Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 10

”Engot iyon! Akala ba talaga ng dating preso na iyon ay makakahanap siya ng trabaho? Pfft!” Malakas na nagmura si Raymond habang nakatingin kay Perseus sa rearview mirror. “Tama na ‘yan. Tumahimik ka na lang at iwan mo na siya doon. Walang katapusan ang nararamdaman kong inis kapag tinitingnan ko siya.” Nakasuot din si Catherine ng masamang tingin. Hindi niya kailanman nagustuhan si Perseus noon. Nang malaman niya ang tungkol sa pagkakakulong nito, tuwang-tuwa siya kaya naisipan niyang ipagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng mga paputok. Pagkatapos ng lahat, ang Perseus mula sa tatlong taon na ang nakakaraan ay napakahusay. Siya ay may kahanga-hangang mga marka at paboritong estudyante ng bawat guro. Hindi lang iyon, siya rin ang anak na hinahangad ng lahat sa lugar. Dating binabanggit ni Randolph si Perseus para ikumpara siya kay Catherine tuwing bakasyon. Dahil doon, lalo pang nagalit si Catherine kay Perseus. Ngayon, si Perseus ay wala na lang kundi dating preso. Kinailangan pa nga niya ang tulong ni Catherine sa pagkuha ng trabaho. Anong silbi ng pagkakaroon ng magagandang marka? “Huwag kang mag-alala. Naipasa ko na yung mensahe sa mga nasa kumpanya. Sisiguraduhin kong mapapatalsik siya kaagad. “Totoo na magiging masakit sa mata ang presenya niya sa kumpanya. Napapaisip tuloy ako kung sinadya ng tatay mo na ipasok siya diyan para mamanman niya tayo.” Sumilay ang galit sa mga mata ni Raymond sa sandaling iyon. “Old school ang tatay ko kaya dapat ayusin mo ang pag-uugali mo. Ah, dadalo ka pala sa family gathering na magaganap ngayong Linggo. Tandaan mong maghanda ka ng ilang mga regalo. Huwag mong bigyan ng tsansa ang tatay ko na punahin ang mga kahinaan mo.” “Naiintindihan ko.” May ngiti sa mukha ni Raymond, pero sa totoo lang, hindi talaga siya masaya. Medyo mababa ang kanyang buwanang suweldo. Wala na siyang masyadong pera matapos lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. … Pagkababa ni Perseus sa sasakyan, nakita niya ang maliit na convenience store sa malapit. Huminto siya para bumili ng isang pakete ng sigarilyo bago dahan-dahang tumungo sa Quantum Innovations. Pagkalipas ng mga 20 minuto, sa wakas ay nakita niya ang Quantum Innovations. Ang Quantum Innovations ay hindi malaking kumpanya. Ito ay maliit na kumpanya lamang na nakatuon sa pananaliksik. Ang netong halaga nito ay 200 milyong dolyar, na may halos ilang daang aktibong empleyado na nagpapatakbo sa mga operasyon. Gayunpaman, ang Quantum Innovations ay nagmula sa malakas na background. Ang Neptuna ay isang lungsod kung saan ang lupa ay kasinghalaga ng pera mismo, ngunit ang Quantum Innovations ay nagmamay-ari ng isang gusali na matatagpuan sa Ringed Street. Ang gusali mismo ay umaabot ng hindi bababa sa 13 ektarya. Hindi pinigilan ng security guard si Perseus na pumasok sa gusali. Matapos sabihin sa kanya ni Perseus ang tungkol sa kanyang layunin, pinayagan siya ng guwardiya na magparehistro sa counter bago siya pinapasok. Matapos tanungin ni Perseus ang isa sa magagandang receptionist tungkol sa lokasyon ng panayam, tumungo siya kaagad sa ikatlong palapag. May isa pang taong iniinterbyu sa sandaling iyon. Humigit-kumulang 20 minuto ang hinintay ni Perseus bago siya pumasok sa silid. Ang HR manager ay isang 40 taong gulang na lalaki na nagngangalang Dean Orcall. “Anong pangalan mo?” Hinaplos ni Dean ang tumpok ng mga résumé sa kanyang mesa