Kabanata 7
Alas alas-siyete ng umaga, bumangon si Zoey at nakita niya si Mira na mahimbing at mapayapang natutulog.
Ang nakakagulat, mas gumanda ang hitsura ni Mira kaysa sa inaasahan, hindi siya nagpapakita ng mga sintomas ng pagtindi ng sakit niya kamakailan.
Nang tinignan niya ang mga acupuncture spot kagabi, nag-alala si Zoey tungkol sa hindi pangkaraniwang mga itim na karayom dahil hindi ito dumaan sa sterilisasyon, na nangangahulugang may potensyal itong magkaimpeksyon.
Kinailangan ni Mira na magsuot ng mask sa kindergarten dahil sa mahinang resistensya niya.
Gayunpaman, kapag di niya pinapasok si Mira sa school, ibig sabihin nito ay walang magbabantay sa kanya habang nagtatrabaho si Zoey, at gugustuhin ring makita ni Mira ang mga kaibigan niya.
Ang kakaiba roon, sa kabila ng masusing paghahanap ni Zoey, walang bakas ng butas ng karayom sa mga acupuncture point niya.
Tumingin si Zoey sa itim na kahon sa mesa sa tabi ng kama at bumulong, "Ano ang Imperial Nine Needles? Bakit ito itim? Sana hindi ito murang imitasyon."
Pero basta't ayos lang si Mira, panatag na ang loob ni Zoey.
Sa totoo lang, inihanda na ni Zoey ang sarili niya sa posibilidad ng pagpanaw ni Mira.
Naantala ang tamang oras ng pagpapagamot kay Mira dahil sa napakahirap na mga taon na iyon.
Pinayuhan siya ng mga doktor na samahan si Mira hanggang sa maaari dahil masyadong masakit ang chemotherapy para sa kanya.
"Sweetheart, gusto mo bang pumasok sa school ngayon?" mahinang tanong ni Zoey.
"Opo." Bumangon si Mira na puno ng sigla.
Matapos halikan si Zoey sa mukha ay lumingon si Mira kay Cyrus na humihilik pa.
Nang may kuntentong ngiti na parang buwan, nagsabi si Mira, "Talagang tinupad ni Daddy ang pangako niya sa ngayon.”
"Oo nga," pag-amin ni Zoey.
Lumapit nang dahan-dahan si Mira, nag-alangan sandali, bago sa wakas ay hinalikan siya sa mukha, "Mas maganda kung ihahatid ako ni Daddy sa kindergarten. Sabi ng mga kaklase ko, wala akong tatay."
Wag na lang. Mas mabuting huwag siyang guluhin habang natutulog. sino Cyrus kapag hindi siya nakakatulog nang maayos.
"Pwede ka ring ihatid ni mommy. Nakausap ko na yung teacher na yun tungkol sa matabang batang yun na nang-aasar sayo."
"Ang bastos talaga niya, lagi niyang hinahawakan ang sombrero ko at tumatawa na nalalagas ang buhok ko." Kumirot ang puso ni Zoey sa mga salita ni Mira.
Narinig din ito ni Cyrus na naalimpungatan.
Humikab siya at hinaplos ang ulo ni Mira, "Ihahatid ka ni Daddy, at kapag may nangahas apihin si Mira, ako nang bahala."
Sinuotan ni Zoey ng sumbrero si Mira at nagtanong, "Sigurado ka ba dito?"
"Syempre, magto-toothbrush ako." Tumayo si Cyrus at nagpunta sa banyo.
Sa tuwa, tumalon si Mira sa kama, "Ihahatid talaga ako ni Daddy sa school!"
Sumakay ng electric bike si Cyrus para ihatid si Mira sa kindergarten sa tabi ng herbal medicine market.
Paglabas nila ng gate, nakasalubong nila si Rachel, na nagmamaneho ng marangyang Land Rover na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.
Nagulat si Rachel sa nakita niya at halos malaglag ang sunglasses sa mukha niya.
