Kabanata 7
Noong nakita ni Diana ang itsura ni Yvonne, nagpanic siya.
Pagkatapos, nagmadali siyang sinigawan si Yolanda, “Yolanda, ang bata mo pa. Paano mo nagagawa maging ganyan kasama? Pareho ko kayong mga anak, kaya bakit hindi ko kayo mamahalin pareho?
“Sinermonan kita dahil hindi ka masipag, at nabigo ka na abutin ang expectations ko!
“Ang rason kaya ako istrikto sa iyo ay dahil gusto ko na magbagong buhay ka! Tignan mo ang ugaling ipinapkaita mo ngayon. Dahil sa dati mong criminal record, sa tingin mo ba may school na tatanggap sa iyo?”
…
Hindi binigyan ng pansin ni Yolanda ang pag nanag ni Diana at bumalik sa kuwarto niya. Pagkatapos, inilock niya ang pinto at inilabas ang lunas mula sa ospital.
Hindi nagtagal, naramdaman niya na may masakit sa kanyang tiyan. Nagtiim-bagang siya at ininda ang kalahating oras na matinding sakit.
Makalipas ang ilang oras, isang itim at madikit na likido ang nakabalot sa katawan ni Yolanda.
Iminulat niya ang mga mata niya at huminga ng malalim bago tumungo sa banyo para maligo.
Dahil maraming mga lason sa katawan niya, hindi ito kayang puwersahin palabas ng lunas. Kailangan niya ng kalahating taon para ilabas ang lahat ng lason mula sa katawan niya.
Habang unti-unti itong naaalis mula sa katawan niya, unti-unting gumanda ang kundisyon ni Yolanda.
Umaga na ng matapos siyang maligo, lumapit siya sa kanyang aparador para magbihis bago maglakad sa labas.
Pero,oong buksan niya ang kanyang aparador, iilan lang ang mg adamit niya na nasa loob tatlong taon na ang nakararaan.
Ang nagkakasiya na lang kay Yolanda ay ang uniporme niya noong junior high school.
Matapos ito isuot, lumabas siya at nagjogging sa neighborhoood. Pagkatapos, kumain siya ng churros mula sa stall sa tabing kalsada.
Tulad ng inaasahan, noong nakabalik siya sa Henderson residence, si Diana at Yvonne ay tapos na sa almusal nila. Hindi sila nagtira para kay Yolanda.
Maganda na ang pananamit ni Diana, noong tinignan niya ng nandidiri si Yolanda. Ngunit, dahil nag-aalala siya na baka makaapetko sa tingin sa kanya ni Yvonne ang pinag-usapan nila kagabi, nagsalita pa din si Diana.
“Sakto ang dating mo, Dahil wala kang accessories na maisusuot para sa art exhibit, bakit hindi ka bumili ng ilang piraso kasama ako?” naglakad palayo si Diana suot ang heels niya bago pa makasagot si Yolanda.
Nanahimik si Yolanda at sumunod kay Diana sa labas. Noong sumakay sila sa sasakyan, naupo si Yolanda sa passenger seat. Nakuntento si Diana sa ugali niya.
Hindi inaasahan, hindi niya pinagalitan si Yolanda para sa pamamahiya sa kanya. Sa halip, naupo siya ng malamig sa driver’s seat.
Hindi nagtagal, tumigil ang sasakyan sa pinakamagarang commercial street sa Dowonair. Maraming kilalang mga stores sa Riverdale City ang nasa distrito.
Si Diana at Yolanda ay pumasok sa jewelry shop na mayroong limang palapag. Sa oras na pumasok sila, tumungo sila sa section ng kuwintas sa second floor.
“Pumili ka ng sa iyo,” sambit ni Diana.
Pagkatapos, sinuro niya ng mabuti si Yolanda at sinabi, “Aakyat tayo mamaya para pumili ng nararapat na dress para sa iyo.”
Hindi interesado si Yolanda sa alahas kaya pumili na lang siya ng kuwintas na may diamante ng random mula sa counter.
Noong nakita ng shop assistant ang luma niyang uniform at matabang pigura, nandiri siya. Pero napagtanto niya na si Diana, na nakatayo sa tabi ni Yolanda ay nakasuot ng branded na damit at mukhang mayaman.
Kaya, maingat niyang inilabas ang kuwintas at sinabi, “Ang kuwintas na ito ay latest item sa shop namin. Nababagay ito…”
Tinignan ng shop assistant ang chubby na mukha ni Yolanda at sinubukan makaisip ng nababagay na paraan para ihalintulad siya.
Pero bago pa siya matapos magsalita, sumigaw si Diana, “20 thousand dollars?”
Noong narinig siya ng shop assistant , nanigas ang ngiti niya.
