Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Binuhat ni Jay si Rose at itinapon siya sa ilalim ng lamesa. Hinubad niya ang kaniyang asul na kurbata at tinali ang mga kamay ni Rose sa paahan ng mesa. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang tela mula sa mesa at itinakip ito sa bibig ni Rose. Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang patuloy na umatake kay Jay gamit ang dalawa niyang mga binti. Sa kasamaang palad, ang kaniyang paglaban ay walang kabuluhan dahil sa malaking pagkakaib ng kanilang mga lakas. Nang mahuli ang kaniyang biktima sa kaniyang lambat, napangisi si Jay. “Rose, hindi mo na kailangan pang magsinungaling.” Malupit niyang sinipa ang maiikling mga binti ni Rose. Pansamantalang nasisiyahan, bigla niyang nilabas ang kaniyang selpon at tinawagan ang kaniyang anak na lalaki. Ang mga buhok ni Rose ay gulo-gulo, ang kaniyang mga damit ay punit-punit, at ang kanina’y puting-puti niyang mga binti ay nababalot na ng mga gasgas. Tumingin siya nang masama kay Jay at sinubukang humiyaw kahit na natatakpan ng tela ang kaniyang bibig. Gayunpaman, siya ay hindi ay umiiyak o kung anuman. Ang kaniyang mahihinang sigaw, sa katunayan, ay mga masasamang salita na binibigay niya kay Jay, sumusumpa na siya ay masasagasaan ng isang kotse kung siya ay nasa kalsada, na siya ay lalamunin ng isang tsunami kapag nagtungo siya sa dagat, at siya ay mahihigop ng isang ipo-ipo kapag siya ay sasakay sa isang eroplano. Nang bigla, isang maliit at kalmadong tinig ng bata ang maririnig sa telepono ni Jay. “Daddy!” Agad na natahimik si Rose. Ang pulang-pula niyang mga mata ay nakatitig sa selpon ni Jay. Binigyan ni Jay si Rose ng isang panliliit na tingin. Ang kaniyang damit ay nakalawlaw pagkatapos niyang tanggalin ang kaniyang kurbata, tila pinapakita ang kaakit-akit niyang leeg. Si Rose ay nakatitig sa selpon ngunit mula sa paningin ni Jay, tila si Rose ay nakatitig sa kaniyang leeg. Naalala ni Jay ang gabing iyon, limang taon na ang nakalipas. Pumangit ang kaniyang mukha at tumitig siya kay Rose nang masama. “Kung hindi importante, ‘wag mo akong istorbohin. Marami akong ginagawa.” Seryosong sabi ni Jenson pagkatapos ng napahabang katahimikan ni Jay. Ibababa na sana ni Jenson ang telepono, si Jay, na kilalang-kilala ang kaniyang anak, ay kaswal na sinabi, “Ikaw na ang magluto ng sarili mong tanghalian.” “Hindi maaari!” Sa huling mga salita na iyon, tumunog ang selpon at natahimik. Ang gwapong mukha ni Jay ay naging mas madilim pa kay Bao Gong. Sa buong mundo, tanging si Jenson lamang ang may lakas ng loob na babaan ng telepono si Jay Ares. Sa totoo lamang, hindi rin alam ni Jay kung paano alagaan ang batang iyon. Si Jay ay mahinang napabuntong-hininga nang tumunog ang orasan sa pader dahil sa pagdating ng sumunod oras. Walang sinuman ang makakaisip na ang marangal at mapagmataas na si Jay Ares ay mapipilitang bumalik sa kaniyang bahay upang paglutuan ang kaniyang anak na lalaki. Sa katunayan, limang taon na niya itong ginagawa. Maraming kayang gawin si Jenson at hindi hinahayaan ang sinumang babae na pumasok sa kanilang villa. Kilala rin siya sa pagmamana ng pagiging mapilit ng kaniyang ama. Mas kakaiba pa rito, kailanman ay hindi kumakain si Jenson ng mga pagkain na niluluto ng sinuman maliban sa kaniyang ama. Ang kaniyang rason ay simple. Walang lasa ang pagkain ng ibang tao. Kapag may nagtanong sa kaniya kung ano ang kulang sa pagkain na iyon, iirap siya at sasabihin na, “Ang lasa ng pagmamahal ng aking ama.” Araw-araw, kinakailangan ni Jay na magmadaling umuwi isang oras bago ang tanghali. Kung sakaling may mangyaring business trip, lulutuan niya nang ang kaniyang anak ng mga pagkain at ilalagay ang mga ito sa refrigerator. Akala niya dati na kapag tinuruan