Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 21

Wala silang kamalay-malay sa itsura ng lahat, pero malinaw na nagmamadali sina Donald at Helen, “Mr. Jensen, gusto namin na sinserong humingi ng tawad sa mahusay na si Ms. Jensen ng personal. Puwede ba ninyo kaming payagan na makita siya?” Ibinuka ni Adam ang bibig niya, na tila natagalan bago niya naintindihan ang nangyayari. Medyo natanga siya ng sinabi niya, “Wala si Shannon dito.” Mukhang nataranta si Donald at Shannon ng marinig iyon. Nagmamadali silang nag tanong, “Umalis ba siya? Kailan siya babalik? Puwede ba namin hintayin ang pagbabalik niya?” Sa living room, ang mga itsura ng mga miyembro ng pamilya Jensen ay naiilang. Hindi nila alam kung paano sasabihin kay Donald at Helen na naglayas si Shannon, at siguradong hindi siya babalik ngayon. Nababalisa na nga sina Donald at Helen, pero ng mapagtanto nila na hindi magsasalita ang pamilya Jensen, lalo silang nabalisa. “Mr. Jensen!” May sasabihin na sana si Adam ng humakbang palapit si Hector. “Hindi siguro uuwi ngayong gabi si Shannon. Mr. at Mrs. Shaw, kung nagmamadali kayo ngayon, puwede ko kayo tulungan na makontak si Shannon sa ngayon. Kung available siya, maisasama ko kayo papunta sa kanya.” “Mabuti iyon.” Hindi plano ni Donald na mahiya sa alok niya. “Salamat talaga.” Habang nakangiti, tumango si Hector. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad palayo para tumawag. Hindi nagtagal, nakabalik na siya. “Sinabi ni Shannon na naiintindihan niya ang rason ng pagpunta ninyo dito. Tutumungo siya sa Shaw residence ngayon din, para makipagkita kayo sa kanya at makapagusap sa bahay.” Natuwa ng husto sina Donald at Helen ng marinig na willing is Shannon na pumunta sa Shaw residence agad. Hindi na sila nakipagbatian sa pamilya Jensen at agad na nagpaalam. Sumunod si Hector kay Donald at Helen palabas. “Ihahatid ko kayo pauwi>” Siyempre, alam ni Donal na nag-aalala si Hector na baka tratuhin ng masama si Shannon sa Shaw residence. Kritikal ang kundisyon ngayon ni Emily kaya hindi sila maabala sa mga detalyeng iyon. Nahimasmasan lang ang pamilya Jensen ng nakaalis na ang pamilya Shaw. “Nagmamadali ang pamilya Shaw na makausap si Shannon. Maaari kayang may nangyari sa young lady ng pamilya Shaw?” si Janice, na asawa ni Adrian ay nagsalita ng hindi sigurado. Puno ng pag-aalala ang boses niya. Sumimangot si Adam. Malagim ang itsura niya. “Marahil may nangyari.” Bukod pa doon, maaaring nangyari ang hula ni Shannon. Ang villa area na tinutuluyan ng pamilya Shaw ay malayo sa Silver Bay Estate. Mahigit sa 30 minuto ang biyahe gamit ang sasakyan. Noong dumating ang tatlo doon, nagkataon na dumating din si Shannon sa entrance. Tinignan ni Donald ang babae na naka T-shirt at jeans. Narinig niya na nabanggit ni Helen ang edad ng young lady na kababalik lang sa pamilya Jensen, pero nagdududa pa din siya ng makita ang inosente at masunuring dating ni Shannon. Sa kabilang banda, si Helen ay hindi na naging malayo at magalang. Sinsero ang mga mata niya habang nakatingin kay Shannon. “Ms. Jensen, marahas ang mga desisyon ko ngayon. Salamat at pumunta ka pa din sa kabila ng lahat.” Dahil napagdesisyunan ni Shannon na tumungo dito, tutulong siya sa pagresolba ng kanilang problema. Kaya, wala siyang intensyon na magyabang, sinabi niya, “Pumasok na muna tayo.” Mabilis na kumilos ang mag-asawa at isinama si Shannon papasok ng bahay. Habang naglalakad sila, ipinaliwanag nila agn nangyari kanina. “Araw-araw pagkatapos matulog sa hapon ni Emily, maglalakad-lakad siya at maglalaro sa childrens playground sa residential area. “Kahit na pinaalalahanan mo ako noong umaga, na hindi ko binigyan pansin, hinayaan ko si Emmie na lumabas noong tanghali. Sa huli, sa ihindi maipaliwanag na dahilan, naglaho si Emmie habang nasa labas. Noong una, ang akala ko kidnapping ito… “Pero sa loob ng sampung minuto, nakita siya ng mga security guard sa harap ng fountain. Ang akal ko false alarm lang. “Pero, hindi nagtagal noong nakauwi si Emmie, hinimatay siya bigla. Kahit na anong gawin namin, ayaw niyang gumising. Sinuri siya ng family doctor, pero hindi alam ang dahilan…” Matapos iyon, tumigil sandali si Helen. Hindi na niya maitago ang tanranta sa kanyang boses. Tinignan niya si Shannon at itinuloy, “Hindi alam ng doktor kung anong gagawin niya, kaya napagdesisyunan namin na dalhin siya sa ospital para sa checkup. Pero noong binuhat namin siya, napansin namin na may nahulog mula sa katawan niya.” Dahil sa bagay na ito, hinanap muli ni Helen si Shannon. Ito ang talisman na iniwan ni Shannon. Noon, inutusan ni Helen ang staff