Kabanata 6
Lahat ay tumingin kay Lu Shijin
Gayunpaman, hindi pinansin ni Lu Shijin ang mga tingin na nakuha niya at nakatuon lamang ang atensyon niya kay Tang Ruochu, na nasa kanyang mga bisig. Ang boses niya ay banayad ngunit lalaking lalaki at sinabi niyang, “Ayos ka lang ba?”
“Oo… Ayos lang ako, salamat!” bulong ni Tang Ruochu habang iniling niya ang ulo niya.
...
Nawala na ang gulat na naramdaman niya kanina pero siya ay tila hilo parin ng kaunti.
Patagong huminga ng maluwag si Lu Shijin. Tinulungan niyang tumayo si Tang Ruochu at bumitaw lamang noong nakatayo na siya ng maayos. “Mag iingat ka lalo sa susunod,” ang dagdag niya.
“Oo,” sinabi ni Tang Ruochu at tumango.
Hindi niya mapigilan na sumulyap kay Lu Shijin na para bang gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa niya sa opisina nila.
Walang ibang sinabi si Lu Shijin at siya ay kumilos na para bang hindi sila magkakilala. Lumingon siya palayo at tumingin sa Chairman ng Times Entertainment News bago niya sinabing, “Mr. Zhao, ang opisina nyo ba ay laging puno ng ‘drama’?”
Namutla ang mukha ni Mr. Zhao at malinaw na nakita ni Lu Shijin ang kaguluhan kanina. Sa sobrang galit niya ay ang dulo ng mga mata niya ay hindi mapigilang kumibot.
Dati pa niyang pangarap na makipag-collaborate sa Thunderbolt Entertainment Group, at ito na sana ang oportunidad para makilala si Lu Shijin. Gayunpaman, hindi niya inasahan na makita ni Lu Shijin ang isang malaking kaguluhan pagdating niya sa opisina.
Lubos ang kanyang galit pero hindi siya makasigaw sa kanyang mga trabahador dahil naroroon si Lu Shijin, kaya napilitan siyang pigilan ang kanyang galit. Puno ng kahihiyan niyang sinabing, “Mr. Lu, pasensya na sa mga nangyari. Dumiretso muna tayo sa opisina ko. Dito po ang daan.”
“Sige,” malamig na sagot ni Lu Shijin. Wala naman siya masyadong ginawa, ngunit nagbigay siya ng aura na nagsasabing siya ang masusunod.
…
...
Ang lahat ng nasa opisina ay sabik na nagkwentuhan matapos lumabas ng silid sina Lu Shijin at ang Chairman.
“Hindi ka na talaga magtataka kung bakit ang lalaking ito ang pinakamayamang binata sa Beining City. Napaka gwapo niya talaga! Sa sobrang gwapo parang di ako makapaniwala!”
“Pwede na akong mamatay ng walang panghihinayang ngayon at nakita ko na siya ng personal.”
“Ganito dapat ang itsura ng isang tunay na lalaki! Mayaman siya, may impluwensya, mula sa prestihiyosong pamilya, at elegante. Mukha siyang isang suplado at di malapitang diyos. Nakita mo ba kung paano niya sinalo si Tang Ruochu kanina? Siya ay tila isang diyos na bumaba mula sa langit, at nahulog agad ako sa kanya…”
Ang grupo ng mga babaeng empleyado na kaninang magulo ay napalitan nang pananabik, at hiniling nila na sila nalang sana ang muntik na malaglag kanina para sila ang mapunta sa mga bisig ni Lu Shijin.
Sa sobrang pananabik nila ay walang naka-alala ng tungkol sa iskandalosong balita na “inakit” ni Tang Ruochu ang nobyo ng kapatid niya.
Mapanghamak na tumingin si Song Anyi sa kanila at malupit na sinabing, “Mga hangal na babae talaga sila!”
Kanina lamang ay nagsasabi sila ng mapang abusong mga salita kay Tang Ruochu dahil sa lalaking si Ji Yinfeng, pero ilang saglit lang, nahulog na agad sila sa isang sulyap lang kay Lu Shijin.
Wala naman silang bahid ng moral na maipagmamalaki!
“Hayaan mo na sila,” ang sabi ni Tang Ruochu habang nakangiwi.
...
Itong mga tao na nagbitaw ng mga mapang-abusong mga salita ng walang pagdadalawang isip ay ang uri ng mga taong mapanggatong para magpalala ang sitwasyon na tulad ng kanina. Paano niya aasahan na matutunan nila kung gaano kasakit ang mga sinasabi nila?
Malamang ay gumamit sila ng mas abusadong mga salita kung hindi lang dumatin si Lu Shijin.
Natuwa si Tang Ruochu sa mga ginawa para sa kanya ng kaibigan niya at sinabing, “Anyi, salamat talaga sa mga ginawa mo kanina.
“Bakit mo hinahayaan na gawin sa’yo ‘yan? Ang alam lang naman ng mga bruhang yun ay magsalita ng bastos, aapak apakan ka lang nila kung hindi ko sila tuturuan ng leksyon… Maswerte ka talaga kanina. Akala ko talaga ay masasaktan ka kanina, pero sa kabutihang palad, nasalo ka ni Lu Shijin sa tamang oras.”
