Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

”Egbert, Perseus, ‘wag mo siyang pansinin. Pasok ka.” Binigyan ni Randolph si Gabriella ng madilim na sulyap bago niyaya sina Perseus at Egbert sa loob ng bahay. “Perseus, kape gusto mo? Titimplahan kita.” “Salamat, Tito Randolph. Tama na ang tubig.” Ngumiti nang bahagyasi Perseus. Malinaw na hindi niya dinibdib ang mga sinabi ni Gabriella. Nang lingunin niya ang apartment ni Randolph, naramdaman niyang parang may tumusok sa puso niya. Si Randolph at ang kanyang pamilya ay napakayaman, bilang panimula. Nakatira sila sa magarbong apartment na mahigit 2,000 square feet ang haba. Ang silid-kainan ng apartment ay mas malaki kaysa sa sala sa tahanan ng mga Caitford. Sa katunayan, ang rosewood coffee table sa sala ay mas mahal kaysa sa lahat ng mga pinagsamang kasangkapan sa tahanan ng mga Caitford. Tatlong taon na ang nakalilipas, mas malala ang kalagayang pinansyal ni Randolph kaysa kay Egbert. Noon, pinapatakbo pa rin ng pamilya ni Egbert ang Caitford Clinic. Sina Ethan at Olivia ay may kani-kaniyang mga trabahong may mataas na suweldo bilang mga senior executive sa mga kilalang kumpanya. Para naman kay Perseus, siya ang huwaran na naging valedictorian taun-taon. Pagkalipas ng tatlong taon, nakalabas siya sa kulungan, para lamang makita na ang lahat ay ganap na nagbago. “Randy, hindi kami nandito dahil gusto naming manghiram ng pera.” Mukhang naiilang at kinakabahan si Egbert. Kahit nasa apartment siya ng kuya niya, naglakas-loob lang siyang umupo sa kalahati lang ng couch. Mukha siyang sobrang mapagkumbaba at nakakaawa ngayon. “Anong pinagsasabi mo, Egbert? Kahit nandito ka para manghiram ng pera sa akin, wala namang masama doon! Ako pa rin ang masusunod sa pamilyang ito!” Nang matapos magsalita si Randolph, nilingon niya si Gabriella, na nasa kalagitnaan ng paglalagay ng sheet mask sa mukha. “Oo na, oo na. Whatever. Ang galing mo talaga, Randolph. Ikaw lang ang may kaya sa pamilyang ito. Kaya ikaw lang ang pwedeng masunod,” pangungutya ni Gabriella. “Ikaw–” Mabilis na pinigilan ni Egbert si Randolph, na tatayo na sana. “Randy, pakisuap, ‘wag kang magalit kay Gabriella. Totoo naman na sobra-sobra na ang gulo na idinulot namin sa’yo sa nakalipas na tatlong taon. “Pumunta lang kami dito para bisitahin kayo ni Gabriella. Kauuwi lang din naman ni Perseus sa amin eh.” “Tama,” sumingit si Perseus. “Tito Randolph, Tita Gabriella, salamat sa pag-aalaga ninyo sa pamilya ko sa nakalipas na tatlong taon. Lagi kong tatandaan ang mga bagay na ginawa ninyo para sa amin. Pangako, babayaran ko kayo sa hinaharap.” Ayos lang kay Perseus sa mapahiya siya ng iba, ngunit hindi niya maaaring hayaan ang kanyang mga magulang na tiisin ang parehong pagtrato dahil sa kanya. Nawala sa kanya ang lahat tatlong taon na ang nakakaraan. Ngayon, nanumpa siyang babawiin niya ang lahat ng nawala sa kanya. Bilang panimula, ayaw niyang mababa ang tingin kina Egbert at Lindsay ng iba dahil sa kanya. “Ayos! Nakakatuwang makitang ganito ang pag-iisip mo, Perseus. Alam kong palagi kang mapagmataas at ambisyosong tao mula pa noong bata ka—” “Mapagmataas at ambisyoso? Anong dapat ang ipagmalaki sa pagiging dating