Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

I HATE YOU I LOVE YOU novel

Webfic telah menemukan konten terkait tentang I HATE YOU I LOVE YOU novel  untuk Anda. Ini termasuk buku yang terkait dengan I HATE YOU I LOVE YOU novel, termasuk informasi konten terkait I HATE YOU I LOVE YOU novel  

Ang Pagbabalik ng Heiress
Oleh: Webfic allHindi alam ni Wynter Quinnell na hindi siya tunay na anak ng Yates family. Noong tinalikuran siya ng kanyang childhood sweetheart at ng buong mundo, pinalayas siya ng Yates family at sinabi sa kanya na hanapin ang tunay niyang mga magulang sa butas kung saan siya nagmula…Tinawanan lang ito ni Wynter. Gugulatin niya ang lahat sa pamamagitan ng pagbubunyag ng lihim niyang pagkatao, at lumalabas na ang “butas” na sinasabi ng Yates family ay ang pinakamayamang pamilya pala sa Kingbourne, ang Quinnell family!Sa loob lang ng isang gabi, mula sa pagiging pekeng anak ng Yates family, na kinasusuklaman ng lahat, naging tunay na anak siya ng pinakamayamang tao sa buong bansa. Mayroon din siyang anim na kapatid na lalaki na mahal na mahal siya!Ang pinakamatanda niyang kapatid ay isang dominanteng presidente. “Itigil na muna natin ang meeting ngayon. Ikuha niyo ako ng ticket pabalik sa bansa—Gusto kong makita kung sino ang mga tao na may lakas ng loob para apihin ang kapatid ko!”Ang pangalawa sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang sikat na celebrity. “I-cancel niyo ang function. Susunduin ko ang kapatid ko ngayon.”Ang pangatlong sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang diyos sa kanyang propesyon. “Itigil niyo ang kompetisyon. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kapatid ko.”Niyanig nito ang buong bansa!Pinagsisihan ng Yates family ang lahat ng maling ginawa nila, at sinubukan ng childhood sweetheart ni Wynter na makipagbalikan sa kanya.Ngunit bago pa man niya siya matanggihan, si Dalton Yarwood, ang presidente ng Yarwood Corporation at ang anak ng kilalang Yarwood family, ay nag-propose sa kanya. Naging usap-usapan siya ng lahat dahil dito!
Baca Sekarang
Niyanig ng Tagapagmana Ang Mundo
Oleh: Webfic allMatapos palayasin ng pamilya Gray, si Shannon Gray ay mala mahikang naging tagapagmana ng mayamang pamilya.Nagsisisi ang pamilya Gray na pinalayas siya at gusto na ibigay ng pamilya Jensen ang kalahati sa mga assets nila bilang kumpensasyon. Ngumisi si Shannon at ginamit ang truth-telling talisman para i-expose ang tunay na kulay ng pamilya Gray at mga nakatago nilang baho. Katulad nito, noong may isang hinayupak na ayaw siyang lubayan, madali niyang binigyan ang taong ito ng bangungot gabi-gabi.Mababa ang tingin ng mga pinsan niya sa kanya at iniisip na kahihiyan siya, pero ang pinuno ng pamilya Shaw ay kumatok sa pinto nila, hinahanap siya. “Basta ba willing ka na iligtas ang anak ko, sasangayon ako sa kahit na anong kundisyon mo!”Ang pinuno ng isang mayaman na pamilya na hindi kasundo ang pamilya Jensen ay walanghiyang kumatok din. “Hangal ako dahil sa inasal ko noong nakaraan. Iaanunsiyo ko sa mundo na alila mo ako basta ba willing ka tulungan ako!”Kinalaunan, kahit ang pinsan ni Shannon, na minsang kinamumuhian siya, ay naging tapat na tagasunod niya. “Siya ang pinakadabest na pinsan, at isusumpa ko ang kahit na sinong kabaliktaran ang sasabihin tungkol sa kanya!”Matapos ang lahat ng nangyari, ang pamilya Jensen ay nahimasmasan na at napagtanto na si Shannon, ang akala nilang nakakaawang nilalang lang, ay isang master sa geomancy at divination.Kailangan iligpit ni Shannon ang mga tao at mga lugar na puro kasamaan, magligtas ng mga buhay at sumipsip sa mga mayayaman. Hindi niya mapigilan sabihin, “Pagod na ako.”Si Benjamin “Bigwig” Cooper ay nangunang tulungan siya sa kanyang mga pasanin. “Hindi mo na kailangang sumipsip sa akin. Iyo na ako.”
Baca Sekarang
Hindi na Ako Magpapaapi