“Hayaan mo siyang magsuot ng mas mura. Hindi naman siya gaganda kahit na magsuot siya ng mamahaling kuwintas!” sambit ni Diana.
“Madam, ikaw…” naging nakakailang ang ekspresyon ng shop assistant.
Inilabas na niya ang kuwintas, pero dahil sa sinabi ni Diana, nagmadali siyang itago ito muli.
“Magkano ang pinakamurang kuwintas dito sa shop? Ibigay mo sa akin ang pinakamura,” sambit ni Diana.
Kasabay nito, isang sarcastic na boses ang maririnig. “Oh, ganito na ba kahirap ang pamilya Henderson? Hindi ba sila makabili ng kuwintas na nagkakahalaga ng 20 libong dolyar?”
Humarap ng galit si Diana ng makita si Zora Xenid sa likod niya. “Anong ibig mo sabihin doon? Iniisip ko lang na hindi ito nababagay sa kanya!”
Ang blood pressure ni Diana ay mukhang tumaas ng makita si Zora.
“Tama ka. Anong klaseng kuwintas ba ang nababagay sa kanya?” ngumiti ng kalmado si Zora.
Mukhang masyado siyang masaya.
“Iba siya sa anak ko. Sa tuwing dinadala ko siya sa jewelry shop, hindi ako makapili sa bibilhin ko. Bagay nga naman sa kanya ang mga mamahaling accessories…” mukhang natutuwa si Zora habang nakikita niya ang malungkot na ekspresyon ni Diana.
“Huwag ka magalit, Mrs. Henderson. Dahil nga naman ito sa genetics…” nilait niya si Diana na dahilan kung bakit pangit si Yolanda!
Nagalit si Diana. Nagsisi siyang hindi niya isinama si Yvonne.
“Genetics? Sa tingin mo magsisilang ako ng basurang tulad niya? Kahit na kambal sila, hinding-hindi kamukha ni Yolanda si Yvonne. Naghihinala ako na napagpalit ang mga bata sa iba noong nasa ospital noon!”
“Oh? Dapat mo imbestigahan kung ganoon. Kung napagpalit sila noong bata pa, baka ang pinapalaki mong bata ay anak mahirap. Haha!”
Hindi alam ni Diana ang sasabihin niya at isinarado ng galit ang mga kamao niya.
Dahil galit na galit siya, wala siyang nagawa kung hindi ibunton ito kay Yolanda.
“Tapos ka na ba pumili ng kuwintas? Bakit ba ang bagal mo? Kung marami kang oras para aksayahin, bakit hindi ka na lang mag-aral?”
“Nakita ko na ang lahat, at hindi ko sila gusto. Huwag na tayo bumili ng kuwintas,” malamig na sagot ni Yolanda.
Matapos iyon marinig, ang akala ni Diana ay nilalait siya ni Yolanda sa harap ni Zora.
“Bakit hindi mo ito bibilhin? Sa tingin mo ba talaga hindi natin kaya bilhin ang kuwintas na nagkakahalaga ng 20 libong dolyar?
“Ang akala ko ang kuwintas na pinili mo ay hindi maganda, kaya intensyonal ko na sinabing pangit. Huwag ka ma umarte na parang taga probinsiya dito,” sermon ni Diana.
Sa oras na iyon, may binati ang shop assistant sa entrance. “Welcome! Anong dahilan at naparito ka ngayon, Mr. Coleman?”
Si Harvey Coleman, ang headmaster ng First Academy, ay pumasok sa shop. Nagmula siya sa pamilya Coleman, na may background ng pagkakaroon ng mga prestihiyosong scholar sa pamilya.
Pinili ni Harvey na maging educator habang ang mga kapatid niya ay pinili na maging businessmen. Ang jewelry shop ay pagmamayari ng nakababata niyang kapatid, si Grigor Coleman.
Samantala, tumango si Harvey ng kaunti sa shop assistant at sinabi, “Malapit na ang kaarwan ng asawa ko, at gusto ko bumili ng kuwintas para sa kanya. Pakiusap bigyan mo ako ng mga rekomendasyon.”
“Sige! Hindi iyon problema!”
Dahil si Harvey ay kasinghalaga halos ng may-ari ng shop, sabik siyang binati ng shop assistant.
Pero noong makita siya ni Diana, umayos siya ng tayo. Marahil hindi makakapasok si Yolanda sa First Academy, pero si Yvonne ay nasa elite class ng First Academy!
Hindi niya hahayaang dungisan ni Yolanda ang reputasyon ni Yvonne sa harap ni Harvey, kaya hinawakan niya ang kamay ni Yolanda at sinubukang umalis ng shop kasama siya.
Pero bago sila makaalis, sumigaw ang shop assistant, “Ah!”