Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 10

Sa Weatherspoons, nagbigay liwanag ang nakakabulag na mga ilaw sa buong kuwarto na nagbigay dito ng marangyang aura. Umupo si Xavier sa harapan ni Sarah sa isang square na lamesa. Binuksan ng waiter ang isang bote ng Bardilot red wine para isalin ito sa isang decanter. Tinamaan ng ilaw ang wine na nagreflect ng pulang liwanag na tumama sa napakaguwapo at mapangang mukha ni Xavier. Makikita na nagrerelax ito habang tumatama ang bahagyang nakapikit niyang mga mata sa piano sa kabilang banda ng restaurant. “Parang may mali. Bakit walang tumutugtog ngayong gabi?” Habang suot ang isang malambot at yellow na dress na dinadaluyan ng mahaba niyang buhok, mas nagmukahng babae at maselan si Sarah kaysa sa professional niyang attire. Napataas naman ang mga kilay ni Xavier. “Hindi rin ako sigurado.” Siguradong hindi magiging kumportable si Lily sa pagupo sa gitna para tumugtog ng piano para panoorin ng lahat na parang isang unggoy. Inisip niya kung umuwi na ba ito ngayon. Palagi itong nagiging maintindihin sa kanyia—hinding hindi siya nito nagagawang istorbohin kapag abala siya sa trabaho kaya tahimik itong umalis nang malaman niyang busy siya kaninang umaga. “Mayroon akong espesyal na hinanda pa sa inyong dalawa.” Sabi ng isang direkta at pamilyar na boses sa dalawa. Naglagay si Maryanne ng isang umuusok na plato ng pagkain sa table habang tinitingnan nito mula ulo hanggang paa si Sarah. “Hindi ba isa itong Spicy Beef Salad?” Nasurpresa nang husto si Sarah nang makita niya ang ganitong klase ng dish sa menu ng isang fine dining restaurant. “Para sa mga pangkaraniwang tao ang spicy beef salad,” Nakangiting sinabi ni Maryanne habang nanlalamig ang kaniyang paningin, “Mayroong pangalan ang dish na ito! Tinatawag ito bilang ‘Doble-Karang Traydor na Salad.’” Agad na bumagsak ang temperatura sa paligid habang nagsisink in ang kaniyang mga sinabi sa dalawa. Itinuturing ni Maryanne ang kaniyang sarili bilang isang direkta at walang kinatatakutang babae pero masyado pa rin siyang nagiingat sa bawat sandaling hinahamon niya si Xavier. Mukhang dahil ito sa kawalan niya ng ebidensya para gawin itong accountable sa kaniyang kataksilan. Maaaring ito ang nagpapabagabag sa kaniya. At pagkatapos ng ilang tensyonadong mga segundo, nakaramdam siya ng matinding pressure sa kaniyang batok na parang isang invisible na kamay na pumipisil dito kaya dali dali siyang tumalikod at umalis sa kwarto. Napatingin naman ang nagmumukhang inosente na si Sarah kay Xavier. “Kilala mo ba siya?” “Hindi,” Sagot ni Xavier, tumitig siya sa plato habang nabablangko ang kaniyang isipan. At pagkalipas ng ilang sandali, nagring ang kaniyang phone sa gilid ng lamesa. Hindi niya sinave ang number ni Lily pero palagi siya nitong tinetext tuwing lunch time sa nakalipas na dalawang taon para paalalahanan siyang kumain. Tumatawag naman ito gabi gabi para tanungin siya kung uuwi siya. Sapat na ang isang mabilis na tingin sa screen para malamang si Lily ang tumatawag. Nagpakita ng isang maliit at nangiinis na ngiti si Xavier bago niya walang pagaalinlangang ibinaba ang tawag. “Bakit hindi mo ito sagutin?” Tayo ni Sarah nang mapansin niya ang screen para ipagsalin ng wine si Xavier. Napansin niya ang kakaibang numbero sa screen bago niya nakangiting sabihin na, “Nasa dinner lang naman tayo at hind isa isang business