Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 10

Siyempre, hindi aaminin ni Spark na ang binigay niyang kwintas ay peke lamang na nagkakahalagang dalawang libong dolyar. Kung aaminin niya ito, hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang pinagsikapan? Agad siyang tumayo, pinanduruan si Cassandra at sinabing, “Hindi ko alam kung anong relasyon sa pagitan ninyo ni Alex para ipagtanggol siya, sino ka ba para pagdudahan ang ibinigay kong kwintas? Kilala mo ba kung sino ako? Si Cassandra ay ngumisi at sinabi, “Siyempre kilala kita. Ikaw ang laki sa layaw na sinusubukang agawin ang mga ari-arian ng pamilya ni Alex. Sa totoo lang, lahat ng meron ka ngayon ay pagmamay-ari na ni Lady Dorothy. Inagaw mo ang kanyang kayamanan at binigyan mo siya ng pekeng kwintas para makuha ang kanyang katawan, wala ka talagang kahihiyan.” Ngayon ay pinaniniwalaan niya na si Alex Rockefeller. Tinawag pa niya ito bilang kanyang ama kaya natural lang para sa kanya na ipagtanggol siya. Malamig na ngumuso si Spark. “Patuloy mong sinasabi na naibenta mo na ang kwintas na Love in a Fallen City, pero kanino mo nga ba naibenta ito?” Sagot ni Cassandra, “Kay…” Sasabihin niya na sanang binenta niya ito kay Alex, ngunit bigla niyang naalala ang kanyang babala. Hindi maaring maibunyag ang kanyang pagkakilanlan kaya pinanatili niyang nakatikop ang kanyang bibig. “Bakit ko sasabihin sa’yo?” Nagalit si Spark. Hinampas niya ang lamesa, naging sanhi para maalog ang tubig sa baso. Tumingin siya kay Madame Claire at sinabi, “Madame Claire, hindi ko maintindihan ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa. Pumunta siya rito para ipahamak ako gamit ang maling impormasyon at siraan ako. Kung iyon ang kaso, sabihin mo nang naging labis ang reaksiyon ko, ngunit wala na akong maitutulong kapag hinabol kayo ng Thousand Miles Conglomerate.” Kutya ni Cassandra. “Magagarantiya ko sa’yo na hindi kailanman ipapahamak ng Thousand Miles Conglomerate ang pamilyang Assex…” Bago pa niya maipagpatuloy… Dinampot ni Madame Claire ang kanyang baso at sinabuyan niya ng red wine si Cassandra sa kanyang mukha. Saway niya, “Ikaw, ano bang binigay sa’yo ng basurang si Alex para sirain ang kapana-panabik na kasal nina Dorothy at Spark? Umalis ka na rito! Huwag mo na ulit pagtatangkaang lumapit sa pamilyang Assex muli!” Pagkatapos, mabilis niyang sinabi kay Spark, “Aking mahal na manugang, huminahon ka, baliw ang babaeng iyon, wala siyang magandang asal, wala rin siyang alam tungkol sa tatlumpung milyong dolyar na kwintas! Tunay talaga ang binili mong kwintas.” Basang-basa at nahihiya si Cassandra. Tumingin siya kay Lady Dorothy at biglang tumawa. “Dorothy, pagsisisihan mong nakipaghiwalay ka kay Alex.” Umiling siya at sinabi ‘yon. Mabilis na tumayo si Lady Dorothy at humingi ng paumanhin. Ngunit sumigaw si Madame Claire, “Pagsisisihan mo mukha mo! Naiinggit ka ba kay Dorothy, na malapit nang maging young lady ng Rockefeller Group, pero ikaw, walang may gusto sa’yo?” “Umalis ka na! Bubugbugin kita kapag nakita pa kita ulit!” Biglang nakiramay si Cassandra kay Alex. Mukha talagang pera si Madame Claire. Siya ang tipo ng ina na handang ibenta ang kanyang anak. Ang nakakatawa pa, minaliit niya si Alex. Masyado nang gahaman sa pera si Madame Claire. Hindi na siya maililigtas pa. … Hell’s Angels. Matatagpuan sa pinakamamahaling lupain sa sentrong siyudad ng California, sinasakop nito ang sukat na isang ektarya. Ito ang tanyag na pinakamalaki at nangungunang clubhouse sa California. Karaniwan, nakabukas lamang ito para sa mga executive ng Thousand Miles Conglomerate. Kung hindi man, ang makakapasok sa clubhouse ay mga bigatin lamang. Sumakay ng taxi si Alex at sinabihan ang tsuper na pumunta sa Hell’s Angels, at dismayado siyang tiningnan ng tsuper. Gusto niyang itanong kung bakit siya pupunta sa Hell’s Angels? Gayunpaman, dahil sa takot, hindi na siya nagtanong pa.Habang bumibiyahe, nanatili siyang tahimik. Pinatay niya pa nga ang radyo. Hinawakan ni Alex ang wedding ring habang nagluluksa. Wala