Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

“Nawawala ang diamond necklace!” Napansin ng lahat ang shop assistant dahil sa lakas ng boses niya, at ang store manager na si Merrick Cardenal, ay tumakbo agad ng marinig ito. “Ano? Ang kuwintas ay inilagay sa counter. Paano ito mawawala?” “Anong problema? Aling kuwintas ang nawawala?” Pagkatapos, itinuro ng shop assistant si Yolanda at sinabi, “Ang ano.. Ang kuwintas na gusto niyang subukan ngayon lang…” “Paano mo ba pinalaki ang anak mo, Mrs. Henderson? Kahit na gusto niya ang kuwintas, dapat hindi niya ito ninakaw!” Samantala, mabilis na kumilos si Zora at pinagbintangan si Yolanda na ninakaw ang kuwintas. Ang lahat ng shop assistant ay agad na tinignan si Yolanda. Kahit na walang ebidensiya na nagpapatunay na siya ang nagnakaw nito, suspect pa din siya. Naisip nila na ninakaw ni Yolanda ang kuwintas dahil tumanggi si Diana na bilhin ito para sa kanya kahit na nagustuhan niya ito. “May ginagawa siyang illegal sa murang edad. Hindi mo ba alam kung paano turuan ang anak mo, Mrs. Henderson?” “Well, ito nga naman ang aasahan. Minsan na siyang pumasok sa juvenile detention center. Kaya, sanay na siyang magnakaw,” sambit ni Zora. Matapos iyon, nagingseryoso ang shop assistant at manager. Kasabay nito, napapaisip na napatingin si Harvey sa direksyon nila. Noong nakita iyon ni Diana, nagpanic siya. “Yolanda, ibalik mo na agad ang kuwintas ngayon din!” Natatakot siya na baka makaapekto ang insidente sa reputasyon ng pamilya Henderson. Galit na galit siya at nababalisa, halos sampalin niya agad si Yolanda. Pero, bigla nagsalita si Harvey. “Hindi kayo puwede umakusa ng walang ebidensiya. May surveillance camera sa shop, puwede ninyo tignan.” Kumalma si Diana ng marinig ang sinabi ni Harvey. Pero, nandidiri pa din niyang tinignan si Yolanda. Sa oras na iyon, hinihiling niya na sanasinakal na lang niya si Yolanda noong isisilang pa lang siya. Matapos huminga ng malalim, kalmadong idineklara ni Diana, “Aminin mo ngayon din ang pagkakamali mo! Makakabawi ka sa kasalanan mo kapag naibalik ang kuwintas. Kung tatawag ang shpo ng pulis matapos tignan ang surveillance camera, hindi na kita matutulungan.” Sinubukan niyang kumlama para ipakita kay Harvey na umaarte siya base sa rason, kahit na may kinalaman ang miyembro ng pamilya niya sa issue. “Hindi ko ninakaw ang kuwintas, kaya hindi ako matatakot kahit tignan nila nag camera,” sagot ni Yolanda ng walang pakielam. Nagalit si Diana. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Mas lumalim ang ngiti ni Zora. “Mukhang hindi mo aaminin ang pagkakamali mo hanggang sa huli na ang lahat! Ikaw lang sa shop ang gagawa nito. “Sino pa ang mangnanakaw ng kuwintas maliban sa iyo?” Tama ang desisyon ni Zora na magshopping ngayon! Dahil sa insidenteng ito, magiging masama ang impresyon ni Harvey sa pamilya Henderson. Noon, si Yvonne ay laging nakahihigit sa anak niya. Ngunit, hindi na mauulit ang sitwasyon na iyon sa hinaharap! “Ipapahiya mo ba ang sarili mo dito?” hindi gusto ni Diana na tignan ng staff ang surveillance camera. Sigurado na siyang ninakaw ni Yolanda ang kuwintas. Kung ibabalik niya ang kuwintas, mapapahiya lang sila sa huli. Pero kung titignan ng staff ang camera, magiging problema ito! Magsisimula na ang eskuwela, kaya hindi niya gusto na makaapekto ang insidenteng ito sa reputasyon ni Yvonne sa campus. Bukod pa doon, para maprotektahan ang reputasyon niya sa social circle, kailangan maipadala ni Diana si Yolanda sa magandang school. Plano niya noong una na suhulan ang private school para makapasok si Yolanda makalipas ang dalawang araw. Ngayon, nasira na ang lahat! Sirang sira na ang lahat! Anong institusyon ang tatanggap sa babaeng may criminal record na laging nagnanakaw? Habang lalo niya itong iniisip, lalo siyang nagagalit. Kaya, gusto ni Diana na sampalin si Yolanda. Ngunit, pinigilan siya ni Zora. “Oh, Mrs. Henderson. Huwag ka magalit masyado. Kailangan mo turuan ng tama ang anak mo. Hindi naman masama si Yolanda noong ipinanganak siya. “Kung gagamitin mo ang libreng oras mo para turuan ang anak mo para maging mabuting tao kaysa gumala buong araw, hindi siya magkakaganito.” Itinulak ni Diana si Zora palayo. “Huwag ka makielam dito!” Pagkatapos, binalaan niya si Yolanda,”Kung aaminin mo ang pagkakamali mo ngayon, magkukunwari akong hindi ito nangyari. Pero kung magpupumilit ka sa ganitong ugali, wala na akong pakielam sa iyo. Hindi gusto ng pamilya Henderson ng masamang anak na tulad mo!” Walang pakielam ang ekspresyon