Kabanata 11
Nagdadramang napasigaw si Edith habang nilalagay nito ang kanyiang kamay sa kaniyang noo sa ilalim ng matalas na tingin ni Xavier.
“Muntik na akong mamatay sa sunog kanina! Nakita ko na ang lola mo na kumakaway sa akin!”
Nanatili namang tahimik si Lily habang nararamdaman niya ang paginit ng kaniyang mga pisngi.
Naramdaman niya ang pagtingin sa kaniya ni Xavier ng isang sandali bago ito tumama kay Edith.
Napakagat siya sa kaniyang labi habang tahimik siyang nakaupo roon, nagkunwari siyang nakafocus sa drama ni Edith, hindi na niya masyuadong inisip ang pagtingin na ginagawa ni Xavier sa kaniya.
“Lola.” Pasok ni Xavier sa kwarto suot ang walang gusot at napakalinis niyang suit.
Makikita sa ilalim ng nakakasilaw na liwanag ang confident niyang imahe na lumamon kay Lily na nakaramdam na para bang nagdilim ang kaniyang paligid.
Hindi niya naiwasang mapatingin kay Xavier habang nakakaramdam siya ng pagkahilo. Masyadong magnetic ang kaniyang presensya at kahit na hindi niya masyadong nakita ang itsura nito mula sa kaniyang kinauupuan, nakaramdam pa rin siya ng kagustuhang tumingin muli kay Xavier.
“Xavier, alam mo ba kung ano ang sinabi ng lola mo noong kumaway siya sa akin?” Tanong ni Edith habang inaayos nito ang kaniyang salamin na kumislap sa ilalim ng liwanag bago niya ituro ang kaniyang mga daliri kay Xavier.
Nagkaroon naman si Xavier na mala aristocrat na presensya sa guwapo at maskulado nitong pangangatawan kaya masasabi ng kahit na sinong hindi siya pangkaraniwan.
Palaging naniniwala si Edith na walang sinuman ang babagay kay Xavier.
Pero mula noong makita niya si Lily, naramdaman niya na bagay ang dalawa sa isa’t isa. Na itinadhana ang dalawang ito.
Isang mahinahon at maintindihing babae si Lily na nagkaroon ng itsura na parang isang porselanang manika.
Hindi na siya makaisip ng magkasintahang mas perpekto sa isa’t isa kaysa sa dalawang ito.
“Sinabi nito na huwag na huwag akong magpapakita sa kaniya hangga’t hindi ko nakikita ang apo ko sa tuhod.”
Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Xavier habang napupunta ang kaniyang paningin kay Lily.
Dumaloy ang mahaba niyang buhok sa kaniyang mga balikat. Nagmukha siyang inosente habang nagliliwanag ang malambot niyang balat sa paningin ni Xavier.
Humigpit ang lalamunan ni Xavier habang naninigas ang kaniyang katawan.
Pinatunog ni Edith ang kaniyang mga daliri habang tumatama ang kaniyang paningin sa dalawa.
“Oo nga! Iyan ang sinabi niya sa akin! Kaya kailan kayong dalawa magkakaroon ng anak?”
Matagal nang nasanay si Lily sa walang tigil na pangungulit ni Edith tungkol sa pagkakaroon nila ng anak, pero agad siyang nakakaramdam dito ng kahihiyan dahil sa masyadong direkta at kakaibang pamamaraan nito ng panghihikayat sa kanilang dalawa.
Namula ang kaniyang mga tainga habang nagdadalawang isip siyang nagiisip kung paano niya maiiwasan ang awkwardness ng topic nila ngayong araw.
Pangkaraniwan na pumapasok sa usapan si Xavier sa bawat sandaling mangungulit si Edith tungkol sa pagkakaroon nila ng anak habang hinahayaan niya si Lily na umisip ng dahilan para maiwasan ito.
Naisip na niya ang lahat ng uri ng dahilan kaya sa gitna ng pagsisinungaling at pagiwas sa topic, napagdesisyunan niyang ipasa ang bola kay Xavier.
“Sa kaniya ito nakadepende, Edith.”
Nagdilim ang paningin ni Xavier nang lumabas ang mga salitang ito sa bibig ni Lily.
“Magagawa mo ba talaga akong iwanan sa posisyong ito ngayong hindi ko maipaliwanag ang mga bagay bagay sa iyong lolo?” Inawakan ni Edith ang kaniyang batok habang kinokompronta niya si Xavier.
