Kabanata 5
Tumango ako at sinabing, “Sige, hindi ako magiging masama. Magpapadala ako ng tao para paalisin siya agad.”
Kahit gaano pa kasama ang ikinilos ni Xavier noon, lagi ko siyang pinagbibigyan. Ito ang unang beses na nakita niya ako na ganito makipag-usap sa kaniya at tahimik siyang tumayo doon, masama ang tingin sa akin.
Hindi ko siya binigyan ng pansin at tumawag agad ng security para paalisin si Jared. Para sa kapakanan ng dinner namin ngayong gabi, pinaalis ko ang mga staff ng bahay namin nang isang araw, naiwan lamang si Wyatt para makaiwas sa kahit anong gulo.
Parang isang malaking pagkakamali ang desisyon na ‘yon. Kung hindi, hindi sana ako maghihintay na dumating ang security—sana ay pinaalis ko na agad si Jared.
Nang mapagtanto ang kahihiyan na kahaharapin niya mula sa paghatid sa kaniya ng security palabas, kusang umalis si Jared bago pa sila dumating.
Habang pinapanood ni Xavier na umalis ito, nagalit siya, “Kasalanan mo kung bakit umalis si Jared!”
“Tama na!” Agad na nilagay ni Jonas ang kamay niya sa bibig ni Xavier. “Galit si Daddy ngayon. Tumigil ka na!”
Habang nainiis, inalis ni Xavier ang kamay ni Jonas at nagmukmok sa gilid.
Tumingin si Jonas sa akin gamit ang namumula nitong mga mata at sinabing, “Daddy, ayaw kitang iwan. Pwede bang ‘wag kayo mag-divorce ni Mommy?”
Nadurog ang puso ko nang makita siyang ganito pero hindi ako pwedeng sumuko. Nang pagagaanin ko na ang loob niya, nagsimula akong sisihin ni Yvonne.
“Ayos lang ang lahat hanggang sa binanggit mo ang divorce. Masaya ka na ba ngayon na na-trauma mo ang mga bata? Wala akong ideya na gagawa ka nang ganoon—hindi mo pinapansin ang nararamdaman ng mga bata!”
Tinitigan ko siya at natahimik. Sa oras na ‘yon, iniisip niya pa rin na nagwawala ako.
“Kalimutan mo na,” inisip ko.
Hindi niya inisip na nagkamali siya at ayaw ko na madamay pang muli sa kaniya.
“Pumirma tayo ng prenup noon kaya wala kang dapat maging problema sa hatian ng asset.” Malamig kong simula. “Mamatiling iyo ang iyo at ganoon din sa akin. At para sa mga bata…”
Tumigil ako at tiningnan si Jonas. “Sa akin si Jonas at sa'yo naman si Xavier. Hayaan mo lang ako na makita siya nang dalawang beses sa isang buwan.
Makikita ang pagkataranta sa mukha ni Xavier.
“Basta hindi mo ako pipilitin na mag-aral at bibigyan mo ako ng sapat na oras para maglaro, kikilalanin pa rin kita bilang dad ko,” mabilis niyang sabi. “Hindi sapat ang dalawang beses na pagkikita sa isang buwan! Hindi mo rin ‘yon kakayanin, hindi ba?”
Matapang niya akong tinitigan, mukha siyang proud at matapang—hindi katulad ng mga bata sa edad niya.
Nainis ako sa ugali niya. Katulad ng ugali ni Yvonne ang pagiging mayabang nito na para bang isa siyang replica.
Hindi ko mapigilan na bumuntong hininga. Ako lang ang dapat sisihin; masyado kong na-spoil si Xavier at naniniwala siya na hindi ko siya iiwan basta ba ay pinagbigyan niya ako.
Pero hindi ko na kaya magpalaki ng walang utang na loob.
Sa tabi nito, kabado na nakatingin sa akin si Jonas na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya kaya. Nadurog ang puso ko sa pagkataranta niya.
Hindi ko dapat binanggit ang divorce sa harap nito. Nasaktan siya rito.
Habang palapit sa kaniya, ginulo ko ang kaniyang buhok at mahinang sinabi, “Gabi na. Papaliguan na kita at patutulugin. Para naman sa divorce, hindi niyo dapat iniisip ang tungkol doon.”
Hindi na mapigilan ni Jonas ang mga luha niya nang huminahon ang tono ko. Yumakap siya sa akin at umiyak, “Daddy, please huwag mo hiwalayan si Mommy. Ayaw ko na masira ang pamilya natin.”
Parang sledgehammer na tumatama sa puso ko ang bawat hikbi niya. Sa sakit ng puso, niyakap ko rin siya pero hindi ko siya mabigyan ng sagot.