Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 16

Noong narinig iyon ni Yolanda, lalo naging malamig ang titig niya kay Diana. “Kung hindi ka naniniwala, ikaw mismo ang magtanong sa kanya.” “Tama na. Tapusin na ang topic na ito. Wala ng magbabanggit nito muli,” sambit ni Vivian. Dito lang natapos ang bagay na ito. Ang Ice Lily ay nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar at nawala ito ng ganoon na lang. Siyempre, nasaktan si Vivian. Pero, umabot sa ganito ang sitwasyon dahil hindi siya naniwala kay Yolanda. Pakiramdam ni Vivian nasasakal siya, pero matanda na siya at naniniwala pa sa makalumang tradisyon. Naisip niya na ang nakababatang henerasyon ay hindi dapat makipagtalo kahit na mali ang nasa lumang henerasyon. Para kay Vivian, ang ugali ni Yolanda na hindi pagsunod sa lumang henerasyon ay mali at pagiging sutil. Kaya, nawala na ang magandang impresyon ni Vivian kay Yolanda. Matapos magsalita si Vivian, wala ng ibang nagsalita, at naging tahimik ang venue. Pagkatapos, naiilang na nilinaw ni Diana ang lalamunan niya. Napansin niya na si Philip at pamilya niya ay nakaupo sa kanan ni Vivian. Agad niyang hinatak ang braso ni Vivian. Matapos iyon, naglagay siya ng mas mahalagang regalo kaysa sa ibinigay niya kay Vivian sa harap ni Philip. Habang nakangiti, sinabi niya, “Philip, oras na para umattend si Yolanda ng high school ngayon at nagbalik na siya. Pero hindi pa ako nakakakita ng nararapat nsa school. Dahil nasa First Academy ka ng Riverdale, puwede ba na mag-aral si Yolanda sa klase mo?” Noong marinig ito ni Philip, sumimangot siya. Agad niyang itinulak pabalik ang regalo kay Diana, “Diana, hindi ko matatanggap ang regalo mo.” “Alam mo kung anong klaseng lugar ang First Academy ng Riverdale. Base sa lebel ni Yolanda, hindi siya kuwalipikado na mag-aral sa academy.” Pagkatapos, nagtanong ang asawa niya, “Diana, nagbibiro ka ba? Maganda na kung tatanggapin ng pangkaraniwang school si Yolanda base sa kasalukuyan niyang sitwasyon. “Paano mo nagagawang hingin ang tulong ni Philip? Hindi mo ba’t pinapahirapan mo lang siya? Ung makikita ni Harvey na nirekomenda mo ang isang problemang estudyante para pumasok sa school, hindi ka ba mahihiya?” Walang masabi si Diana. Noong una, inihanda na niya ang sarili niya na mabigo. Gayunpaman, nararamdaman niya ang mapanglait na mga mata sa paligid niya. Hindi niya ito kinaya at gusto niyang samapalin ang kanyang sarili. Kung hindi niya isinama si Yolanda, hindi sana siya mapapahiya sa ganitong punto. Pero nandoon na siya. Kung wala siyang mapapala, mapapahiya lang siya ng walang dahilan. Nagalit siya at sinabi, “Philip, alam ko na may pinagdadaanan ka din, pero kung hindi mo matutulungan si Yolanda na pumasok sa First Academy, puwede ako na magdonate pa ng pera…” “Diana, pakiusap tumigil ka na sa pagsasalita,” malamig na sinabi agad ni Philip, “Hindi kita matutulungan dito. Kung hindi lang siya magaling ng kaunti sa pag-aaral. Puwede ko ito subukan. Pero alam nating lahat kung paano siya.” Noong narinig ng mga kamag-anak ang sinabi ni Philip, tumango sila at sumangayon sa kanya. “Tama! Hindi maganda ang grado ni Yolanda at may criminal record siya. Hindi siya kuwalipikado na mag-aral sa First Academy.” “Diana, narinig ko na may mga school na tumatanggap ng mga problemang estudyante. Minamanage ito na parang military school. Kaya ko ipasok si Yolanda sa ganoong klaseng school. Sa ganitong paraan, hindi ka niya maipapahiya masyado.” “Kung hindi, puwede mo siya ipasok sa vocational school para mag-aral ng cosmetology. Kakayahan pa din naman ito. At least, hindi siya mamamatay sa gutom sa hinaharap.” Nagsalita ng paisa-isa ang mga kamag-anak. Mukhang nagbibigay sila ng suhestiyon para kay Yolanda, pero sa totoo lang, hinahamak nila si Yolanda na hindi siya magtatagumpay. Galit na galit si Diana at hindi siya makapagsalita. Pero hindi niya sila makontra, wala siyang magawa kung hindi ilabas ang galit niya kay Yolanda. “Magsalita ka. Huwag kang tumayo lang dyan. Kung hindi mo