Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

“Magiging ayos lang ba ang tatay niya?” Mabait na tanong ni Mira. “Wag kang mag-alala, magiging ayos din siya pagkatapos ng sampung minuto,” nakangiting sabi ni Cyrus. Kadalasan, iiwan ni Cyrus si Mira sa gate, pero ngayon, matapang siyang naglakad papasok ng klase habang hawak si Mira sa mga bisig niya. Isa itong deklarasyon sa mga kaklase ni Mira—muka ngayon, may tatay na si Mira, at walang pwedeng mang-api sa kanya. Nagsalita ang guro ni Mira na halatang kabado, “Tinawagan ko na ang nanay ni Mira. Umalis ka na kaagad at wag ka nang gumawa pa ng gulo. Ang tita ni Victor ang nagpapatakbo sa kindergarten na'to.” Seryosong sumagot si Cyrus, “Kahit na ang nanay niya pa ang nagpapatakbo nito, walang pwedeng manakit sa ulo ng anak ko.” “Hmph, hindi mo ba alam ang kinalalagyan mo? Ang lakas ng loob mong banggain ang mga magulang ni Victor. Gusto kang papuntahin ng principal sa opisina niya para kumpletuhin ang withdrawal procedure,” namumuhing sabi ng guro. Ang totoo, namomroblema siya sa koneksyon ni Mira. Kung hindi sa pakiusap ni Zoey at sa dagdag na tatlong libong dolyar para sa espesyal na pagaalaga, hindi tatanggapin ng principal si Mira. Sumugod si Zoey sa school nang punong-puno ng pag-aalala at pagsisisi. Hindi kagaya ng ibang bata, ilang beses na tinanggihan si Mira sa mga kindergarten. Kahit na ganun, determinado si Zoey na bigyan siya ng saya sa huling mga araw niya. “Ah, Zoey, ang tanga mo talaga. Bakit mo hinayaan si Cyrus na ihatid siya? Di ba nangako ka na di mo na siya pagkakatiwalaan?” Sa opisina ng prinsipal, galit na tinuro ng mga magulang ni Victor si Cyrus. “Walang kwentang basura. Akala mo ba may ibang tatanggap sa anak mo? Kaya mo bang lumipat sa mas mahal na kindergarten? May kotse ka ba para sunduin siya?” “Dana, paluhurin mo siya at pahingiin ng tawad, o palayasin mo sina Cyrus at Mira,” sabi ni Arthur. Habang pinaglalaruan ang pen niya, ngumisi ang prinsipal na si Dana Hudson, “Dalawang taon nang nandito si Mira. Lumitaw ba ang tatay niya kahit isang beses? Ngayon, nangahas siyang manakit ng bata. Kaya pala minamata ka ng asawa mo. Ayaw kong magsayang ng oras sa'yo. Kausapin natin si Zoey pagdating niya. Hindi nagalit si Cyrus. Ngumiti lang siya at nagsabing, “Sa tingin ko hindi ko aalisin si Mira sa school ngayon.” “Pwede mong subukan,” ngumisi si Dana. Hindi sila pinansin ni Cyrus. Komportable siyang umupo, tinanggal ang SIM card sa phone niya, at lumipat sa isa pa. Nagpadala siya ng mensahe: “Ito ang young lord ng Hippocrates Sect. Gusto kong humingi ng pabor para sa pagligtas sa buhay ng apo mo.” Agad-agad, may sumagot sa kanya nang gulat na gulat: “Grand Doctor, buhay ka pa?” “Wag kang masyadong magtanong. Sundin mo lang ang utos ko…” Pagkatapos ipadala ang mensahe, ibinalik ni Cyrus ang SIM card sa wallet niya. Mabilis na dumating si Zoey na hinihingal at pinagpapawisan. Basa ng pawis ang maganda niyang mukha. Nang narinig niya ang tungkol sa insidente kay Victor, hindi niya direktang sinisi si Cyrus at nagpaliwanag, “Principal, naireport ko na ang bagay na'to sa guro niya nang maraming beses. May sakit si Mira…” “May sakit siya. Bakit di mo siya pinadala sa ibang kindergarten? May punto ka pa bang kailangang patunayan?” “Pero nagbayad ako ng labindalawang libo para sa tuition niya. Hindi