Kabanata 10
Nakatayo si Cyrus sa tabi ng counter at hinding-hindi natatakot sa mga taong ito.
Ngumiti lang siya at sinabing, "Bawal sa lahat ang asawa ko. Gayunpaman, may mas epektibong paraan para patayin ako, at hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa paglabag sa batas."
"Hehe, makikipagpustahan ka ng kidney at corneas sa'kin?" Humalakhak si Sean.
"Gayon na nga, parang pinadala ka ni Rachel."
"Sayang lang at wala kang kwenta, 500 thousand lang ang halaga mo, maliban na lang kung gagawin mong collateral ang asawa mo sa natitirang 1.5 million."
"Meron din akong magandang gamit. Tatlong libong taon na ito at nagkakahalaga ng di bababa sa 1.5 million. Sa madaling salita, sapat na para mabayaran ang dalawang milyon."
Inilabas ni Cyrus ang walang laman na kahon ng Imperial Nine Needles.
Hindi naniwala si Sean sa kanya. Kasing laki lang ng lalagyan ng salamin ang kahon at kulay itim ito.
"Talaga bang may tatlong libong taong kasaysayan ang bagay na yan? At nagkakahalagang 1.5 milyon?”
"Kung ganun mga ang halaga nito o hindi, pwede mong tanungin ang tatay mo. Ang dami niyang kinokolektang antiques, dapat alam niya yun."
Wala talagang pakialam si Sean sa lumang kahon na iyon. Gusto lang niyang guluhin si Zoey.
Nang marinig niyang handa si Cyrus na ipusta ang bato niya, natuwa siya kaagad.
Kapag nakuha niya ang kontrata ng organ donation mula kay Cyrus, hindi magiging problema ang pagpilit sa mabait na si Zoey.
Nakatingin lang si Sean sa kahon. Katangi-tangi ang sining nito na nagbibigay ng mabigat na makasaysayang pakiramdaman at naglalabas pa nga ng mahinang halimuyak na panggamot.
Kahit papaano ay magandang bagay ito, at naisip niyang magugustuhan ito ng tatay niya.
Kaya, sabi niya, "Sige, payag ako. May larong naghihintay sa iyo sa Innerzen Medical Center ngayon.”
"Pag nanalo ka, wala na ang dalawang milyong utang mo. Kapag natalo ka, humanda ka nang magbayad."
Tumango si Cyrus at ngumiti, "Sige, walang problema."
Itinulak niya ang pinto, tumingin sa tensyonadong si Zoey, at sinabing, "Hindi mo kailangang kabahan. Dadalo ako sa 60th birthday ng tatay mo kapag wala na akong utang.”
Narinig ni Zoey ang lahat at nagtanong, "Talaga bang itinaya mo ang organs mo?"
"Oo, basta hindi kita ginamit na collateral sa 400 thousand na napanalunan ko kaninang umaga. At hindi ko na gagamitin ang asawa ko bilang collateral kahit kailan."
"Pinagplanuhan nila to. Mamamatay ka kapag pumunta ka roon," babala ni Zoey.
"Zoey, nag-aalala ka na sa buhay at kamatayan ko ngayon?" Napangiti si Cyrus.
Habang pinapanood ang walang pakialam na itsura niya, naiinis na nagsalita ang natulalang si Zoey, "Wala akong pakialam sa'yo. Sa tingin ko lang ang tanga mo. Hindi mo kailangang isugal ang buhay mo para sa kaarawan ng tatay ko.”
"Ayoko lang na mabaon sa utang."
Pagkasabi nun, sinundan ni Cyrus si Sean papunta sa Innerzen Medical Center.
Ibinaba ni Zoey ang kitchen knife, pakiramdam niya ay nagkamali siya ng tingin kay Cyrus ngayon.
Nang naisip niyang isusugal niya ang bato niya bilang collateral, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
Walang awa at masama ang Wood family. Tiyak na hindi sila nagbibiro.
Hindi niya maiwasang sumunod kay Cyrus.