Si Cyrus ba ang klase ng taong ihahatid ang anak niya sa school nang ganito kaaga?
"Hoy, sumikat ba ang araw mula sa kanluran ngayon?" biro niya.
Hindi siya pinansin ni Cyrus, pero sumagot ang mabilis mag-isip na si Mira, "Nagbago na ang daddy ko. Huwag mo na siyang tignan nang masama."
"Mira, naniniwala ba diyan ang mama mo?" Tumawa si Rachel.
"Syempre naniniwala ang nanay ko. May sakit ako kagabi at natulog ang mga magulang ko kasama ko."
Nanigas ang ngiti ni Rachel sa katapatan ng bata. .
Galit niyang ibinato ang sunglasses niya sa lapag at nagmaneho palayo.
Muling nagliyab ang apoy ng selos sa puso niya.
Ganun ba talaga ang karisma ni Zoey?
Hindi niya ito matanggap.
"Dad, sabi ni Mom masama ang babaeng ito. Wag ka nang makipaglaro sa kanya,” sabi ni Mira.
"Kapag nabawi na natin ang nararapat na sa'yo, hindi na tayo makikipaglaro sa kanya,” tawa ni Cyrus.
Sa entrance ng kindergarten ay huminto ang trapiko.
Muntik mabangga ang electric bike nila ng isang Porsche Cayenne, at sumigaw ang isang batang lalaki sa backseat, "Mira, ang lakas ng loob mong harangan ang dinadaanan namin ng sirang electric bike mo? Lumayas ka!"
"Oo nga pala, wala kang tatay. Stepdad mo ba ang lalaking to?” Sumali ang ibang mga kaklase nila at tumawa nang malakas.
Walang pakialam si Cyrus sa mga maliliit na panggulong ito.
"Daddy, iyan si Victor Hudson na binu-bully ako araw-araw."
"Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang guro mo tungkol sa kanya mamaya."
"Mukhang mayaman ang pamilya nila at palagi siyang kinakampihan ng guro," sabi ni Mira.
Kahit na maraming beses nang nakausap ni Zoey ang guro, walang gaanong nagbago.
Hininto ni Cyrus ang electric bike at binuhat si Mira para bumaba, ngunit bago pa siya makatayo ng maayos, sumugod ang matabang batang nagngangalang Victor, kinuha ang sumbrero niya, at tumakbo, sabay aksidente siyang nahila pababa.
Umiyak nang malakas si Mira. Sa takot, itinapon ni Victor ang sumbrero niya at sinubukang sumugod papunta sa paaralan.
Kitang-kita sa pulang sumbrero ang ilang hibla ng buhok ni Mira na nabunot.
Galit na galit si Cyrus. Sa isang mabilis na hakbang, nahabol niya si Victor, hinablot ang backpack niya, ibinato ito sa lapag, at sinampal siya nang malakas.
"Ikaw bata ka, wala bang nagturo sayo ng kabutihang asal?"
Gumulong-gulong si Victor sa lapag at humagulgol, "Daddy, Mommy, may nanakit sa akin, may nanakit sa akin. Bugbugin niyo siya."
Nagkaroon ng kaguluhan, habang nagmadali ang kindergarten teacher at nagtipon ang mga magulang na nanood sa eksena.
Isang matangkad na lalaki at isang kaakit-akit na babae ang lumabas mula sa Porsche Cayenne na huminto kanina. Tinulak nila ang mga tao, tinitigan ang marka ng kamay sa mukha ng anak nila, at tinuro si Cyrus habang sumisigaw, "Sinaktan mo ba ang anak namin?"
"Oo," pag-amin ni Cyrus.
"Lumuhod ka at humingi ng tawad sa anak ko ngayon din," sigaw ng babae.
Nang makita niya ang mga magulang na ito, sa wakas ay naunawaan ni Cyrus kung bakit mayabang at walang mabuting asal si Victor.
