Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

Matapos iyon marinig, sumigaw ng nagmamalabis si Alice, “Biro ba ito? Paano ito naging Ice Lily? Kung Ice Lily ito, edi ang raspberry sa plato ko ay isang golden seal na isang libong taon na. “Yolanda, alam naming lahat na wala kang masyadong allowance at hindi kayang bumili ng mamahaling mga regalo, pero hindi ka dapat magbigay ng bagay at lokohin ang lola mo. “Diana, bakit hindi mo ibinigay kay Yolanda in advance ang allowance niya? Hindi ba mahalaga si lola sa iyo?” Nagidilim ang mukha ni Diana sa kahihiyan. Hininaan niya ang boses niya at kinuwestiyon si Yolanda, “Nasaan ang tea set na inihanda ko parasa iyo?” Hindi niya alam na ganito ang mangyayari sa sitwasyon kung naghanda naman siya ng regalo para kay Yolanda. Kahit na hindi mamahalin ang tea set, hindi ito pupunahin ng ibang tao sa ganitong klase na okasyon. Hindi inaasahan ni Diana na gusto magdesisyon ni Yolanda sa sarii niya at ibigay ang bulaklak na pinitas niya mula sa kung saan kay Vivian. Sinabi pa niya na Ice Lily ito. “Mas maganda itong regalo kaysa sa tea set, bakit ko ibibigay sa kanya ang tea set?” tanong ni Yolanda. Noong narinig ni Diana ang sinambit ni Yolanda, gusto niya siyang gulpihin. Pero, lalo lang siyang mapapahiya dahil pinapanood sila ng mga tao sa paligid. Sa oras na ito, galit na galit siya. Matapos makita ang sitwasyon, disappointed ang pakiramdam ni Vivian. “Yolanda, tatanggapin ko ang kahit na anong ibigay mo sa akin, pero tandaan mo na dapat magsabi ka ng totoo. Hindi ka dapat magsinungaling!” Noong una, inaasahan niya na magbabago si Yolanda matapos manggaling sa juvenile detention center. Hindi niya inaasahan na manloloko siya. Tinignan ni Yolanda si Vivian at sinabi, “Hindi ako nagsisinungaling.” Hinampas ni Vivian ang armrest, naging malamig ang boses niya. “Hindi kita sisisihin kung bibigyan mo ako ng bulaklak, pero nagsinungaling ka sa akin at sinabi mo na Ice Lily ito. Sa tingin mo ba madali akong lokohin?” “Diana, paano mo tinuruan ang anak mo? Nahihiya ako para sa iyo,” walang takot na sinabi ni Alice. Noong narinig iyon ng mga ibang kamag-anak, tinignan nila ng mapanglait si Diana at Yolanda. “Ice Lily? Milyong dolyar ang halaga nito. Dahil sobrang bihira nito, kahit na may pera ka, hindi ito mabibili. Kakalabas mo lang galing juvenile detention center, paano ka nakakuha ng Ice Lily?” “Bata ka pa, pero nagsinungaling ka para sa pride mo. Kung lalaki ka ng ganyan, matututo ka lang mag scam ng iba.” “Hindi matutulungan ang batang ito. Kahit na lumaki na siya, magsasayang lang siya ng pera.” … Pinigilan ni Diana ang galit niya. “Yolanda, humingi ka ng tawad sa lola mo ngayon din!” “Hindi ako ang mali. Bakit ako hihingi ng tawad?” walang masabi si Yolanda. Ang pamilya Henderson ay kabilang sa upper-middle-class na pamilya, pero hindi niya inaasahan na wala kahit isa sa mayamang pamilya ang nakakakilala sa Ice Lily. Mukhang mas iba ang mga pamilya sa Riverdale City kumpara sa mga pamilya sa Creybia kaysa sa inaasahan niya. “Sinusubukan mo ba akong galitin hanggang kamatayan?” nagsisi si Diana sa mga desisyon niya. Kung alam lang niya na ipapahiya siya ni Yolanda, hindi na niya sana siya isinama. Bumuntong hininga si Vivian. “Yolanda, bakit ka nagkaganito?” Pagkatapos, tumalikod siya. Malinaw na hindi na niya gustong makita pa si Yolanda. “Birthday ng lola mo ngayon. Bilisan mo at humingi ng tawad sa kanya. Huwag mo siyang galitin.” “Tama. Bakit