Kabanata 15
Nang umalis sila sa lumang Assex Manor, tumingin si Spark nang may paghanga kay Bill, "Lolo, hindi ko alam na malakas ang konekayon mo na kahit si Lord Lex ay kaibigan mo. Nagawa mo ring gumawa ng paraan para mabilis na asikasuhin ang isang bilyong dolyar na kontrata! Hindi nakakagulat na may tiwala kang tatanggapin ng old lady ang proposal natin!"
Umiling si Bill at sinabi, "Wala akong kinalaman sa bilyong dolyar na kontrata."
"Ha? Hindi ba sinabi mo lang..." Kuwestiyon ni Spark.
"Sumasabay lang ako sa daloy," singit ni Bill. "Nasa panig natin ang kapalaran ngayong araw. Hindi ko inasahang makikipag-negosyo ang pamilya Assex sa Thousand Miles Conglomerate. Mukhang may isang makapangyarihang tumutulong sa kanila. Isang matalinong hakbang na pakasalan mo si Dorothy. Pwede tayong magkaroon ng koneksyon saThousand Miles Conglomerate sa tulong mo sa hinaharap."
Ngumiti si Spark at tumango bilang pagsang-ayon. May sumagi sa kanyang isipan, sino ang tumutulong sa pamilya Assex? Hindi maliit na halaga ang isang bilyong dolyar. Si Alex kaya yun? Mabilis niyang binasura ang posibilidad na iyon. Sa kanyang isipan, isang lamang walang silbing tao si Alex; hindi niya kayang gawin iyon. Pagkatapos ng lahat, kahit na sino iyon, matutuloy na ang kasalan nila ni Dorothy sa susunod na araw.
Sa kabilang Assex villa, nakatanggap si Lady Dorothy ng abiso nag-alok ang Thousand Miles Conglomerate sa Assex Constructions ng isang bilyong dolyar na kasunduan at siya ang partikular na hiniling na humawak sa negosasyon ng kontrata. Hindi siya makapaniwalang totoo iyon. Matapos ang maraming kumpirmasyon, sa wakas ay tinanggap niyang totoo ang mabuting balitang iyon.
"Alex!" Naisip niya. "Sinabi niya na bibigyan niya ako ng isang malaking sorpresa! Hindi kaya siya ang may gawa ng bilyong-dolyar na kontratang ito?"
Mabilis na nagtungo si Lady Dorothy sa conference room upang makiapgkita mga kinatawan mula sa Thousand Miles Conglomerate. Para bang isang himala ang nangyari; madali natapos ang negosasyon sa kanyang pabor. Parang ang kontratang ay isang kasunduang hulog ng langit. Ang Assex Constructions ay makakakuha ng hindi bababa sa dalawampung porsyentong mas malaking porfit margin kaysa sa karaniwan, at ang kasunduan ay magkakaroon ng hindi bababa sa tatlong daang milyong profit para sa Assex Constructions.
Habang nagawang pirmahan ni Lady Dorothy ang kontrata bago ang pagdiriwang ng anibersaryo, walang duda na siya ang magiging top performaer at tatanggap ng malaking performance bonus.
Ang mga kinatawan mula sa Thousand Miles Conglomerate ay nakipagkamay kay Lady Dorothy, at sinabi, "Salamat, Ms. Assex. Okay na ang kontrata, ibabalik ko ito at dadaan sa kinakailangang proseso. Pipirmahan ito at tatatakan saka ibabalik sa iyo bukas.”
Matapos magpaalam sa mga kinatawan ng Thousand Miles Conglomerate, nadama ni Lady Dorothy na parang nasa panaginip siya. Tinawag niya agad si Alex, “Alex, ikaw ba ang may gawa nito? Ang bilyong dolyar na kontrata mula sa Thousand Miles Conglomerate ang sorpresang gusto mong ibigay sa akin?"
Ngumisi si Alex at sinabing, “Tapos na ba ang negosasyon? Magaling! Malaki ang pagkakautang ko sa iyo sa nakaraang sampung buwan. Gagawin ko ang aking makakaya para bumawi sa iyo. Ibibigay ko ang buong suporta ko sa iyo mula ngayon."
Nang marinig ang mga salita ni Alex, umiyak si Lady Dorothy. "Alex, hindi ako humihingi ng labis sa iyo.Basta't mananatili kang positibo sa buhay at may lakas ng loob na mabuhay, gusto kitang kapiling kahit na mayaman tayo o mahirap."
"Pangako ko sa’yo!" Nangako ni Alex.
......
Samantala, nakatanggap din ang pamilya Assex ng balita na ang bilyong dolyar na kontrata ay matagumpay na napagkasunduan. Labis silang nasasabik, lalo na nang malaman nila ang iba't ibang mga concessions na ginawa ng Thousand Miles Conglomerate.
Naligo ang old lady ng Assex bago manalangin sa Diyos.
Ang Assex Constructions ay nagkakahalaga ng halos dalawa hanggang tatlong daang milyong dolyar. Dinoble ng kasunduang iyon ang kanilang net worth. Mabilis na aakyat ang pamilya Assex mula sa isang third-rate business family papuntang second-rate business family, na nangangahulugang ang kinabukasan ng kanilang negosyo ay naging mas magaling.
Sa courtyard ng lumang Assex Manor, ilang mga batang miyembro ng pamilya Assex ang naagtsismisan.
"Talagang nagawa ni Dorothy na makuha ang bilyong-dolyar na kontrata rmula sa Thousand Miles Conglomerate, hindi ko talaga alam kung paano niya nagawa iyon," sabi ng isa.