preso? Pssh!” Mapanuksong putol ni Gabriella bago matapos ni Randolph ang kanyang mga pangungusap. “Pwede bang tumahimik ka na lang? Anong masama sa pagiging dating preso, ha? Kahit dating preso si Perseus, pamangkin ko pa rin siya!” Asar na asar na talaga si Randolph sa asawa niya ngayon. “Maghugas ka at maghiwa ng prutas para sa mga bisita natin! Marunong ka bang tumanggap ng bisita? Hindi mo ba nakikita na nandito ang kapatid ko at ang anak niya?” “Abala ako sa sheet mask ko.” Nanatiling nakaupo si Gabrielle na nakapatong ang binti sa isa. Walang humpay niyang tinapik-tapik ang kanyang mga pisngi para mas dumikit ang sheet mask. Natural na wala siyang planong tumayo. “Ikaw…” Sa sobrang galit ni Randolph ay may lumabas na ugat sa kanyang noo. Mabilis siyang pinigilan ni Egbert nang siya na mismo ang maghahanda ng prutas. “Hindi na kailangan pang istorbohin si Gabriella. Mag-usap na lang tayo dito.” Galit pa rin si Randolph. Dahil wala siyang magawa kay Gabriella, maaari lamang niya itong titigan. Ang totoo, si Randolph ay isang matrilocal son-in-law. Ang kanyang kahalagahan sa pamilya ni Gabriella ay nagsimula lamang tumaas noong nakaraang dalawang taon. Ang kanyang mga in-laws ay ang nag-asikaso ng kanyang kasalukuyang posisyon sa trabaho para sa kanya. Ang apartment na tinitirhan nila ng kanyang pamilya ngayon ay isang regalo na natanggap ni Gabriella mula sa sariling pamilya. Hindi nakakalimutan ni Randolph ang kanyang pinagmulan. “Sa totoo lang, Randy, hindi nakulong si Perseus dahil sa kanyang mga krimen. Natutunan niya kung paano gamutin ang mga sakit mula sa kanyang mentor, at inilapat niya ang kanyang kaalaman sa medisina sa mga preso roon.” Naramdaman ni Egbert na ayos lang kung siya ang inaagabrayado. Kahit anong mangyari, kailangan niyang linisin ang pangalan ni Perseus sa harap ng iba. Ang balita tungkol sa hindi pagkakakulong ni Perseus sa likod ng mga rehas bilang isang preso ang pinakamagagandang balita na natanggap niya sa nakalipas na tatlong taon. “Hindi talaga siya napunta sa kulungan? Magandang balita ‘yan!” Nang marinig ni Randolph ang balita, natuwa rin siya para kay Perseus. “Nandito ka ba para bisitahin ang pamilya, Perseus? O dito ka na ulit mananatili?” tanong niya habang nakangiti kay Perseus. “Hindi na ako aalis kailanman,” matapat na sagot ni Perseus. “Nagdulot ako ng labis na pag-aalala sa mga magulang ko nitong nakaraang tatlong taon. Kailangan kong manatili sa tabi nila para alagaan sila ni Vincent.” “Mabuti! Ganyan nga dapat!” Lalong natuwa si Randolph. “Ang mga magulang mo ay nakaranas ng... Naku. Nasa nakaraan na iyon. Huwag na nating ungkatin pa. Dapat ay mas magsumikap ka sa hinaharap. Ah, nga pala, nakahanap ka na ba ng trabaho?” Umiling si Perseus. “Hindi pa.” “Randy, pumunta kami dito para umasang makakahingi kami ng pabor kay Cath. Manager siya sa kumpanya niya, tama? Gusto namin malaman kung pwede niyang mabigyan ng trabaho si Perseus. “Ang kaso kasi, hindi niya makuha ang kanyang medical degree. Bukod pa doon, napatalsik pa siya sa ospital pagkatapos makipag-away. Kaya naman...” Si Egbert ay tumingin kay Randolph na nagmamakaawa, nakaukit na ngayon sa kanyang mukha ang pagsusumamo. Dumugo ang puso ni