meeting. Hindi kita pipigilang sumagot ng tawag.” “Hindi ako sumasagot ng tawag sa mga taong hindi ko kilala.” Kinuha ni Xavier ang baso mula kay Sarah bago siya umabante para ipagsalin ito ng wine. “Masyado kang naging masipag sa trabaho nitong mga nakalipas na araw.” Sweet namang ngumiti si Sarah, “Iniisip mo ba na sapat na ang isang baso ng wine para mapauwi ako?” Kinapa ni Xavier ang kaniyang bulsa para ilabas ang isang itim na card na kaniyang nilagay sa lamesa bago niya ito islide papunta kay Sarah, “Ituring mo na ito bilang isang regalo.” Ipinakita ng burgundy na tablecloth ang mga guhit sa kaniyang wrist. Habang itinataas ni Sara ang kaniyang kamay para kunin ang card, tumama ang kanyiang daliri sa kamay ni Xavier. Naging magaan lang ang pagdikit ng kaniyang daliri pero sapat na ito para maramdaman ni Xavier ang kaniyang ginawa. Tiningnan niya si Xavier gamit ang malambot at nangaakit niyang mga mata habang inooserbahan niya ang bawat pagbabago sa itsura nito. Dumiin naman ang labi ni Xavier pero hindi niya ipinakitang hindi siya kumportable sa ginawa ni Sarah. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay para sumandal sa upuan. Ipinakita niya na walang pakialam ang kaniyang mukha. Hindi naman natigilan si Sarah nang ilagay niya ang card sa kaniyang purse bago siya tumingin sa piano. Hindi nagpunta ngayong gabi si Lily. Siguradong mayroong iniisip ngayon si Sarah. Hindi nagtagal, dinala na ng waiter ang pagkain ng dalawa kaya nagsimula na ang nagrerelax na pagkain ni Xavier. Habang nasa pagkain ang atensyon ni Xavier, agad na nilabas ni Sarah ang kaniyang phone para kumuha ng picture nilang dalawa na kumakain mula sa salamin na bintana ng restaurant. Hindi niya inaasahang gagana ang flash ng kaniyang camera. Kumislap ang mga mata ni Xavier habang tumatama ang matalas nitong tingin sa kaniya. Mukha namang napahiya rito si Sarah kaya agad niyang ibinigay ang kaniyang phone para ipakita ito kay Xavier. “Kailangan kong ireport kay Xyla ang mga lugar na pinupuntahan ko at mga kinakain ko araw araw. Tingnan mo.” Binuksan niya ang kaniyang WhatsApp chat window kung saan makikita ang picture na kaniyang kinuha bilang huling message dito, pero bago iyon, makikita rito ang ilan pang mga litrato—ilan sa mga ito ay ang magisa niyang kuha sa iopisina habang kasama naman niya si Xavier sa ibang mga litrato. Tumitig nang husto si Xavier bago gumaan ang kanyiang aura nang kaunti habang nagpapatuloy siya sa paghiwa sa kaniyang steak. “Nandito ako para bantayan ka kaya hindi mo kailangang alalahanin ang kahit na ako kapag kasama mo ako.” Napailing si Sarah sa kaniyang ulo. “Sinabihan ko na siya na ikaw ang bahala sa akin. Pero—" Bago pa man matapos sa pagsasalita si Sarah, agad silang natigilan sa biglaang pagvibrate ng phone ni Xavier. Isa itong tawag mula kay Timothy. Sumagot dito si Xavier, agad na bumagsak ang kaniyang itsura habang dumadaloy ang mga sinabi ni Timothy sa kaniyang tainga. “Mr. Fulton, tumawag po ang inyong asawa. Sinabi niya na nasusunog daw ang tahanan ng mga Fulton, at kasalukuyan daw pong nasugatan ang nakakatandang si Mrs. Fulton. Sinasabihan niya po kayo na magpunta roon ngayundin!” Agad na umingay ang upuan ni Xavier habang dali dali siyang tumatayo. “Sige, pupunta na ako ngayindin.” Ibinaba niya ang tawag bago niya sabihan si Sarah na kailangan na niyang umalis habang kinukuha