Kabanata 8
Nagulat ako sa mga naisip ko, nag-scroll na ako sa mga discussion post sa online na tungkol kay Jared.
Ilang tabloid account ang naglabas ng video niya na pumupunta sa Langley Group para kumain kasama si Yvonne. Kahit na malayo ang kumuha ng video, hindi mahirap makita na sobrang malapit ang dalawa. Nagsusubuan pa sila, na parang mag-asawa talaga.
Hindi pa ‘yan nagawa ni Yvonne sa akin. Ngayon, mas naging malinaw sa akin kung ano ba talaga ako sa kaniya.
Napuno ng mga comment ang post.
“Hindi ba malinaw palihim na kasal sila at may mga anak? Lalo na't, hindi niya pwedeng sabihin sa publiko ang relasyon nila habang nakatutok pa siya sa trabaho niya sa ngayon.”
“Kung pinili nilang isapubliko iyon dati, siguro maraming magiging usapan na si Yvonne ang naging sponsor niya, at baka sabihin din ng mga tao na ginagamit niya lang si Yvonne. Sa ngayon ay hindi naman masamang bagay na inilabas na ang relasyon nila. Hindi ba't pinapatunayan lang niya na nakarating na siya sa gusto niyang marating kahit siya lang mag-isa?”
“Kainis, ito talaga ang power couple. Mas maganda pa ito kaysa sa drama. Kinikilig na ako sa kanilang dalawa!”
“Narinig ko na simula college pa sila. Sila ang bunga ng high school sweethearts. ‘Di ba ang sweet?”
Minsan, nakakatakot ang kapangyarihan ng internet. Isang araw lang ang lumipas, nakakuha na ang isang tao ng mga luma, intimate photos nila Jared at Yvonne mula noong nasa university pa sila, mas pinakita pa nila na masaya at perpekto silang couple.
Walang akong ekspresyon na nakatingin sa mga masasaya nilang nakaraan na nag-viral sa internet. Nalunod ang puso ko.
Nang maisip ko na wala namang point ang pagtingin ko sa mga post na ito—isa lang itong parusa—Hinagis ko ang phone ko sa gilid at nagtago ako sa ilalim ng kumot. Sinubukan kong matulog, pero sobrang bigat ng iniisip ko, hindi ko kaya.
Mabilis na nag-umaga bago pa ako magkaroon ng pahinga.
Nanatili ako sa kama, hindi ako tumayo. Nakikinig lang kala Yvonne at sa dalawang batang kumakain ng almusal sa labas.
Bago umalis ang mga bata papunta sa school, tinayo ko na ang sarili ko sa kama.
“Ikaw na maghatid sa kanila ngayon sa school,” Sabi ko kay Wyatt. “Busy ako ngayon.”
Nagulat sila Wyatt pati ang mga bata.
“Sige,” sa wakas ay sumagot na si Wyatt, hindi mapakali ang tono ng kaniyang sagot.
Kahit gaano ako ka-busy, ako lagi ang naghahatid sa mga bata papuntang school. Mas gusto ko na ako ang nag-aasikaso ng lahat dahil gusto ko maging mabuting ama.
Pero ngayon, hindi ko na naisip na dapat ko pa iyon gawin. Nagdesisyon ako na dapat sarili ko naman ang unahin ko.
Yung hindi ko na kailangan mag-alala pati sa mga anak ko, mas nagkaroon ako ng mas maraming oras. Nagtrabaho ako sa opisina buong araw at umuwi lang ako noong dinnertime na.
Sa gulat ko, mas naunang umuwi si Yvonne sa akin. Kumunot ang noo niya at nagsimulang magtanong, “Nasaan ka buong araw? Pababayaan mo na lang ba yung mga bata?”
Kalmado akong umupo at sumabay na kumain sa kanila. Binigyan ko ng pagkain si Jonas at sinabi, “Hindi ako ang nanny nila, kaya bakit ako ang mag-aasikaso ng mga bagay na ‘yon? Hindi mo ba ‘yon kayang gawin?”
Agad na nagdilim ang ekspresyon ni Yvonne.
Habang mahigpit na nakayap sa aking sleeves, nagmakaawa si Jonas, “Daddy, please huwag kayo mag-away ni Mommy.”
“Hindi ko ‘yon gagawin,” sagot ko, habang hinahaplos ang buhok niya. “Kumain na muna tayo.”
Hindi ko naman balak na makipag-away kay Yvonne sa una pa lang.
Matapos ang dinner, tinawag ko siya sa study at inabot sa kaniya ang divorce agreement na pinaiwan ko sa lawyer kaninang umaga.
“Tingnan mo. Kung wala ka ng problema, bilisan mo at pirmahan mo na. At maghahanap na lang tayo ng oras para ma-finalize ang divorce.”
Lumaki ang mata ni Yvonne nang makita niya ang divorce agreement. Sobrang galit siya, agad niyang pinunit ang document sa maliit na piraso at diretsong itinapon sa basurahan.