ba pwedeng kahit patapusin lang ang semester na'to?” “Sinampal mo ang pamangkin ko. Hindi ba kailangan mong magbayad? Isipin mong medical expenses na lang ang natitirang pera.” "Bakit napakalupit mo?" Naging balisa si Zoey. Inutang niya ang tuition sa tatay niya dahil nahihirapan na sila sa pera. Tinitigan ng tatay ni Victor si Zoey. Mukhang nakalimutan na niya ang galit niya. Hindi niya inaasahang makakatagpo siya ng ganito kagandang ina sa klase ng anak niya. Nakita ng glamorosang babaeng si Judy Adams, ang nanay ni Victor, ang reaksyon ng asawa niya at nakaramdam ng selos at pagkadismaya. Ang sabi niya, "Kailangan ba nating mangatwiran sa isang mahirap na tulad mo? Hindi sapat ang ilang libong dolyar. Hindi mo ito maiaayos nang walang isandaang libong dolyar." Malamang ay hindi naiintindihan ng dating Cyrus ang kawalan ng hustisya at sama ng loob na nadadala ng kawalanghiyaan ng isang lalaki sa asawa't anak niya. Sa paglipas ng mga taon, tanging ang mabait na puso ni Zoey ang pumipigil sa kanya na magwala sa galit. Kahit ang isang tunay na ina ay hindi kayang makatiis kagaya ni Zoey. "Kung magpapatuloy ka sa ganito, magrereklamo ako," galit na sagot ni Zoey. "Nagmamay-ari ako ng higit isang dosenang kindergarten sa Jorsproburgh, na may investments na umaabot sa isang bilyon. Sa palagay mo ba ay magkakaroon ng pagbabago ang paghahain mo ng reklamo?" masiglang sagot ni Dana. "Gusto mo ba kaming hamunin? Isang salita lang at hindi na makakapag-aral habambuhay ang Mira mo," singhal ni Judy. Tumayo si Cyrus, tinitigan si Dana at sinabing, "Sa tingin ko hindi ka nababagay na magpatakbo ng kindergarten. Mas maganda kung isara mo na lang yan." "Sino ka sa tingin mo? Wala kang bilang. Security, palayasin mo silang lahat!" Lumapit kina Cyrus at Mira ang dalawang security guard na armado ng mga batuta. "Umalis ka na. Huwag kang gumawa ng eksena sa harapan ng mga bata," sabi ng isa sa kanila. Sa pagkakataong iyon, tumunog ang telepono ni Dana. "Hello, Mr. Wills. Bakit mo ako tinatawag ngayon?" "May estudyante ka bang nagngangalang Mira?" "Oo, ano ang problema?" "May balak ka bang paalisin siya?" Saglit na nag-alinlangan si Dana at natawa, "May nagrereklamo ba sa atin? Maliit na bagay lang to. Hindi mo kailangang mag-alala. Paano kung mag-karaoke tayo mamayang gabi?” "Karaoke? Wag kang magbiro. Humingi ka kaagad ng tawad sa mga magulang, kung hindi, ipapasara ko lahat ng kindergarten mo bukas." "Mr. Wills, ito..." "May nagalit kang maimpluwensyang tao. Kung hindi ka humingi ng tawad sa mga magulang, humanda kang mawala sa'yo ang lahat.” Pagkababa ng tawag ay naguluhan at kinabahan si Dana na nakatingin sa nakangiting si Cyrus. Hindi niya naiwasang kilabutan. Samantala, umalis na si Zoey kasama ni Mira. Alam niyang hindi siya makakalaban at nagpasya siyang sumunod. "Sweetheart, umuwi na tayo, ha?" "Ma, ibig sabihin ba nito hindi na ako makakapag-aral dito?" Matalinong tanong ni Mira. "Oo, pero ayos lang. Hahanapan ka ni mama ng ibang kindergarten." "Kung ganoon pwede ba akong magpaalam man lang sa mga kaibigan ko?" Hindi umimik si Cyrus, pero kinuha niya si Mira sa mga braso ni Zoey at naglakad pabalik sa kindergarten. Samantala, sa opisina ng Principal, nag-alinlangan si Dana ng isang minuto at pagkatapos ay nagmamadali silang hinabol. "Pasensya na. Nagsisimula na ang klase, at