Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
Ayoko: Webfic

Kabanata 4

Habang gulat, nagsalita si Yvonne, “Anong sinabi mo? Gusto mong mag-file ng divorce?” Iniisip ko kung bakit sobrang gulat siya. Hindi ba't ito ang gusto niya? Gulat din ang dalawang bata habang nakatingin sa akin. Tiningnan ako ni Jared. Bakas ang pagpapanggap sa tono niya ng pag-aalala habang nagsasalita, “Oh dear, Mr. Joplin, bakit mo naman binanggit ang divorce sa harap ng mga bata? Baka ma-trauma sila. Bakit hindi ko muna ilabas ang mga bata ngayong gabi? Pwede silang manatili sa akin ngayon gabi at ihahatid ko sila pagkatapos niyong mag-usap.” Nang paalis na siya kasama ang mga bata, lumapit ako sa kaniya at hinarangan ang dadaanan niya. “Problema ng pamilya ito at sa akin ang mga bata,” malamig kong sabi. “Wala kang karapatan na magsalita. Kung gusto mong umalis, umalis ka na.” Ako ang nagpalaki sa mga bata sa mga nagdaang taon. Dahil abala sa Langley Group, walang oras si Yvonne para sa mga bata. Bilang pangalawang anak ng pamilyang Joplin, hindi ko kailangan patakbuhin ang Joplin Group—responsibilidad yon ng kuya ko. Dahil nasa financial investment ako, pwede ako magtrabaho sa bahay at hindi ako kasing abala ni Yvonne. Bakit ko hahayaan na kunin ni Jared ang mga bata na pinalaki ko nang mag-isa? Nagalit si Yvonne sa biglang paninindigan ko. Hinila niya ako sa gilid at nagbabala, “Nandito pa ang mga bata. Sa tingin mo ba ito ang oras para pag-usapan ang ganitong bagay? Hindi ito ang tamang araw para pag-usapan ito. Mamaya natin ‘to pag-usapan.” Kahit na isinama niya ang anak namin para makipagkita sa first love niya sa aming wedding anniversary, may lakas ng loob siya para pagsabihan ako tungkol sa tamang oras. Palibhasa'y katawa-tawa ang sitwasyon, sarkastiko akong nagsalita, "Ano ba ang hindi nararapat dito? Hindi ba't dapat ay masaya kang makipaghiwalay nang mas maaga at makipagbalikan sa first love mo?” Kumunot si Yvonne. Kakaiba ang tingin niya sa akin na para bang naging ibang tao ako. Iniisip niya siguro na nagbago ako dahil hindi ko pa siya kinausap nang ganito noon. Tinaasan niya lang ako ng kilay sa katahimikan, naguguluhan niya akong iniwan. Hindi ako sigurado kung pumayag siya. Pero hindi na mahalaga ang sagot niya; sigurado na ako sa pakikipag-divorce. Kung tutuusin, hindi ko pwedeng ikulong ang sarili ko sa hindi masayang pamilya at mamuhay nang miserable sa buong buhay ko. Nang mapansin na hindi natutuwa si Yvonne, agad siyang pinagtanggol ni Jared, “Mr. Joplin, bakit mo nasabi ‘yon? Hindi mo ba naisip na masakit pakinggan ‘yon? Hindi mo naiintindihan si Yvonne—ito pala ang paliwanag kung bakit hindi mo kayang respetuhin ang sarili mong asawa.” Habang nakatingin ako kay Jared, ang nasa isip ko lang ay ang imahe niya at ni Yvonne na naghahalikan. Ang lakas ng loob niya na pagsabihan ako tungkol sa respeto, pagkatapos niyang ipadala sa akin ang video ng paghahalikan nila para ipamukha sa akin. Suminghal ako. “Ikaw pa talaga ang nagsalita. Kung may alam ka tungkol sa respeto, hindi ka sana nakigulo sa relasyon namin. Hindi mo nga kayang sundin ang basic moral, kaya huwag kang magpanggap na malinis sa harap ko!” Natahimik siya sa sagot ko, nagdilim ang mukha ni Jared. Naiinis na suminghal si Xavier at lumapit para depensahan si Jared. “Daddy, bakit ang sama niyo? Mabait talaga si Jared. Hindi niyo siya pwedeng tratuhin nang ganiyan!” Natahimik ako sa salita niya, pakiramdam ko ay nabuhusan ako nang malamig na tubig. Mahiyain si Xavier. Kung hindi ko mismo nakita, hindi ako maniniwala na ipagtatanggol niya ang ibang tao. Hanggang ngayon, naaalala ko pa kung gaano siya kaliit at ka-cute sa bisig ko noon. Sobrang malapit siya sa akin nang hindi pa siya marunong maglakad. Pero sa hindi malaman na rason, lumayo ang loob niya sa'kin paglipas ng panahon. Ngayon na nagbigay na siya ng opinyon niya, pinagtatanggol niya ang hindi taga rito. Mapait akong tumawa, pakiramdam ko ay walang nangyari sa lahat ng ginawa ko.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.