sa bahay na itapon ito, pero hindi inaasahan, naging interesado si Emily dito, kaya palihim niya itong kinuha at itinago sa kanya. Kaya, talisman ang nahulog mula sa katawan niya. Hindi alam ni Helen at ng staff sa bahay kung ano ito noong una dahil sunog na ito. Napaisip sila, sunog na ang bagay, pero hindi nagbago ang pagkakahulma nito. Nakilala ng bulter kung ano ito at sinabi kay Helen na mukha itong talisman na iniwan ni Shannon. Nakatupi ang talisman ni Shannon sa espesyal na paraan, kaya hindi ito mahirap makilala. Pagkatapos, may inutusan si Helen na suriin ang katawan ni Emily. Nakita nila na walang bakas ng sunog o paso sa katawan niya. Sa talisman lang, na dapat ay dilaw, pero naging itim na ito. Matalino si Helen at materialist. Hindi siya naniniwala sa mga multo o diyos, kaya wala siyang alam sa mga ganitong bagay. Inaral ni Tilly ang tungkol sa mystic arts kailan lang, kaya pamilyar siya sa ilang mga konsepto. Ang hula niya ay nasunog ang talisman dahil may itinaboy itong masama na espirito. Pero wala pa din malay si Emily, ibig sabihin nandito pa din ang masamang espirito. Kaya, tinabi ni Tilly na kailangan nila humingi ng tulong sa geomancy master. Sa mga oras na ito naalala ni Helen si Shannon. Natakot si Helen na baka nagtanim ng sama ng loob si Shannon sa pagpapalayas sa kanya at hindi sila tulungan. Kaya, binisita niya ang pamilya Jensen para humingi ng tawad ng personal. Para sa kaligtasan ng anak nila, si Donald at Helen ay nawalan ng pake sa pride nila. Nakikita ni Shannon na sinsero ang pamilya Shaw para kay Emily. Kaya, nagsalita siya at pinagaan ang loob nila, bagay na bihira niyang gawin, “Huwag kayo mag-alala. Sinabi ko noon na ang astrological house ni Ms. Shaw aya may matagalang suwerte. Kahit na masaktan siya ngayon, masisiguro ko na makakaligtas siya ng buhay.” Habang nagsasalita si Shannon, umakyat na sila sa hagdan sa second floor ng villa. Sa oras na buksan ang pinto, isang apoy ang lumabas at umatake sa kanila. Nagulat ang mag-asawa, hinatak agad ni Donald ang asawa niya at inilagay sa likod niya. Si Hector, na naglalakad sa likod nila, ay hinatak din si Shannon at inilagay sa kanyang likod. Pero, bago pa sila may magawa, nakita nila na itinaas ni Shannon ang kamay niya. Ang apoy na patungo sa kanila ay naglaho. Bago pa humanga ang pamilya Shaw sa kilos ni Shannon, nakita nila ang kundisyon sa kuwarto. Ang altar ay nakasetup na sa kuwarto ni Emily ng wala silang malay. Isang middle-aged na lalake na suot ang dilaw na robe ang nasa harap ng altar. May hawak siyang amulet sa mga kamay niya, bumubulong habang iwinawasiwas ito sa ere. Nagulat ang apat ng makita nila na epekto ito ng ginagawa niya. Nahulaan ni Donald na may masamang epsirotong nakaengkuwentro ang anak niya, pero ng makita ang eksena, hindi niya mapigilan na mainis. Humarap siya sa matandang babae sa kuwarto at pagod na sinabi, “Ma, anong nangyayari dito?” Ang babae sa kuwarto ay walang iba kung hindi si Tilly, na sinabing inaral ang mystic arts. Matabang matandang babae si Tilly na mukhang galing sa mayamang pamilya. Noong narinig niya na nagsasalita ang anak niya, mabilis siyang lumapit para ipaliwanag. “May kinalaman si Emmie sa masamang espirito, hindi ba? Kaya, humingi ako ng tulong sa geomancy master na alam ang tungkol sa kanila. Ang taong ito na nandito ay si Mr. Desmond Lund. Huwag ka mag-alala, sinabi ni Mr. Lund na si Emmiy ay magiging okay. Kapag tapos na siya, magigising na si Emmie. At baka tumalino pa siya.” Nainis si Helen. “Ma, hindi ba’t napagkasunduan na natin na kami ni Donald ang tatawag ng geomancy master dito?” Hindi taman na iba’t ibang awtoridad ang tawagin para sa iisang problema. Walang masyadong alam si Helen sa mystic arts pero malinaw sa kanya na ang humingi sa tulong sa dalawang geomancy master ay hindi magiging maganda. Pero mukhang wala lang ito kay Tilly. “Anong problema kung kumuha pa tayo ng tutulong kay Emmie? Kung pinahalagahan ninyo ng husto ang anak ninyo, hindi sana ako mag-aabala.” Matapos iyon, tinignan niya si Shannon at Hector, na nakatayo sa tabi ni Helen. Nagdududa ang itsura niya. Kilala niya si Hector. Siya ang pinakamatandang anak na lalake ng pamilya Jensen, kaya siguradong hindi siya ang tinutukoy na geomancy master. Kaya, ang batang babae sa tabi niya iyon. Sumimangot ng kaunti si Tilly at sinabi, “Ito ang geomancy master na inimbitahan ninyo? Aba, bata lang siya!” Ang tono niya ay mapanglait. Tumaas ang kilay ni Shannon. Sobrang talamak ba ang sexism at pati ang trabahong ito ay apektado na din?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.