Kabanata 5
Gayunpaman, hindi pinansin ni Cyrus si Mr. Wright.
Sa halip, tinapik niya ang ultrasound image sa ulo mismo ng bata at striktong tinitigan si Rachel, “Ms. Connell, babalaan kita sa huling pagakakataon, wag mong isiping ang nakukulong daan ang tamang daan. Mas maganda kung titingnan niyo ulit ang records. Kapag nawala ang reputasyon ng Innerzen Medical Center, magdurusa rin ang negosyo niyo.”
Si Rachel, na mabilis mag-isip, ay kaagad na naunawaan ang implikasyon ni Cyrus.
Namutla kaagad ang mukha niya.
Nasabi na sa kanya ang abnormal na posisyon ng bata. Gayunpaman, sa ultrasound image na'to, walang isyu sa posisyon ng bata.
Hindi niya maintindihan kung paano niya ito natuloy sa isang pulse examination. Kahit ang pinakamagagaling na beteranong doktor sa medical center ay hindi ito kayang matukoy.
Nagkataon bang tumama si Cyrus, o may binabalak siya?
Nabubuhay ang teahouse sa reputasyon nito.
Kapag lumabas ang balita tungkol sa pamemekeng ito, ibig sabihin nito ay ang 150 million na nawala kay Cyrus noon ay hindi dahil sa kawalan ng galing o sa kamalasan niya kundi dahil dinaya siya ni Rachel katulong ng iba.
Sino nang maglalakas ng loob na bumisita sa lugar na'to sa hinaharap?
Para sa kapakanan ng isang hamak na limang libo, hindi gustong mapahamak ni Rachel.
Dinampot niya ang ultrasound image at ibibigay ito sa nars, sabay nagsabing, “Sabihan mo si Dr. Zimmer na tignan ang system, tapos tignan mo kung may pagkakamali para maamin na ng lalaking to ang pagkatalo niya.”
Nagulat ang nars, hindi siya makapaniwalang kayang baliktarin ng talunang ito ang sitwasyon. Kanina pa siya naghihintay na makitang magmakaawa si Cyrus.
Gayunpaman, sinundan niya pa rin ang utos ng boss niya.
Hindi na ito nakayanan ni Benedict at sumigaw siya, “Rachel, anong ginagawa mo? Nanalo na ako!”
“Bakit ka nagmamadali? Kung talagang nanalo ka na, walang isyu roon. Pero kung hindi, tignan na lang natin ang records para makasiguro,” sagot ni Rachel nang may bakas ng inis.
Pagkatapos ay dinampot niya ang phone niya at inutusan ulit si Thomas Zimmer, “Gamitin mo ang tunay na imahe.”
Pakiramdam ni Benedict ay mayroong kakaiba. Kahit ang mga manonood ay nagtaka.
Parang balisa si Rachel ngayon.
Habang si Cyrus naman ay kalmadong uminom ng tsaa.
Hindi niya gustong sirain ang reputasyon ng Innerzen Medical Center sa ngayon dahil balak niya pang manalo sa sugal dito. Hindi biro na pagbabayarin niya nang sampung beses ang mga tao rito.
Nang wala pang sampung minuto, bumalik ang nars nang pinagpapawisan.
Nautal siya, “Sabi ni Dr. Zimmer tumatanda na siya; nagkamali siya sa pagtingin sa pangalan ng pasyente ngayon lang.”
Nagmadaling inagaw ni Benedict ang bag sa mga kamay niya at mabilis na nilabas ang ultrasound image, pagkatapos ay tinignan ito.
Ngayon, nagbago ang gender diagnosis at naging babae.
Nang hindi pa rin niya ito matanggap, kinuha niya ang baso sa harapan ni Cyrus, binuksan ang papel, at malinaw niyang nakita ang salitang “babae” na nakasulat doon.
Hindi niya kailangang buksan ang pangalawang baso. Alam na kung sino ang panalo sa isang round lang.
Namutla ang mukha ni Benedict at yumukyok siya sa upuan niya. Hindi niya matanggap ang katotohanang natalo siya sa basurang ito.
Ang kaninang aroganteng grupo ay sobrang nanahimik.
Tinitigan ni Rachel ang kalmadong si Cyrus at nakaramdam siya ng init sa mukha niya.
