Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

Ibinibigay ni Connor ang pinakamagandang pagpipilian kay Shannon, pero walang emosyon niyang tinignan si Connor. “Salamat, pero huwag na lang.” Noon, natuto siyang magluto, magmasahe at mag-ukit para sa kapakanan nila. Natuto din siyang lumikha ng mga talisman para sa kanila at mabuti ang trato sa kanila dahil umaasa siyang bubuti din ang trato nila sa kanya. Sa kasamaang palad, nawalan ito ng halaga. Wala silang pakielam sa kanya. Hindi man lang nila tinignan si Shannon noong halos mamatay siya sa pagligtas kay Rachel. Hindi na umaasa si Shannon sa pamilya Gray. Ang ekspresyon ni Connor ay naging masama sa pagtanggi ni Shannon. Pakiramdam niya isinasawalangbahala ni Shannon ang kanyang kabutihan—ano ba ang magiging silbi niya kapag nilisan na niya ang pamilya Gray? “Bakit ka pa nag-aabala, Connor? Hindi naman natin siya patitirahin pa dito kahit na isuko pa niya ang slot at magmakaawa sa atin! Hindi siya makakakuha ng kahit na anong bagay mula sa pamilya natin!” galit na sinabi ni Sheila. Humakbang palapit si Rachel, mukhang gusto niyang kausapin at mahimasmasan si Shannon. Pero noong hininaan niya ang kanyang boses para silang dalawa lang ang makarinig, mayabang niyang sinabi, “Nakalimutan ko ito sabihin sa iyo kanina, Shannon. “Nagtapat sa akin ng nararamdaman si Brad ilang araw na ang nakararaan, at malapit na kami ma-engage. Alam ko na gusto mo siya, pero sana ibigay mo pa din sa amin ang blessing mo.” Walang ekspresyon na sumagot si Shannon, “Sinong may sabi sa iyo na gusto ko siya?” Nabigla si Rachel, malinaw na nagulat sa reaksyon ni Shannon. Hindi ba dapat mapapaluhod si Shannon at iiyak matapos malaman na ang lalakeng gusto niya ay umiibig kay Rachel? Tinginan ni Shannon si Rachel na para bang hangal siya. “Maaaring bulag ka, pero hindi ito dahilan para hindi ko ibigay ang blessing ko. Kayong dalawang tanga ay hindi nga naman makakapanakit ng ibang tao kapag magkasama kayo.” Mabuti nga ito sa totoo lang. Sumingkit ang mga mata ni Rachel sa sinabi ni Shannon. Halos mawala ang pagiging kalmado niya. Lumipat ng tingin si Shannon at tinignan ang iba pang miyembro ng pamilya Gtay. “Babayaran ko ang lahat ng ginastos ninyo sa pagkakaampon sa akin. Simula sa araw na ito, wala na akong kinalaman sa inyo.” Ginamit ng pamilya Gray ang astrological house niya. Sa oras na tapusin na niya ang ugnayan sa kanila at alisin ang karma na may kinalaman sa pamilyang ito, ang malas na sinasangga ni Shannon para kay Rachel ay babalik ng dalawang doble kay Rachel. Dagdag pa dito, babayaran niya ang pamilya Gray para sa pagpapalaki sa kanya. Sa oras na maayos na ang namamagitan sa kanilang dalawa, wala na ang karmic debt sa pagitan nila ng pamilya Gray sa hinaharap. Sinulyapan ni Shannon ang bangle sa braso ni Rachel ng huling beses bago sinabi, “Hindi mo kaya itago ang bangle na iyan. Hindi magtatagal bago mo personal na ibalik sa akin.” Matapos iyon, tumalikod siya at naglakad palabas ng Gray residence. Pinanood siya ni Sheila na umalis, galit na galit siya at halos hindi makapagsalita. “Tignan mo—inggrata siya! Kung hindi dahil kay Rachel, marahil matagal ko na siyang pinalayas!” Kumapit si Rachel sa nanay niya at pinagaan ang loob niya. “Sigurado akong nagalit lang si Shannon dahil hindi niya matanggap na lilipat siya sa mahirap na lugar. Huwag ka magalit sa kanya, Ma.” “Oh, masyado ka talaga mabait.” Tinginan siya ni Sheila. Pagkatapos, tinignan niya ang direksyon ni Shannon at galit na sinabi, “Hindi ako makapaniwala na hindi siya namatay sa aksidente. Sigurado ako na sinaniban siya ng