Lahat


Sa nakaraang buhay ni Noelle Liddell, sinunod niya ang lahat ng mga utos ng kanyang mga kapatid. Pero sinamantala nila at tinapaktapakan ang kanyang pride para maspoil nila si Xenia Quigley, ang peke nilang kapatid na babae. Si Noelle ang tunay nilang kapatid, pero namatay siya matapos siyang palayasin mula sa kanilang tirahan.Matapos isilang muli, isang prinsipyo ang kanyang patuloy na susundin–tumigil siya sa pagiging mabuting tao, at hindi na niya papatawarin o makikipagbati sa kanyang mga kapatid. Puwede nila gawin ang kahit na anong gusto nila basta huwag silang makielam sa kanya.Ang nakatatanda niyang kapatid, si Donovan Liddell, ay napapaisip kung bakit ang kalusugan niya ay lumalala kamakailan lang. Dahil hindi na dinadala ni Noelle ang gamot niya at supplements.Ang ikalawa niyang kapatid, si Frank Liddell, ay napapaisip kung bakit laging may problema sa firewall ng kumpanya niya. Dahil hindi na ito minemaintain ni Noelle.Ang ikatlo niyang kapatid, si Carl Liddell, ay napapaisip kung bakit ang bagal ng development ng bagong gamot. Dahil hindi na ito tinetesting ni Noelle.Ang ika-apat niyang kapatid, si Blake Liddell, ay napapaisip kung bakit ang mga grado niya ay lumalala na. Dahil hindi na si Noelle ang nagsusulat nito.Ang ika-lima niyang kapatid, si Wyatt Liddell, ay napapaisip kung bakit ang prosthetic limb niya ay sobrang pangit na. Dahil hindi na si Noelle ang lumilikha nito.Ang ika-anim niyang kapatid, si Lucas Liddell, ay napapaisip kung bakit natalo ang team niya. Dahil umalis na si Noelle mula dito.Ang anim na mga lalake ay lumuhod at nagmakaawa sa paanan ni Noelle para sa kanyang kapatawaran. “Umuwi ka na, Nelly. Blood is thicker than water–pamilya tayo!”Ngumisi si Noelle. “Alam niyo lang na mali kayo sa oras na lumala na ang lahat. Pasensiya na, pero hindi ko papatawarin ang kahit na sino sa inyo!” 
Minahal ko si Chris Gildon sa loob ng mahigit isang dekada, pero ang sinasabi niya lang ay, “Nakakabagot ka. Hindi ko magawang maging interesado sa’yo.”Tinatalikuran niya ako at ginugugol ang kanyang mga araw at gabi kasama ang ibang babae.Sampung taon na naming kilala ang isa’t-isa, pero walang nangyayari sa relasyon namin. Nagpasya akong ayoko nang maging pangalawang opsyon niya,Kinalaunan, na-engage ako sa iba. Kumakatok si Chris sa pintuan ko sa kalagitnaan ng gabi. “Maddie…”“Anong magagawa ko para sa’yo, Mr. Gildon?”Sa sandaling lumabas ang mga salita sa bibig ko, isang nakakaakit na boses ng lalaki ang umalingawngaw mula sa kwarto. “Babe, saan mo nilagay ang underwear ko?”Nanginig si Chris at napadura ng dugo sa harapan ko. Ilang panahon makalipas noon, nakita kong nag-post siya ng Instagram Story. Nakasaad dito, “Kapag may pinakawalan ka, mananatiling ganoon iyon habangbuhay. Maaaring mahal ka niya ngayon, pero hindi ibig sabihin ay mamahalin ka niya magpakailanman. Kaya naman, pahalagahan mo siya habang nasa piling mo siya.” 