Kabanata 5
Ang iskandalo ni Ji Yinfeng ay nagsimula ng malaking kontrobersiya online, at ang Ji Group ay mabilisang gumawa ng press conference para talakayin ang isyu.
Noong nagsimula ang press conference, umamin si Ji Yinfeng na siya nga ang tao na laman ng mga litratong iyon pero ang babaeng nasa litrato ay hindi isang babae mula sa nightclub. Sa halip, siya ay ang aking nobya, at ipinahayag niya na malapit na kaming ikasal.
Ang pahayag niya ay biglang nag sanhi ng ingay mula sa mga tao.
Tumingin si Tang Ruochu ng walang pakialam pero salungat ang nararamdaman niya.
Ito ang lalaking minsan na nangako na ipapahayag niya sa mundo na si Tang Ruochu ang asawa niya.
Ngunit, ngayon ay tinutupad niya ang pangakong iyon sa ibang babae.
Sinara niya ang tab ng balita sa kanyang kompyuter at nilayo niya ang sarili niya sa lahat ng bagay na may kaugnay kay Ji Yinfeng.
Subalit, hindi niya inaasahan na gagantihan siya ni Ji Yinfeng matapos niya iklaro ang balita tungkol sa kanyang iskandalo.
Napansin agad ni Tang Ruochu ang mga kakaibang tingin ng mga katrabaho niya matapos ang press conference ng Ji Group.
Tiningnan siya ng mga katrabaho niya na may halong pangungutya at panlalait.
Naguguluhan siya sa mga kakaiba nilang tingin sa kanya at narinig niya sa isang babaeng katrabaho niya na mapangutyang sinabi na, “Sabi ko na eh. Ang idolo ko ay di kailanman gagawa ng isang kahihiyan. Lumalabas na ang babae sa litrato ay ang nobya niya pala.”
“Haha, hindi ba sa tingin niyo na kung sino man ang naglabas ng balitang ito sa press ay tunay na kasuklam-suklam?”
“Narinig ko nga na ang taong iyon ay sadyang ginawa ito para sirain ang reputasyon ng kapatid niya dahil may gusto siya sa nobyo ng kapatid niya.”
“Hindi ako makapaniwala na mayroon siyang gusto sa kanyang magiging bayaw. Gaano ka walang hiya kaya siya? Nandidiri ako kapag iniisip kong nagpapanggap lang siyang inosente dito sa opisina.”
Ang mga babaeng ito ay tumingin kay Tang Ruochu ng may patama habang sila ay nagsalita.
Kahit gaano man kabagal ang pag intindi niya, madali niya napagtanto ang mga nangyayari dahil sa mga matalim na salita nila.
Naalala niya ang mga salita ni Ji Yinfeng bago niya pinutol ang linya: “Ruochu, pagsisisihan mo ito!”
Hindi niya akalain na gumawa agad ng hakbang si Ji Yinfeng para sirain ang reputasyon niya sa trabaho niya!
Sobrang inis niya at nagsimula siyang manginig sa galit.
Sinasabi na lumalabas sa mga tao ang kanilang pinakamalupit na ugali kapag nawala na ang pakialam nila sa isang tao. Wala siyang masamang ginawa sa kanila ngunit sina Ji Yinfeng at Gu Ruoruo ay ginawa ang makakaya nila para sirain ang kanyang reputasyon at pahirapan siya sa kanyang buhay.
Gaano ba kalala ang gusto nilang ipahirap kay Tang Ruochu bago sila tumigil sa pag sabotahe sa kanya?
“Hindi nyo naman alam ang mga tunay na nangyayari, bakit ang lalakas ng loob niyong magsalita ng kung ano-ano?” pinagsabihan ni Song Anyi ang mga babaeng katrabaho nila nang makita niya kung gaano kabalisa si Tang Ruochu.
...
“Haha, wala namang usok kung walang apoy. Hindi ba magkakaroon nang ganitong isyu kung hindi niya ito ginawa?”
“Tama. Si Young Master Ji ay mukha namang isang matapat na nobyo. Sigurado ako na si Tang Ruo ay galit lamang dahil hindi siya nagtagumpay sa pag akit sa kanya kaya napilitan siyang gumamit ng maduming paraan para sirain ang pangalan niya.
“Kakaiba talaga siya. Nakakaawa talaga ang ate niya dahil kailangan niya makitungo sa isang mapaghiganting nakababatang kapatid.”
Hindi mapipigilan ang tsismisan nang mga tao pero ang mga salita nila ay napakalulupit.
Ang trabaho nila ay isang mapagkumpitensyang kapaligiran at mayroong silang ibang katrabaho na naiinggit sa mahusay na pagtatrabaho ni Tang Ruochu kaya’t sila ay natatabunan ng mga tagumpay niya.
Hindi nila palalampasin ang oportunidad na ito para pabagsakin siya, kaya’t nagsasalita sila ng lubos na mapamintas sa kanya.
Ang mga salita nila ay parang mga bala na nanggagaling mula sa lahat ng direksyon, at sila ay talagang napakalupit.
“Manahimik kayo, kung ayaw niyong pagsisihan ang mga sinabi at ginawa nyo,” galit na sinabi ni Song Anyi.
Mabilis naman talaga uminit ang ulo niya, kaya’t nang makita niya na ang mga katrabaho niya ay inaabuso ang kaibigan niya, agad niyang tinaas ang mga manggas niya at sumugod sa mga katrabahong ito.
