Kabanata 16
Tinanong ni Dorothy, “Anong ikakasal?”
Ngumiti si Lady Emma at sinabi, “Hindi mo talaga alam? Nakakatuwa naman! Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon. Oo nga pala, ngayon pa lang ay binabati na kita!“
Nagkasalubong ang mga mata nina Dorothy at Alex. Alam nilang may mangyayaring hindi maganda.
Nagkaroon ng masamang kutob si Alex nang makita niya si Spark sa hall.
Halos alas kwatro na at marami nang mga tao sa banquet hall.
Si Madame Joanne na may rosas sa pulang mga pisngi na may simpleng dress na parang buwan sa kaputian ay nakatayo sa ilalim ng spotlight.
Iniunat niya ang kanyang mga braso at lahat ng tao sa hall ay nanahimik.
“Ngayon ang ikalabinglimang anibersaryo ng Assex Constructions. Nais kong pasalamatan ang lahat ng aming mga kasosyo sa negosyo sa inyong presensya ngayong gabi.“
Palakpalak.... Pak… Pak…
Nagpalakpakan ang madla.
“Ayon sa aming nakagawiang kasanayan, ngayon, ang mas nakababatang henerasyon ng pamilyang Assex ay gagantimpalaan batay sa kanilang naiambag. Ngunit sa oras na ito, merong kaunting pagbabago! Dahil meron lamang isang nagwagi ngayon, at iyon ay si...”
Sinadyang huminto si Madame Joanne.
Pagkatapos, may ilaw na suminag kay Dorothy.
“Ang aking magandang apo, si Dorothy!”
“Pumirma ng kontrata si Dorothy na nagkakahalagang isang bilyong dolyar kasama ang Thousand Miles Conglomerate, kaya't siya ang nagwagi sa kumpetisyon ngayong taon!”
“Dorothy, mahusay ang ginawa mo. Ipinagmamalaki kita. Ngayon, umakyat ka na sa entablado.”
Sa sandaling ito, si Dorothy ay naging sentro ng atensyon.
May tinataglay na mukhang anghel at mala-diyosang pigura, si Dorothy ay mukhang simbolo ng kadalisayan at sex appeal.
Namula ang mukha ni Dorothy, hinawakan niya ang kamay ni Alex at naglakad papunta sa entablado.
Nais ni Alex na bitawan ang kanyang kamay, ngunit humawak siya nang mahigpit at sinabi, “Karapat-dapat ka dahil sa iyong pagsusumikap, dapat kang sumama sa akin.”
“O sige!”
Hinawakan ni Alex ang kamay niya.
Nang makita ito, marami sa mga kalalakihan ang nainggit.
Sa wakas, umakyat na sila sa entablado.
Binigyan ni Madame Joanne ng blangkong titig si Alex. “Si Dorothy lang ang tinawag ko. Wala itong kinalaman sa basurang tulad mo. Bakit ka nandito?”
Nagmamadaling sinabi ni Dorothy, “Lola, si Alex po ang dahilan kung bakit pinirmahan namin ang kontrata sa Thousand Miles Conglomerate. Siya ang tumulong sa akin sa proyektong ito. Kung wala po siya, hindi ko po makukumpleto ang isang bilyong dolyar na proyektong ito.”
Binigyan ni Madame Joanne ng malamig na titig si Alex. “Sigurado ka ba?”
Tumango si Alex, “Opo, Madame!”
Tumawa si Madame Joanne. “Alex, ikaw na walang kwenta. Paano mo nagawang mawalan ng kahihiyan para kunin ang kredito para dito? Ang bilyong dolyar na kontrata sa Thousand Miles Conglomerate ang iyong kagagawan? Paanong naging posible iyon?”
Nag-aalalang sinabi ni Dorothy, “Lola, totoo po ang sinabi niya.”
“Kalokohan!”
Sarkastikong sinabi ni Madame Joanne, “Dorothy, nauto ka lang ng manlolokong ito. Alam mo ba ang kahulugan sa likod ng isang bilyong dolyar na kontratang ito? Regalo ito para sa kasal ninyo ng binatang direktor ng Rockefeller Group na si Spark! Kahapon, nasaksihan ng aking sariling mga mata at narinig ng aking mga tenga na ang kontrata ay nilagdaan sa tulong ng pinuno ng pamilyang Rockefeller, si Sir Bill Rockefeller! Alex, paano mo nagawang mangahas na kumuha ng kredito! Walang hiya ka!“
Parehong natigilan sina Alex at Dorothy.
Habang ang ibang mga panauhin sa banquet hall ay tumawa.
Pagkatapos, naglakad palapit si Spark, nakabihis ng Armani, mukhang astigin.
Lakas-loob siyang tumayo sa harapan ni Alex.
”Bakit napakawalang hiya mo, Alex? Dalawang araw na ang nakakalipas, binigyan mo si Dorothy ng tinaguriang Love in a Fallen City na kwintas. Pagkatapos, nagkalat ka ng mga tsimis na nailigpit mo na Gaston Gates. At ngayon kumukuha ka ng kredito para sa kontrata? Okay ka lang?“
Pagkatapos, lumitaw si Madame Claire.
Nang walang salita, sinampal niya si Alex at sumigaw, “Nakakahiya ka! Sino ka upang kumuha ng isang bilyong dolyar na kontrata para kay Dorothy? Sigurado nga talagang puno ka ng mga kasinungalingan! Wala kang pag-asa! Hindi ka nararapat upang maging manugang ko!“
Hindi inaasahan ni Alex na ang walang kahihiyan ni Spark ay ganito kalala.
Ang lakas ng loob niyang magsabi ng kung anu-ano sa harap ng lahat ng mga panauhin.
Ngunit kay Dorothy lamang siya may pakialam. Namutla ang mukha ni Dorothy at nawalan ng awa ang kanyang mga mata. Dali-dali niyang sinabi, “Dorothy, huwag kang maniwala sa isang salitang sinabi niya, nagsisinungaling siya, mapapatunayan ko sa’yo na ang bilyong dolyar na kontrata ay kagagawan ko.”
“Hayup ka!”
Doon lang, may matandang lalaking umakyat.
Siya ang pinuno ng pamilyang Rockefeller, si Sir Bill Rockefeller.
“Lo... Lolo?”
Gulat na napatingin si Alex kay Sir Bill Rockefeller. Hindi niya inaasahan na nandoon si Sir Bill Rockefeller.
“Hayup ka, hindi ako ang iyong lolo!” Pinanduruan ni Sir Bill si Alex at sinaway ito, “Nakakahiya ka sa mga Rockefellers! Malinaw na kagagawan ko ang isang bilyong dolyar na kontratang iyon. Para ito sa apo kong si Spark, upang ihandog na regalo sa kasal para sa mga Assex. Wala itong kinalaman sa’yo! Wala kang kwenta! Hindi ka karapat-dapat na maging isang Rockefeller! Umalis ka na!“