Kabanata 3
Binabaan ako ng phone ni Dixon nang galit.
Nilagay ko sa bag ang aking phone at paalis na sana nang makita ko ang taong pinakaiiwasan ko.
Si Gwen Worth.
Ang babaeng pinakamamahal ni Dixon.
Nakatayo kami nang nakaharap sa isa’t isa. Nginitian ko siya at palakad na sana ako palagpas sa kanya nang sinabi niyang, “Ikaw ba si Mrs. Gregg?”
Napatigil ako at tumingin sa gilid ng aking mga mata. “Bakit?”
“Masaya ka ba bilang Ms. Gregg?”
Hinahamon ako ni Gwen Worth. Lumingon ako para pagmasdan siya. Ang kanyang features ay sobrang ganda. Meron siyang light makeup ngunit ang kanyang mga labi ay napakapula. Napakalamig ng winter, pero ang kanyang kasuotan ay isang manipis na pinkish-grey dress na napapatungan ng white coat.
Talagang napakaganda niya. Hindi kaduda-duda na nagustuhan siya ni Dixon.
Nasa harap ko lang ang karibal ko at nagselos ako. Gusto ko siyang wag pansinin pero iniinsulto niya ako, sinasabing, “Kampante ba talaga pakiramdam mo sa posisyong inagaw mo sa akin? Mahal ka ba ni Dixon? Bubulungan ka ba niya ng mga malalambing na salita sa ‘yong mga tenga? Ipagluluto ka ba niya? Bibigyan ka ba niya ng mga regalo tuwing holidays? Hindi. Hindi ‘yan gagawin sa’yo ni Dixon! Caroline Shaw, naipagpilitan mong makuha ang posisyong Mrs. Gregg dahil lamang ikaw ang CEO ng Shaw Corporations.”
Sapul sa puso ko ang mga binitawang salita ni Gwen. Lahat ng bagay na sinabi niya ay mga bagay na ginawa sa kanya ni Dixon. Magsisinungaling ako kung sinabi kong hindi ako nagseselos. Pero anong point ng pagseselos ngayon?
Ni hindi ko man lang mapanindigan ang pagiging Mrs. Gregg…
Ngumiti ako nang walang pakialam at mahina ngunit matatag kong sinabi, “Eh ikaw? Binigyan kita ng chance tatlong taon na ang nakakalipas. Sa ayaw mo’t sa gusto, ako, Caroline Shaw, ang Mrs. Gregg ngayon. Bukod dito, tama ka. Ginamit ko ang pagiging CEO ng Shaw Corporations para piliting mapasakin si Dixon habang ikaw…”
Ayoko sa lahat ay ‘yung binu-bully ako.
Hindi ako mango-offend kung hindi nila ako io-offend, pero ‘pag na-offend nila ako, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila.
Gayunpaman, hinayaan ko si Dixon Gregg na ipahiya ako sa loob ng tatlong taon.
Mapait akong ngumiti, sinasabing, “Mayaman ako at kaya kong bigyan ng sapat na pera ang pamilyang Gregg. Eh ikaw? Walang-wala ka. Wala kang kapangyarihan o kakayahan. Kaya mo bang maging Mrs. Gregg?”
Namutla si Gwen nang marinig niya ‘yon. Napuno ng luha ang kanyang mga mata at nagmukhang kaawa-awa. Ang sinumang lalaki ay makakaramdam ng simpatya para sa kanya.
Tinignan ko siya at malamig kong sinabi, “Wag kang magpanggap na kaawa-awa ka sa harap ko. Maaring mapapaniwala mo si Dixon, pero ako hindi!”
Natulak si Gwen sa likuran ng isang tao pagkatapos kong sabihin ‘yon. Iningatan siya ni Dixon na ligtas at maayos sa likod ng kanyang makisig na balikat. Ang suot niyang itim na coat ay tila nagdulot na siya ay maging mas malamig at malayo.
Malamig niya akong tinitigan.
Nakasimangot si Dixon at defensive ang kanyang posture, na para bang takot siyang i-bully ko si Gwen.
Narinig niya siguro ang sinabi ko kanina. Gayunpaman, si Dixon ay hindi isang tao na mabilis magalit. Pikitid ang kanyang mga mata at walang pakialam akong kinausap, “Anong ginagawa mo dito?”
“Nakikipagkita lang ako sa isang kaibigan. Ano meron?” Inirapan ko si Gwen at nang-asar, “Dixon, nakikipagkita ka ba sa old flame mo habang nakatalikod ako?”
