Kabanata 4
Suot ni Xavier ang isang malutong at mukhang sharp na black tailored suit. Makikita rin ang maiksi nitong buhok at ang tila perpekto nitong mukha.
Nakatilop ang kaniyang manggas na nagpakita sa Celestix watch sa kaniyang wrist.
Ipinakita ng kaniyang kilos ang aura ng isang successful na lalaki.
Makikitang nakaupo sa kaniyang tabi si Sarah na nakasuot ng isang kulay puting suit. Inayos ang mahaba at wavy nitong buhok na dumaloy sa likod ng kaniyang mga balikat.
Nagpapakita siy ang confidence na nahaluan ng kaunting pagkababae sa tabi ni Xavier.
Isang banyagang lalaki na nasa 40s hanggang 50s niya ang nakaupo sa harapan ng dalawa.
Hindi ito isang romantic date sa pagitan ng dalawa kundi isang business meeting kasama ang kanilang kliyente.
Pero nanginig ang puso ni Lily nang makita niya ang tatlo.
Agad ding napatingin ang tatlo sa kaniya habang inoobserbahan niya ang mga ito.
Agad namang naningkit nang dahan dahan ang mga mata ni Xavier.
Nakasuot si Lily ng isang pangkaraniwang gown na kulay burgundy. Dumadaloy din ang mahaba at wavy niyang buhok sa likod ng kaniyang mga balikat.
Nagpakita ng purong pagkainosente at kaunting pangaakit ang kaniyang mukha. Bumagay nang husto ang dalawang katangian niya sa isa’t isa.
Alam ni Xavier na maganda si Lily pero hindi niya inasahan na aabot ito sa ganitong lebel.
Hindi niya dinala si Lily sa kahit na anong formal evel sa dalawang taon nilang pagsasama kaya wala na itong ibang suot kundi ang pambahay nito sa villa.
Nagpakita ang pagkagulat sa mga mata ni Xavier nang makita nyia si Lily ngayong gabi.
Siguradong inalam nito ang kaniyang kinaroroonan kay Timothy para mapagplanuhan ang pagkikita nila ngayong gabi.
Dito na nagpakita ang isang bakas ng pangiinis sa kaniyang mga labi. Nakita na niya kung ano ang mga pinaplano nito.
“Kilala mo ba siya, Mr. Fulton?” Tanong ng banyagang lalaki nang mapansin niya ang pagtama ng tingin ni Xavier kay Lily.
Agad namang nilayo ni Xavier ang kaniyang tingin habang sumasagot siya gamit ang walang pakialam niyang boses. “Hindi, hindi ko siya kilala.”
Umaasa ba si Lily na magiging madali ang lahat para sa kaniya ngayong siya mismo ang lumapit sa kaniya? Imposible.
Nagpakita siya ng walang pakialam na aurang sumampal sa mukha ni Lily.
Dinurog ng kaniyang mga sinabi ang puso ni Lily.
Bahagyang napakagat si Lily sa kaniyang labi para mapanatili ang kaniyang postura. Hindi siya makakaalis sa mga sandaling ito ngayong siya ang pumasok sa private room.
Maimpluwensya o mayayaman ang mga taong kumakain sa restaurant na ito kaya siguradong masisira ang reputasyon ng restaurant sa sandaling gumawa siya rito ng eksena na siguradong kalalat sa buong siyudad.
Namutla ang kaniyang mga kamao habang mahigpit niyang hinahawakan ang kaniyang gown pero huminga siya ng malim bago siya naglakad papunta sa piano.
Nagrequest ang mga ito kay Lily na tugtugin ang isang kilalang piece—Ang Canon.
Kinakatawan ng lyrics nitoa ng paghanga at pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae.
Isang napakahabang sandali na tinitigan ni Lily ang music sheet bago siya magsimula sa pagtugtog.
Hindi siya sigurado kung sino ang nagrequest ng piece na ito.
Nang bigla niyang marinig ang panunukso ng banyagang lalaki kay Xavier. “Mr. Fulton, isa talagang napakagandang suwerte ang pagkakaroon ng isang napakagandang babae na kagaya ni Ms. Lynde sa iyong tabi!”
