Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Pusong TinakwilPusong Tinakwil
Ayoko: Webfic

Kabanata 2

Hindi na binanggit pa ni Yvonne ang divorce sa mga lumipas na taon at inisip ko na habambuhay na kami magsasama nang masaya. Hindi ko inakala na mapapatunayan agad na mali ako. Habang iniisip ang lahat ng ginawa ko sa lumipas na taon, hindi ko mapigilan na masaktan. Nagmukha lang akong tanga sa kawalang-damdamin ni Yvonne. Mapait akong tumawa, iniipon ang lahat ng aking lakas papunta sa study. Maghahanda ako ng divorce agreement! Nang palapit na ako sa desk, isang matinding sakit ang biglang tumama sa aking ulo. Bumagsak ako sa sahig bago pa man ako magkaroon ng reaksyon, at tuluyan akong nawalan ng malay. Nang magising ako, napagtanto ko na nakahiga pa rin ako sa sahig. Napahiga ako sa aking braso nang bumagsak ako, at ngayon may nararamdaman akong pangangalay sa buto ko. Habang hawak ang aking noo, tiningnan ko ang aking phone at napagtanto na tatlong oras na akong nakahiga doon. May sumagi sa aking isip—kung hindi ba ako kusang nagising, may makakapansin ba kung mamatay ako dito? Naghanap ako ng painkillers at uminom. Habang umaayos ang pakiramdam ko, bigla akong nakarinig ng mga boses sa labas. Si Jared ‘yon at Xavier. “Jared, ayos na kung ganoon! Kailangan niyo akong dalhin sa park para magpalipad ng saranggola sa weekend. Ito ang pinky promise—magiging aso ka kapag hindi mo tinupad ang pangako mo!” Masayang tumawa si Jared. “Hindi ko sisirain ang pangako ko pero depende ‘yan kung papayag ang dad mo.” “Huwag kayong mag-alala,” Mabilis na reply ni Xavier. “Kung ayaw ako payagan ni daddy at pilitin ako na manatili sa bahay para mag-aral, magsisinungaling na lang ako at sasabihin na gusto kong bisitahin si Lolo kasama si Mommy—tulad ng sinabi namin sa kaniya na gusto ni Mommy na manatili sa bahay para i-celebrate ang anniversary nila at magluto para sa amin!” Nang marinig yon, natigil ako at nanlaki ang mata ko sa pagkadismaya. Nitong umaga, si Xavier na kadalasang malayo sa akin ay biglang naging malambing. Nang lumabas ako sa kwarto, hinawakan niya ang aking kamay at malambing na sinabi, “Daddy, gusto ko kumain ng brisket at barbecued ribs. Pwede mo ba ako lutuan?” Madalang lang siya na makipag-usap sa akin nang ganoon at inisip ko na gusto niyang mapalapit sa akin. Naging masaya ako. Pero, nangako ako na ilalabas ko sila ngayon. Kahit na hindi ko kaya na makita siya na madismaya. Hindi ko alam kung paano sasagot sa oras na ‘yon. “Dahil gusto ni Xavier kumain ng luto mo, dito na lang tayo mag-celebrate sa bahay ng anniversary natin,” sabi rin ni Yvonne. “Matagal na rin nang huli akong nakakain ng luto mo. Magluto ka pa ng ilang pagkain habang nasa labas kami ng mga bata para bumili ng cake. Sama-sama tayong mag-celebrate mamaya. Ayos lang ba? “Oh, may gusto ka bang kainin? Bibilhin ko para sa'yo.” Madalang para kay Yvonne na manguna. Dahil sa saya, hindi ko na gaano inisip ang tungkol doon. “Hindi na kailangan. Ayos na ang cake.” “Sige. Pwede mo na gawin ang pagluluto mo ngayon.” Bahagya akong naguguluhan kung bakit kailangan niyang isama ang dalawang bata para bumili ng cake pero nawala din ang pag-iisip na ‘yon. Masaya pa rin ako. Napuno ang mesa ng mga pagkain na niluto ko. Kahit na nasugatan ako habang naghahanda ng mga ingredients, hinugasan ko lang ‘yon, naglagay ng bandage at nagpatuloy. Ayaw ko na magsayang ng kahit anong oras. Pagkatapos ko magluto, hinintay ko ang pagbabalik nila para sama-samang kumain. Hindi ko inakala na lahat nang ‘yon ay kasinungalingan at metikolosong plano para panatilihin ako sa bahay para magsaya sila kasama si Jared. Habang nakatingin sa naka-bandage ko na daliri, malamig akong tumawa. Matagal na pala akong hindi kabilang. Umabot pa sila sa punto kung saan kailangan nilang magpanggap para palayuin ako. “Xavier, ang talino mo.” Sabi ni Jared, puno ng papuri ang boses nito. “Alam mo na ipaglaban ang buhay na gusto mo.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.