Pakiramdam niya ay kailangan niya silang turuan ng leksyon at nagsabing, "Yung dalawang guro dito, nakita niyo ba ang nangyari ngayon?"
Natakot ang dalawang babaeng guro na namutla ang mga mukha.
Nauutal na sabi ng isa sa kanila, "Madalas talagang nag-aasaran ang mga bata. Huwag na tayong masyadong pumatol bilang matatanda."
Ipinakita sa kanila ni Cyrus ang pulang sumbrero, at sinabing, "Hindi mo ba nakikita ang buhok na’to? Sinabi sa inyo ng asawa ko ang tungkol dito, di ba?"
Kinakabahang tumango ang guro, na medyo hindi mapakali sa sitwasyon.
Ang lalaking si Arthur Hudson, na nagpakita ng matipunong pangangatawan matapos hubarin ang suot na jacket, ay itinuro si Cyrus at mariing sinabi, "Bibigyan kita ng huling pagakakataon, Gastador. Lumuhod ka at humingi ng tawad sa anak ko."
Tila ang reputasyon ni Cyrus bilang "Ang Gastador" ay kumalat sa mga magulang, lalo na sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa merkado ng halamang gamot.
Kaya pala pakiramdam ng mga batang ito ay dapat lang nilang apihin si Mira, sangkot dito ang impluwensya ng mga magulang nila.
Sa gitna nito, buong tapang na iniunat ni Mira ang maliit na kamay niya, tumayo sa harapan ni Cyrus, at habang lumuluha ang mga mata niya ay yumuko siya sa lalaki ng tatlong beses para makiusap, "Tito, huwag mo pong saktan ang daddy ko. Nagkasakit po ako, at nag-aalala lang siya na maubos ang buhok ko."
"Oo, Mr. Hudson, kalimutan na lang natin ito. Kadalasan..."
"Manahimik kayo,” sigaw ni Arthur at pinigilan ang anumang pagtatangkang sumingit sa usapan.
Malinaw na sanay na siya sa pamumuno, at naiwang tahimik at takot ang guro.
Habang nakaturo kay Cyrus, nagpatuloy siya, "Sige, para sa anak mo, hindi mo na kailangang lumuhod. Yumuko ka na lang at humingi nang tawad. Pagkatapos, hayaan mong bumawi ang anak ko sa'yo nang dalawang beses.”
"Tito, pwede bang akuin ko ang parusa sa tatay ko?" Nag-aalalang tanong ni Mira.
"Hindi, gusto kong parusahan ang walang kwentang tatay mo," galit na galit na sabi ni Victor.
Dinampot ni Cyrus si Mira, pinunasan ang dumi sa mga tuhod niya, at simpleng tinanggal ang isang hairpin sa buhok niya, sabay siniguro siya, "Sweetheart, di mo kailangang mag-alala. Pumasok ka na sa klase mo. Si Papa mo na ang bahala dito."
"Tagapagmana ng Johnson family, isa kang kahihiyan," mura ni Arthur habang sumuntok siya.
Walang kahirap-hirap na naiwasan ni Cyrus ang suntok at pinitik ang hairpin na hawak niya, na tumama sa isang eksaktong acupoint ng lalaki.
Bago umabot ang kamao niya kay Cyrus, tumumba si Arthur sa lupa.
Nasa putikan ang mukha niya at hindi siya makagalaw.
Sabay-sabay na nagulat ang mga tao sa paligid at hindi nila naintindihan kung paanong bigla na lang bumagsak ang lalaki.
Si Cyrus, na hawak-hawak si Mira, ay lumapit kay Victor, sabay pinayuhan siya, "Buddy, kapag inapi mo ulit si Mira, umasa kang masasampal ka pabalik. Kuha mo?"
Si Victor, na nakatingin sa tatay niyang nasa lapag, ay agad na nanlumo at mabilis na tumango.
"Humihingi ka ng tawad kay Mira."
"Mira, pasensya na talaga. Hindi na kita ibubully ulit. Pangako.”