Sa pintuan ng Innerzen Medical Center, hawak ng isang matandang babae ang isang batang lalaki na nasa lima o anim na taong gulang habang nakaluhod sa lupa at umiiyak nang malakas.
“Si Dr. Zimmer, iligtas mo ang apo ko. Nagpunta na ako sa Evergreen Medical Center, Harmony Hospital, at maging sa Jorsproburgh Traditional Hospital. Sinabi nilang lahat na walang lunas ang sakit niya. Ang magagawa lang nila ay bawasan ang sakit na nararamdaman niya. Anim na taong gulang pa lang ang apo ko."
Si Thomas Zimmer, ang matandang resident doctor ng tradisyonal na panggagamot sa Innerzen Medical Center, ay sikat sa lugar nila.
Tumingin siya sa nilalagnat na batang lalaki, na nagpakita ng nahihirapang ekspresyon, at nagsabing, "Maiiwasan lang ang rabies, at hindi magagamot."
"Wala akong magagawa. Mas mabuting dalhin mo siya sa mas malaking ospital. Kahit papaano ay maiibsan nila ang sakit ng bata."
Pinatawag si Cyrus sa tabi ni Rachel, at naroon rin si Benedict.
Malambing niyang hinawakan ang braso ni Cyrus at bumulong sa tainga niya, "Iniisip mo bang bumalik sa pamilya mo?"
Huminga ang mapupulang labi niya sa tenga ni Cyrus na gumawa ng sensual na pakiramdam sa ere.
Noon, gumagana ito kay Cyrus.
"Ayaw mo sa'kin. May iba pa ba akong pagpipilian?" Ngumiti si Cyrus.
"Kung gustong baliktarin ng isang gastador na tulad mo ang lahat, kailangan mo munang bayaran ang mga utang mo. Kapag napagaling mo ang batang iyon, mawawala ang dalawang milyong utang mo kay Mr. Wood. Baka mag-iba ang tingin sa iyo ng asawa mo."
"Paano magagamot ang rabies? Paano kung hindi ito gumana at mapahamak ako?" Nagkunwaring natatakot si Cyrus.
"Kapag natalo ka, mawawalan pa rin naman ng laman ang katawan mo. Kaya mo bang mabuhay nang wala ang mga organs mo? Kung mapapagaling mo ang batang yun, maibabalik mo ang lahat ng iyon," pagsusumamo ni Rachel.
"Mas gugustuhin ko pang tanggalan mo ko ng laman," malanding biro ni Cyrus.
"Kung ganun, kailangan mong magkaroon ng pera. Ako, si Rachel, ay mahilig lang sa mayayamang lalaki, hindi kagaya ng kawawa mong asawa na nagpapanggap na dalisay at marangal.”
Nakita ni Sean si Zoey na nanonood sa eksena mula sa karamihan. Kapag pinahiya ni Cyrus ang sarili niya sa harap niya, mas maganda iyon.
Mabilis niyang kinuha ang debt acknowledgment notice para sa dalawang milyon at nagsabing, "Maglalaro ka ba o hindi? Kung hindi, papatungan ko ang interes, at sa pagtatapos ng taon, magiging apat na milyon ito. Sa mga oras na iyon, hindi na maisasalba ng isang mahirap na lalaking kagaya mo ang bato ni kahit ibenta mo pa ang asawa mo.”
Nawalan si Benedict ng limandaang libo kay Cyrus noon at hindi siya natutuwa.
Sabi niya, "Pupusta ako ng 500 thousand sa tabi. Pag nanalo ka, sayo na yan. Kapag natalo ka, mapupunta kay Mr. Wood ang pera. Hayaan mong tikman ko ang biyuda ni Cyrus.”
"Sige, sige, paghahatian natin siya. Ngayon, hinihintay lang nating magdesisyon ang basurang to," udyok ni Sean.
Medyo nasiyahan si Cyrus sa loob-loob niya. Hindi niya inasahang bibigyan siya ng tangang si Benedict ng dagdag na 500 libo.
Ito ang kahinaan ng mga sugarol.
