Kabanata 8
Kumaluskos ang hangin sa loob ng kotse dahil sa kakaibang tensyon.
Si Mu Ling, na nagmamaneho ng kotse, ay tahimik na tumawa. Ang mga balikat niya ay nanginig sa tangkang pigilan ang kanyang pagtawa.
Tatawa na dapat siya nang malakas kung hindi lang siya binigyan ng babala ni Lu Shijin mula sa likod na kotse.
Ang mga pisngi ni Tang Ruochu ay namula at bahagyang mapula na rin ang kanyang makitid na leeg.
Ang mga mata ni Lu Shijin ay biglang dumilim at dinagdag niyang, “Hindi mo na kailangan mag alala. Hindi ako mahilig manamantala ng iba, kaya’t hindi kita hahawakan hangga’t hindi ka pa handa.”
Ang sinabi niya para mawala ang pagkahiya ni Tang Ruochu pero ito rin ay isang pangako.
Agad na huminga ng maluwag si Tang Ruochu.
Tumingin siya kay Lu Shijin ng may pasasalamat. Ito ang unang pagkakataon na pakiramdam niya ay tama ang desisyong niya na pakasalan si Lu Shijin.
Tunay na maginoo siya at hindi niya gagalawin si Tang Ruochu dahil ito ay ipinangako niya!
Nagtiwala si Tang Ruochu dahil siya ay si Lu Shijin.
Hindi siya katulad ni Ji Yinfeng.
Si Ji Yinfeng ay hindi tumutupad sa kanyang salita. Nangako siya na gagalawin niya lang si Tang Ruochu pagkatapos nila ikasal pero lagi siyang nagpapahiwatig na gusto niyang makipagsiping bago sila ikasal.
Si Lu Shijin naman ay ang kabaliktaran. Pwede niyang gamitin ang posisyon niya na isang asawa para dalhin siya sa kama, sa halip, ipinangako niya na hindi niya ipagpipilitan ang sarili niya kay Tang Ruochu at payag siyang maghintay hanggang sa siya’y handa na.
Nagpasalamat siya sa isip niya na si Lu Shijin ang napili niyang pakasalan.
“Salamat, Mr. Lu!”
“Walang ano man.”
Huminto ang kotse habang sila ay nag uusap at tumingin si Lu Shijin sa labas bago sinabing, “Nandito na tayo.”
Nagulat si Tang Ruochu nang sinundan niya ang tingin ni Lu Shijin at napagtanto niya kung nasaan sila.
Nasa harap sila ng isang restaurant na nagngangalang “Sea Galaxy”.
Ang “Sea Galaxy” ay matatagpuan sa labas ng lungsod at nakatayo ito sa isang burol. Napakaluwag dito at napapalibutan ng maraming tourist spots at mga hotel. Maganda ang mga tanawin dito at napakaelegante ng panlasa nila sa mga dekorasyon. Mayroon ding isang pribadong obserbatoryo sa likod para sa mga kostumer na mahilig tumingin sa mga ilaw ng siyudad o sa mga bituin habang kumakain.
It ang dahilan kung bakit lubos na kilala ang “Sea Galaxy” sa loob ng Beining City at karaniwang isang buwan ang hinihintay ng mga tao bago sila makakuha ng reservation sa restaurant na ito. Ito rin ang paboritong puntahan ng mga mayayaman sa Beining.
“Tara na sa loob,” ang sabi ni Lu Shijin.
Nakalabas na ng kotse si Lu Shijin nang hindi namamalayan ni Tang Ruochu at binuksan ang pinto tulad ng isang tunay na ginoo.
Paglabas ni Tang Ruochu sa kotse ay nakayuko ito, hindi niya napigilan na sabihing, “Dapat sinabi mo ng mas maaga na dito tayo pupunta, nakapagpalit sana ako ng mas magandang damit.”
Tinignan siya ng mabuti ni Lu Shijin at malumanay na sinabing, “Likas ang kagandahan mo, kaya’t bagay sayo ang kahit anong kasuotan. Sapat na sa akin ang itsura mo.”
Nagsasabi siya ng totoo.
Isang tunay na kagandahan si Tang Ruochu at halata mo sa kanya ang pagiging matalas. Ang itsura niya ay elegante at presko, bukod pa dito ay perpekto ang hugis ng kanyang katawan. Magaling rin siya pumili ng pananamit kaya’t maganda pa rin ang itsura niya kahit na ang kanyang pananamit sa trabaho.
Napahinto saglit si Tang Ruochu sa pagkagulat niya at natatawang sinabi na, “Hindi ko inaasahan ang pagpuri na ganito mula sa iyo.”
Ito ang unang beses na ngumiti siya mula nung huling insidente.