halimaw! Mabuti at napalayas na natin siya. Anong malay natin sa kamalasan na maaari niyang dala?” “Sige. Tama na,” sambit ni Francis, para matapos na ang pag-uusap. Lingid sa kaalaman ng pamilya Gray, sa oras na lisanin ni Shannon ang Gray residence, ang maliwanag na kalangitan at natakpan ng gray na mga ulap. Mukhang bumaba ng kaunti ang temperatura. Sa isang madilim na sulok, isang bulong ang maririnig habang masaya silang nag-uusap. “Wala na siya! Swakas wala na siya!” “Atin na ang lugar na ito!” … Napakainit ng araw sa June, pero walang bakas ng init o pawis kay Shannon habang naglalakad siya paalis ng Gray residence gate. Inilabas niya ang kanyang phone. Ibinigay ni Francis kay Shannon ang numero ng tunay niyang mga magulang, pero hindi pa niya kinokontak ang mga ito. Wala siyang alam masyado tungkol sa kanila pero alam niyang hindi mabuti ang lagay nila pagdating sa pinansiyal na pera dahil nakatira sila sa kaloob-looban ng kabundukan. Kakatapos lang ni Shannon sa kanyan SAT at pupunta na sana sa unibersidad. Kung hindi sapat ang pera ng tunay na mga magulang ni Shannon para sa kanyang pag-aaral, iisip siya ng sarili niyang paraan para kumita ng pera. Para naman sa mapilitang ikasal pagkauwi niya… Well, hindi siya nag-aalala dito. Hindi niya naisip na may taong kaya siyang ibenta sa kahit na kanino sa mundong ito. Napaisip si Shannon sa bagay na ito habang hinahanap ang numero ng mga magulang niya. Tatawag na sana siya ng may papalapit na sasakyan. Napatingin siya at nakita na may mahigit sa isang dosena na itim na Maybach na nagmamaneho sa kalsadang puro puno ang gilid. Ang Gray residence ay hindi matatagpuan sa pinakamayamang bahagi ng lungsod, pero ang mga mamahaling sasakyan ay karaniwang makikita dito. Naisip ni Shannon na marahil isang mogul ang nagmamayari ng mga ito. Tatabi sana siya para hindi makaharang sa daanan ng mga sasakyan ng tumigil sila sa harap niya, lumikha ng dalawang row. Pagkatapos, bumukas ang mga pinto, at ang mga driver na may puti na gloves ang lumabas at pumwesto din sa dalawang row sa harap niya—malinaw na naturuan sila ng mabuti. Ang isa sa mga driver ay magalang na binuksan ang pinto ng Maybach sa gitna ng mga sasakyan. Tumaas ang kilay ni Shannon sa nakita niya. Isang lalake na nakasuot ng itim na suit ang bumaba. Matangkad siya, at bagay sa kanya ng suit. Mas guwapo ang dating niya dahil dito. Nakatitig ang lalake kay Shannon bago lumapit. Pagkatapos, nagtanong siya, “Ikaw ba si Shannon Gray?” Nahulaan ni Shannon kung sino siya base sa pamilyar niyang itsura. “Oo, ako nga.” Nakita niya na tatawag dapat si Shannon sa numero at nainis. Pagkatapos, iniabot niya ang kamay niya at tinulungan siyang tumawag. Sa sumunod na sandali, tumunog ang phone niya sa bulsa. Inilabas niya ito at ipinakita kay Shannon bago yumuko at pumantay sa mga mata niya. Ngumiti siya at sinabi, “Ako ang kapatid mo, si Hector Jensen. Ikinagagalak kitang makilala.” Walang sinabi na kahit na ano si Shannon. Tumingin siya sa kanya bago tinignan ang mga driver sa likod niya. Nagsalita siya bigla, “Narinig ko na nakatira sa malalim na bahagi ng bundok ang mga magulang ko…” Sa madaling salita, sinasabi niya na parang hindi niya pamilya si Hector. Ang akala niya may iba siyang sasabihin. Sumagot si Hector, “Well, ang tirahan natin ay nasa malalim na bahagi ng bundok. Pagmamayari kasi natin ang bundok. Walang masabi si Shannon. Hindi… mahirap ang mga magulang niya? Sa totoo lang, sila ang nagmamayari sa bundok? Paano mo magiging pag-aari ang isang bundok? Papayagan ba iyon ng gobyerno?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.