Oleh: Webfic allSa nakaraang buhay ni Noelle Liddell, sinunod niya ang lahat ng mga utos ng kanyang mga kapatid. Pero sinamantala nila at tinapaktapakan ang kanyang pride para maspoil nila si Xenia Quigley, ang peke nilang kapatid na babae. Si Noelle ang tunay nilang kapatid, pero namatay siya matapos siyang palayasin mula sa kanilang tirahan.Matapos isilang muli, isang prinsipyo ang kanyang patuloy na susundin–tumigil siya sa pagiging mabuting tao, at hindi na niya papatawarin o makikipagbati sa kanyang mga kapatid. Puwede nila gawin ang kahit na anong gusto nila basta huwag silang makielam sa kanya.Ang nakatatanda niyang kapatid, si Donovan Liddell, ay napapaisip kung bakit ang kalusugan niya ay lumalala kamakailan lang. Dahil hindi na dinadala ni Noelle ang gamot niya at supplements.Ang ikalawa niyang kapatid, si Frank Liddell, ay napapaisip kung bakit laging may problema sa firewall ng kumpanya niya. Dahil hindi na ito minemaintain ni Noelle.Ang ikatlo niyang kapatid, si Carl Liddell, ay napapaisip kung bakit ang bagal ng  development ng bagong gamot. Dahil hindi na ito tinetesting ni Noelle.Ang ika-apat niyang kapatid, si Blake Liddell, ay napapaisip kung bakit ang mga grado niya ay lumalala na. Dahil hindi na si Noelle ang nagsusulat nito.Ang ika-lima niyang kapatid, si Wyatt Liddell, ay napapaisip kung bakit ang prosthetic limb niya ay sobrang pangit na. Dahil hindi na si Noelle ang lumilikha nito.Ang ika-anim niyang kapatid, si Lucas Liddell, ay napapaisip kung bakit natalo ang team niya. Dahil umalis na si Noelle mula dito.Ang anim na mga lalake ay lumuhod at nagmakaawa sa paanan ni Noelle para sa kanyang kapatawaran. “Umuwi ka na, Nelly. Blood is thicker than water–pamilya tayo!”Ngumisi si Noelle. “Alam niyo lang na mali kayo sa oras na lumala na ang lahat. Pasensiya na, pero hindi ko papatawarin ang kahit na sino sa inyo!”
Baca Sekarang
Likod ng Maskara ng Tagapagmana
Oleh: Webfic all17 taon na ang nakalilipas mula noong naipagpalit si Hera Youngworth sa ibang sanggol noong isilang ito sa mundo. Nagawa siyang mahanap ng kaniyang biological family na mga Everetts. Pero sa kaniyang pagkadismaya, hindi siya gusto ng kaniyang ama at ng kaniyang lola. Hindi rin niya gusto ng kahit na kaunti ang fiancé na nireto ng mga ito sa kaniya.Nagsalita ang kaniyang ama na si James Everett, “Hinding hindi magagawa ng pamilya Gaskell na tumanggap ng isang probinsyana bilang manugang. Para sa ating mga pamilya, magsasagawa kami ng isang public announcement para gawin kang adoptive daughter ng aming pamilya.Sumabog naman sa galit ang kaniyang lola na si Mildred Barker, “Hindi maganda ang iyong mga grades kaya hindi ka karapat dapat na matulog sa kuwarto na para sa mga miyembro ng pamilya Everett. Doon ka matulog sa guest room!”Nagsalita naman ang kaniyang fiancé na si Zyler Gaskell, “Si Giselle ang tunay na kadugo ng mga Everett at siya lang ang nagiisang babae na karapat dapat para sa akin. Umalis kang probinsyana ka sa harapan ko!”Ano ang naging reaksyon ni Hera sa lahat ng ito? Wala siyang pakialam sa kahit na sino sa kanila.Hindi nagtagal, dumalas ang pagbanggit ng kaniyang pangalan sa mga headline.Unang Lihim: Si Hera ang misteryosong henyo na nakaperfect ng kaniyang mga score sa SAT!Ikalawang Lihim: Si Hera at ang kilalang hacker na si Raven ay iisa!Ikatlong Lihim: Si Hera ang nangungunang user sa listahan ng Divine Forum!Ikaapat na Lihim: Si Hera ang nakakuha sa puso ni Mr. Killian!Hindi pa natatapos dito ang listahang ito.Pinapahiya ng mga plot twist ang mga taong nangmamaliit kay Hera. Nagsiluhod ang mga ito bago sila magmakaawa para sa kaniyang tulong pero mayroon pa ring isang tao na nagtuturo sa kanila ng leksyon nang walang pagaalinlangan.Binigyan sila ni Bernard Killian ng aroganteng tingin bago ito dominanteng maganunsyo ng, “Sa akin lang si Hera at wala ng kahit na sino ang maaaring umangkin sa kaniya.”At pagkatapos, humarap siya kay Hera para naaawang sabihin na. “Tingnan mo kung gaano ka kaganda, Mrs. Killian. Umaasa ako na isasama mo ako sa pagtahak mo sa ng iyong buhay sa hinaharap.”Nanlalamig naman siyang tiningnan ni Hera. “Itigil mo na ang pagarte, Mr. Killian. Matagal ko nang alam ang iyong mga lihim.”
Baca Sekarang
Halaman sebelumnya
1
2345
•••
8Halaman selanjutnya

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.