Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Natanggap niya sawakas ang tawag ni Nelson ng 7:00 pm. Humingi siya ng tawad, “Pasensiya na. May nangyari at naipit ako sa isang bagay.” Ang tono niya ay walang sinseridad. Nagalit si Sabrina dahil naghintay siya sa labas ng buong tanghali ng korte. Hindi siya mahal o kaya may pakielam sa kanya, kaya wala siyang galang. Noong una, gusto niyang magwala sa kanya, pero napagtanto niyang hindi na ito kailangan. Bumuntong hininga siya at nagbigay ng ideya, “Ano kaya kung bukas? Makakarating ka ba?” “Nasa abroad ako. Sa Lunes na.” “Busy ako sa Lunes.” Pagkatapos, ibinaba niya ang tawag. … Sa sumunod na araw, nagtrabaho si Sabrina at nakumpirma kung bakit wala si Nelson. Tulad ng inaasahan, may nangyari na may kinalaman si Pamela. Naappoint si Pamela bilang ambassador ng Tucker Group ng dating CEO, pero hidni siya nagpakita sa tamang oras ng shooting, dahilan para magpanic ang taong namumuno sa marketing. “Sumangayon siya na magshoshooting pero hindi siya nagpakita. Anong gagawin natin?” Isang assistant ang nakakita sa instagram post ni Pamela na nasa Summerton City siya. Nagpost siya ng litrato sa isang viral restaurant Kahit na walang ipinakita ang litrato, malinaw na makikita ng kahit na sino ang mga daliring may hawak sa baso. Sa umagang iyon, may kinunan siyang litrato ng anino ng guwapong lalake sa harap ng floor-to-ceiling window na may pasikat na araw bilang backdrop. Ipinakita ng magkasintahan ang relasyon nila sa hindi direktang paraan. Mukhang maganda ang buhay. “Kung hindi siya makikisama sa loob ng tatlong araw, papalitan natin siya!” … Binisita ni Sabrina ang Tucker manor noong Biyernes pagkatapos ng trabaho para sa diskusyon kasama si Shannon sa magiging party sa Sabado. Naappreciate niya ang kabutihan ni Shannon. Sinubukan ni Shannon ang iba’t ibang paraan para magwork out sina Sabrina at Nelson, umaasa na mananatiling magkasama ang dalawa. Naisip ni Sabrina na hindi tama para kay Shannon na maghost ng blind date ngayon at hihiwalayan na niya si Nelson. Magiging manhid talaga siya para tanggapin ang alok. “Shannon, alam mo na hindi ako mahilig sa mga maiingay na party. Mas gusto ko ng kapayapaan.” “Pero inihanda ko na ang lahat! Nag-imbita ako ng maraming tao.” “Kung ganoon, bakit hindi mo na lang ito gawin na welcome home party para kay Nelson? Balik na siya sa pagtatrabaho sa Tucker Group. Sakto ang timing.” “Hindi siya nararapat para sa selebrasyon.” Isinantabi ni Shannon ang ideya, at lalong natuwa sa pagiging magpag-alala ni Sabrina. Habang hawak ang kamay ni Sabrina, pighati niyang sinabi, “Hindi ko talaga gusto na maghiwalay kayo ni Nelson.” “Alam ko ang nararamdaman mo. Maaaring hindi talaga kami itinadhana. Sa tingin ko mas bagay kami maging magkapatid.” Si Nelson ay nakatayo sa pinto, pinapanood niyang nakangiti ng kaunti si Sabrina. Naalala niya na kinuwestiyon siya ni Justin mula sa Club Felicity, “Minahal ka ba niya talaga ng tatlong taon?” Naisip niya bigla ang tanong dahil kakaiba ang ugali ni Sabrina sa kanya sa nakaraang gabi sa clubhouse. Tinawanan niya ang mga biro ni Gerald. Napagtanto niya sawakas na seryoso si Sabrina sa pakikipaghiwalay. Hindi siya nagpapahard to get. Kaysa makahinga ng maluwag, hindi maganda ang pakiramdam niya sa sitwasyon, tunay na rason kung bakit hindi siya nagpakita sa korte noong tanghali. Sa nakalipas na mga araw abroad, nagkaroon siya ng oras para isipin ang lahat. Naalala niya ang mga effort na ginagawa niya sa nakalipas na tatlong taon. Napagtanto niya na nagmumula ang hindi niya magandang pakiramdam mula sa pagbabago ng kanyang ugali at pagiging possessive niya dahil asawa niya si Sabrina. Hindi niya kayang piliin si Sabrina at umatras sa pangako niya kay Pamela dahil lang sa mga maliit na pagbabago. “Ma, hindi tayo maiilang kapag kaharap ko siya kung magkapatid kami…” nagsalita si Nelson. Tinignan siya ni Sabrina. Naupo siya sa pang isang upuan na couch at sinabi, “Makakahanap siya ng higit sa akin, tulad na lang ni Gerald. Gusto niya siya.” “Oh, medyo kakaiba si Gerlad Ingram, pero mabait siya at mula sa desenteng pamilya. Brina, gusto mo din ba siya?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.