Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1

“Pakiusap, tama na! Wag mo kong saktan!” Nagmakaawa si Mayra Sadler sa nananakit sa kanya habang nakaluhod siya sa lapag nang nababalot ng dugo. Mayroong pasa sa puson niya at ginupit nang maikli ang itim at makapal na buhok niya. Sa mga malalim na mata niya at mabahong amoy, hindi siya naiiba sa isang pasyente sa isang mental asylum. Ito na ang pangatlong taon ng pagkulong kay Mayra. Unti-unti nang naglaho ang katinuan niya. Inisip niya kung paano niya nagawang tiisin ang araw-araw na pagpapahirap na pinapalabas sa kanya ng lalaking nakatayo sa harapan niya, si Lucian Rowe, sa loob ng tatlong taon. Nang para bang hindi pa sapat ang walang katapusang paghihirap niya, nabuntis din siya ni Lucian. Tatlong taon ang nakaraan, nalaglag ang ipinagbubuntis ni Isabel Fisher nang dahil drinoga siya ni Mayra, isang gawaing nagmula sa inggit niya sa pagmamahal ni Anderson Barlow para kay Isabel. Bilang parusa, iniwan siya ni Anderson sa mga kamay ni Lucian. Hanggang sa araw na ito, hindi niya nakalimutan kung anong sinabi ni Anderson sa kanya. Nang may isang titig na tumagos sa kaluluwa niya, malamig siyang nagsabing, “Mayra, dapat kang parusahan sa ginawa mo. Umalis ka ng Belchester City at pagsisihan mo ang ginawa mo sa yumaong anak ni Isabel.” “Nagkamali ako! Nagkamali ako!” Araw-araw, pinagsisihan ni Mayra ang mga kasalanan niya. Sa bawat isang araw, nagdasal siya at kumapit sa pag-asang ililigtas siya ni Anderson mula sa kailaliman ng basement na ito balang araw. Gusto niyang tumakas, ngunit imposible iyon. Ang naghintay sa kanya sa dulo ng bawat isang bigong pagtakas ay mas matinding parusa. Hinablot ni Lucian ang buhok niya nang may hindi normal na pananabik. “Lakasan mo pa ang sigaw mo! Tignan natin kung may sasagot sa paghingi mo ng tulong. “Talagang espesyal ang babae ni Anderson Barlow. Nahumaling at nasarapan ako sa'yo nang una kang dumating. Pero sa kabila ng lahat ng mga taong iyon, kumakapit ka pa rin sa pantasyang ililigtas ka ni Anderson? “Tigilan mo na yang pag-iilusyon mo. Pinakasalan na niya si Isabel Fisher nang pinadala ka niya sa'kin tatlong taon ang nakaraan. “Tignan mo ang sarili mo ngayon. Haha! Isa ka lang gamit na laruan!” Hindi! Paanong naging posibleng papakasalan ni Anderson si Isabel? Nagulat si Mayra dahil nangako siyang hindi niya kailanman gagawin iyon. Umiling siya nang lumuluha at tumangging tanggapin ang mapait na katotohanan. Pagkatapos ng parang walang-hanggan, humandusay siya sa lapag nang halos walang damit at nang nakasandal sa pader. Dumilim ang liwanag sa mga mata niya habang tumulo ang dugo mula sa malalaking sugat niya. Kahit na ganun, humiga siya sa lapag nang di kumikilos, na para bang hindi siya nakakaramdam ng sakit. Sa unang beses sa tatlong taon ng pagpapahirap, naisip niya ang ideyang sumuko sa buhay. Para siyang tangang kumapit sa pag-asang iuuwi siya ni Anderson, ngunit hindi siya lumitaw kahit isang beses sa nagdaang tatlong taon. Sarado na ang kapalaran niya sira na ang buhay niya simula nang dumating siya. Pinakasalan ni Anderson si Isabel at inabandona siya sa sandaling nangyari iyon. Napagtanto ni Mayra na kahit na iligtas siya ni Anderson, hindi na niya siya matatanggap. Hindi na sila makakabalik sa dati. Nang umalis si Lucian, dahan-dahang tumayo si Mayra mula sa lapag. Gamit ng natitirang lakas niya, kinuha niya ang kasangkapang ginagamit ni Lucian para pahirapan siya, sinaksak ito sa dibdib niya, at tumaga ito sa puso niya. … Nagsimulang sumuka ng dugo si Mayra. Mayroong bakanteng tingin sa mga mata niya at bumugso ang isang pamilyar na sakit sa buong katawan niya. Tumitig siya sa labas ng nag-iisang bintana sa basement papunta malinaw na madilim na langit, kung saan kakaunti lang ang mga bituin at malayo sa isa't-isa. Ilang patak ng luha ang tumulo sa pisngi niya. Sa huli, bumagsak siya sa sarili niyang dugo habang binuga niya ang huli niyang hininga. Nang sinubukan niyang buksan ang mga mata