Kabanata 20
Gabi na.
Oras ng hapunan sa tahanan ng pamilya Jenkins, pero malagim ang pakiramdam sa buong bahay.
Nakaupo si George sa sentro ng living room habang ang pamilya ni Alex at pamilya ni Adrian ay nakaupo sa magkabilang gilid nila. Ang nakababatang henerasyon ng pamilya ay tahimik.
Nakaupo si Adam sa tapat ni George, malamig ang ekspresyon niya. Mas lalo siyang nakakasindak habang lumilipas ang oras.
Noong sinabi lamang ni Hector kay Adam ang kabuuan sa tunay na nangyari tungkol sa insidente sa kuwarto at napagtanto niya na si Scott, Hank, at iba pa ay pinagtutulungan si Shannon bago pa siya nakabalik.
Kahit si Eva ay sinabi kay Shannon na lumayas siya.
Para naman kay Adam, bago niya nalaman ang totoo, pinagalitan niya si Shannon sa pagpunta niya sa pamilya Shaw ng walang sabi-sabi, at pagkatapos… tulad ng lahat, inudyok siya na ibigay ang kuwarto kay Eva.
Kaya pala disappointed ang pakiramdam ni Shannon at gusto maglayas.
Nabigo siya bilang ama.
“Adam, si Eva ay gumawa lang ng gulo ngayon kasi bata pa siya. Wala siyang alam. Kasalanan ko ang lahat. Ipapaliwanag ko kay Shannon ang lahat, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako…”
Matapos mapansin na kakaiba ang pakiramdam sa paligid, nauna na magsalita si Linda at maging responsable.
Sa tabi niya, sumimangot si Alex. Hinawakan niya ang kamay ni Linda at hindi sumangayon, “Hindi mo kasalanan. Bata pa si Eva, kaya sinasabi niya ang gusto at kailangan niya ng walang alinlangan. Hindi naman ito seryosong problema.
“Kung tatanungin mo ako, pinapalaki ni Shannon ang maliit na bagay. Hindi pa ganoon katagal ng bumalik siya sa pamilya, pero naglayas na siya dahil sa maliit na bagay—”
Bago pa siya matapos magsalita, nakita niya si Adam na malamig na nakatingin at hindi siya pinatapos magsalita. “Alex, ang anak ko ay napilitan na maglayas sa oras na nakabalik siya. Ganito ba ang tinatawag mo na maliit na bagay?”
Pagod na si Alex. Habang nakakikita ang pagtitig ni Adam, napagdesisyunan niyang hindi na magsalita.
Malagim ang mga mata ni Adam at nakasisindak habang tinitignan ang lahat.
“Bata lang si Eva. Gusto niya ang kuwarto ni Shannon dahil maganda ito, hindi ito malaking problema. Mayaman ang pamilya natin, kung gusto niya, puwede mo irenovate ang kuwarto niya kahit na gusto pa niya ito magmukhang palasyo. Bakit kailangan ibigay ni Shannon ang kuwarto niya kay Eva?”
Walang nagsalita sa pamilya ni Alex. Naging mas istrikto ang boses ni Adam.
“At hindi ninyo naman talaga na gusto niyang isuko ang kuwarto. Naisip ninyo lang na dahil bago siya, dapat sundin niya ang gusto ninyo para matanggap ninyo siya!”
“Adam, sobra ka na! Bata lang si Eva. Hindi siya tuso mag-isip.”
“Hindi? Kung hindi outsider ang tingin niya kay Shannon, bakit niya sasabihin na lumayas mula sa bahay? Kahit na galit ang bata, alam dapat nila kung ano ang dapat at hindi nila dapat na sabihin.”
Mahigpit ang tono ni Adam. Sa malapit, sobrang takot ni Eva at nanginginig ng magtago sa mga bisig ni Linda. Ibinuka niya ang bibig niya, pero hindi niya gusto umiyak ng walang abiso tulad noong huli.
