Kabanata 8
Napansin ng receptionist na nurse sa mesa ang maliit na bata. Siya ay may isang magandang itim na buhok at may damit na kulay puti na may nakalagay na sandata sa kanyang dibdib, isang pares ng pantalon na kulay itim, at isang itim na maskara.
Ang istilo niyang gumagamit lamang ng isang kulay ay pinapaganda ang kaniyang itsura, tulad ng isang bagay na mula sa isang larawan na pininta ng isang pintor. Naisip ng nurse na siya ay parang katulad ng isang maliit na prinsipe mula sa isang comic book.
‘Ang cute naman niya!’
"Sino‘ng hinahanap mo, bata?" Lumapit ang nurse at binati siya ng isang mainit na ngiti at kaniyang banayad na boses.
"Hinahanap ko ang aking — aking tatay!" Mabilis na sinabi ng batang lalaki.
'Sinasabi ni Mommy na dapat akong laging mag-ingat kapag nasa labas ako.
'Huwag sabihin sa mga hindi kakilala ang totoo, maliban sa mga opisyal ng pulisya, siyempre.'
Ang maliit na lalaki ay inosenteng tumingin sa nurse, "Binibini, alam mo ba kung nasaan ang aking ama?"
Nang mapagmasdan ng payat na nurse ang mukha ng bata, ang kanyang malalaking bilog na mga mata na sumisilip mula sa ibabaw ng kanyang maskara, siya ay napanganga dahil sa biglaan niyang pagtanto. 'Ang mga mata na iyon ay eksaktong kapareho ng kay Ginoong Ares!'
Gayunpaman, palaging nasa mukha ni Ginoong Ares ang seryosong itsura na iyon. Kahit na sa kaakit-akit na kagandahang hitsura na mayroon siya, karamihan sa mga tao ay walang lakas ng loob na lapitan siya.
Ang maliit na bata na nakatayo sa harap niya ay ang tila kabaligtaran no’n. Siya ay tila mukhang mabait at kayakap-yakap at ang kanyang mainit na ngiti ay maaaring tumunaw ng niyebe. Sa totoo lang, siya ay kaakit-akit.
"Ay, oo. Ang opisina ni Ginoong Ares ay nasa ikasiyam na palapag!" Mabilis na sagot ng nurse nang walang pag-aalangan.
Ang maliit na bata ay medyo hindi nasiyahan. Talaga bang mukha siyang anak ni Ginoong Ares? O mayroon lang siyang pangkaraniwang mukha?
Ang pag-uugali ng nurse ay tila bumaligtad. Lumapit ang nurse at magalang na nagtanong, "Gusto mo bang ihatid kita sa opisina niya?"
Mabilis na umiling ang bata. "Hindi na."
'Ang nurse na ito ay mukhang maganda ngunit tila hindi siya ganoong matalino. Kung susundan niya ako, baka masira ang plano ko,' naisip niya.
Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng elevator at ang batang lalaki ay mabilis na pumasok dito.
Habang paakyat siya sa mga palag, sinabi sa kanya ng tracker sa kanyang smartwatch na papalapit na siya.
Pagdating niya sa ikasiyam na palapag, nagsama ang kanyang kasalukuyang lokasyon at ang marka ng kaniyang destinasyon.
Lumabas ang batang lalaki sa elevator at sinundan ang mga pahiwatig ng positioning system at ‘di nagtagal ay natagpuan ang silid kung saan tiyak na nakakulong si Rose.
Sa malaking pintuang kahoy ay nakasabit ang isang kahoy na karatula na may nakasulat na "President's Lounge”.
Itinulak ng maliit na bata ang pintuan ngunit hindi ito gumalaw.
Napansin niya ang tansong fingerprint lock at, dahil sa kawalan ng magandang plano, sinubukan itong i-unlock sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang maliit na daliri sa scanner. Nagulat siya ng marinig niya ang pagtunog ng fingerprint lock at bumukas ang pinto.
Napatulala ang batang lalaki. 'Ang fingerprint lock ba na ito ay idinisenyo para sa akin?' Siya ay nagtaka.
Tinulak ng bata ang pinto at nakita ang kawawang itsura ng kanyang ina na nakatali sa isang paa ng mesa. Ang buhok niya ay magulo at ang mukha ay natatakpan ng kanyang tuhod. Ang kaniyang mga balikat ay nanginginig.
'Umiiyak ba si Mommy?' Naisip niya, alarmado.
Hindi pa niya nakikita ang kanyang ina na umiiyak noon.
'Sigurado may taong gumawa ng masasamang bagay sa kaniya kaya siya umiiyak!’'
"Mommy!" Sigaw ng batang lalaki, ibinabagsak ang kanyang scooter at tumakbo papunta sa nakataling si Rose.
Nang marinig ni Rose ang pamilyar na tinig ng kanyang anak, tinaas niya ang naluluha niyang mukha, at nandoon siya. Ang kanyang anak na si Robbie, nakatayo sa harapan mismo niya. Ang salitang natigilan ay kulang pa upang ilarawan si Rose.
Ang kanyang tingin ay napunta sa fingerprint lock at napagtanto niya na ang kutob niya ay totoo.
Ang kanyang anak na si Robbie ay talagang may parehong fingerprint tulad ni Jenson!
Tinanggal ni Robbie ang kanyang maskara at ang kanyang maliit at guwapong mukha ay nababalot ng galit.
"Mommy, sino ang masamang taong ginawa ito sa ‘yo? Papatayin ko siya." Nang sabihin niya iyon, sumipa-sipa siya at suntok sa hangin.
Si Robbie ay talentado pagdating sa Taekwondo.