Hindi lang iyon dahil nandaya siya kundi dahil nakita ni Cyrus ang panloloko niya.
Si Cyrus lang ang nanatiling kalmado. Kampante siyang tumayo at pinisil ang babae ni Rachel sa harapan ng lahat, sabay nagsabing, “Uy ganda, magpakabait ka at ibigay mo sa'kin ang pera. Ibibigay mo ba sa'kin ang pera nang cash o bank transfer?”
Ginilid ni Rachel ang ulo niya at naiinis na nagsabing, “Mr. Wright, tanggapin mo na ang pagkatalo mo. Ibawas mo ang isandaang libong utang niya sa'yo at ipasa mo ang apat na daang libo sa kanya.”
Ngayon, sobrang natulala si Benedict.
Wala siyang pakialam sa ilang daang libo, pero nasaktan ang pride niya.
"Ikaw, binata, maswerte ka ngayon, pero hindi ito magtatagal. Hindi ka na magiging masuwerte sa susunod," reklamo niya habang galit na ipinasa ang apat na raang libong dolyar kay Cyrus.
Nang natanggap niya ang pera, kampanteng umalis si Cyrus at nag-iwan ng babala: "Simula pa lang to. Huwag kang mahiyang hamunin ako muli."
Si Benedict, na mukhang nalilito, ay nagtanong kay Rachel, "Paano niya nalaman yun gamit lang ng pulso?”
“Malay ko. Wag mo kong tanungin.
...
Sa botika, galit na galit ang mga customer ni Zoey.
"Kung hindi dahil sa papa mo, hindi ako makikipagnegosyo sa ganyang kaliit na tinderang tulad mo. Ni hindi mo kayang makakuha ng produktong nagkakahalaga ng sampung libo.”
"Pasensya na, Tito Lopez. May hinaharap akong problema ngayon. Hindi ko kayang mag-restock," paumanhin ni Zoey.
"Wala ka ngang kahit dalawa o tatlong libong dolyar. Anong uri ng negosyo ang pinapatakbo mo? Hindi na ako bibili ng mga halamang gamot mula sa iyo. Hindi rin naman maganda ang kalidad niyo," sabi ng kostumer, na umalis nang nakatitig nang masama kay Cyrus.
Tulalang nakatayo si Zoey sa likod ng counter habang mahigpit na hawak ang order form at kagat ang labi niya para pigilan ang kanyang mga luha.
Nawala sa kanya ang deal, at kahit ang huling customer niya ay wala na rin ngayon. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso na hindi niya mailarawan ng mga salita.
Paano ang upa nila? Malapit na ang chemotherapy ni Mira. Anong dapat niyang gawin?
Huminga siya nang malalim at kinuha ang phone niya. Saglit na nag-isip si Zoey, at sa wakas ay tinawagan niya ang kanyang ama.
"Papa..."
"May lakas ng loob ka pa ring tumawag? Kapag hindi mo naibalik ang dalawang daang libong dolyar, wala kang makukuha kahit isang sentimo sa hinaharap.”
Nagbunganga ng mga insulto ang boses ng stepmother niya sa kabilang linya.
Ang taray niya, na matanda na at paralisado, ay nakinig lang sa lahat ng sinabi ng stepmother niya.
Tahimik na nakamasid si Cyrus sa labas ng pinto at nagsimulang maawa kay Zoey.
Kahit na isara niya ang deal na ito, kikita lang siya ng mga tatlong libong dolyar. Hindi pa ito sapat para sa espesyal na gamot ni Mira.
Nang walang pag-aalinlangan, inilipat niya ang tatlong daan at siyamnapung libong dolyar kay Zoey.
Sa pagtingin sa impormasyon ng account sa phone niya, naisip ni Zoey na nagkamali lang siya nang basa sa numero. Napatingin siya kay Cyrus na kakapasok lang at hindi siya makapaniwala.
Simula nang nawala kay Cyrus ang yaman ng pamilya niya, hindi pa siya nakakita ng ganoon kalaking halaga.
"Saan ka nakakuha ng napakaraming pera?" Naguguluhang tanong niya.
"Wag mo nang aalahanin yun. Umorder ka muna ng mga paninda."
"Nagsugal ka na naman ba sa Innerzen Medical Center?"