“Wala talaga siyang katulad.” Isang ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Xavier para purihin nang walang pagaalinlangan si Sarah.
Ngumiti naman si Sarah bago ito nagpapasalamat na sumagot ng, “Hindi ako ang babaeng kaharap mo ngayon noong magsimula ako sa aking trabaho. Nagpapasalamat talaga ako sa gabay na ibinigay sa akin ni Xavier.”
Mahinang nagplay ang mabababang nota ng intro pero hindi pa rin natakpan ng magandang musika ang usapan ng tatlo.
Alam ni Lily sa kaniyang puso ang piece na ito kaya hindi na niya kailangan pang tumingin sa music sheet.
Dahan dahang napatingin ang kaniyang mga mata sa tatlong nasa lamesa.
Bahagyang sumandal si Xavier kay Sarah habang nagkaakbay ang kaniyang braso sa likuran ng upuan nito.
Paminsan minsan namang nakikipagusap si Sarah sa banyagang lalaki para idiscuss ang kanilang mga collaboration gamit ang fluent nitong pagsasalita sa wikang banyaga. May mga punto rin na tumatabi siya kay Xavier para bumulong ng ilang mga salita rito.
Pamilyar si Lily sa wika na ginagamit ng mga ito pero hindi siya naging pamilya sa mga jargon na ginagamit ng tatlo sa kanilang usapan.
Iisa ang naging kilos at iniisip nina Xavier at Sarah kaya isang tingin lang ang kinakailangan ng dalawa sa isa’t isa para maintindihana ng kanilang mga iniisip.
Walang kahirap hirap na hinandle ng dalawa ang banyagang lalaki.
Parang walang katapusan na para kay Lily ang limang minuto na pagtugtog niya ng piano.
Huminto ang kaniyang mga kamay nang matapos siya sa pagtugtog. Dahan dahan namang nagfade ang echo ng musika habang lumilinaw ang usapan ng tatlo sa lamesa.
“Bagay na bagay nga kayo sa isa’t isa!” Hindi nagkaroon ng advantage ang banyagang lalaki sa kanilang negosasyon pero nagawa pa rin nitong paulanan ng papuri ang dalawa.
Napasimangot naman si Xavier sa mga sinabi ng banyaga.
Pero isa itong banyaga na hindi pamilyar sa wika na kanilang ginagamit. Hindi nito napagtanto na hindi nararapat ang ganitong klase ng papuri sa kanilang dalawa.
Kaya naramdaman ni Xavier na hindi na niya ito kailangan pang ipaliwanag.
Mataas namang ngumiti si Sarah. “Masyado niyo po kaming finaflatter, Mr. McKay.”
Makikita ang kaunting panginginig sa mga labi ni Lily habang nilalayo niya ang kanyiang tingin kay Xavier.
Mukhang isa ngang kahihiyan ang turing nito sa kaniya. Hindi na siya tumingin kay Lily ng kahit na isang beses mula noong pumasok siya sa room.
Na para bang natatakot ito na magdulot ng pagsususpetsa ang atensyon niya kay Lily na magbubunyag sa tunay nitong pagkakakilanlan bilang kaniyang asawa na siyang magpapahiya sa kaniya.
Kahit na pinakaiingat ingatan ni Maryanne ang piano na ito kaya hindi niya ito masyadong pinahahawakan sa mga pianista, masyado pa rin itong mababa kung ikukumpara sa tunay na mahahalagang piano. Nilagay ito sa private room para maging design sa mga mata ng mayayamang kumakain sa restaurant.
Dapat na siyang umalis ngayon. Pero agad siyang napatitig kay Xavier habang naglalabas ng usok ang kaniyang bibig. Umupo lang siya roon hanggang sa tumayo si Sarah para lumapit sa kaniya dala ang kaniyang wallet.
Nagabot siya rito ng isang bulto ng pera. Mukhang nagkakahalaga ito ng higit sa isang libong dolyar.
“Magaling kang tumugtog. Heto ang tip mula sa akin at sa boyfriend ko,” mahinang sinabi ni Sarah.
Boyfriend. Isang tip.
