Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 9

Nagkaroon ng labis na katahimikan! Lahat ng nasa hapag kainan ay nagulat. Ngunit makalipas ng ilang segundo, nagambala ng sandamakmak na tawa ang katahimikan. Lahat ay tumawa. Tanging si Lady Dorothy lang ang labis na nadismaya pagkatapos na magulat. Ibinulalas ni Madame Claire, “Kaya mong bilhin ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Sa lansangan ka ba natulog kagabi? Marahil ay tulog ka pa, nanaginip ka rin, ‘no? Kung may pera kang pambili ng kwintas na ‘yon, kakainin ko ang lamesang ito.” Walang interes na sumagot si Alex, “Mom, hindi ninyo na po kailangang kainin ang lamesa, sapagkat ang inyong mga ngipin ay hindi po matibay para kagatin ito.” Itinaas ni Madame Claire ang kanyang mga kilay at sumimangot, “Mom? Sino ang iyong ina? Nasa ospital pa rin ang nanay mo, halos patay na! Simula ngayong araw, si Spark Rockefeller na ang aking tanging manugang, at siya lang ang karapat-dapat na tawagin aong Mom. Ikaw, makipag-divorce ka na kay Dorothy ngayong hapon.” Sumulyap si Alex at kinuyom niya ang kanyang kamao. “Ano? Galit ka ba? Ang lakas naman ng loob ng walang kwentang tulad mo ang magaling sa’kin, pagtatangkaan mo pa akong saktan?” Itinuro ni Madame Claire ang kanyang ulo, “Sige, heto, hampasin mo ang ulo ko, kapag sinaktan mo ako, talo ako!” Hindi na nag-abala pa si Alex na patulan ang nanggagalaiting babaeng ito. Sa halip, tumingin siya kay Lady Dorothy at sinabi, “Dorothy, sinasabi ko sa’yong hindi na ako ang aking dating sarili. Ngayon kaya na kitang protektahan at lahat ng nasa paligid ko. Ang kwintas na Love in a Fallen City na nasa loob ng kahong ito ang pruweba! Tanging iisa lamang ang kwintas na ito sa L.G. Balfour, at nag-iisa sa buong mundo, na siya mismong binili ko, anumang iba pa ay peke!” “Oo nga pala, nabawi ko na rin ang wedding ring mo, andito sa kahon.” Pagkatapos niyang magsalita, agad niyang narinig si Madame Claire na humahalakhak sa tawa, “Makinig ka, Dorothy. Pakinggan mong mabuti, anong klaseng kagag*han ang pinagsasabi niya? Nakakahiya naman, nababaliw na siguro siya! Ang lakas naman ng loob niya para sabihing peke ang kwintas na ibinigay ni Spark. Tunay ba ‘yang sa’yo? Malamang peke rin ‘yan.” Sabi ni Spark, “Oo! Alex, imulat mo nga ang iyong mga mata. Puro ka kalokohan. Sa aking kasalukuyang kinatatayuan bilang si Spark Rockefeller, sa tingin mo ba ay gagamit ako ng pekeng kwintas para manloko ng mga tao? Wala lang sa’kin ang tatlumpung milyong dolyar, pero ikaw? Lumuhod ka sa harap ni Mom, nagmamakaawa para sa kalahating milyong dolyar kahapon. Walang maniniwala sa’yo.” Narinig ni Alex si Spark na tinatawag si Madame Claire bilang kanyang ina. Hindi siya nakaimik. Tumingin siya kay Lady Dorothy, “Dorothy, naniniwala ka ba sa’kin?” Hindi makapaniwala si Lady Dorothy sa kanya. Tinanong niya, “Hayaan mong tanungin kita, sinabi mong may paraan ka para masolusyunan ang pagbabantang ginawa ng Thousand Miles Conglomerate, nagawa mo na ba?” Sinabi ni Alex, “Inaasikaso na ng mga tauhan ko, malapit na nila akong balitaan.” Tumawa