ba hindi ka mag-isip ng tama?” Nagsimula puntiryahin ng mga kamag-anak si Yolanda para pilitin siyang humingi ng tawad at aminin ang pagkakamali niya. “Yolanda, ikaw ang mali. Dapat humingi ka ng tawad…” lumapit si Yvonne at nagsimulang umarte na mabait siyang kapatid. Habang nakatingin si Yolanda sa mga tao sa harap niya, na mga arogante, naging malamig ang titig niya. Kinuha niya ang kahon mula sa lamesa at kinain ang Ice Lily sa harap ng lahat. Ang Ice Lily ay nakatutulong sa pag-alis ng mga lason sa katawan ni Yolanda. Siyempre, kung si Vivian ang kumain ng Ice Lily, mas epektibo ito. Pero dahil hindi ito naappreciate ni Vivian, hindi kailangan ni Yolanda na magmatigas at ibigay ang regalo. “Yolanda, anong ugali yan?” papagalitan sana ni Diana ni Yolanda muli pero narinig niya na may nagsalita. “Hindi ba’t kahon ng Fusion Group ang nasa kamay ni Yolanda?” “Fusion Group?” Agad na nalipat ang atensyon ng lahat sa kahon. “Logo nga talaga ito ng Fusion Group…” Noong may naisip si Alice, huminga siya ng malalim. “Nakita ko ang balita noon na ang Fusion Group ay bumili ng Ice Lily na nagkakahalaga ng 50 milyong dolyar sa auction sa Creybia.” “Nakita ko din ang balitang ito noon!” “Ibig sabihin…” Sa oras na ito, napagtanto nila ang isang katotohanan na ayaw nilang paniwalaan. Maaaring ang bulaklak na sinasabi nilang galing kung saan ay tunay na Lily. Agad na inilabas ni Alice ang phone niya para tignan sa twitter. Nakakita siya ng litratong trending. Ang Ice Lily sa litrato ay kamukhang-kamukha ng kinain ni Yolanda kanina lang. “Paano mo nasayang ang mahalagang bagay?” sigaw ni Alice kay Yolanda, nasaktan siya. Sa opininyon niya, sayang lang ito dahil kinain ni Yolanda. “Mahalaga?” singhal ni Yolanda. “Hindi ba’t sinabi ninyo na wala itong halaga ngayon lang?” “Hindi namin alam na bagay ito na galing sa Fusion Group. Kung sinabi mo kanina na galing ito sa Fusion Group, magdududa ba kami?” isinisi ni Alice si Yolanda ng garapalan. Kasabay nito, natulala ang lahat ng marinig nila na nagdala si Yolanda ng tunay na Ice Lily. Lalo na si Vivian at Diana. Noong nakita nila na nasayang ang Ice Lily, nagsisisi ang itsura ng lahat. “Yolanda, sabihin mo ang totoo. Saan mo ito nakuha?” hindi naniniwala si Diana na nakakuha ng mahalagang bagay si Yolanda. Samantala, sumimangot si Yvonne. Mukhang may naisip siya at nainis. Naalala niya na ibinigay ni Zach ang Ice Lily kay Yolanda sa eksena ng aksidente ng sasakyan kanina. Bakit ang suwerte ni Yolanda? Kung si Yvonne ang naunang dumating ng ilang minuto at nagkunwari na pinatigil niya ang pagdurugo ni Evan, siya sana ang nakakuha ng Ice Lily. Sayang. Tinignan ni Yolanda si Diana at sinabi, “Habang papunta dito, nakasalubong ko si Zach matapos bumaba ng sasakyan at tinulungan siya. Ito ang regalong ibinigay niya para pasalamatan ako.” Matapos makita na kaswal lang si Yolanda, lalo siyang kinamuhian ni Yvonne. Ang lahat ng ito ay dapat na kanya! Siya dapat ang tumulong kay Zach at nakakuha ng Ice Lily. Kinuha ni Yolanda ang lahat mula sa kanya. Nararapat siyang mamatay! Sa kabilang banda, hindi napansin ni Diana na nagdilim ang ekspresyon ni Yvonne. Nakatingin siya ng naghihinala kay Yolanda. Tila ba gusto niyang alamin kung nagsisinungaling si Yolanda base sa ekspresyon niya. “Ganoon ba? Ang pamilya Wright ay hindi dapat ginagawang dahilan. Huwag mo hihilingin na malaman ko na nagsisinungaling ka lang.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.