Kabanata 6
"Mira, huwag kang matakot. Dadalhin ka ni mama sa ospital," narinig ang boses ni Zoey na naiiyak rin sa kalaliman ng gabi.
Sa isang iglap, gising na gising si Cyrus. Mabilis siyang kumatok sa pinto at tumawag, "Zoey, gusto kong makita si Mira."
"Lumayas ka!" sigaw ni Zoey.
"Ma, gusto kong yakapin si Papa. Hindi pa niya ako nayakap noon," kawawang sabi ni Mira.
Napilitan si Zoey na buksan ang pinto. Pagkatapos ay nagtago siya sa likod ng kurtina para magpalit ng damit.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Cyrus, mula nang siya mula siyang nabuhay, si Mira nang personal at nagulat siya sa kaawa-awang kalagayan niya.
Pinagpawisan ng malamig ang buong katawan niya kasabay ng mataas na lagnat at kinukumbulsyon siya sa sakit.
Nabalot ng mapupulang kalmot ang kanyang malambot na balat.
Ang dating cute at magandang mukha niya ay nawalan ng kulay.
Sa loob ng halos isang libong araw at gabi, hindi nagtanong si Cyrus tungkol sa sakit ng anak niya. Mas gusto niyang magsaya o kaya ay naiinis lang siya.
Tanging si Zoey lang ang walang sawang nanatili sa tabi ni Mira, isang paghihirap na mahirap isipin.
Hinawakan ni Cyrus si Mira at tiningnan ang pulso nito.
Malumanay niya siyang inalo, "Mira, huwag kang matakot. Nandito na si Daddy. Magiging maayos din ang lahat."
Iminulat ni Mira ang mga mata niya at bahagyang kumalma. Nang makita niya si Cyrus sa harapan niya, gusto niyang talagang tumalon sa tuwa.
Gayunpaman, sobra siyang nasasaktan at mahina siyang nagtanong, "Pa, hindi mo na ba gusto si Mira?"
"Paanong di kita magugustuhan? Ako ang tatay mo," sagot ni Cyrus.
Sa likod ng kurtina kung saan nagpapalit si Zoey, sobra siyang nabigla.
Para bang naging ibang tao ang tono ni Cyrus.
Hindi pa niya nakitang kalmado at malumanay si Cyrus sa anak niya.
Inilabas ni Zoey ang makapal na coat niya, binalot si Mira, at nagsabing, "Tara na sa ospital."
Gayunpaman, hinawakan ni Cyrus ang kamay niya, sabay nagsabing, "Subukan kong gamitan ng acupuncture si Mira.”
Mabilis na kumawala si Zoey nang natataranta. “Anong iniisip mo? Sa limitadong kaalaman mo, paano mo to magagawang gamitin kay Mira?”
"Hayaan mo lang akong bawasan ang sakit na nararamdaman niya," suhestiyon ni Cyrus.
"Nananaginip ka ba? Paanong makakabawas ng sakit ang acupuncture?" Mariing hindi pumayag si Zoey.
Gayon pa man, mahigpit na niyakap ni Mira ang leeg ni Cyrus at nagsabi kay Zoey, "Ma, hayaan mong subukan ni Papa. Basta't kasama ko siya, hindi ito masyadong masakit."
"Mahal, hindi na mabuti ang kalagayan ng katawan mo…”
"Ma, mamatay man ako, gusto kong mamatay sa mga bisig niyo ni Papa," determinadong sabi ni Mira na mas hinigpitan ang yakap kay Cyrus sa takot na aalis siya kapag nagalit.
Nang marinig ito, nakaramdam si Cyrus ng kirot sa puso niya at tahimik na sumumpa na pagagalingin niya ang bata.
Nasanay na siyang masaksihan ang buhay at kamatayan nang nananatili pa ring kalmado. Gayunpaman, ang pagtawag sa kanya ng Papa sa unang pagkakataon ay humila sa natutulog niyang puso.
Dahil naunawaan niya ang pananabik ni Mira sa pagmamahal ng isang ama, nagtago na lamang si Zoey sa gilid habang palihim na pinupunasan ang mga luha niya
Naglabas ng wooden box si Cyrus at pinahiga si Mira.
Nagngitngit ang ngipin ng batang babae na nanginginig sa sakit.
"Mira, hindi mo kailangan magtiis. Kung masakit, pwede kang sumigaw."
"Pa, ayos lang ako. Sanay na si Mira."
"Hindi na magtatagal ang sakit mo."
Kinuha ni Cyrus ang pinakamanipis na pilak na karayom. Natagpuan niya ang acupuncture point at itinusok ito nang dahan-dahan. Pagkatapos, nagtusok siya ng pangalawang karayom.
Isang mahiwagang eksena ang nangyari.
Si Mira, na nagngingitngit ang ngipin, ay dahan-dahang kumalma, at pagkatapos ng ilang segundo, huminto ang katawan niya sa panginginig.
"Pa, ang galing mo," mahinang ngumiti si Mira.
"Wala lang yun. Kailangan lang magpahinga ni Mira. Mamasahiin ka ni Papa," sabi ni Cyrus.
Sobrang nagulat si Zoey na nasa tabi. Anong uri ng acupuncture technique ang maaaring magkaroon ng ganoong agarang epekto?
Nagmamadali siyang lumapit at nakita niyang naging mas regular na ang paghinga ni Mira. Nagtanong siya, "Sweetheart, hindi na ba talaga masakit?"
