Kabanata 7
Nakaalis na si Tang Ruochu kasama si Song Anyi sa opisina pagsapit ng gabi.
Nang maghiwalay na sila sa pintuan ng kanilang office, tumingin si Song Anyi kay Tang Ruochu na may kasamang pagaalala at sinabing, “Ruochu, gusto mo bang magpatuloy muna sa tinutuluyan ko ng ilang araw?”
Hindi siya komportable na hayaang umuwi si Tang Ruochu sa tahanan nila dahil magkasamang nakatira si Tang Ruochu at Guo Ruoruo sa isang bahay at nagkikita sila ng madalas. Sobrang sama ng ugali ni Guo Ruoruo at walang makakapagsabi kung kailan ulit siya maghahasik nang kasamaan niya.
Alam ni Tang Ruochu kung ano ang pinag-aalala ng kanyang kaibigan at naramdaman niya ang malasakit niya.
“Salamat sa pag-alok, Anyi. Pero ako na ang bahala sa kanya,” ang sabi niya.
Hindi siya takot sa isang tulad ni Gu Ruoruo.
May pangako din siya kay Lu Shijin na titira na sila ng magkasama sa isang tahanan, kaya kailangan niya umuwi para masimulan na ang preparasyon sa paglilipat.
“Pero…” ang pagtutol ni Song Anyi. Gayunpaman, siya’y huminga ng malalim nang makita niya ang pagiging determinado sa mukha ni Tang Ruochu at sinabing, “Sige na, hindi na kita pipilitin dahil alam kong sigurado ka na sa desisyon mo. Basta tandaan mo na tawagan mo lang ako pag nagkataon na magka problema ka, naintindihan mo?
...
“Oo,” ang sabi ni Tang Ruochu.
“Magpapatuloy na ako. Ingat ka sa pag-uwi,” ang sabi ni Song Anyi.
“Oo, ikaw rin,” ang sagot ni Tang Ruochu.
Hindi din nagtagal si Tang Ruochu matapos silang maghiwalay ng landas ni Song Anyi at dumiretso na din siya pauwi.
Ilang hakbang palang ang nilakad niya nang may isang mamahalin at high-end na Maybach ang biglang umandar mula sa likod at tumigil sa kanyang tabi.
Bumukas ang pinto. Lumabas si Mu Ling mula sa driver’s seat at sinabi ng may galang, “Madam, inaanyayahan ka po ni Mr. Lu po na samahan siya sa loob ng kotse.”
Tumigil si Tang Ruochu at lumingon sa direksyon na tinuturo ni Mu Ling.
Nakita niya si Lu Shijin na matikas na nakaupo mula sa likod ng kotse. Habang nakatingin siya sa likod ng bintana ng kotse, ang expresyon niya ay tila matamlay at mahinahon.
Tumango si Tang Ruochu at pumasok sa kotse. Umupo siya sa tabi ni Lu Shijin at mayroong pagkalito sa mga mata niya habang tinanong niya, “Hindi ba lumisan ka na kanina?”
Dumating siya sa Times Entertainment News office ng walang pasabi at umalis din kaagad.
Inakala niya na umalis na siya ilang oras na ang nakalipas, kaya nagulat siya na makita si Lu Shijin dito.
“Hindi, hinihintay lang kita,” tiwasay na sinabi ni Lu Shijin habang tumingin siya kay Tang Ruochu. Tila ba naghihintay siya ng ilang oras na.
...
Lubos na nagulat si Tang Ruochu.
Ang marangal na Mr. Lu ba ay nagpakumbaba para maghintay sa akin?
“Uh.. may problema ba?” mabilis niyang tinanong.
“Wala. Iniisip ko lang kung ano ang palagay mo sa unang gabi nang kasal natin?” Kalmadong sinabi ni Lu Shijin na para bang nagtatanong siya ng isang pangkaraniwang tanong, pero ang mga salita niya’y may dalang bigat.
...
Sa sobrang pagkabigla ni Tang Ruochu ay nabilaukan siya sa sarili niyang laway at nagsimulang umubo. “Ano… ang palagay ko? Hindi… ko pa napag-isipan. Bakit mo naman na tanong ng biglaan?” ang pagpisik niya.
Ang kasal nila ay base sa isang partnership, at may kanya kanya silang dahilan para magpakasal. Kailangan ni Lu Shijin magpakasal para sa pamilya niya habang naghahanap lang ng pakakasalan si Tang Ruochu.
Wala naman silang nararamdaman para sa isa’t isa at naghahanap lamang sila ng tao na magagawan nila ng partnership. Kaya natural lamang, hindi iisipin ni Tang Ruochu ang tungkol sa kanilang wedding night, bukod sa hindi niya rin inaasahan na pag isipan din ni Lu Shijin ang tungkol doon.
… ‘Yon nga lang, ito ay base sa mga palagay niya lamang!
“Hindi madali ang paghahanap natin sa isa’t isa, kaya sa tingin ko ay dapat wala tayong pagsisihan sa ating wedding night,” panatag na sinabi ni Lu Shijin habang nakatingin sa kanya. Mayroong mapanuksong tingin sa kanyang mga mata, na kadalasang di mo makikita sa mata niyang walang emosyon.
...
“Ano ang ibig mong sabihin?” sabi ni Tang Ruochu sa pagkagulat niya.
...
Maaaring pinangako niya nga na magiging mabuting asawa siya pero hindi naman kasama doon ang obligasyon ng mag-asawa. Hindi kaya… mali ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi ni Tang Ruochu?
“Ano sa tingin mo?” ang tanong ni Lu Shijin.
May bahagyang ngiti mula sa kanyang mukha at ang itim niyang mga mata ay umilaw tulad ng mga apoy sa gabi.
Napatalon ang puso ni Tang Ruochu at alerto niyang sinabi, “Pano… Pano ko malalaman yun? Mr. Lu, nagulat ako at nagbibigay interes ka sa wedding night natin.”
Nagkibit balikat si Lu Shijin habang lumiko ang mga maninipis niyang labi at ngumiti ng kaunti at sinabi niya ng mahinahon, “Gusto kong sumubok ng mga bagong bagay. Alam ko na ang kasal na ito ay parang pormalidad lang sa ating dalawa, pero ayaw ko na ang wedding night natin ay mauuwi sa wala… Dapat siguro, kumain man lang tayo ng dinner para sa pagdiriwang natin.
“Ehem——”
Hindi napigilan ang biglang pagubo ni Tang Ruochu at nabilaukan siya muli sa sarili niyang laway. “Ang… ang iniisip mo ba ay dinner nung sinabi mo na ayaw mong may pagsisihan ka sa wedding night natin?”
Sinadya siyang tinignan ni Lu Shijin, at mayroong mapanuksong kintab sa madilim niyang mga mata.
Namula ng matindi ang mga pisngi ni Tang Ruochu na para bang umaapoy ito nang matapos ng lalaki ang kanyang pangungusap.
Nakaranas siya ng matinding kahihiyan at hiniling niya na bumukas ang sahig at lamunin na lang sana siya nito nang buhay.
Sobrang kahihiyan ang naramdaman niya!
Hindi ang obligasyong mag asawa ang tinutukoy ni Lu Shijin sa mga nabanggit niya. Tinatanong niya lamang kung ano ang palagay niyang magandang gawin sa wedding night nila.
Mali ang kanyang pagkakaintindi at hinayaan niyang magwala ang kanyang imahinasyon.