si Spark at sinabi, “Sinungaling ka, may kakilala ka ba sa Thousand Miles Conglomerate? Kahit na lumuhod ka pa sa harap ng entrance ng Thousand Miles Conglomerate sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, walang tutulong sa’yo. Puro ka salita.” Bumuntong-hininga si Lady Dorothy at walang sinabi. Alam niyang dapat hindi na siya umasa sa kanya. Sa sandaling ito, tumunog ang phone ni Alex. Sinilip niya ang caller ID ng tumatawag, at ito ang boss ng Thousand Miles Conglomerate, si Lord Lex Gunther. Sinagot niya ang tawag. Si Lord Lex Gunther ay nasa kabilang linya, “Master, inasikaso ko na po, at nakita ko na po ang taong responsible. Gusto ninyo po bang lunurin ko ang taong ito?” Si Alex ay labis na nasiyahan at tumingin kay Spark. Naalala niyang sinabi ni Lady Dorothy na gusto niyang makipaghiganti gamit ang kanyang sariling mga kamay. Agad niyang sinabi, “Masyado ‘yang madali, ako na ang bahala sa kanya.” Sabi ni Lord Lex Gunther, “Sige, nasaan po kayo, Master? Susunduin ko po kayo.” Sabi ni Alex, “Ayos lang, ako na lang pupunta diyan.” Sagot ni Lord Lex Gunther, “Sige, nandito ako sa Hell’s Angels.” Ibinaba niya na ang tawag. Sinabi ni Alex kay Lady Dorothy, “Ayos na ang lahat, hindi ka na pagbabantaan ng Thousand Miles Conglomerate. Nahanap na ang tampalasan na si Sir Gaston. Kung maglalakas-loob ulit siyang tangkaing hawakan ka, ako mismo ang maghihiganti sa kanya! Papatayin ko siya!” Mismong pagkatapos noon, nakaramdam siya ng gutom. Umupo siya, kumuha ng mangkok ng salad, at nilamon ito.Nang makita siya ni Madame Claire na kumakain na parang gutom na hippopotamus, dismayado niya itong tinignan. “Wala ka ngang perang pambili ng makakain mo, ang lakas talaga ng loob mong mangarap!” Hindi talaga naniniwala si Lady Dorothy. Nang makita niyang si Alex na puro salita at naghahalusinasyon, siya ay nasawi. Bigla siyang tumayo, kumuha ng tasa, at isinaboy ito sa kanyang mukha. “Nagmamakaawa ako, pwede bang gumising ka na? Tigilan mo na ang iyong panaginip! Kailan ka ba hihinto sa pagloloko mo sa iyong sarili? Alagaan mo na lang ang iyong ina sa ospital!” Nilunok ni Alex ang pagkain at pinunasan ang kanyang mukha. “Dorothy, magtiwala ka sakin, maghintay ka lang, matatanggap mo rin ang balita mamaya!” Nang may puno ng kumpiyansa sarili, lumingon siya at umalis. Dinampot ni Madame Claire ang kahon ng alahas nang galit, ibinato ito sa pintuan, at sumumpa, “Baliw ka na! Bitbitin mo ‘yang dinala mong sirang kahon! Sinong nakakaalam kung anong laman niyan? Umalis ka na! Kung alam ko lang na wala kang kwenta noon, hindi na kita pinahintulutang pakasalan si Dorothy.” Toink! Bumukas ang kahon ng alahas. Mula sa loob nito, parehong nahulog ang wedding ring at ang kwintas na Love in a Fallen City. Natigilan si Madame Claire. Hindi niya inaasahang may alahas sa loob ng kahon. Pinulot ni Alex ang wedding ring. Nang pupulutin niya na ang kwintas, may babaeng naunang nakapulot nito. Tumingala siya, at nakita niya ang magandang si Dr. Cheryl Coney. “Dr. Cheryl, bakit ka nandito?” medyo nagulantang si Alex. “Nandito ako para