Tumango lang si Cyrus. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ni Zoey, "Saan mo nakuha ang kapital? Ginamit mo ba ako bilang pampusta?"
Hindi makapagpaliwanag si Cyrus dahil binalak nga ng Cyrus kagabi na ibenta ang asawa niya.
Kaya naman sumama sa kanya si Rachel para guluhin si Zoey at tanggapin ang malupit na realidad na ito.
Sinabi pa nga ng kasuklam-suklam na Rachel na iyon ang tungkol sa bagay na ito kay Zoey kaninang umaga.
"Kung sasabihin kong ginamit ko ang kidney ko bilang collateral nang hindi ka kailangang ibenta, maniniwala ka ba sa akin?" tanong ni Cyrus.
"Hindi ako maniniwala sa'yo, pero 'wag mo ring guluhin ang mga plano ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magamit mo sa karumal-dumal mong ugali. Aalis ako kasama ni Mira pagdating ng oras. Masyado na siyang naghirap sa mundong ito."
Kahit ang asawa niya ay hindi pa siya nagalaw. Paanong susuko nang ganun kadali sa ibang lalaki ang isang marangal na babaeng kagaya niya? Kung hindi, maayos na sana ang pamumuhay niya ngayon sa kagandahan niya pa lang.
Alam ni Cyrus na halos imposibleng maalis sa isang iglap ang lahat ng naipong sama ng loob nitong mga nagdaang taon. Buti na lang at marami pa siyang oras.
Sabi niya, "Bibiyahe ako. Baka gabihin ako. Gamitin mo lang ang pera. Kikita pa ako ng pera."
Pagkasabi nito, tumawag siya ng sasakyan at diretsong bumiyahe papunta sa Celestial Sanctuary.
"Sa mga bundok ng Celestial Mountain matatagpuan ang Celestial Sanctuary, tahanan ng iginagalang na medical sage. Kilala sa mahimalang bone-regenerating technique at walang hanggang habag ng Eternal Heart."
Umalingawngaw ang kantang ito sa mga taganayon sa paanan ng bundok.
Sa sandaling iyon, libu-libong mga nagdadalamhati ang nagtipon sa paanan ng burol at nag-alay ng mga panalangin. Mabigat ang hangin sa kalungkutan.
Nagmula ang mga taong naroon sa magkakaibang pinagmulan; ang ilan ay mayaman at maimpluwensya, ang iba ay mahihirap, pero lahat ay may utang na loob sa kabutihang nagliligtas ng buhay ng guro at disipulo.
Ang pagsabog sa Celestial Sanctuary noong nakaraang gabi ang dumurog dito at pumatay sa pinakamagaling na medical sage sa mundo.
Isang lalaki ang nakatayo sa ibabaw ng bato na nagpahayag nang may malakas na boses, "Ako ay mula sa pamilya Connell sa Luminara. Ako ay taimtim na nangangako na kapag natagpuan ang salarin, haharap sila sa mabigat na parusa para bayaran ang lalaking nagligtas sa buhay ng anak ko."
Tahimik na umakyat sa bundok si Cyrus at natagpuan niya ang secret hideaway na nilagay ng master niya.
Kinuha niya ang isang itim na sandalwood box na may label na "Imperial Nine Needles".
Sa loob nito ay siyam na karayom na may iba't ibang haba at kapal na nakabalot ng gintong seda.
Nakapaloob din rito ang isang SIM card na may mahahalagang emergency contact.
Pagharap sa direksyon ng monasteryo, yumuko siya ng tatlong beses at bumulong, "Guro, nagawa kong makatakas sa kamatayan. Nangangako akong ipaghihiganti ko ang pagkamatay natin. Nawa'y mapayapa ang iyong kaluluwa."
Mabilis siyang bumaba ng bundok at nag-ingat na itago ang pagkatao niya hanggang sa tamang sandali.
Pagbalik sa tindahan nang lampas alas tres nang madaling araw, kumuha siya ng kumot at naghandang matulog sa isang upuang kahoy.
Habang nagsimula siyang makatulog, umalingawngaw ang nahihirapang iyak ng kanyang anak na babae mula sa loob ng bahay.
"Ma, hindi ko kaya ang sakit na'to. Parang kinakagat ng mga langgam ang buong katawan ko. Mamamatay na ba ako? Babalik pa ba si Papa?" Humikbi si Mira.