Pangkaraniwan namang inayos ni Xavier ang kaniyang manggas habang walang pakialam siyang sumasagot ng, “Masyadong matindi para sa akin ang pressure na magkaroon ng apo niyo sa tuod. Ayaw ko pa pong sumama kayo kay Lolo kaya matatagalan pa po ang pagkakaroon ko ng anak.”
Nanlaki ang mga mata ni Edith habang naninikip ang kaniyang lalamunan na para bang sinasakal siya ng isang multo kaya hindi na siya nakapagsalita pa.
“Handa na po ang hapunan!” Pasok ng isang maid sa hall.
Ginamit ni Edith ang pagkakataong ito para makatakas sa hindi kumportable nilang sitwasyon. “Kumain na muna tayo dahil siguradong sasama na ako sa lolo ninyo sa sandaling hindi pa ako kumain. Hindi na ako mangungulit sa iyo, pero sa sandaling ikaw na ang tanungin niya…”
Pagkatapos ng usapan nila tungkol sa divorce, naging awkward na para kay Lily ang bawat paghaharap nila ni Xavier.
Mabuti na lang at naging magaan ang paligid nang dahil sa walang tigil na pakikipagkwentuhan ni Edith.
Pagkatapos nilang kumain, hinila ni Edith si Lily papunta sa kaniyang tabi.
“Nakahanda na ang kwarto mo. Hindi uuwi ngayong gabi ang mga biyenan mo kaya kailangan ninyo akong samahan dito.”
Napatingin naman si Lily kay Xavier.
Nangangahulugan ang pagtulog nila rito ng pagtulog nila sa iisang kwarto.
Ngayong nakaset na ang divorce nila sa susunod na Miyerkules, masyado nang awkard ang pagtulog nilang dalawa sa iisang kwarto.
“Ano pang tinitingin tingin mo sa kaniya?” Sermon ni Edith para hindi na makatanggi pa si Lily. “Nakapagdesisyon na kami rito!”
At sa huli, napilitan din sina Lily at Xavier na magpalipas ng gabi sa manor.
Pero nang umakyat ang dalawa, napagdesisyunan ni Xavier na dumiretso sa study room.
Matutulog siya sa loob ng study room. Isa itong natural na choice para sa isang lalaki na nasa bingit ng pakikipagdivorce.
Inisip din ni Lily na para ito sa ikabubuti nilang dalawa kaya agad na siyang nagshower.
Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas siya sa banyo nang nakatapis gamit ang isang twalya.
Nabalot siya ng steam mula sa banyo habang nakapaligid ang basa niyang buhok sa kaniyang mukha na dumadalyo papunta sa kaniyang leeg papunta sa kaniyang collarbone.
Nakatayo naman sa kaniyang harapan ang isang lalaking nakasuot ng pajama.
Katatapos tapos lang din magshower ni Xavier kaya basa pa rin ang buhok nito.
Naoverwhelm si Lily ng matapang na amoy ng katawan ni Xavier na nagpapapigil sa kanyiang hininga, tumama ang nagliliwanag niyang mga mata sa nanlalamig at tumutusok nitong paningin.
Bago pa man niya ito matanong sa kung ano ang kaniyang ginagawa, agad na umangat ang malakas na bras oni Xavier na humatak sa kanyia papunta sa mga bisig nito.
Dumiin ang dibdib nito sa kaniya.
Naramdaman niya mula sa manipis na towela ng init ng balat nito at ang init na nagmumula sa dibdib ni Xavier na humalo sa basa niyang katawan na bumuo sa isang napakaintimate na pakiramdam.
“Ano ang ginagawa mo?” itinulak ni Lily ang dibdib ni Xavier gamit ang isa niyang kamay habang hawak naman ng isa niyang kamay ang nakatapis na twalya sa kaniyang katawan ngayong malapit na itong matanggal sa pagkakatapis.
Nagdilim nang husto ang gigil na mga mat ani Xavier habang tinitingnan niya ang collarbone ni Lily. “Ano sa tingin mo?”
Mas hinila niya palapit sa kaniyang dibdib si Lily.
Naramdaman naman ni Lily ang reaksyon ng katawan ni Xavier sa pagdikit ng kanilang mga katawan.
Nanlaki ang gulat na mga mata ni Lily nang maalala niya ang mga imahe ng pagaayos ni Sarah sa pahingahan ni Xavier sa lounge.
Kailangang kailangan na ba talaga niya nito kaya hindi na siya makapaghintay ng isa pang gabi?