ni Yolanda. “Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi mo? Sinabi ko sa iyo na hindi ko ninakaw ang kuwintas.” Nagalit ng husto si Diana at nanginig na. “Hindi mo ito aaminin? Sige! Tignan natin ang surveillance footage kung ganoon!” Sa oras na iyon, ang staff na tinignan ang camera ay agad na nagmadaling lumapit. “Mr. Cadenal, hindi gumagana ang camera. Hindi natin makikita ang footage nayong umaga.” “Bakit ito nangyari? Maaayos ba ito ng mga tao mula sa technology department?” tanong ni Merrick habang nag-aalala. “Inaayos na nila ito ngayon. Pero, nagloko ang hard disk. Kahit na maayos nila ang camera, hindi natin makukuha ang footage.” Natawa ng mahina si Zora. “So, wala ng ebidensiya ngayon? Haha! Mukhang may mapapala ang isa dito!” “Anong ibig mo sabihin na walang ebidensiya?” malamig na tinignan ni Yolanda si Zora. Pagkatapos, inilabas niya ang phone mula sa kanyang bulsa. Ang phone ay ginagmait ng original na Yolanda bago siya pumasok sa juvenile detention center. Isa itong smartphone na wala ng gumagamit, pero magaling na hacker si Yolanda, kaya magagawa niyang alamin ang totoo basta hindi sira ang phone. “Bakit mo inilabas ang phone mo? Hindi mo pa ba naipapahiya ang sarili mo?”sigaw ni Diana. Hindi binigyan ng pansin ni Yolanda si Diana at nagtype ng seryoso sa phone niya. Makalipas ang dalawang minuto, tumingala siya at ipinasa ang phone kay Merrick. “Ano ito?” napapaisip niyang tinignan ang phone. Matapos makita ang imahe sa screen, natulala siya. “Hindi ba’t footage ito ng camera ng store namin?” Pumalibot ang lahat at sinubukan na tignan ang video. Kasabay nito, gulat na tinitigan ni Zora ang lahat. Bigla, pakiramdam niya na may masamang mangyayari. Ngunit, hindi siya naniniwala na makukuha ni Yolanda ang surveillance footage mula sa shop. Matapos mag-alinlangan sandali, lumapit siya sa phone. Ipinakita ang mga oras na pumasok si Yolanda at Diana sa shop. Tinitigan ng seryoso ni Merrick ang video. Makalipas ang ilang sandali, nakita ng lahat ang shop assistant, na nagserbisyo kay Yolanda, na inilagay ang nawawalang kuwintas sa pagitan ng dalawang counter. Sa oras na iyon, nagpakita si Zora. Dahil inaasikaso siya ng ibang staff member, aksidente niyang nabangga ang counter. Kaya, ang kuwintas ay nahulog sa pagitan ng gap ng counter at naipit doon. Sa oras na makita niya iyon, napahiya ng husto si Zora at nanigas sa gulat si Diana. Hindi lang niya maling inakusahan si Yolanda, pero mapagmataas pa ang ugali niya sa harap ni Harvey. Anong gagawin niya ngayon? Magagalit kaya si Harvey kay Yvonne dahil dito? “Iusog ang counter!” mabilis na udyok ni Merrick sa staff niya. Hindi nagtagal, inusog ang mga counter. Nakita ng lahat na ang nawawalang kuwintas ay nakaipit sa sulok. “Pasensiya na talaga. Hindi ko ito naisip…” humingi ng tawad ang shop assistant. “Mag-ingat ka sa susunod!” babala ni Merrick. Pagkatapos, nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lang, hindi nila inakusahan si Yolanda na ninakaw ang kuwintas. Kung hindi, maaaring kasuhan ng pamilya Henderson ang shop sa pambibintang sa mga customer. Samantala, si Zora, na napahiya, ay nag-alinlangan. Hindi masaya siyang nagtanong, “Paano niyang nakuha ang surveillance footage ng shop? Hindi ba’t peke ito?” “Ito ang surveillance footage ng shop. Ang posisyon ay tugmang tugma sa anggulo ng camera sa shop. Bukod pa doon, paano niya mapepeke and ebidensiya sa loob ng maikling oras?” sagot agad ni Diana. Kahit na hindi niya alam kung paano nakuha ni Yolanda ang footage, kailangan niyang ayusin ang reputasyon niya sa harap ni Harvey. Matapos tignan si Yolanda, bigla sinabi ni Harvey, “Ang talino mo kahit na bata ka pa! Paano mo nahanap ang surveillance footage sa loob ng maikling oras? Natuto ka ba manghack bago ito?” Hangang hanga siya kay Yolanda, dahil siya lang ang nakakaalam sa shop kung gaano kagaling ang hacking skills niya. Hindi lang dahil nakuha ni Yolanda ang surveillance footage sa loob ng maikling panahon. Pero dahil sinabi ni Merrick na ang video mula sa shop ay wala na. Nahack niya ang camera ng shop, nahanap ang bug sa system, nirecover ang footage at binawi ang surveillance video sa loob lang ng ilang minuto. Alam ni Havery na hindi aabot sa sampu ang kasing talino niyang mga hacker sa Havaria! Tinignan ni Yolanda si Harvey at kalmadong sinabi, “Hindi ito mahirap para sa akin.” Pagkatapos, humarap siya kay Zora at nakakasindak na sinabi, “Humingi ka sa akin ng tawad ngayon din!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.