nang hindi nag-abala na tumingin kay Perseus. Maaaring maliit na kumpanya ang Quantum Innovations, ngunit napakahusay nito sa pagsasaliksik ng mga bagong teknolohiya. Sinimulan na nitong ipakita ang aktwal na potensyal nito sa industriya ng teknolohiya. Maraming departamento ang nangangailangan ng bagong salang. Bilang tagapamahala ng HR, labis na konsumisyon ang idinudulot kay Dean sa pagkuha ng mga bagong empleyado. “Perseus Caitford.” Umupo si Perseus sa tapat ni Dean habang pinananatili ang kanyang neutral na ekspresyon. “Hmm? Perseus Caitford?” Halatang natigilan si Dean saglit. Itinaas niya ang kanyang ulo upang tingnan si Perseus, napansin ang matatalas na katangian at buzzcut ng lalaki. Sa unang tingin, mukhang disenteng tao si Perseus. Pero nanlamig ang ekspresyon ni Dean nang maalala ang utos ni Raymond. “Oo. Ang pangalan ko ay Perseus Caitford,” muling sabi ni Perseus. “Oh.” Bahagyang iniling ni Dean ang kanyang ulo. “Bakit hindi ko mahanap ang resume mo?” “Wala pa akong oras para makagawa ng isa.” Iyon ay napakatalinong dahilan para umarte si Dean. Inihagis niya ang kanyang panulat sa mesa na may malakas na kalabog, ang kanyang ekspresyon ngayon ay dumadagundong. “Bakit ka naghahanap ng trabaho nang walang résumé? Nakikipaglokohan ka ba sa’kin?” “Bakit hindi mo na lang muna ako tanungin ngayon? Sisiguraduhin kong makakapagpasa ako ng résumé mamaya. Pwede ba iyon?” Bahagyang kumunot ang noo ni Perseus, ngunit hindi siya nagalit kay Dean. Nagkaroon nga siya ng pagkakataong makakuha ng panayam nang hindi dumadaan sa nararapat na paraan, kaya kasalanan niya ang hindi paghahanda ng sarili niyang résumé nang maaga. “Sige. Saang university ka nagtapos? Ano na ang working experience mo?” Humalukipkip si Dean sa harap ng kanyang dibdib habang nakakunot ang noo. Nakita niya kanina ang WhatsApp message ni Raymond sa kanya, kung saan niya nalaman ang pagiging dating preso ni Perseus. Nag-isip si Perseus ng ilang segundo bago nagsabi ng totoo, “Meron lang akong diploma sa high school. Hindi pa ako nakapagtapos sa kolehiyo, at wala akong karanasan sa pagtatrabaho.” Tatlong taon na ang nakalilipas, itinapon siya sa kulungan nang magsimula siya sa kanyang internship. Parehong pinatalsik siya ng unibersidad at ng ospital pagkaraan ng ilang sandali. Siyempre, hindi siya nakatamo ng anumang karanasan sa pagtatrabaho. “Ngunit meron kang tatlong taon na karanasan bilang dating preso, tama ba?” Panunuya ni Dean. “Sabihin mo sa akin, bakit ka kinulong? May ninakawan ka bang bahay o tao?” “Paano mo nalaman ‘yon?” Likas na tanong ni Perseus. Saka lang may pumasok na ideya sa kanyang isipan. Si Catherine o Raymond ay ang naglahad ng kanyang nakaraan kay Dean. Tila hindi sinsero si Catherine sa pagtutulong sa kanyang makahanap ng trabaho. Ang palaisipang si Perseus ay talagang aapihin ng taong mas mababa sa kanya... Ang isang tao ay kailangang mabigo sa buhay upang makita ang tunay na kulay ng mga tao sa kanilang paligid. Sa wakas ay natutunan ni Perseus ang leksiyon sa buhay na ito sa mismong sandaling ito. Alam ni Dean na nagkamali siya sa pagsasalita, ngunit wala siyang pakialam. “Hindi na mahalaga kung paano ko nalalaman ang tungkol doon. Sa ngalan ng Quantum Innovations, ipapaliwanag ko sa’yo na hindi namin kailangan ang mga dating preso para sumali sa organisasyon. Doon ang daan palabas. Maaari ka nang umalis ngayon.” Dahan-dahang tumayo si Perseus, ang kanyang magagandang mata ay mariing nakadikit sa