"Ma, wala na pong yung parang kinakagat ako ng langgam.”
Muling sinukat ni Zoey ang temperatura niya. Ang lagnat na tumaas sa 103.1 degrees Fahrenheit ay bumaba sa 101.3 degrees sa loob lang ng isang minuto.
"Ayos lang yan. Mamasahiin ko siya, at makakatulog din siya nang mahimbing," komento ni Cyrus.
"Hindi ba kailangan niyang pumunta sa ospital?"
"Hindi ngayong gabi."
Nataranta namang tumango si Zoey, "Sweetheart, matulog ka nang maayos. Hindi mo kailangang pumasok sa school bukas, okay?"
"Ma, pwede bang manatili si Papa at samahan ako?" biglang tanong ni Mira.
Tumingin si Zoey kay Cyrus at nagmakaawa, "Pwede mo ba siyang samahan hanggang madaling araw? Mga apat na oras lang.”
Hindi kailanman papayag sa ganitong pakiusap ang dating Cyrus. Gayunpaman, diretsong tumango ngayon si Cyrus at hindi nagpakita ng pagdadalawang-isip.
"Sa labas na lang ako matutulog."
Pero hinila ni Mira ang damit ni Zoey at kaawa-awang nagsabi, "Ma, kapag nagkakasakit ang mga kaklase ko, lagi nilang kasama ang mga magulang nila."
Natigilan si Zoey sa kinatatayuan niya.
Mula noong araw ng kasal nila, hindi pa niya nakasama sa kama si Cyrus, lalo pa sa iisang kwarto.
Natural na hindi sumang-ayon si Zoey, ngunit hindi niya ito maipaliwanag.
Mula nang ipanganak sii Mira, hindi pa siya nakatulog sa mga bisig ng mga magulang niya.
Maliban dito, matalino ang batang ito at tila alam niyang pinabayaan siya ng mga tunay niyang magulang. Palagi siyang maingat.
Hindi lang si Zoey ang namomroblema, pero medyo naiilang din ang pakiramdam ni Cyrus. Sino ang makatiis na makasama sa isang kama ang isang napakagandang babae?
Sa hindi inaasahang pagkakataon, isa palang biyaya si Mira para sa kanya.
"Paano kung matulog si Mira sa gitna? Wag kang mag-alala. Nangangako akong wala akong gagawing masama," mungkahi ni Cyrus.
Nang makita ang mga mata ng anak niyang puno ng pananabik sa pagmamahal, tumango na lang ang mabuting si Zoey.
Nakasuot siya ng makapal na sweater at ibinalot nang mahigpit ang kumot sa sarili niya.
Makalipas ang 15 minuto, inalis ni Cyrus ang mga acupuncture needles na ginamit niya kay Mira at humiga din sa kama kasama nila.
Mabilis na tumibok ang puso ni Cyrus nang maamoy niya ang malinis at kaaya-ayang halimuyak ni Zoey sa tabi niya.
Walang naramdaman si Cyrus nang humiga si Rachel nang nakahubad sa mga bisig niya kaninang umaga.
Ang iginagalang na "dakilang medical expert", na nakakita na ng hindi mabilang na mayayamang tagapagmana mula sa mga prestihiyosong pamilya na nagpapaligsahan para pakasalan siya, ay nayanig sa kagandahan ni Zoey.
Nakatulog na si Mira at humarap sa leeg ni Cyrus, pagkatapos ay bumulong sa pagtulog niya, "Daddy, kapag namatay ako, pwede bang maging mas mabait ka na kay Mommy?"
Marahang tinapik ni Cyrus ang likod niya, "Wag kang mag-alala, magiging ayos ka lang.”
Hindi rin makatulog si Zoey.
Hindi dahil sa romantikong damdamin ang pag-aalala niya; ito ay takot at pagkabalisa.
Ang walang pusong alibughang anak na ito, na hindi man lang mahal ang sarili niyang anak, ay biglang nagbagong buhay?
Noon, kapag naging mabuti siya, dalawa lang ang motibo niya: pera o pagnanasa.
Nang naisip niya ang sinabi ni Rachel kaninang umaga, hindi niya napigilang kinabutan.
Talaga bang nilustay niya ang mga ari-arian nila sa pagsusugal, at ang tatlong daan at siyamnapung libo ay halagang kinita niya sa kahina-hinalang paraan?
Pag-arte lang ba ang lahat ng nakita niya ngayon?
Naisipan niyang harapin siya pero pinigilan niya ang sarili niya. Inisip niyang baka ito na lang ang init na mararanasan ni Mira sa mga huling araw ng buhay niya.
"Paano mo nagawa iyon kanina?" tanong ni Zoey.
Kung talagang may ganitong kaalaman si Cyrus sa medisina, lulustayin niya ba talaga ang bilyon-bilyong kayamanan niya, mag-iipon ng patong-patong na utang, at pag-iisipang ibenta ang asawa niya?
"Mahabang kuwento. Magpahinga ka na. Kapag bumuti na ang pakiramdam niya bukas, dadalhin ko siya sa kindergarten. Mag-order ka na ng mga produkto. Tutal, kaibigan siya ng papa mo," sagot ni Cyrus.
Hindi pa niya naiisip kung paano sasabihin kay Zoey ang tunay niyang pagkatao.
Kapag nalaman ni Zoey na ang lalaking kasalukuyang nakahiga sa kama kasama niya ay hindi tunay na asawa niya kundi isang estranghero, malamang na magugulat siya nang sobra-sobra.