"Naisip kong ako na ang magiging top performer sa anniversary celebration ngayong taon, pero binago ng deal na ito ang buong laro!"
"Dorothy Assex, ang lahat ng ito ay dahil lamang medyo maganda siya," sabi ni Lady Emma Assex, ang anak na babae ni Anderson Assex, na hindi kailanman nagustuhan si Lady Dorothy.
"Alam mo, may asawa na siya... Ngunit sa papel lang!"
Pumasok si Madame Joanne sa bakuran sa sandaling iyon at ginambala sila, "Anong masamang tsismis ang kinakalat ninyo?"
Sumagot si Lady Emma, "Lola, ang isang bilyong dolyar na kontrata na pinirmahan ni Dorothy ay hindi dahil sa kanyang pagsisikap, ‘di ba? Ang Thousand Miles Conglomerate ang kusang lumapit sa atin, at dahil iyon sa brand at reputation natin. Sa katunayan, dapat bigyan ng credit tayong lahat sa deal na ito sa pagtulong na buuin ang imahe ng kumpanya."
Nilagay ng old lady ang kanyang kamay sa mukha ni Emma at sinabi, "Huwag mo nang pag-isipan ito. Binigay ng pamilya Rockefeller ang kasunduang ito bilang dower para kay Dorothy."
"Ang pamilya Rockefeller? Hindi ba pinalayas na ni Madame Claire ang basurang si Alex?" tanong ni Emma.
"Hindi si Alex, ang batang director ng Rockefeller Group, siSpark Rockefeller!" Sagot ni Madame Joanne.
"Ano? Gusto ni Spark na pakasalan si Dorothy?!" Nagtatakang bulalas ni Emma. Lahat ng ibang mga kasapi ng pamilyang Assex ay sabay na tumawa.
Mahinang bumulong si Lady Emma, "Ang p*tang iyon, si Dorothy. Wala talaga siyang hiya at handang gumawa ng kahit ano para lang maging young lady ng Rockefeller Group."
Sinabi ng old lady, "Emma, pumunta ka sa Ritz Carlton Hotel at itaas ang profile ng banquet natin bukas sa mas luxurious na level. Sa pagkakataong ito, magkakaroon tayo ng masaganang hapunan para sa lahat ng ating mga panauhin at bumuo ng momentum para higitan pa ang mga ambisyon ng pamilya Assex! Ihahayag din natin ang bilyong dolyar na kontrata sa pagitan ng Assex Constructions at Thousand Miles Conglomerate."
Lumipas ang araw at dumating ang anibersaryo ng Assex Constructions.
Katatapos lamang ng pamilya ni Madame Claire sa kanilang tanghalian. Binagsak ni Madame Claire ang mga plato at kagamitan sa hapag kainan at inutusan si Alex, “Linisin mo ang mesa. Huwag kang mag-iwan ng kahit isang bakas ng pagkain!”
Hindi pinansin ni Alex ang kanyang puna. Nasanay na siya sa ganitong trato sa nakalipas na sampung buwan.
"Oo nga pala, dadalo kami sa anniversary banquet ng Assex Constructions sa hapon. Hindi mo kailangang sumama. Ipapahiya mo lang ang pamilya namin."
Ayaw pumunta ni Alex. Ang old lady ng pamilyan Assex na si Madame Joanne, ay hindi naman siya nagustuhan. Napaka-awkward kung magpapakita siya. Isa pa, mas gugustuhin niyang hindi makita ang mga ito dahil wala silang halaga sa kanyang mga mata.
Mabilis na sabat ni Lady Dorothy, "Hindi, dapat pumunta si Alex! Tinawagan ako ni Lola ngayon lang at sinabihan akong dapat sumama si Alex."
Sinabi ni Madame Claire, "Hindi ba nakainom gamot ang old lady?"
Ngunit dahil kahilingan ito ni Madame Joanne, kailangan niyang sundin ito. Umakyat si Madame Claire sa kanyang kwarto upang magbihis sa damit na mas angkop para sa event mamayang gabi.
Ang Ritz Carlton Hotel ay isa sa pinakamagandang five-star hotel sa California. Mayroon silang isang engrande at retro na disenyo na mukhang kamangha-mangha. Alas tres y media ng hapon, may malaking banner nang lumilipad main entrance na nagsabing, "Warm celebration–15 taon ng Assex Constructions."
Isa itong engrandeng pangyayari at maraming kilala at makapangyarihang panauhin ang sunod-sunod na dumating sa venue. Isa pa, hinayaan ni Madame Joanne na kumalat ang balita tungkol sa kasunduan ng Assex Constructions sa Thousand Miles Conglomerate. Maraming umaasang sumali sa kasunduan, habang ang iba ay nagpakita bilang tanda ng paggalang sa Thousand Miles Conglomerate.
Nang makita ni Madame Joanne na marami sa mga mayayaman at makapangyarihan ang dumalo, labis siyang nasiyahan.
Sa oras na ito, dumating din ang pamilya ni Lady Dorothy. Nagbihis nang elegante si Madame Claire, at nakasuot siya ng Love in the Fallen City na kwintas.
Parehong din nagbihis ng elegantesina Lady Dorothy at Lady Beatrice; si Alex lang ang nakasuot ng kaswal na damit, na parang nagbabakasyon.
Pagdating nila sa entrance ng banquet hall, nakita ni Lady Dorothy si Lady Emma.
"Oh, andito na pala ang bride! Late ka na talaga!" Nakangiting pang-aasar ni Lady Emma. "Ikaw ang starlet ngayong gabi! Okay lang na ma-late ka, pero bakit mo siya dinala sa banquet na ito?"