Noong una, nilagay siya ni Rose sa mga klase ng Taekwondo upang palakasin ang kanyang mahinang katawan.
Nagulat siya, kumalaunan ang coach ay nagsasalita tungkol sa likas na talento ng batang iyon. Makalipas ang dalawang taon, ang mga lagayan ng libro ni Baby Robbie ay nagsisiksikan na ng kaniyang mga tropeyo sa taekwondo.
Sa nagdaang anim na buwan, sinimulan pa niyang hamunin ang mas nakatatandang mga grupo at mahusay na lumaban.
Tinulungan siya ni Rose na ibalik sa kaniyang mukha ang maskara. "Mapanganib dito," mahina niyang sabi, "Bilisan na ‘ting umais, mamaya na tayo mag-usap."
"Okay!" Masunurin na tumugon si Robbie.
Bago siya umalis, may biglang naisip si Rose. "Sandali," sabi niya, "kailangan na ‘ting maghanap ng paraan upang tanggalin ang mga kuha ng surveillance camera. Hindi ko hahayaan na malaman ng masasamang tao ang tungkol sa iyo."
"Madali lang ‘yan. Ako na ang bahala."
Maya-maya, ang mga kuha ng surveillance camera ng buong gusali ay nabura.
...
Ang mga villa sa City South ay tila humahalo sa tanawin sa kalayuan. Ang lugar na iyon ay kilala bilang ang pinakamahalagang real estate paradise sa buong siyudad.
Ang mga bungalow villas ay malalaki na ngunit ang mga hardin ng mga ito ay mas malaki pa.
Ang microdistrict ay mayroong naitala--mababang porsyento ng populasyon ng lungsod — mas mababa sa 0.5 na porsyento ng mga mamamayan ang naninirahan doon. Siyempre, tanging ang pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang mga tao lamang ang may kayang manirahan sa paraiso na tila kapareho ng langit.
Dinala ni Jay ang kanyang Lincoln patungo sa kaniyang garahe sa ilalim ng lupa. Nang mabilis at matikas, pumasok siya sa parking spot, perpektong nailagay ang kotse roon.
Mabilis na lumabas ng sasakyan si Jay at nagmamadaling pumasok sa bahay.
Binuksan niya ang security door at isang masarap na aroma ang pumasok sa kaniyang ilong. Bahagyang nabigla si Jay at tumingin sa paligid ng silid.
"Kuya Jay? Anong oras ka nakabalik?" Hawak-hawak ni Josephine ang isang plato ng matamis at maasim na buto ng baboy at binati si Jay pagpasok niya.
Inaayos na ng ina ni Jay ang mesa.
Ang ama ni Jay ay nasa lugar ng libangan sa sala kasama ang kanyang apo, magkasama na bumubuo ng isang matangkad na Lego robot.
O marahil, sa mas magandang paglalarawan, ang matandang ay nakaupo lamang sa tabi ni Jenson, nagmamalaking nakatingin sa kanyang apo.
Sa kabilang banda, ganap na hindi pinapansin ni Jenson ang presensya ng kanyang lolo.
Nagsuot ng tsinelas si Jay at naglakad papunta kay Jenson. Sabi niya, "Kung nandito sina Lolo at Lola, bakit mo pa ako pinabalaik? Sobrang abala si daddy kaninang tanghali—"
'Abala mo mukha mo!' Sabi ni Jenson sa kaniyang isipan.
Nagbingi-bingihan si Jenson sa mga salita ng kanyang ama. Masaya niyang ipinagpatuloy ang pagbuo ng Lego robot na mas matangkad na sa kanya.
"Magsalita ka!" Biglang sabi ni Jay.
"Pinili mong bumalik ng mag-isa," malamig na sabi ni Jenson.
Ang ibig niyang sabihin ay, dahil ang kanyang ama ay may sariling isip at buong kontrol ng kanyang sariling mga binti, ang pag-uwi niya ay kasalanan niya at hindi kay Jenson, sa totoo lang. Bakit siya dapat magalit kung siya mismo ang pumili nito?
Saglit na hindi natahimik si Jay ngunit nanatiling kalmado at sinubukang mangatuwiran sa kanyang anak. "Nagmadaling umuwi si daddy kasi akala ko wala ka pang tanghalian. Kung sinabi mo kay Daddy sa telepono na sina Lolo at Lola ay nasa bahay, hindi na sana nagmadali pa si Daddy."
"Sinabi ng mga doktor na mayroon akong autism. Bakit mo ba ako inaasahan na magsalita nang magsalita? Tanga!" Pwersahang hinampas ni Jenson ang huling piraso ng Lego sa mga mata ng robot at tumayo. Tinulak niya palayo si Jay at umakyat nang mag-isa.
"Eh, bakit ang dami mong sinasabi ngayon?" Sigaw ni Jay.
"Siguro pinuwersa ko sarili ko!" Sigaw ni Jenson.
Nagdilim ang mukha ni Jay dahil sa sagot ni Jenson.
Tumawa si Lolo at sarkastikong sinabi, "Tulad ng ama na tulad ng anak."
Sa sobrang galit ni Jay ay muntik na niyang hampasin ang robot ni Jenson. Dali-dali siyang pinigilan ni Lolo. “Huwag na. Ito ang mommy ni Jenson. Kung may gagawin kang masama sa mommy niya, sinabi ng anak mo na gagawin din niya ito sa iyo.”
Palaging ganito ang eksena sa bahay. Buong pamilya ang nagdurusa kapag nagwawala si Jenson dahil sa mga kilos ni Jay.
At ito ay palaging natatapos sa pag-iyak ng kaniyang lola para sa kaniyang minamahal na apo.