Noong nakita iyon ni Kinda, naawa siya kay Eva. Sinabi niya, “May sinabi si Eva na hindi niya dapat sabihin, kaya hihingi ako ng tawad kay Shannon para doon. Hihingin ko ang kapatawaran niya at magmamakaawa na bumalik siya. Matanda na ako, kung magmamakaawa ako ng personal sa kanya, sigurado akong papayag siya na bumalik. Adam, huwag mo sisihin si Eva para dito…”
Sa tabi nila, pinanood ni Hank ang nanay niya na nagpapakumbaba sa harap ni Adam para sa kapayapaan. Naiinis ang itsura niya, pero hindi siya makapagsalita.
“Tito Adam, si Shannon ang gusto umalis. Walang pumilit sa kanya. Bukod pa doon, hindi ito kasalanan ng nanay ko, kaya bakit siya magmamakaawa kay Shannon na bumalik? Paano kung may ginawang mali si Shannon para magalit ang pamilya Shaw, kaya nakahanap siya ng palusot para tumakas kung sakaling magalit si lolo?”
Humarap si Adam kay Hank at sinabi ng mahina, “Kung may nagawang mali si Shannon, tuturuan ko siya ng tama. Hindi ko kailangan mag-ulat kahit na kanino para doon. Pero Hank, kung patuloy na ganito ang trato ninyo kay Shannon, hindi na ninyo ako Tito.”
Hindi malakas ang boses niya, pero bumilis ang tibok ng puso nina Hank at iba pa ng marinig ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata nila.
Tinignan ni Adam ang lahat sa kuwarto, pati ang mga bata tulad ni Scott at Caleb.
“Ganoon din para sa inyong lahat. Kung ayaw ninyong tanggapin si Shannon, hindi na ninyo ako magiging Tito.”
Hindi galit ang tono ni Adam, pero sobrang istrikto ng boses niya. Ang nakababatang henerasyon ay umupo ng tuwid, lahat sila mukhang hindi malakas ang loob na suwayin si Adam.
Laging nirerespeto ni Adrian si Adam. Sa oras na ito, sinampal niya ng malakas ang kanyang anak at sinabi habang tumatawa, “Adam, matalas man ang dila ng mga bata, pero hindi masama ang ibig nilang sabihin. Hindi problema ang pagtanggap. Anak ng pamilya natin si Shannon. Hindi natin kailangan umabot sa puntong iyon.”
Nagdilim ang mga mata ni Adam. Depressed ang boses niya habang nagsasalita, “Si Shannon ay nawala ng 18 taon. Kahit na siniguro ng pamilya Gray na pinapakain siya, ampon lang siyang anak, at minamaltrato sa pamilya G ray.
“Ngayon at nagbalik na siya, hindi ko gusto na mamaltrato siya, kahit na kaunti. Hindi ko sasabihin sa inyong lahat na tiisin siya, pero tratuhin ninyo siya na pangkaraniwang miyembro ng pamilya.”
Matapos ang pagtigil, mas malagim ang boses niya ng kanyang sabihin, “Kung hindi ninyo iyon kaya, lilipat na kami Hector palabas ng bahay.”
Sa oras na sabihin ito ni Adam, matinding gulat ang naramdaman ng pamilya ni Alex at Adrian. Nagbago ng husto ang ekspresyon nila.
Hindi nila inaasahan na aabot sa ganito si Adam!
Sisirain niya ang pamilya alang-alang kay Shannon!
Dito rin sa puntong ito nagsalita si George, na tahimik mula pa kanina at nagsalita sawakas. Hindi nakakasindak ang dating niya, pero malinaw na ayaw niyang may kumontra.
“Adam, hindi ko gusto na marinig ito sa pangalawang beses.”
Nagpatuloy siya, “Ang pamilya natin ay buo. Basta nandito ako, walang may karapatan na pag-usapan ang paglipat paalis!”