Nang marinig ako ni Dixon na tinutukoy si Gwen bilang kanyang old flame, dumilim ang kanyang ekspresyon. Binigyan niya ako ng isang direktang utos sa pagsasabing, "Bumalik ka sa villa at hintayin mo ako. Uuwi ako ngayong gabi."
Ang kanyang mga salita ay parang kakaiba. Para bang ang pag-uwi niya sa bahay ay isang malaking regalo sa akin.
Nakakaawa ba talaga ako?
Bukod dito, nasa harap kami ng kanyan ex.
Niloloko ang sarili, sinabi ko, “Uuwi na ako. Pero pinapaalala ko, pwedeng wala na akong pake sa existence niya, pero hindi siya tatanggapin ng dad mo.”
Huminto si Dixon. Humakbang paharap si Gwen mula sa likuran niya at hinawakan ang aking pulso. Nagpanggap siyang kaawa-awa habang sinubukan niyang magpaliwanag sakin, “Ms. Shaw, please don’t be mistaken…”
Hindi ako sanay na hinahawakan ako ng iba at tinanggal ko ang kamay niya nang hindi ko namamalayan. Akala ni Dixon ay sasaktan ko siya. Kinaladkad siya palayo at pinalibutan siya ng kanyang mga braso.
Napakalakas niya at dahil nahuli ako na walang kamalayan, natumba ako. Tumama ang mukha ko sa malamig, matigas na lupa.
Napatingin ako nang gulat nang makita ko si Dixon na hinahaplos ang ulo ni Gwen. Marahan niya itong kinonsuwelo, "Wag ka mag-alala, Gwen."
"Wag ka mag-alala, Gwen..."
May nangyari ba sa kanya?
May namumuong sakit sa mukha ko. Inilagay ko ang kamay ko sa masakit na spot at biglang nagsimulang tumawa.
Natawa ako sa pagiging tanga ko at lalo akong natawa dahil sa pagiging delusyonal ko.
Nakita ako ni Dixon na tumatawa at malamig na nagtanong, "Anong pinagtatawanan mo?"
Malinaw kong binigkas ang bawat salita nang sinabi ko, "Dixon, nasaktan ako."
Malumanay at marahang akong nagsalita. Huminto si Dixon at lumingon upang utusan ang kanyang assistant na dalhin ako sa ospital bago umalis kasama si Gwen.
Nakita ko ang nasiyahan na ngisi ni Gwen bago sila umalis.
Tinulungan ako ng assistant ni Dixon na gusto akong ipadala sa ospital.
Tinanggihan ko siya at bumalik sa villa. Pinuno ko ang tub at nag-hot bath.
Kumalabog ang mukha ko sa sakit ngunit manhid ang puso ko. Ginamit ko pa ang aking matatalim na mga kuko upang kamutin ang aking sugat nang malala.
Habang maayos siya itinatrato, mas lalo akong nagmumukhang kawawa.
Napapikit ako. Pagkatapos, bumangon ako at isinulat ang aming divorce agreement. Maingat kong pinirmahan ang aking pangalan at inilagay ang dokumento sa drawer.
Inisip ko sandali ang sitwasyon bago pumasok sa kusina upang magluto. Pagkatapos maglinis, hinintay ko si Dixon sa sala.
Sinabi na niya na uuwi siya ngayong gabi.
Si Dixon ay isang lalaking tumutupad sa kanyang mga pangako.
May mga tunog sa pintuan ng alas tres ng madaling araw. Nilingon ko nang dahan dahan ang aking ulo para tingnan ang pintuan. Late at madilim na. Binuksan ni Dixon ang mga ilaw, at nang makita niya akong nakaupo sa sofa, laking gulat niya. Tinanong niya, "Hindi ka pa natutulog?"
Kinuha ko ang kanyang coat. Meron itong snowflakes. Nagdala pa ito ng magaan na bango ni Gwen mula nang yakapin ito kanina ng maghapon.
"Dixon, hindi pa ako naghahapunan."
Hindi pa ako nagagalit sa kanya kahit gaano pa kalala ang kanyang pag-bully sa’kin. Palagi ko siyang tinawag na "Dixon" nang mahina dahil hindi ko kayang magsabi ng anuman kay Dixon Gregg na minsan nang naging malambing at mahinahon.
Kahit na matagal nang hindi na siya ang Dixon na ‘yon.
Tumayo pa rin si Dixon at inirapan ako nang mainit. Matapos ang isang mahabang paghinto, marahang sinabi niya, "Caroline Shaw, kakaiba ang mga kilos mo simula kahapon!"
“Dixon, may kailangan akong sabihin sa’yo.”