Nabalot ng matinding sakit ang puso ni Lily habang tinitingnan niya si Sarah.
Nakita niya ang kalmado at nagtatagumpay nitong tingin sa kaniya.
Alam ni Sarah kung sino siya at maaaring ito rin ang nasa likod ng anonymous message na kaniyang natanggap laman ang video ng pagpasok nito sa kwarto ni Xavier.
Magagawa niyang tiisin ang trat oni Xavier pero hindi niya mapapalampas ang paghahamon sa kaniya ni Sarah.
“Bakit nandito ka pa rin? Ano pang hinihintay mo?” Pinutol ng boses ni Xavier ang usapan ng dalawa bago pa man makapagsalita si Lily.
Nagbigay ito ng nagbabantayng tingin kay Lily.
Hinding hindi siya magpupunta rito para makita siya kung alam niyang lumugar. Umuwi na lang dapat siya para humingi ng tawad sa kaniya.
Bahagyang nanginig ang puso ni Lily nang makita niya ang mga mata ni Xavier. Kinuha niya ang pera mula kay Sarah bago siya tumayo para umalis.
Nagmula kay Xavier ang confidence ni Sarah. Imposible para sa kaniyang mahigitan ito.
Hinding hindi niya ibababa ang kaniyang sarili para sa kaniyang pride, atleast ay nakakuha siya ng pera mula sa mga ito.
Bumalik si Lily sa hall para magpatuloy sa pagtugtog hanggang sa matapos ang kaniyang shift pagsapit ng 10:00pm
Nagpalit siya ng damit bago siya maghintay kay Maryanne sa entrance na nagpunta sa parking lot para kunin ang kaniyang sasakyan.
Bahagyang malamig ang hangin sa taglagas. Nilagay ni Lily ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga bulsa bago niya itaas ang kaniyang jacket para labanan ang lamig habang nakatingin siya sa walang lamang kalsada.
Naglakad si Xavier mula sa kaniyang likuran bago ito huminto sa kaniyang tabi. Naglabas ito ng isang sigarilyo na kaniyang nilagay sa pagitan ng kaniyang mga labi.
Tiningnan niya si Lily mula sa gilid ng kaniyang paningin. “Huwag na huwag mo akong hahabulin sa mga ganitong klase ng lugar sa susunod. Kung mayroon man tayong dapat pagusapan, dapat natin itong gawin sa bahay.”
Tumingin si Lily sa kaniyang tabi. Mas mataas sa kaniya ang lalaking na nakatayo sa kaniyang tabi na sininagan ng streetlight sa kaniyang ibabaw.
Masyadong makapigil hininga ang kaniyang itsura at ang napakaganda niyang panga habang iniipit niya ang sigarilyo sa gitna ng kaniyang mga ngipin.
Isang tinatamad at marangyang aura ang bumabalot sa kaniyang katawan na bumuhos kay Lily na siyang gumising sa namamanhid niyang puso.
Pero sumabay sa paggising na ito ng kaniyang puso ang pagkalat at pagtindi ng sakit na kaniyang nararamdaman.
Maaaring hindi siya importante sa mga mata ni Xavier ngayong iniisip nito na nagpunta siya sa restaurant para habulin ito.
“Hindi ito ang dahilan kung bakit ako nandito. Tumugtog ako para tulungan si Maryanne.” Bahagyang lumayo kay Xavier ang kaniyang paningin para mapanatili ang distanstya sa pagitan nilang dalawa.
Napakatigas talaga ng isang ito! Nagdilim ang mga mata ni Xavier habang lumalabas ang usok sa manipis niyang mga labi.
“Kahit na ano pa ang rason mo, huwag na huwag kang magpapakita rito para ipahiya ako!”
“Lihim ang ating kasal at walang kahit na sino ang nakakaalam na asawa kita. Puwede tayong magdivorce bukas kung hindi ka na mapirme kakaisip dito.”
Tumusok na parang kutsilyo ang mga salitang iyon sa puso ni Lily.
Sa gitna ng mapayapang gabi, isang napakalaking tensyon ang bumalot sa dalawa na dating nagmamahalan nang totoo bilang magasawa.