“Song Anyi, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
Itong mga babaeng ito ay di rin dapat maliitin at sila’y nagtipon habang si Song Anyi ay sumugod sa kanila.
Matapang na sinabi ni Song Anyi, “Gusto ko lang naman kayo turuan kung paano umasta ng tama ang isang tao.”
Sumugod siya sa kanila na parang tren na nawala sa riles. Walang makapigil sa kanya, at sumunod ay nakipag-away na siya sa kanilang mga babaeng katrabaho.
Nabigla si Tang Ruochu at nagmadali niyang hinila si Song Anyi palayo sa away nang makita niya kung gaano na lumala na ang mga pangyayari.
Mayroong tumulak sa kanya paharap kaya siya ay nadapa at mabilis siyang natumba papunta sa matulis na dulo ng mesa. Malamang siya ay lubhang masasaktan kapag bumagsak siya dito.
“Ruochu—” ang tili ni Song Anyi sa takot niya kasama ang ibang mga katrabaho nila.
...
Babagsak na sana si Tang Ruochu nang may lumitaw na isang tao mula sa kawalan at tiyempong nasalo siya. Ang taong nakasuot ng itim ay madaliang hinila si Tang Ruochu sa kanyang mga kamay.
Nakahawak ang isang kamay niya sa baywang ni Tang Ruochu at ginamit ang isang kamay para protektahan ang kanyang ulo habang mahigpit siyang nasa bisig ng lalaking ito.
Ang mapag alaga niyang tindig ay para bang isang guardian angel na ipinanganak para protektahan siya.
Natahimik ang buong opisina.
Ang pagdating ng lalaking ito ay hindi inaasahan kaya walang may alam kung paano sila tutugon sa nakita nila.
Si Tang Ruochu ay nabigla rin.
Inihanda niya na ang kanyang isip para sa kanyang pagbagsak kanina pero natagpuan niya ang sarili niya sa mainit na yakap ng lalaking ito nang di man lang niya napansin.
Habang nakayapos si Tang Ruochu sa yakap ng lalaki, rinig niya ng klaro ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Naamoy niya ang kanyang cologne at tila pamilyar ang amoy nito. Nakakaginhawa at hindi gaanong matapang.
Huminahon siya bago tumingin sa itaas para makita ang lalaking may hawak sa kanya.
Nakita niya ang kanyang gwapuhan ng malapitan. Napakatangkad niya at mayroon siyang maginoong aura. Ang kanyang itsura ay lubos na nakakahumaling at ang ekspresyon niya ay malamig. Ang maalindog niyang labi ay nakadagdag sa kanyang malamig na pagasta, habang ang itim niyang mga mata ay kumikinang ng lubos na ito’y humihila ng respeto ng iba.
Tila isa siyang malakas na bagyo na biglang lumitaw. Siya ay katangi-tangi at nangingibabaw sa lahat ng nasa paligid niya at tila wala silang kinang kumpara sa kanya.
Ito’y walang iba kundi si Lu Shijin.
“Ikaw…” nanlaki ang mga mata ni Tang Ruochu ng tumitig siya sa kanya sa pagkagulat.
...
Lahat ng nasa paligid nila ay nabigla rin.
“Hi… hindi ba’t si Lu Shijin ‘yan, ang Chief Executive Officer ng Thunderbolt Entertainment Group?”
“Namamalikmata lang ako, tama ba?” Paano naging posible na and isang lalaking tulad ni Mr. Lu ay nagpakita dito sa opisina natin?”
“Hindi ka namamalikmata. Siya nga! Siya nga talaga!”
“Tignan niyo, hawak niya parin si Tang Ruochu sa mga bisig niya…”
Ang pagdating ni Lu Shijin ay nagsimula ng kaguluhan sa opisina, at ang lahat ng nakakakilala sa kanya ay napuno ng pagkasabik. Maging ang mga babaeng nakipag away kay Song Anyi ay ‘di rin napigilan ang mga sarili na tumingin sa kanya.
Si Lu Shijin ay isang alamat! Siya ang may hawak sa kapalaran ng higit sa 70% ng mga bagay bagay sa loob ng entertainment circle, kaya lahat ng mga celebrity na nakapirma sa kumpanya niya ay sobrang sikat.
Ang Thunderbolt Entertainment Group ay kilala bilang nangungunang management firm sa loob ng industriya, at di mabilang na mga celebrity ang sumubok ng kanilang kakayanan para makakuha ng kontrata sa Thunderbolt Entertainment Group kada taon.
Ang tingin ng lahat kay Lu Shijin ay isa siyang marangal at walang kapantay na lalaki pero marami paring mga babae na gusto siyang pakasalan.
Kung si Ji Yinfeng ang tanging pangarap na mapangasawa ng lahat ng mga sosyal na tao sa Beining City, si Lu Shijin naman ay isa lamang suntok sa buwan na pantasya.
Isa siyang metikulosong lalaki na minsan lang lumabas sa media kaya’t siya ay binabalot nang misteryo, kaya ang pantasya ng mga kababaihan ay napuputol ng maaga.
Walang nag-akala na dadating si Lu Shijin sa isang maliit na firm tulad ng Times Entertainment News.
Mas ikinagulat nila kung paano niya tulungan si Tang Ruochu.
Ang lahat ay biglang nakaramdam ng inggit nang mapansin nila kung gaano kahinahon si Tang Ruochu sa kanyang yakap.