gagamitin ang pagkakataong ito, sinong magbibigay sa iyo ng tiyansa?” Tinignan ni Yolanda si Philip at sinabi, “Hindi ko kailangan na bigyan niya ako ng tiyansa. Ang klaseng tinuturuan niya ay hindi honors class. Hindi siya kuwalipikado para pumasok ako sa klase niya.” Noong narinig iyon, natulala ang mga kamag-anak. Anong narinig nila? Hindi nagtuturo si Philip sa honors class, kaya hindi siya kuwalipikadon na pumasok sa klase niya? Kung outsider ang nakarinig nito, iisipin nila na kahanga-hanga si Yolanda. Ang mga kamag-anak ay hindi alam kung paano niya nakakayang maging walang hiya sa pagsasabi nito. Kahit si Philip nagulat. Pagkatapos, tinignan niya si Yolanda at suminghal siya. “Hindi ka nga makapasok sa pinakamalalang klase ng First Academy. Paano mo pinapangarap na pumasok sa honors class?” Dahil sa mga sinambit ni Philip, pinagtawanan muli si Yolanda ng lahat. “Nakapasok siya sa juvenile detention center noong junior high school student siya. Marahil hindi niya alam na big deal ang makapasok sa honors class ng First Academy. “Nakakaawa. Hayaan mo na ipaliwanag ko sa iyo. Makinig ka ng mabuti. Ang top 50 students lang ng Riverdale City ang kayang pumasok sa honors class. “Sa bawat termino, kung bababa ang grado ng estudyante at hindi na pasok sa top 50, malilipat siya sa pangkaraniwang klase. “Ang honors class ay para icultivate ang mga prodigy. Ang basurang katulad mo na hindi nag-aaral at pangit ang grades ay hindi makapasok sa pinakamalalang klase, lalo na ang honors class.” Tinignan ni Philip si Yolanda ng mapanglait. “Bakit ka nag-aaksaya ng oras sa kanya? Hinding-hindi siya makakapasok sa First Academy buong buhay niya.” “Kapag nagsimula ang school term, ako ang nasa honor class ng First Academy. Nasasaiyo na kung maniniwala ka sa akin.” Hindi gusto ni Yolanda na makipagtalo sa kanila. Matapos iyon sabihin, tumalikod siya para umalis. Pero, noong hahakbang na siya, may humarang sa daan niya. “Tanga ka. Kahit na gusto mo magyabang, dapat may limitasyon.” Ang lalakeng humarang kay Yolanda ay si Scott Henderson, na kaedad niya. Nakapasok siya sa First Academy ng Riverdale sa taong iyon. Kahit na nakapasa lang halos ang grades niya sa admission requirements at maaaring nasa pinakapangit na klase lang, gusto ng pamilya niya na ipaalam sa lahat ng kamag-anak at kaibigan nila na nakapasok siya sa First Academy ng Riverdale City. Nagpaparty pa sila dahil dito. Noong marinig nila na gustong pumasok ni Yolanda sa First Academy at gusto pa na malagay sa honors class, pakiramdam nila napahiya ang First Academy. Kailangan niya ipaalam sa kanya na hindi niya maaabot ang First Academy. “Noong nasa junior high ako, nag-aral ako sa prestihiyosong paaralan sa Southly Drive. Ang grades ko ay laging nasa top three ng buong school. “Kahit na may estudyanteng mas mababa sa akin ang marka, hindi siya makakapasok sa First Academy. Maaari ko ba malaman kung anong grades mo noong junior high school?” Walang reaksyon si Yolanda matapos iyon marinig. Pero, nasaktan si Diana sa sinabing mga salita ni Scott. Noong si Yolanda at Yvonne ay nasa junior high, ginamit niya ang mga koneksyon niya para makapasok si Yolanda sa prestihiyosong paaralan. Gayunpaman, hindi nag-aral ng mabuti si Yolanda at pangit ang mga grado. Makalipas ang ilang buwan, nakulong siya sa juvenile detention center at hindi nakakuha ng graduation certificate. Mabuti na lang, si Yvonne ay nagawang makakuha ng puwesto sa First Academy agad pagkatapos ng junior high school. Dahil doon, kaya maging proud ni Diana sa harap ng mga mayayamang babae. “Scott..” noong magsasalita na sana si Diana para iligtas ang dignidad niya, naunahan siya ni Scott. Tinignan niya si Yolanda at natawa. “Anong problema? Hindi ka makapagsalita? Oo nga pala. Naalala ko ngayon lang. “Nakakulong ka sa juvenile detention center bago natapos ang junior high school. Ngayon, sa tingin mo ba ang basurang tulad mo ay nararapat pa din makapasok sa First Academy?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.