Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

“Lily, yung birthday party ba ni Sarah na hinanda niya ang pinagtalunan ninyong dalawa?” Naging trending ang balitang iyon kaya agad itong nakarating kay Maryanne. “Hindi kami nagtalo. Magdidivorce na kaming dalawa.” Makikitang blangko ang mga mata ni Lily habang determinado ang tono ng kaniyang boses. Hindi maiwasang mapasimangot ni Maryanne habang mahina siyang nagtatanong ng, “Tinanong mo ba ito sa kaniya? Hindi kaya isa lang itong hindi pagkakaintindihan?” “Tingnan mo ito, at sabihin mo sa akin kung isa lang itong hindi pagkakaintindihan.” Nilabas ni Lily ang kaniyang phone para iclick ang video bago niya ibigay ang phone kay Maryanne. Hindi niya nagawang kumprontahin si Xavier sa pambabae nito pero sapat na ang mga nakikita niyang ginagawa nito para mapatunayan ito sa kaniya. Tiningnan ni Maryanne ang video cover bago niya dali daling itinabi ang sasakyan sa kalsada. “Hindi ako makapaniwala sa nakita ko!” Pumantay ang sama ng kaniyang loob sa namumula niyang buhok. “Nagtaksil sa iyo si Xavier! Hindi ba siya nakokonsensya sa ginawa niya? Paano niya nagawang paalisin ka sa inyo ng ganitong oras? Siya dapat ang umalis doon nang walang dala na kahit ano!” Binawi naman ni Lily ang kaniyang phone. “Hindi ko siya tinanong tungkol sa bagay na ito.” Naguluhan naman dito si Maryanne. “Bakit naman hindi? Mayroon na tayong ebidensya kaya ano pang kinatatakutan mo?” “Siguradong ako ang mapapahiya sa sandaling hindi maging maganda ang kahinatnan ng divorce naming dalawa.” Ano ba ang magbabago sa sandaling ipakita niya ang pagtataksil ni Xavier sa kaniya? Mapapaalis ba niya ito sa villa dala lamang ang kaniyang sarili? Imposible. Hindi magagawang banggain ng pamilya Joyner ang pamilya Fulton. Hindi rin kakampi kay Lily ang kaniyang mga magulang. Sabagay, kakailanganin pa rin nila ang suporta ng pamilya Fulton. Ibinuka ni Maryanne ang kaniyang bibig para magsabi ng ilang mga bagay pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili habang bumabalik siya sa pagmamaneho. Kinokonsidera rin bilang isang prominenteng pamilya ang pamilya Deveraux sa Jadeford. Binili ng pamilya Deveraux si Maryanne nang makagraduate ito sa college. Isa itong marangyang studio apartment sa gitna ng city. Sumikat na ang araw nang makarating sila sa apartment. Ibinaba ni Lily ang kaniyang suitcase at umupo siya sa sofa bago siya tuluyang mablangko. Napansin ni Maryanne ang blangkong itsura ni Lily kaya agad itong nagtanong ng, “Kung ganoon, ano na ang plano mo ngayon?” “Kailangan kong magschedule ng appointment sa assistant ni Xavier para sa divorce naming dalawa,” Huminto sandali si Lily sa pagsasalita bago siya magpatuloy sa kaniyang sinasabi, “At pagaktapos, kailangan ko namang humanap ng trabaho para mabuhay ang sarili ko.” Masyadong malaki ang 500,000 dollars kada buwan na pocket money. Hindi ito magagawang gastusin ng kahit na sino sa loob ng dalawang taon. Pero kinailangang sabayan ni Lily ang lifestyle ni Xavier para masiguro na makukuha nito ang best sa lahat ng aspeto ng buhay. Kailangan niya ring bumili ng mga regalo para sa mga nakatatandang miyembro ng pamilya Fulton sa lingguhang family dinner sa manor ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit wala na halos natira sa kaniyang allowance. 