Perseus sa nakita. Kahit na si Egbert ay nagmamakaawa kay Randolph, ang kanyang sariling kapatid, para sa tulong, talagang hindi nais ni Perseus na makita ito sa ganoong kalunus-lunos na posisyon. “Hindi ‘yon problema—” “Hmph! Sabi na nga ba! Laging may dahilan kung bakit sila pumupunta rito! Manghihiram sila ng pera o may hihingiin na pabor! Sila talaga ang mga linta ng pamilya natin!” Ginamit ni Gabriella ang pagkakataon para kutyain muli si Egbert. “Buksan mo pa ulit ‘yang bibig mo, sige! Bubugbugin na talaga kita sa pagkakataong ito!” Umikot si Randolph para titigan si Gabriella nang galit na galit. Mabilis na tumahimik ang babae pagkatapos. “Pamilya tayong lahat dito! Lahat ay may dinadanas sa buhay! Ano bang masama sa pakikipagtulungan sa isa’t-isa, ha? Binabalaan na kita ngayon—” “Randy, kalimutan mo na lang pala siguro iyon. Huwag mo sanang wasakin ang kapayapaan ng pamilya mo dahil sa amin.” Dahil doon, nagsimulang umalis si Egbert kasama si Perseus. “Egbert, pumayag na ako sa hiling mo, diba? Kailangan kitang tulungan anuman ang mangyari! Maghintay kayo dito saglit habang sasabihan ko si Cath na pumunta rito. Sa tingin ko ay tapos na siyang maligo ngayon.” Ngayong nakumbinsi na niya sina Perseus at Egbert na manatili, kumilos si Randolph para kumatok sa pinto ng silid. “Cath, pwede ka bang lumabas saglit? Kailangan ko ng tulong mo. Bilisan mo.” “Ano iyon, Dad? Marami akong gagawin.” Maya-maya, bumukas ang pinto mula sa loob. Bumagsak ang panghahamak sa mga mata ni Catherine Rowse nang mapansin niya ang dalawang bisita sa apartment. “Ano ba? Sabihin mo na,” naiinip niyang sabi. Madilim na ngayon ang kanyang ekspresyon, puna ni Randolph, “Bakti ganiyan ka sumagot, Cath? Bakit hindi mo binabati ang tito mo? Naaalala mo pa ba ang kagandahang-asal mo?” “Hello, Tito Egbert.” “Pasensya na kung naistorbo kita habang nagtratrabaho ka, Cath.” Nanatiling mapagpakumbaba si Egbert at nanatiling mapakumbaba ang ngiti kahit si Catherine ang kausap na pamangkin naman niya. “Sabihin mo na sa’kin ang gusto mo. Abala akong tao.” Nagsuot si Catherine ng masamang tingin na humahalintulad ng kay Gabriella. Humalukipkip siya sa harap ng dibdib habang naiinip na nakasandal sa pinto. Gaano man kagalit si Randolph, alam niyang hindi ito ang oras para ipakita iyon. Paliwanag niya, “Kakalabas lang ni Perseus sa kulungan, pero medyo hindi komportable para sa kanya na maghanap ng trabaho sa oras na ito. Dahil manager ka sa kumpanya mo, nagbabakasakali akong makakakuha ka ng posisyon sa trabaho para sa kanya. “ Ayaw ni Catherine, halata naman. “Dad, dating preso si Perseus! Hindi pwedeng bigyan ko lang siya ng trabaho nang basta-basta! Paano kung maapektuhan ang reputasyon ko, ha?” “Tumigil ka sa mga kalokohan mo! Si Perseus ay hindi napunta sa kulungan; ginamot niya ang mga maysakit at sugatang mga bilanggo doon noong wala siya! Tinutubos niya ang kanyang mga krimen sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti para sa mundong ito! Hindi siya dating preso!” “Buweno, meron bang mabubuting tao sa bilangguan?” Napabalikwas si Catherine, nakakurba na ang kanyang mga labi sa mapanuksong ngiti.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.