging kawili-wili ang mga bagay. Naka-iskor siya ng panayam sa sarili niyang kumpanya. “Siya nga pala, managers lang kami ni Cath, kaya sana ay hindi mo maapektuhan yung career development namin sa kumpanya. “Mamaya, kailangan mong maunang bumaba sa amin at mag-isa kang maglakad papunta sa kumpanya. Naiintindihan mo?” “Sige, walang problema.” Hindi naman nagalit si Perseus. Ang ayaw niya lang ay pakinggan ang mag-nobyong nakikipagharutan sa isa’t-isa sa kotse. Partikular na si Raymond, na umaasta na parang fanboy na nahumaling ng pag-ibig. Ramdam na ramdam ni Perseus ang pagtaas ng mga balahibo sa kanyang balat sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa pambobola ni Raymond. “Perseus, huwag mo akong sisihin dito. Ganyan kalupit ang realidad. Kung tutuusin, nakakahiya talaga ang nakaraang karanasan mo.” Maaaring napagtanto ni Catherine na sa pagkakataong ito ay sumobra nga siya. Parang wala naman siyang puso na panoorin si Perseus na magdusa. “Ayos lang. Bababa na ako ng sasakyan. Ingat kayo.” Nang bumagal ang takbo ng sasakyan ay bumaba kaagad si Perseus sa sasakyan at umalis.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.