kumain kasama ng aking kaibigan.” Medyo nagulat siya nang makitang ang kwintas na Love in a Fallen City, at ngumiti siya, “Ang gandang kwintas naman, dapat mo ‘tong alagaan, heto.” “Ang ganda, ‘no?” Mapait na ngumiti si Alex. Gumastos siya ng tatlumpung milyong dolyar para sa kwintas, ngunit itinapon ito na parang basura, “Heto, sa’yo na lang, tutal iniisip ng iba na peke ‘yan.” Matapos magsalita, umalis siya nang hindi lumilingon pabalik. “Uh…” Napatulala si Dr. Cheryl sa kwintas at sa wakas ay tiningnan ang mga tao sa pribadong dining room. Itinabi niya ang kwintas at naglakad palapit sa pribadong dining room. Pekeng kwintas lang ito, kunin mo na at umalis ka! Ngumisi si Madame Claire, “Tingnan mo? Gano’n niya lang ipinagkaloob sa estranghero, at tinatangka niya pa ring angkinin na iyon ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Tingnan mo kung sino ang may hawak sa tunay na kwintas ngayon! Dorothy, dapat mong pasalamatan si Spark, itago mo ang kanyang regalo! Itong kwintas ang simbolo ng pagmamahal ni Spark para sa’yo.” Wala sa mood si Lady Dorothy at umling siya. “Masyado itong mahal, hindi ko ito matatanggap.” Kinuha ni Madame Claire ang kwintas, at sinabing, “Loka-loka ka. Sige, ako na lang ang magtatago nito para sa’yo, hanggang sa araw na pakakasalan mo na si Spark.” Sa sandaling ito, lumakad papasok si Cassandra. “Dorothy, nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap!” Nabalitaan niyang maghihiwalay na sina Lady Dorothy at Alex Rockefeller, kaya pumunta siya para tumulong na magkabati sila. Alam niyang si Alex ay sinusuportahan ng Thousand Miles Conglomerate. Napakalaking bagay no’n! Kung magagawa niyang panatilihing maging kaibigan nina Alex at Dorothy, maaring maging payapa ang kanyang isipan sa natitirang buhay niya… Ngunit hindi niya alam ang dahilan kung bakit nais ni Alex itago ang kanyang pagkakilanlan. Hindi niya maaring ibunyag ang kanyang lihim, tanging magagawa niya lang ay tumulong na iligtas ang kanilang realasyon. Sa totoo lang, sa kanyang puso, gusto niya talagang pakasalan si Alex! “Uy, ang kwintas na ito…” Bigla niyang nakita ang kwintas sa kamay ni Madame Claire. “Bakit kamukha niyan ang kwintas na Love in a Fallen City?”Ipinagyabang ni Madame Claire at sinabin, “Cassandra, tama ka, ito ang nag-iisa at natatanging kwintas na Love in a Fallen City, at ito ang simbolo ng pagmamahal ni Spark para kay Dorothy.” Tiningan ni Cassandra ang kwintas, pagkatapos nama’y kay Spark Rockefeller. Pagkatapos noon, nagpakita siya ng pagkadismaya at sinabing, “Sa palagay ko ay naloko ka lang ng taong may ibang motibo. Hindi ito ang kwintas na Love in a Fallen City, imitasyon lamang ito. Ito’y peke.” Tumayo si Spark na may malungkot na ekspresyon, “Kagag*han! Paano ka nakakasiguro diyan? Ito ang tunay na kwintas na Love in a Fallen City!” Ngumisi si Cassandra. “Ako mismo ang nagbenta ng tunay na Love in a Fallen City. Paanong hindi ko malalaman? Peke ang kwintas na ito!” Nang sinabi niya ‘yon, lahat ng miyembro ng pamilyang Assex ay naguluhan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.