mukha ni Dean. “Naiintindihan ko ang dahilan kung bakit ako bumagsak sa interview, pero hindi ikaw ang magdidikta kung dating preso ako o hindi. Kasabay nito, wala kang karapatang kumatawan sa Quantum Innovations.” “Oh?” Natuwa si Dean habang nakataas ang isang kilay. “Sa tingin mo kaya mong pumalag, kupal?” “Hindi ako pumapalag. Sinasabi ko lang ang totoo. Anong karapatan mong kumatawan sa Quantum Innovations? Karapat-dapat ba sa’yo iyon?” Nagpasya si Perseus na huwag nang sikmurain ang pambabastos ni Dean. Iilan na ang tumatawag sa kanya na dating preso mula nang bumalik siya kahapon. Una sa lahat, si Perseus ay hindi dating preso. Pangalawa sa lahat, kahit isa man siya, ibig bang sabihin niyon ay lahat ng dating preso ay masasamang tao? Hindi! May preso na nanatili sa Thistle Isle Prison. Siya ang King of Soldiers, isang indibidwal na minsang tinawid ang hangganan upang patayin ang kanyang mga kaaway. Dahil dito, dinala siya sa korte ng militar para sa kanyang mga krimen. Pagkatapos ng lahat, pumaslang siya. Ngunit tinuring siya maraming taong naninirahan sa Thistle Isle Prison bilang pambansang bayani. Unti-unting nababawasan ang pasensya ni Perseus sa tuwing may tatawag sa kanya na dating preso. Ngayon, hindi na niya nakayanan. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili. “Kung hindi ako karapat-dapat, sino sa tingin mo ang talagang karapat-dapat? Ikaw? Umalis ka na dito ngayon din, ‘na mong dating preso!” Hinampas ni Dean ang kamay niya sa mesa niya. Bulalas niya, “Kung hindi ka aalis ngayon, ipapatapon kita sa mga security guard na parang basura!” “Hah! Gusto mong umalis ako?” Sa halip na umalis, umupo si Perseus nang maluwag bago bumunot ng sigarilyong Camel at sinindihan ito. Mayabang pa niyang pinagkrus ang isang binti sa kabila. “Heh! Mahangin ka pa ngayon, eh? Sinabi kong umalis ka na, pero umupo ka pa para lang makalaban ka! Sige! Maghintay ka lang!” Dinukot ni Dean ang telepono niya at may tinawagan kaagad. Hindi siya sigurado kung bakit nauwi si Perseus sa kulungan noong una. Nakakahiya para sa kanya kung susubukan niyang bugbugin si Perseus at sa halip ay siya naman ang mapuruhan. Kaya naman nagpasya siyang magpatawag ng mas maraming tao sa opisina para masiguro ang kanyang pagkapanalo. “Narito ang isang payo; tawagan mo si Charles Stout at tanungin mo siya kung meron siyang lakas ng loob na palayasin ako,” kaswal na sabi ni Perseus. Dahil sa sinabi niya, nabigla si Dean. Ibinaba niya agad ang telepono niya bago nalilitong lumingon para tingnan si Perseus. “Kilala mo si Mr. Stout?” Si Charles ang nagtatag at CEO ng Quantum Innovations. Talagang siya ang imahe ng kumpanya. Kilala ba ni Perseus si Charles? “Maaaring hindi ko siya kilala, ngunit tiyak na kilala niya ako,” astig na sabi ni Perseus. “Sige, sige. Magpanggap ka lang.” Akala ni Dean ay sinusubukan lang siyang takutin ni Perseus. Papaanong personal na makikilala ng isang dating preso si Charles? Ang katotohanan na binigkas ni Perseus ang buong pangalan ni Charles ay hindi nakakagulat. Maaaring madaling malaman ng sinuman ang tungkol sa pangalan ni Charles sa Internet. At saka, inimbestigahan na ni Raymond nang maigi ang pinagmulan ni Perseus. Hindi iyon magsisinungaling kay Dean. Kaya naman sigurado si Dean na tama ang kanyang haka-haka. “Hmph! Akala mo talaga maniniwala ako sa’yo? Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Kusa ka bang aalis o hindi?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.