niya, nakita niya ang sarili niyang inililibing sa lupa. Tinakpan siya ng lupa ni Lucian na may hawak na pala. Malalaking patak ng ulan ang tumulo sa mga mata niya. Habang naglaho sa kadiliman ang mundo niya, para bang naglaho rin ang mga tunog sa paligid niya. Naisip niya, “Anderson Barlow, pinagsisihan ko ang lahat! Bakit pa ba kita nakita para lang magdusa nang ganito? Bakit napakawalang-puso mo sa'kin? “Kahit na ganun, sa huling sandali ng buhay ko, ikaw lang ang naiisip ko… Anderson, kung kaya kong ibalik ang oras, hindi ako mangingialam sa relasyon mo kay Isabel. Hindi ko na pagdadaanan ang sakit ng pagmamahal ko sa'yo!” Nabalot siya ng katahimikan at kadiliman. Pakiramdam ni Mayra ay bumabagsak siya sa bangin. Nang ganun-ganun na lang, tahimik na nilisan ni Mayra Sadler ang mundo. Namatay siya sa isang tahimik na gabi sa gitna ng bumubuhos na ulan, ang katawan niya ay nakalibing habangbuhay sa isang landfill. … Sa taong 2007, sa isang kwarto sa Belchester General Hospital, nagising si Mayra sa isang mahinang tunog. “Mr. Barlow, gising na siya!” Pakiramdam ni Mayra ay nalulunod siya. Kumapit siya nang mahigpit at hinabol ang paghinga niya. Nang dumilat ang mga mata niya, nakita niya ang sarili niyang hinihingal sa ibabaw ng kama ng ospital. Habang nakatitig sa puting kisame, naamoy niya ang matapang na amoy ng disinfectant. Doon siya may napagtanto. Mr. Barlow? Hindi ba yun si… Anderson Barlow? Sa pagtataka, blangko siyang tumingin sa lalaking kakapasok lang sa kwarto. Nakasuot si Anderson Barlow ng mamahaling itim na suit. Mukha siyang sopistikado at nakakaakit, ngunit malayo sa iba. May lamig na nagmumula sa detalyado niyang mukha. Nang nakita niya siya, mabilis niyang tinanggal ang infusion needle mula sa likod ng kamay niya. Nagmadali siya papunta sa kanya at hinawakan ang laylayan ng pantalon niya nang may luhang tumutulo sa mukha niya. “Andy, nagkamali ako! Makikinig ako sa'yo at hindi na ako magmamaktol. Wag mo kong palayasin!” Dahan-dahang yumuko si Anderson para salubungin ang tingin niya nang may nag-aalala at malumanay na mga mata. “Mayra, anong problema? May nanakit ba sa'yo? Hm? Ipaalam mo sa'kin.” Nang may tumutulong luha sa mukha niya, hindi siya makapaniwalang tumingin sa kanya. “An… Andy…” Parang may kakaiba. Bakit mukhang bumata nang ilang dekada si Anderson, ngayong dapat ay nasa 40 taon na siya? Kaharap niya ang isang 28 taong gulang na Anderson Barlow. Tinitigan niya siya nang parang sinusuri ang bawat isang pulgada ng mukha niya. Hinawakan niya ang mukha niya, at nakaramdam siya ng init na nagmula sa balat niya. Walang lukot ang gwapo at masiglang mukha niya. Dapat ay may pilat si Anderson malapit sa mata niya mula sa isang sugat na ibinigay niya sa kanya. Bakit wala ito roon? Aksidente niya siyang nasaktan malapit sa mata nang nag-away sila. Tinignan niya ang makinis at maputlang kamay niya ngunit di siya pinigilan. “H-Hindi totoo to… Panaginip siguro ito. Dapat patay na ako ngayon. Ito ba ang langit, o isang ilusyon? Inabandona ako ni Andy, hindi ba?” Pinutol ni Anderson ang iniisip niya. “Halika, tutulungan kitang tumayo. Halika?” Sa gulat, itinaas niya ang luhaang mukha niya at nagtanong, “Andy, anong taon na? Nasa 2007 ba tayo?” Hinaplos niya ang magulo niyang buhok. “2007 na. Hatinggabi na. Tignan mo, madilim ang langit sa labas.” Tinitigan niya siya nang may mga blangkong mata, nagulat siyang malaman na hindi pa siya patay. Mukhang nabuhay siyang muli. Marahan siyang binuhat ni Anderson mula sa lapag, ibinalik siya sa kama, at kinumutan siya. Dahil dumudugo ang likod ng kamay niya, matiyaga niyang nilinis ang sugat niya. Hindi napigilan ni Mayra na mabigla. Akala niya ay sinubukan niyang magpakamatay at inilibing siya nang buhay ni Lucian nang ibinuga niya ang huling hininga niya. Para bang hindi naapektuhan si Anderson sa pagkabalisa niya, inisip niya lang na reaksyon niya lang ito sa isang masamang panaginip.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.