50,000 dollars na lang ang natitirang halaga sa kaniyang account. “Tumulong ka muna sa akin sa restaurant bago ka humanap ng trabaho!” Ayaw iwanan ni Maryanne ang kaniyang kaibigan na nabablangko sa kaniyang apartment. Pero kailangan niya rin talaga ng taong tutulong sa kaniya. “Nagcancel last minute ang pianistang kinuha ko!” Nagmamanage si Maryanne ng ilang mga mamahaling restaurant para sa kaniyang pamilya kaya regular siyang nagiimbita ng mga kilalang pianista para magperform sa restaurant araw araw. Bata pa lang noong matuto si Lily na tumugtog ng piano na nasa ikasampung antas ng kaniyang pagaaral. Pero nagawa na nitong mapantayan ang husay ng kahit na sinong professional sa pagtugtog ng piano. Naintindihan niya ang tunay na intensyon ni Maryanne. Mas makabubuti para sa kaniya na maging abala para malayo siya sa pagooverthink. “Sige.” Masyado ring abala si Mayranne sa pagtatarabaho para masamahan siya rito. “Matulog ka na muna. Magpunta ka sa restaurant doon sa East District mamayang hapon. Busy ako kaya hindi kita masusundo mamaya.” “Sige. Gawin mo na ang mga dapat mong asikasuhin.” Masyadong malapit sina Lily at Maryanne sa isa’t isa. Naging magkaibigan ang dalawang ito mula noong kindergarden. Nawalay lamang sila sa isa’t isa noong college pero hindi pa rin nito sinira ang kanilang pagkakaibigan. Mas lumakas pa ang kanilang pagkakaibigan nang bumagsak ang pamilya Joyner. Kumportable si Lily na ipakita ang tunay niyang sarili sa bawat sandaling makakasama niya si Maryanne. Nang maihatid niya si Maryanne, tinawagan niya ang assistant ni Xavier na si Timothy Snyder para magschedule ng meeting. “Nagbibiro po ba kayo, Mrs. Fulton?” Natigilan si Timothy ng isang sandali bago nito sabihing, “Bakit hindi niyo na lang po hintaying makauwi si Mr. Fulton mamayang gabi?” “Tumatawag ako para magschedule ng isang divorce appointment.” Direktang sinabi ni Lily. Kumalat ang napakatinding sakit sa kaniyang dibdib habang lumalabas ang mga salitang ito sa kaniyang bibig. Nabalot naman ng naguumapaw na luha ang kaniyang mga mata. Pero agad niyang itinaas ang kaniyang noo habang nagkukunwaring malakas noong mga sandaling iyon. Huminga ng malalim dito si Timothy. “Fully booked po ang schedule ni Mr. Fulton ngayong linggo!” “Sa susunod na linggo na lang kung ganoon.” Pilit na binanggit ni Lily ang mga salitang iyon habang mahigpit niyang hinahawakan ang gilid ng kaniyang pangitaas. “Ichecheck ko ang kaniyang schedule pagbalik ko sa kumpanya. Babalikan kita sa sandaling makakita ako ng libreng schedule ni Mr. Fulton.” Hindi magagawang magbigay ni Timothy ng appointment nang walang pahintulot mula kay Xavier kaya agad niya itong tinawagan nang matapos ang tawag nila ni Lily. Narinig ni Xavier ang nakaschedule na plano ni Lily na binanggit nito kay Timothy sa halip na bumalik ito sa kanila gaya ng kaniyang inaasahan. Nakaramdam siya ng matinding galit sa kaniyang dibdib habang gigil niya itong tinatawagan. “Hindi ito kapanipaniwala!” Naramdaman ni Timothy ang inis ni Xavier kaya agad itong nagsabi ng, “Puwede po akong magdahilan para patagalin ang bagay na ito.” “Hindi na kailangan!” Isang nangiinis at sarcastic na ngiti ang nagpakita sa kaniyang labi. “Iset mo ito isang linggo mula ngayon!” Ipapakita lang ng pagpapatagal niya sa schedule ang pagdadalawang isip niya na makipagdivorce. Siguradong babalik ito sa kaniya para magmakaawa sa loob ng tatlong araw! Agad na tinawagan ni Timothy si Lily. “Makikipagkita raw po siya sa inyo sa korte sa susunod na Miyerkules, alas nuwebe ng umaga.” Pagod na pagod si Lily pero hindi siya makatulog. Nabalot ng pait ang