niya ang kaniyang coat. Dali dali siyang tumakbo papunta sa pinto. Muling nagising ang makina ng kaniyang Maybach na umingay sa gitna ng mabigat na traffic habang dali dali siyang nagmamaneho papunta sa tahanan ng pamilya Fulton. ... Matatagpuan ang tahanan ng pamilya Fulton sa gitna ng bundok habang makikita naman ang neon na mga ilaw sa gilid ng zigzag na daan paakyat sa bundok. Sumakay ng uber si Lily at nang makarating siya roon, nagliwanag nang husto ang mansyon, at walang senyales ng sunog na kaniyang kinatatakutan. Dito na siya nakahinga nang maluwag. Pero habang pababa siya ng sasakyan, nalanghap niya ang matapang na amoy ng usok sa hangin kaya dali dali siyang nagpunta sa manor. Direkta siyang sumugod papasok sa sala. Dito na nyia nakita ang masiglang si Edith na nakaupo sa sofa, kumakain ito ng popcorn at nanonood siya ng TV habang nakasabit ang kaniyang reading glasses sa kaniyang ilong. “Nakabalik ka na rin sa wakas, Lily!” Tumingala si Mrs. Fulton para kawalan ito. “Halika rito, dear!” Naubusan ng hininga si Lily habang nabubuo ang isang manipis na layer ng pawis sa kaniyang noo. Habang nauubusan ng hininga si Lily at habang tumutulo ang pawis sa kaniyang noo. Dali dali siyang sumugod papunta sa tabi ni Edith. “Edith, nasaan po ang sunog na sinasabi ninyo?” “Oo, nagkaroon nga ng sunog,” sabi ni Edith habang tumuturo siya sa bakuran kung saan makikita ang naapulang apoy. “Pero naapula na nila ito.” Napakurap ang nagtatakang si Lily. Inulit niya ang mga sinabi ng kasambahay sa kaniya kanina. Hindi nito sinabing nasugatan si Edith—masyado lang nataranta ang boses nito kaya napalabas nitong nasa panganib ang buhay ng lola ni Xavier. “Nasaan na si Xavier?” Tanong ni Edith habang tumitingin siya sa paligid. “Nasaan na ang apo ko?” Dumiin naman ang mga labi ni Lily habang sinusubukan niyang itago ang hindi mapakali niyang emosyon kay Xavier, “Abala po siya sa trabaho. Siguradong nasa meeting po ito. Tumawag po ako pero hindi niya ako sinagot.” Kumislap naman dito ang mga mat ani Edith. “Hindi niya sinagot ang mga tawag mo? Galit ka ba sa kaniya?” “Hindi po,” Dali daling deny ni Lily habang bumabagsak ang kaniyang puso. Nang matapos ang kanilang tawag, nabalot ng pagkabahala kaysa galit ang kaniyang dibdib. Natakot siya na baka may nangyari nang hindi maganda kay Edith habang wala si Xavier. Ito ang dahilan kung bakit niya tinawagan si Timothy, gumaan ang kaniyang loob nang sabihin ni Timothy na nasabihan na niya si Xavier tungkol sa nangyari. Pero ngayon, mukhang sinasadya talaga ni Xavier na iwasan ang kaniyang mga tawag. Sumikip ang kaniyang dibdib sa kaniyang mga napagtanto habang lumalamig ang hangin sa kaniyang paligid. Nang makita niya na hindi ito kumportable, nakasiguro si Edith na naiinis si Lily kay Xaveir kaya walang pagaalinlangan nitong sinabi na, “Huwag kang magalala, sisiguruhin ko na uuwi siya ngayong araw.” Nagtaka rito si Lily habang gumugulo nang husto ang kaniyang isipan. Ano ang ibig sabihin dito ni Edith? Sinsubukan ba niyang dalhin si Xavier kay Lily. Pero bago pa man niya masabi ang kaniyang ipinagtataka, isang pamilyar, at tumutusok na tingin ang tumama sa kaniya. Tumingala siya nang makita niya—si Xavier na dali daling naglalakad palapit. Nabalot ng pagaalala at nanlalamig na determinasyon ang nagdidilim niyang mga mata.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.