Natakot si Song Anyi sa mga posibleng nangyari sa kaibigan niya.
“Wag ka mag alala, ayos lang ako.”
“Salamat nalang at ayos ka lang kung hindi ay magbabayad sila sa ginawa nila,” mapanuyang sinabi ni Song Anyi habang gumaan na ang pakiramdam niya nang makitang ayos na ang kaibigan niya.
...
Samantala, ang buong opisina ay hindi mapakali sa pagkasabik dahil lahat sila ay nanghuhula kung ano ang rason kung bakit biglang dumating si Lu Shijin sa opisina.
Nakakahawa ang pagkasabik nila at si Song Anyi ay hindi napigilang magtanong kay Tang Ruochu, “Uy, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit bumisita sa maliit na opisina natin ang boss ng Thunderbolt Entertainment Group? Kung hindi ako nagkakamali, ang firm natin ay matagal nang sinusubukan makipag-collaborate sa Thunderbolt Entertainment Group pero palagi tayong tinatanggihan. May nangyari ba kung kaya’t bumisita ng personal si Lu Shijin sa opisina natin?”
“Hindi ko alam,” ang sagot ni Tang Ruochu sabay iling ng kanyang ulo. Siya ay nagtaka rin tulad ng kaibigan niya.
...
Hindi maliit na kumpanya ang Times Entertainment at nakagawa sila ng paraan para makakuha ng maraming sikat na artista na pumirma sa ilalim ng label nila, pero wala parin ito kumpara sa Thunderbolt Entertainment Group.
Ang mga nakatataas sa Times Entertainment ay matagal nang sinubukan makipag-collaborate sa isang major na entertainment company katulad ng Thunderbolt Entertainment Group ngunit sa kasamaang palad, hindi pinapansin ng Thunderbolt Entertainment Group ang kanilang mga pagsulong. Walang nag-akala na dadating si Lu Shijin sa opisina nila ngayong araw.
May kakaibang pakiramdam si Tang Ruochu na ang dahilan ng pagpunta niya ay dahil lamang sa kanya.
Gayunpaman, madali niyang tinanggihan ang ideyang iyon.
Kasal nga sila ngunit di parin nila na talaga kilala ang isa’t isa. Bukod dito, si Lu Shijin ay okupado sa maraming bagay kaya bakit siya bababa papunta sa opisina nila Tang Ruochu para lamang sa kanya.
“‘Di bale na, hindi naman na importante ang dahilan kung bakit siya nandito. Malalaman din naman natin sa susunod. Tsk, hindi ako makapaniwala na dumating ang pagkakataon na makita ko siya ng personal kahit minsan sa buhay ko. Ito ang itsura ng tunay na lalaki na dapat tularan ng lahat! Ang mukha at aura niya palang ay nakahihigit na ng sobra sa makasariling Ji Yinfeng,” ang sabi ni Song Anyi habang pinatunog niya ang kanyang mga labi.
...
Tumingin si Tang Ruochu sa kanya at sinabing, “Mukhang mataas ang tingin mo sakanya.”
“Syempre! Sapat na rason na ang pagligtas niya sayo kanina! Baka hindi mo napansin pero napakakisig niya kanina noong sinalo ka niya. Sa tingin ko hindi pa sapat ang sampung Ji Yinfeng kumpara sa isang daliri ni Lu Shijin.” sabi ni Song Anyi na walang magandang masabi tungkol kay Ji Yinfeng.
...
Nagdilim ang mga mata ni Tang Ruochu nang sinabi niya, “Oo nga. Siguro ay bulag ako noon para mahulog sa isang tulad niya. Hindi ko masabi noon ang pinagkaiba ng isang lalaki sa isang bastardo.”
Alam ni Song Anyi kung gaano kasama ang loob niya at binigyan ang kanyang kaibigan ng mabilis na yakap at sinabing, “Lahat ng tao ay makakakilala ng isa o dalawang bastardo sa buong buhay niya pero magpasalamat nalang tayo at nakita mo ang tunay na kulay niya bago pa mahuli ang lahat. Bukod pa dito, napakaganda at napakahusay mo na sigurado akong may lalaki dyan na makakakita ng tunay mong halaga kahit na hindi yun nagawa ni Ji Yinfeng. Kapag nakahanap ka na ng lalaking higit sa kanya ng isang daang beses, iparada mo ang bago mong lalaki sa kay Ji Yinfeng para maintindihan niya na pinalampas niya ang isang brilyante na katulad mo!”
“Oo,” mas bumuti na ang pakiramdam ni Tang Ruochu matapos niya marinig ang mga sinabi ng kanyang kaibigan ngunit bahagya niyang nararamdaman na may kasalanan siya.
...
Sinabi na niya dapat kay Anyi na ikinasal na siya kay Lu Shijin pero pinangako niya kay Lu Shijin na ililihim muna nila ang kasalan ng pansamantala.
...
Siya ang nagbigay ng kondisyon na ito, kaya hindi magiging patas kay Lu Shijin kung siya ang mauunang sumira sa kasunduan nila.
Hindi niya mapigilang maramdaman ang sala ng paglilihim niya kay Song Anyi lalo na at napakabuti ng kaibigan niya sa kanya.