niya si Jenson kung paano magturo ay mareresolba na niya ang problema. Si Jenson ay isang natural na talentado na mayroong kahanga-hanga na IQ, ngunit siya ay tila mayroong isang hindi magamit-gamit na katangahan sa pagluluto. Personal na tinuruan ni Jay ang kaniyang anak nang ‘di mabilang na beses ngunit ang mga pagkain na ginagawa ni Jenson ay palaging hindi kakain-kain. Sa sobrang sama ng mga ito ay tila si Jenson mismo ay ayaw kainin ang mga ito. Sa huli, pagkatapos ng ilang pag-aaway sa pagitan ng mag-ama, pagalit na umunawa si Jenson at pumayag na tanggapin din ang mga pagkain na niluto ng kaniyang lolo’t lola. Sa pag-aalaga sa isang arogante at abnormal na bata, si Jay ay tila miserable ang nararamdaman. Tumingin siya sa babaeng nakatali sa mesa at ang galit niya ay nagsimula na namang kumulo. Kung ‘di dahil sa kasumpa-sumpang babae na ito, ang kaniyang buhay ay hindi maghihirap nang ganito. “Rose.” Humakbang siya nang ilang beses at umupo sa tabi niya. Nakilala ni Rose ang hindi mapagkakamalang galit sa mga mata ni Jay at ang buo niyang katawan ay nanginig. Tinanggal ni Jay ang takip sa bibig ni Rose at sinabi, “Masuwerte ka. Iiwan muna kita sa ngayon, kaya magdasal-dasal ka na na ang Little Lover mo ay bibilisan kang iligtas. Kung narito ka pa rin sa pagbalik ko, humanda ka nang mamatay!” “Put*ang ina m--” Sinubukan ni Rose sumigaw ngunit natigilan nang biglain ni Jay ang tela pabalik sa kaniyang bibig. Tumayo siya, kinuha ang mga susi ng kaniyang kotse mula sa kaniyang kahoy na mesa, at umalis. Narinig ni Rose si Jay na sinasabihan ang kaniyang mga bantay sa labas ng pinto. “Maaari niyo nang iwan ang mga pwesto niyo. Wala namang sinumang may kayang buksan ang fingerprint lock. Maaari na kayong bumaba.” “Sige po, Ginoong Ares.” Fingerprint lock? Natigilan si Rose at siya ay napa-isip. ‘Parehas lang ba ang fingerprints ng mga kambal? Kung tila carbon copies ang kanilang lahi, gano’n din kaya ang kanilang mga fingerprint?’ Sa harap ng Grand Asia Hospital/ Isang bulilit na may hawak-hawak na isang scooter ang bumaba sa isang DiDi car at nagtungo sa hospital. Nang pumasok ang batang lalaki sa outpatient hall, tumingin siya sa kaniyang asul na smartwatch. Sa loob lamang ng ilang pindot, binuksan ng bata ang location tracking system nito. Nang makita niya na ang markadong lokasyon ay hindi malayo, napalunok ang bata sa ginhawa. Gayunpaman, hindi niya sinasadyang madilaan ang napakalaking maskara sa kaniyang mukha at ang kaniyang mga mata ay napakunot sa pandidiri. Sinundan niya ang daan sa kaniyang smartwatch at dumaan sa outpatient hall at kumalaunan ay nakita ang kaniyang sarili sa isang napakagandang pasukan ng isang napakalaking gusali na gawa sa marmol. Naramdaman ng bata na nakapunta na siya sa pinakayayamaning ospital na nakita niya sa kaniyang buhay. Siguro ay isang mayaman na tao ang may-ari ng ospital na ito. Ang sinumang may kayang bayaran ang mga gamot sa ospital na ito ay siguradong mga mayayaman din. “Sino’ng dumakip kay Mommy?’ ‘Mayaman kaya siya?’ ‘Sino kaya siya?’ Katabi ng elevator ay isang mapang pininturahan ng ginto at isang floor guide. Ayon dito, ang unang palagay patungo sa ikalimang palapag ay naglalaman ng mga silid para sa mga pasyente. Ang ika-anim hanggang sa ikawalo ay naglalaman ng iba’t ibang mga logistic service room, at ang ikasiyam na palapag ay ang tambayan ng mga sobrang importanteng mga tao. Ang ilang palapag sa ibabaw ng ikasiyam ay puro logistic department na naman, at ang mga palapag sa ibabaw pa nito ay ilan pang mga silid ng mga pasyente para sa iba’t ibang mga departamento. “Ang laki ng lugar na ‘to! Hindi ba ako maliligaw rito?” Reklamo ng bata nang basahin niya ang detalyadong mapa.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.