Kahit na hindi pa siya makapaghintay, hindi na siya dapat nagiisip nang ganito sa kaniya.
“Dapat pa ba kitang paalalahanan? Magdidivorce na tayong dalawa,” sabi nito gamit ang nanginginig niyang boses.
Nagpakita naman ng tila nagbibirong ngiti ang mga labi ni Xavier na para bang nakarinig ito ng isang nakakatawang biro.
Itinaas nito ang kaniyang kamay para hawakan ang baba ni Lily na nagharap sa mukha nito sa kaniya.
“Kinuntsaba mo si Lola para lang magkaroon ka ng ganitong klase ng oportunidad hindi ba? Kaya ano pang hinihintay mo?”
Isang buwan na umaakyat si Edith taon taon para magretreate. Umakyat siya ng bundok noong nakalipas na sabado pero wala pang isang linggo ang nakalilipas.
Inakala ni Xavier na pinlano ni Lily ang pagsesetup ng isang “sunog” para papuntahin siya rito.
“Si Edith lang din ang nagpapunta sa akin dito!” Galit na sinabi ni Lily gamit ang natataranta niyang boses. Ayaw na ayaw niyang hindi siya naiintindihan.”
Malinaw na hindi siya pinaniniwalaan ni Xavier. Dumulas ang kamay nito sa baiwang ni Lily na para bang nawawala na ito sa kaniyang sarili. “Huwag ka nang magkunwari. Hindi ka na nakakatuwa.”
Ilang araw nang wala sa villa si Lily. Ngayong matindi ang kaniyang drive pagdating sa mga ganitong bagay, nakahanda na siyang palampasin ang ginawa ni Lily para mapapunta siya rito. Wala na siyang pakialam kahit hindi pa ito humihingi ng tawad sa kaniya.
Makakalimutan niya ang lahat sa sandaling mailabas niya ang nararamdaman niyang frustration ngayong gabi.
Bumuka ang mga labi ni Lily para magsalita pero bago pa man niya ito magawa, agad siyang napatahimik ng pagdikit ng mga labi ni Xavier.
Masyado itong naging matgindi na bumalot sa kaniyang mga labi na siyang nagpanginig sa mga ito.
Ngayong malayo ang agwat ng lakas sa pagitan nilang dalawa, habang nagpupumiglas si Lily, sa halip na itulak niya ito, mas tumindi ang panggigigil ni Xavier na nagpasiklab sa kaniyang kagustuhan na madominate ito.
Bumagsak ang towel na nakatapis kay Lily habang gumugulo ang basa niyang buhok. Tumama ang kulay gintong liwanag sa kanyiang balat na nagbigay sa kaniya ng aura na parang isang diwata.
Nanigas ang katawan ni Xavier habang naglalagablab ang panggigigil sa kaniyang mga mata habang nilalapit niya ang kaniyang sarili kay Lily, unti unti ring humigpit ang kaniyang pagkakahawak dito.
Pero agad na nanlaban si Lily na hindi nagpatalo kay Xavier na nagpatindi lamang sa panggigigil ni Xavier habang tumitindi ang frustration sa kaniyang dibdib.
Sa dalawang taon nilang pagsasama, naintindihan na ni Xavier ang personality ni Lily—isa itong uri ng babae na tumutugon sa pagiging mahinahon, at hindi sa pwersa.
Nagsalita si Xavier gamit ang namamaos at nangaakit nitong boses. “Hindi bai to ang gusto mo? Pinagbibigyan lang kita.”
Nanghina ang katawan ni Lily sa mga sinabi ni Xavier habang mas gumugulo ang kaniyang isipan.
Napakaganda ng korte ng kaniyang katawan, mayroon itong kapayatan pero malinaw pa ring makikita ang korte nito.
Isang sandaling nawalan ng kontrol si Xavier sa kaniyang sarili habang idinidiin niya si Lily sa pader habang idinidikit niya nang husto ang kaniyang labi rito.
Nakaramdam naman ng pagkahilo si Lily pero agad siyang nahimasmasan kaya agad niyang kinagat ang dila ni Xavier.
Isang napakahapding sakit ang gumapang mula sa kaniyang dila habang nalalasahan niya ang iron na kumakalat sa kaniyang bibig. Dito na sumiklab sa galit ang kaniyang mga mata.
“Tapos ka na ba Lily? Ito na ang huli mong pagkakataon. Sigurado ka ba na gusto mong pahirapan ang buhay nating dalawa?”