Palagi nilang gustong manalo ng higit pa kahit pagkatapos nilang manalo, at kapag natalo sila, gusto nilang manalo nang doble. Hinding-hindi sila makakalaya. Kapag nadagdagan ang kapital, nalang araw rin ay mawawala ang lahat sa mga taong ito, at kahit ang mga magulang nila ay hindi sila makikilala.
Ang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Cyrus. Sa nakalipas na tatlong taon, naglalaro sila nang ganito, pinaglalaruan nila ang lahat ng ari-arian ng basurang ito.
Magkunwaring nag-aalangan si Cyrus ngunit nagsabing, "Sige, ganito ang gawin natin. Kapag nanalo ako, dapat ibigay mo ang debt acknowledgment notice sa asawa ko mamaya.”
"Walang problema. Pero maghihintay tayo kung makakalabas ka ng buhay." Lihim na natuwa si Sean.
Napahiyaw ang lahat, at umalingawngaw ang mapanuksong tawanan sa buong lugar.
Naglakas-loob silang sumugal sa paparating na pagkatalo niya.
Sa malawak na Summerland, sino ang maglalakas-loob na tanggapin ang hamon na gamutin ang isang rabies patient?
Isa itong nakamamatay na sakit na walang lunas.
"Haha, ang tanga talaga ng lalaking 'to. Akala niya talaga siya ang Grand Doctor ng Hippocrates Sect."
"Pinasabog ang Grand Doctor at ang disipulo niya kamakailan. Balita ko gumamit sila ng C4 at pinatag ang buong bundok."
"Kahit na muling ipanganak ang Grand Doctor na iyon, mukhang hindi niya kayang pagalingin ang batang to.”
Narinig na ng lahat ang mga usap-usapan tungkol sa Hippocrates Sect, pero walang nakakaalam sa pangalan nila.
Naglakad palabas si Cyrus at pinakiramdaman ang pulso ng bata sa harap ng buong karamihan.
Sa puntong ito, nagsimula nang tumigas ang leeg ng bata at tuyo ang mga labi niya. Kapag may dumaan na banayad na simoy ng hangin, hindi siya makahinga.
Idiniin ni Cyrus ang dalawang daliri niya sa acupoint at sinubukan ang lahat ng makakaya niya para makahinga ang bata.
Sinabi niya sa matandang babae, "Madam, kaya kong gamutin ang apo ninyo."
Tumulo ang luha ng matandang babae habang nakatingala siya kay Cyrus.
Ang titig niya ay parang ang pinakanakakasilaw na bituin sa kalawakan ng gabi.
Mabilis siyang lumuhod, yumuko, at nagsabing, "Salamat, banal na doktor. Ikaw ay mahabagin at maawain. Pakiligtas ang kawawa kong apo.”
Nagkagulo ang mga manonood.
Inakusahan ng pangungutya, pangmamata, at direktang pang-insulto si Cyrus na wala raw siyang utak.
Sapat na ang paghihirap ng bata, tapos ngayon ay paglalaruan niya siya.
"Isa siyang pekeng banal na doktor, haha. Gastador lang siya."
"Papahirapan lang ng basurang lalaking to ang apo mo. Bilisan mo at dalhin mo ang anak mo sa mas malaking ospital para sumubok. Kahit papaano ay mababawasan nila ang sakit na nararamdaman niya."
Maging si Zoey ay nabalisa at bumulong, "Cyrus, nababaliw ka na ba? Kahit wala kang pakialam sa sarili mo, dapat mong isipin si Mira."
Kahit ang isang tanga ay nakikitang naglakad na naman si Cyrus diretso sa patibong.
Bukod pa rito, ang sitwasyon ay tiyak na magreresulta sa siguradong pagkatalo.
"Ms. Clarke, kung nagmamalasakit siya sa iyo, mayaman ka pa rin sana na may net worth na mahigit 100 milyon."
Napuno ng tawanan ang ere.
"Oo, isa lang siyang baliw na sugarol, laging umaasa sa suwerte para baliktarin ang kapalaran niya.”