Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
Ayoko: Webfic

Kabanata 7

Dahil tumanggi naman si Yvonne na linawin ang mga bagay-bagay, hindi ba’t parang tinanggap na lang niya na kilala niya si Jared? Lalo na't, naghalikan silang dalawa sa kalsada. Mga magkarelasyon lang ang gumagawa nito, ‘di ba?” Dahil ito ang sitwasyon, wala ng dahilan para ipilit ko pa ang posisyon ko bilang asawa niya. Mas mabuti na hayaan ko na lang sila na magsama. Tinabi ko ang phone ko at sinabi, “Hindi na kailangan. Si Jared na lang ang maging asawa mo.” Nang marinig iyon, nawalan ng pasensya si Yvonne at kumunot ang kaniyang noo. “Cole, hindi ka pa ba nagsasawa? Sinabi ko na sayo na hindi naman maapektuhan ang posisyon mo bilang asawa ko!” “Ayoko na maging asawa mo,” Sumigaw ako, tumitig ako sa kaniya. “Bukal sa loob kong binibitawan ang posisyon na ito!” Habang nakatingin sa kaniya, hindi ko napigilan na ngumisi at magpatuloy, “Pwede ka naman maging single ulit pag nakipag-divorce ka sa akin. Sa katunayan, hindi naman malalaman ng publiko na ako ang una mong naging asawa. Pwede ka ng lumabas nang malaya ngayon kasama si Jared. Tinutulungan kitang abutin ang mga pinapangarap mo ng ilang taon. ‘Di ba dapat magpasalamat ka sa akin?” Tinaas ko ang kilay ko, mas naging malisyoso ang aking ngiti. Sa ganitong paraan ko lang maitatago ang bakas ng nararamdaman ko para sa kaniya at maipakita ko na kaya kong umalis sa bahay na ‘to! Sobrang naiinis na si Yvonne sa ugali ko. Tinulak niya ako sa gilid at suminghal siya, “Cole, kung itutuloy mo ito, hindi ka na makakabalik! Hangga't may pasensya pa ako, itigil mo na yang plano mo. Magpapanggap ako na parang walang nangyari. Kung hindi, magiging huli na para pagsisisihan mo pag nangyari talaga ang divorce.” Hindi na ako ngumiti at kalmadong sinabi, “‘Di ba umabot naman na tayo sa divorce? Sa tingin mo ba talaga pagsisisihan ko ‘yon? Lilinawin ko lang sayo—Gusto ko ng divorce!” Galit na galit si Yvonne. Parang gusto niya akong murahin pero pinigilan niya. Masama niya akong tiningnan at sinara niya ang pinto sa master bedroom sa harap ng mukha ko. Ilang sandali akong nakatayo doon, pinapakalma ko ang sarili ko bago ako pumunta sa guest room para maligo at matulog. Sa katunayan, limang taon na kaming kasal. Kahit na malungkot ako, nanatili akong kalmado sa pagtatapos ng pagsasama namin. Isang malaking kasalanan iyon. Matapos maligo, tiningnan ko ang phone ko bago matulog. Nagulat ako dahil natanggal na ang mga trending na article. Bahagya akong nagulat sa mabilis na reaksyon ni Yvonne, pero mas naging disappointed ako. Nagbayad siya para maalis ang mga trending na balita, pero hindi talaga niya itinanggi ang usapan na pamilya silang apat. Hindi ba't parang sinabi niya na si Jared talaga ang asawa niya? Kahit na mabura ang mga balita, hindi maaalis iyon sa isip ng mga netizens. Ngayon, at kahit hanggang kailan pa, iisipin na lang ng mga netizen na si Jared ang legal husband ni Yvonne. Mas magiging mabuti sana kung mas pinili niya na maglabas ng clarification statement. Pwede naman niya gawin pero ayaw niya lang talaga. Nang maisip ko ito, hindi ko napigilan na malungkot na ngumiti. Naramdaman ko ang lungkot sa puso ko, pero kahit magpaliwanag pa si Yvonne ay wala na akong pakialam. Maghihiwalay na rin naman kami. Hindi naman huminto ang usapan dahil sa patanggal nila sa mga trending article, mas naging sikat lang tuloy si Jared. Sa totoo lang, siya ang first love ni Yvonne. Naging sila noong teenager pa sila at halos umabot na sila sa pagpapakasal. Pero nang magkaroon ng pagkakataon si Jared na pumunta sa ibang bansa para i-develop ang career niya sa Haleywood, hindi siya pumayag na palampasin iyon at sinabi niya kay Yvonne na hintayin siya. Dahil sa kayabangan at sa pagiging mapagmataas ni Yvonne, paano niya makakayanan na hintayin sa Jared ng limang taon? Nag-away sila, at sinabi niya na makikipaghiwalay siya kay Jared pag umalis ito at itutuloy na lang niya ang arrange marriage na inihanda ng pamilya niya para sa kaniya—ibig sabihin ako ang papakasalan niya. Laging inuuna ng mga lalaki ang sarili nila. Pag dating sa babae at career, normal lang na piliin ng mga lalaki ang trabaho. Sa huli, pinili ni Jared na makipaghiwalay kay Yvonne. Nang pumunta siya sa ibang bansa, mabilis kaming kinasal ni Yvonne, at hanggang sa umabot na sa ganito ang mga nangyari.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.