Nagulat din si Lu Shijin sa kanyang sarili dahil natagpuan niya ang bagong abilidad ng pamumuri ng iba matapos niyang makasal.
Sa mabuting palad, isang pribadong pag uusap lamang ito. Mapapanganga sana sa gulat ang mga kaibigan ni Lu Shijin kung narinig nila ang mga binigkas niya salita kanina.
Pumasok na sila sa restaurant. Nakapag-book na ng pwesto si Lu Shijin sa malapit sa obserbatoryo at pinalagyan niya rin ng dekorasyon ang lugar.
Dumating ang chef at naghatid ng kanilang pagkain. Sumunod, dumating ang mga biyolinista na nakasuot ng itim, pumila sila, at nagsimulang tumugtog ng magagandang himig.
May mga bulaklak, kandila, alak, musika, at iba pang mga gamit na dumagdag sa pagiging romantiko ng lugar.
Mabilis napagtanto ni Tang Ruochu na ang kanyang pagdurusa, kalungkutan, at paghihirap ay nawala nang makaramdam siya ng galak sa amorosong lugar na ito.
“Nasa panlasa mo ba ang lahat ng ito?” biglang tanong ni Lu Shijin habang sila ay kumakain.
...
Habang kumakain si Tang Ruochu ng kanyang steak ay napatango siya at sinabing. “Foie gras, borscht, European-style smoke steak, at vanilla dessert, lahat ito ay ang mga paborito kong pagkain…” huminto siya ng saglit bago agad na tumingin kay Lu Shijin at sinabing, “Inorder… mo ba ang lahat ng ito?”
Sinalubong ni Lu Shijin ang tingin niya at sinabi ng mahinahon, “Hindi naman gaano mahirap matuklasan ang mga gusto mo.”
Nabitin ang hininga ni Tang Ruochu at nubusan siya ng masasabi.
Hindi niya akalaing ang matayog at hindi malapitan na lalaking ito ay maasikaso din pala. Natutunan niya pa kung anong mga hilig kainin ni Tang Ruochu.
Hindi kailanman ginawa ni Ji Yinfeng ang ganito. Hindi natatandaan ni Ji Yinfeng ang mga paboritong pagkain niya, ang gusto niyang kasuotan, o kung anong mga pelikula na hilig niyang panoorin.
Ngunit, ginawa ni Lu Shijin lahat ng ito para sa kanya!
Hindi maipahayag ni Tang Ruochu ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.
Si Ji Yinfeng ay ang lalaking pinagbigyan niya ng kanyang puso, pero tinapakan niya lamang ang puso ni Tang Ruochu at itinapon ang kanyang pagmamahal sa kawalan.
Si Lu Shijin ang naging asawa niya na hindi niya pa gaanong kilala ngunit ginawa niya ang lahat ng mga ‘di kayang gawin ni Ji Yinfeng.
Nagbagong bigla ang pananaw ni Tang Ruochu kay Lu Shijin.
Hindi naman talaga suplado ang lalaking ito. Ang totoo, siya ay napakabait at maasikaso. Alam ni Tang Ruochu na mayroon siya ng mga katangiang ito lalo na noong pinangako niyang hindi siya gagalawin nito hangga’t hindi pa siya handa at nang personal niyang in-order ang mga paboritong pagkain ni Tang Ruochu.
Pakiramdam niya rin ay dumating si Lu Shijin sa Times Entertainment ng hapong iyon para lamang tulungan siya.
Madamdaming sinabi ni Tang Ruochu na, “Salamat, Mr. Lu!”
Tumaas ng kaunti ang kilay ni Lu Shijin at tila napansin niya kung gaano kapormal siya kausapin ni Tang Ruochu. Ang sabi niya ay, “Walang anuman, ngunit pwede mo bang baguhin ang pagtawag mo sa akin?”
“Uh… ano ang dapat kong itawag sayo?” ang sabi ni Tang Ruochu habang na-blanko ang kanyang utak.
...
Pinag isipan niya na ito matapos siyang tawagin ni Lu Shijin na “Mrs. Lu” kanina sa kotse, ngunit wala siyang maisip na babagay, kaya’t mula sa pagtawag ng “Sir” ang ginamit niya na lamang ay “Mr. Lu.”
Hindi niya inakalang ito ang paguusapan nilang dalawa wala pang isang oras ang nakakaraan.
“Bakit hindi mo subukan na tawagin ako sa pangalan ko?” ang mungkahi niya.
Napapikit ng saglit si Tang Ruochu bago niya sabihing, “Shijin?”
“Kulang pa sa damdamin ang pagkakabigkas mo pero bibigyan muna kita ng oras para masanay,” ang sabi ni Lu Shijin habang ngumiti siya na may kasamang pahintulot.
...