kaniyang dibdib nang matapos ang tawag nila ni Timothy. Humiga siya sa kama habang nararamdaman niya ang pagkabog ng puso niya sa kaniyang dibdib. Hindi na siya makapagpigil habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga pisngi mula sa kaniyang mga mata na siyang bumasa sa sinasandalan niyang unan. Agad na napunta sa wala ang kakaunting pagasa na kaniyang pinanghawakan nang matanggap niya ang tawag mula kay Timothy. Dito na mas bumagsak ang kaniyang dibdib. Ano ba ang inaasahan niya? Inaasahan ba niya na tatanggihan ni Xavier ang kanilang divorce para humingi ng tawad sa kanila? Hindi ito isang tao na aamin sa kaniyang mga pagkakamali at hindi rin niya magagawang palampasin ang pagtataksil ng kaniyang asawa! Hindi mahaba ang dalawang taon. Pero umikot nang buo ang kaniyang mundo kay Xavier sa dalawang taon na iyon! Hindi mapapantayan ang dedikasyon na kaniyang ibinuhos para sa kanilang pagsasama. Hindi na niya maalala ang kaniyang buhay bago niya pakasalan si Xavier. Nabalot ng magulong emosyon si Lily habang naglalagay siya ng kaunting makeup sa kaniyang mukha bago siya magpunta sa restaurant ni Maryanne sa East District kinagabihan. Inabutan siya ng mabigat na traffic sa daan. Punong puno na ng mga bisita ang restaurant nang makarating siya roon. Alam ni Maryanne na papunta na si Lily kaya hinintay niya ito sa entrance ng restaurant. Umabante siya nang makita niyang bumababa si Lily sa taxi. “Nakalimutan ko na wala ka palang sasakyan.” “Okay lang.” sinundan siya ni Lily papasok sa restaurant. Naghanda si Maryanne ng isang gown para kay Lily bago niya ito samahan papunta sa changing room. “Mukhang hindi maganda ang itsura mo ngayon. Hindi ka ba nakapagpahinga kanina?” Hindi naitago ng kaunting makeup sa mukha ni Lily ang kaniyang pagod. Umiiling itong sumagot ng, “Okay lang ako.” Isinuot niya ang hinandang gown sa kaniya ni Maryanne at itinaas niya ang hem nito habang naglalakad siya papunta sa gitna ng hall kung saan makikita ang isang imported na piano. Dahan dahan siyang umupo sa harap nito. Makikita ang isang music sheet sa stand ng piano. Huminga nang malalim si Lily bago niya ipuwesto ang maganda niyang mga daliri sa mga key ng piano. Agad na nabalot ng magandang musika ang bawat sulok ng restaurant. Isang nakaputing imahe ang kasalukuyang nakaupo sa loob ng isang private room sa itaas ang napatingin sa pinagmumulan ng musika sa ibaba bago siya umabante para ibulong ang isang bagay sa banyagang lalaki na nakaupo sa kaniyang harapan. Lumapit ang isang waiter kay Lily limang minuto pagkatapos niyang tumugtog. “Ms. Joyner, isa pong gentleman sa private room ang nagrequest na magplay ng isang love song sa itaas.” Makikita ang isa pang piano sa loob ng private room. Masyado itong mahal kaya hindi pinapayagan ni Maryanne na hawakan ito ng ibang mga pianista. Pero nagtitiwala siya kay Lily kaya agad siyang pumayag sa gusto ng customer. Itinaas ni Lily ang hem ng kaniyang gown para umakyat sa private room. Itinulak ng waiter pabukas ang pinto habang dahan dahang naglakad papasok si Lily. Nakadagdag ang nagliliwanag at gintong ilaw sa paligid sa pagiging romantic at pagkaelegante ng room. Isang mamahalin at kulay burgundy na table cloth ang nakalatag sa lamesa habang nagrereflect ang liwanag sa mga wineglass ng tatlong tao na nakaupo sa paligid nito. Agad na natigilan si Lily nang makita niya ang malalim na mga mata ni Xavier.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.