siyang pakialam sa reaksiyon ng tsuper. “Spark Rockefeller, kasuklam-suklam ka at walang kahihiyan, ipapatikim ko sa’yo ang sarili mong medisina. “Gagamitin ko ang kapangyarihan ng Thousand Miles Conglomerate para itulak ka sa iyong kamatayan. “Ngunit masyadong nakakabagot iyon! Magsaya muna tayo at tingnan natin kung anong maibubuga mo! “At ikaw, Madame Claire, ipapakita ko sa’yo na ang binobola mong si Spark Rockefeller ay walang halaga kumpara sa’kin!” Kung iisipin, napagtantuan niya na. Iminulat ni Alex ang kanyang mga mata; napupuno ito ng pagkadisidido at kumpiyansa sa sarili. Meron na siyang puhunan ngayon. Hindi nagtagal, nakarating na sila sa Hell’s Angels. Pagkalabas ng sasakyan, taas-noo siyang naglakad palapit sa pintuan… “Tumigil ka!” “Hindi maaring pumasok sa Hell’s Angels ang mga hindi kilalang tauhan!” Sigaw ng malakas at matatag na boses sa kanya. Nagulat si Alex, at naisip niya, ‘Hindi madaling makapasok sa Hell’s Angels, ngunit malakas ang loob ng bellboy ito.’ Ayon sa sabi-sabi, may mga master, mersenaryo, martial arts master sa Thousand Miles Conglomerate… Isa ba siya sa kanila? Gayunpaman, siya ang tunay na boss ng Thousand Miles Conglomerate. Hindi alintana kung anong uri ng master siya, nagtratrabaho pa rin siya para sa kanya.Nanatili siyang kalmado, at marahang sinabi, “Hindi ako estranghero, nandito ako para hanapin si Lord Lex Gunther!” Nagalit ang bellboy. “Kalokohan, sino ka para tawagin si Master Lex sa kanyang pangalan! Lumuhod ka at humingi ng paumanhin!” Sumimangot si Alex. “Hinahanap ko si Lord Lex Gunther. Inimbitahan niya ako riot. Magtiwala ka sa’kin. Pumasok ka at sabihin mo sa kanyang nandito si Rockefeller.” Sa sandaling ito, may binatang nakasuot ng suit ang mayabang na lumakad papasok habang sumisipol. Nakita niyang hinaharangan si Alex sa pintuan at sinabi nang nakangiti, “Oh, sino ito? Ito na ba ang pinakamasahol na pindeho sa California! May asawa nga pero hindi naman siya pinahihintulutan nitong hawakan siya. Inabandonang anak ng mga Rockefeller.” Tiningnan siya ni Alex at hindi niya ito namukhaan. Malamig niyang sinabi, “Sino ka? Sino ka para husgahan ako?” “P*ta!” Kutya ng lalaki, “Malakas pa rin ang loob mo ha! Nabalitaan kong hihiwalayan ka na ng iyong asawa. Tsk tsk tsk. Ang asawa mo, si Lady Dorothy, ay may itinataglay na tunay na kagandahan. Pero masaya ka ba kapag ikinasal na siya sa iba? O hindi na?” Malamig siyang tiningnan ni Alex. “Sabihin mo sa’kin kung sino ka!” Tumawa ng binata. “Hahaha, anong gagawin mo? Maghihiganti ka ba sa’kin? Natatakot ako!” Sarkastiko niyang sinabi, “Makinig ka nang mabuti, ako ay si Gaston Gates! Ako ang taong binastos ng iyong asawa sa piging noong isang araw! Bale ano, galit ka na? Ang lakas nga din naman talaga ng loob mo! Nakakaawa ka, isang pindeho, hindi ka karapat-dapat kausapin. Ayokong patulan ka.” Lumalabas na siya pala si Sir Gaston Gates. Hindi bigatin ang taong ito, siya lamang ay pamangkin ng executive sa subsidiary ng Thousand Miles Conglomerate. Samakatuwid, hindi talaga siya makikilala ni Lord Lex Gunther. Inabot ng matagal na panahon para mahanap ang taong ito. Pagkatapos, ipinatawag na ni Lord Lex Gunther si Alex sa Hell’s Angels. Ang mas nakakatawa pa, akala ni Sir Gaston Gates na kaya siya ipinatawag ni Lord Lex Gunther sa Hell’s Angels ay dahil may mabuti siyang balita para sa kanya. Kinutya niya si Alex. Ngumisi si Alex, “Ikaw pala ‘yon! May huling mga salita ka na ba?” Nagalit si Gaston Gates. “Bobo, huling mga salita para kanino? Maniwala ka o hindi, hindi ko hahayaang mamatay ka nang payapa!” Umiling si Alex. “Hindi ko ‘yan paniniwalaan!” Ito ang Hell’s Angels, ang kanyang teritoryo. Naniniwala siyang kaya niyang bigyan siya ng leksiyon. Sa sandaling ito ay may isa pang boses, “Hindi ko rin ‘yan pinaniniwalaan!” Nagalit si Gaston Gates. “Sinong hangal ang nagsasabing hindi niya ito pinaniniwalaan?” Lumingon siya. Nakita niya kung sino ang nagsasalita at natigilan.“Master Lex… Gunther?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.