walang oras para magpaalam si Mira sa mga kaibigan niya," masungit na sabi ng guro na naghahandang isara ang pinto. Sumugod si Dana at sinigawan ang guro, "Anong ginagawa mo? Humingi ka kaagad ng tawad sa nanay ni Mira.” "Huh?" Mukhang nataranta ang guro. "Anong ibig mong sabihing 'huh?' Humingi ka ng tawad." Lumingon si Cyrus sa principal at sinabing, "Ayoko nang makita ang gurong ito. At ikaw naman, humingi ka muna ng tawad sa asawa ko." Ngumiti ang punong-guro at humarap kay Zoey, "Mrs. Johnson, hindi tama ang pinakita naming ugali ngayon. Patawarin mo kami sa pagkakamali namin." Tumayo si Zoey nang nakatulala. Napaka yabang nila kanina lang. Bakit biglang nag-iba ang tono nila? Hindi siya importante, at hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong magsampa ng reklamo. Nakahabol din ang mga magulang ni Victor at hindi sila natuwa. "Dana, anong ginagawa mo? Bakit ka humihingi ng tawad sa batang ito?" Hindi makapaniwalang tanong nila. "Manahimik kayo at umalis na kayo! Lilipat na sa senior class si Victor. At saka disiplinahin mo nang maayos ang anak mo simula ngayon," utos ni Dana. "Kung gayon, maaari bang magpatuloy sa pag-aaral ang Mira namin?" tanong ni Zoey. "Syempre, pwedeng magpatuloy sa pag-aaral si Mira. Espesyal siyang aalagaan ng special care teacher namin para masiguro ang kaligtasan niya," nakangiting sabi ng principal. Hindi lang magpapatuloy si Mira sa pag-aaral, hindi na rin niya kailangang mag-alala tungkol sa pambu-bully. Mas mabuti ito nang isang daang beses kumpara sa inakala ni Zoey. Paglabas ng opisina, naghintay si Cyrus sa electric scooter. "Sakay na.” "Di na kailangan, maglalakad na lang ako," tugon ni Zoey at mabilis na naglakad. Hindi niya sinisi si Cyrus sa mga pangyayari ngayon, pero hindi ibig sabihin nito ay maaayos pa ang relasyon nila. Kapag wala na si Mira, aalis din siya sa Jorsproburgh. Sumunod si Cyrus sa electric scooter, "Hindi ba kailangan mong magmadali dahil may ipapa-order ka?" "Kailangan kong ibalik ang mga paninda kapag nakauwi na ako. Hindi na natin ito kakailanganin." "Bakit hindi mo na kailangan?" Wala talagang pag-unawa si Cyrus sa negosyo. Dati, alam lang niyang humingi ng pera. Kung tumanggi sila, kamao niya lang ang nakikipag-usap. Para naman sa kung paano kumita ng pera at ang paghihirap na kaakibat nito, wala siyang interes na malaman ito. Huminto si Zoey at galit na sumagot, "Kinailangan ng tatay ko na makiusap kay Tito Lopez na payagan kaming magbigay ng ilang murang mga gamit sa ospital niya bilang pabor. Pero ngayon, dahil hindi natupad ang order, isang tawag sa lang mula sa kanila ay madali silang makakuha ng maraming mga supplier. May pakialam ka bang maunawaan ang usapin ng maliit na negosyong ito?” Tumango si Cyrus na parang naunawaan niya at sinabing, "Ayos lang. Kakausapin ko ang mga customer, at susubukan kong makipag-ayos kahit man lang sa huling customer." "Huwag ka nang mag-abala. Ayaw na ayaw sa'yo ni Tito Lopez,” komento ni Zoey. Hindi siya naniniwala na ang isang tulad ni Cyrus ay magmamakaawa para sa negosyo. Hindi sumakay sa electric scooter si Zoey, at hindi na rin nagpumilit si Cyrus. Nang naglakad siya pabalik sa tindahan, nakita niyang umalis na nga si Cyrus sakay ng electric scooter. Wala na sa kanya ang order ng ospital.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.