Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 13

Nakita ni Sabrina na kumukurap si Shannon sa kanya. Mukhang gusto ni Shannon na pagselosin si Nelson sa pag gamit ng pangalan ni Gerald. Pero hindi talaga ito kinakailangan. Pinagisipan ito ni Sabrina bago inamin. “Hindi ko alam dahil hindi kami malapit sa isa’t isa. Pero nakakatuwa siya. Nag-enjoy akong kausap siya.” Matapos iyon marinig, napagtanto ni Shannon na wala na talagang pag-asa na isalba ang kasal nila ni Nelson. Kaya, sumangayon siya sa desisyon nilang maghiwalay sa korte noong Lunes. Pagkatapos ng dinner, pinilit ni Shannon na magpalipas ng gabi sa Tucker manor si Sabrina, kahit na tinanggihan na ni Sabrina ang mga alok niya. Bago matulog, nagpainit siya ng baso ng gatas at dinala ito sa kuwarto ni Shannon. Sa pinto, narinig niya na kausap ni Shannon si Nelson. “Sumangayon na kami sa paghihiwalay. Kung isasantabi muna natin ang tulong ng pamilya Wyatt, paano si Brina na pinakasalan ka dahil sa pag-ibig? Ginawan ka ba niya ng mali sa kahit na anong paraan? “Noong nasa labas ka ng bansa at wala si Noah sa Slitton, si Sabrina ang nag-alaga sa akin sa tuwing may sakit ako. Hindi ka ba puwede na maging mabait sa kanya?” Naluha si Sabrina ng marinig ang mga salita ni Shannon. Kumatok siya ng mahina sa pinto at pumasok sa kuwarto. Harap-harapan, ang suot niyang damit ay pares ng white flared pants at knitted oversized sweater na light grey. Hindi niya tinakpan ang nunal sa ilong niya, kung saan relaxed at mayabang ang dating niya. Tinignan siya ni Nelson bago umalis. Hindi nanatili si Sabrina para kausapin si Shannon. Noong lumabas siya ng pinto ni Shannon, nakita niyang naninigarilyo si Nelson habang nakasandal sa pader. Isinarado niya ang pinto at nagtanong, “Bakit mo ako hinanap?” “Tama ang nanay ko. Masama ang trato ko sa iyo sa nakalipas na tatlong taon. Magiging mas mabait na ako sa iyo sa hinaharap.” Hindi siya nasabiko natuwa dito. Ngumiti si Sabrina at sinabi, “Sige.” … Magagarang mga sasakyan ang pumasok sa Tucker manor noong Sabado ng gabi. Si Gerald ang pinka agaw pansin sa lahat. May dala siyang malaking bouquet ng Rouge Royales roses at hinahanap si Sabrina kung saan-saan. “Nelson, nasaan si Sabrina?” Hindi pa nakikita ni Nelson si Sabrina simula noong tanghali. Ang iniisip niya ay nasa stylist pa siya. Nakakagulat dahil hindi siya nagpakita ng magsimula nag party, kahit na siya ang bida sa party. “Nelson, hanapin mo siya kasama ko.” Kinaladkad ni Geral si Nelson dahil hindi niya gusto na magmuhang bastos, na sinusuyod ang hardin ng pamilya Tucker para sa babae. Si Nelson ay walang masabi. Hindi niya alam kung paano hahanapin si Sabrina. Matapos siyang hanapin sa bakuran, nakita niya si Sabrina at anak ni Noah, si Xyla Tucker, na gumagawa ng desserts sa side hall mula sa floor-to-ceiling windows. “Oh, inlove na inlove ako kay Sabrina. May ikahihigit pa ba ang pagiging perpekto niya?” agad na iniwan ni Gerlad si Nelson sa isang tabi at pumasok sa side hall. Gusto ni Nelson na bumalik sa party, pero napagdesisyunan na sundan si Gerald matapos itong pag-isipan. Ang side hall ay may halimuyak ng tangerines. Doon, nakangiti si Sabrina habang hawak ang bouquet mula kay Gerlad. “Salamat. Nagustuhan ko ito.” Si Gerald, na matagal ng playboy, ay nahihiya siyang tinignan. Nabigla siya ng malaman niyang may nunal sa dulo ng ilong niya. “Makapigil hininga ka. Ang nunal sa ilong mo ay lalong nagpaganda sa iyo.” Nahirapan si Sabrina makaisip ng magandang sagot. Itinago na niya ang mga bulaklak. Napansin ni Gerald ang pagiging prangka niya, at iniba ang topic nila. Habang nakatitig sa tuyong mga tangerines at tangerine cake sa lamesa, nagtanong siya kay Sabrina, “Ikaw ba ang gumawa sa lahat ng ito?” Nainis si Xyla sa hindi inaasahang bisita. “Sino ka ba? Bakit ka nakikipaglandian sa tita ko?” Mukhang naguluhan si Gerald sa sinabi ni Xyla. Agad na itinama ni Sabrina si Xyla. “Xyla, hindi mo ako tita.”” Sumingkit ang mga kilay ni Nelson. Lagi siyang naiinis kapag tinatawag ni Xyla na tita si Sabrina. Ngayon, tila ba mas nakakainis itong pakinggan. Ang glutious rice na inihanda niya para gumawa ng tangerine wine ay malapit ng matapos. Sinabi niya kay Geral,d “Kumuha ka muna ng makakain. Hintayin mo ako.” Pumasok siya sa kusina at nagbuhos ng malamig na tubig sa glutinous rice at ikinalat ito, pero ang hairband niya ay lumuwag sa mga oras na ito. “Xyla, puwede mo ba ako tulungan itali ang buhok ko?” Yumuko siya sa pinto at lumapit si Xyla. “Pakitali ito ng mahigpit.” Noong dumaan ang mainit na mga daliri sa batok niya, nakaramdam siya na parang kinuryente siya. Sinubukan niyang umiwas sa mga daliri, iniisip na si Gerald ito ng may lalakeng humawak sa braso niya. Bumulong si Nelson. “Huwag kang gagalaw.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.