Natahimik ang lahat sa kuwarto. Walang may lakas ng loob na kontrahin si George.
Kahit si Scott natahimik, bumubulong sa puso niya na binanggit ni Shannon ang paglayas.
Tinignan ni George ang mga tao sa kuwarto at tinignan si Alex at Linda.
“Ang mga anak ng pamilya Jensen ay maaaring hilingin ang kahit na anong gusto nila, pero kapag inispoil ninyo ang mga anak ninyo, dapat turuan ninyo din sila na hindi lahat ng gusto nila ay masusunod.
“Dapat maturuan ang mga bata. Kung mabibigo kayong ituro ito sa kanila, ako na mismo ang gagawa nito.”
Noong narinig ni Eva na ang lolo niya ang magtuturo sa kanya ng personal, nanginig siya ng matindi. Halos umiyak na siya.
Masyado itong nakakatakot na bagay. Ayaw niya itong mangyari.
Si Alex at Linda ay napayuko ng tahimik, mahigpit na hawak ang mga anak nila. Nangako silang tuturuan ng mabuti si Eva.
Matapos masiguro sa nakababatang henerasyon ang bigat ng sitwasyon, hindi na nagsalita si George. Tumalikod siya, at sinabi kay Hector, na nakaupo lang at tahimik buong oras.
“Maglaan ka ng oras para iuwi si Shannon. Nag-organisa tayo ng party at opisyal natin na iaanunsiyo ang pagkakakilanlan niya bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Jensen. Kailangan din naman niyang bumalik.”
Nanatili ang ngiti ni Hector at tumango siya. “Naiintindihan ko.”
May sasabihin pa sana si Geroge ng pumasok ang butler ng pamilya mula sa labas. Sinabi ng bulter kay Adam, “Mr. Adam, si Mr. at Mrs. Shaw ay nandito.”
Sumimangot si Adam ng kaunti. Bakit kakatok dito ng ganitong oras ang pamilya Shaw?
Maaari kayang may kinalaman si Shannon dito?
Kahit na hindi dapat pumunta si Shannon sa pamilya Shaw at sinabi ang mga bagay na iyon, kung naparito sila para humingi ng hustisya, sumosobra na sila.
Sa kalapit, si Scott at iba pa ay kakatapos lang pagalitan, kaya hindi sila nagsalita. Pero, palihim silang nagkakatinginan. May tuwa sa mga mata nila.
Nagkaroon ng problema si Shannon, kaya nandito ang pamilya Shaw para magreklamo.
Alam na nila. Umiiwas si Shannon na mapagalitan.
Hindi nila ito kasalanan.
Habang ito ang iniisip ng nakababatang henerasyon, si Donald at Helen ay nagmamadali na sa pinto. Aligaga ang itsura nila.
Iniisip na dahil may hindi pagkakaintindihan sa pagbisita ni Shannon, lumambot ang ekspresyon ni Adam noong kakausapin niya ang pamilya Shaw.
“Mr. at Mrs. Shaw, alam ko na naging pilyo si Shannon ngayon. Humihingi ako ng paumanhin para sa problemang dala niya. Pagagalitan ko siya ng mabuti…”
Ang akala ni Adam, kung hihingi siya ng tawad agad, base sa kung paano madalas na inaasikaso ni Donald at Helen ang mga bagay-bagay, siguradong palalampasin nila si Shannon. Pero, hindi inaasahan noong marinig ni Donald at Helen ang mga salita niya, nagbago ang ekspresyon nila. Pagkatapos, nagkaroon ng panic at pagsisisi sa mga mukha nila.
“Huwag mo iyan sabihin, Mr. Jensen. Kasalanan namin dahil mali ang naisip namin tungkol kay Ms. Jensen bago namin nalaman ang buong katotohanan. Binibigyan kami ni Ms. Jensen ng payo na bukal sa kalooban niya. Dapat alam namin ito.
“Nagsisisi na kami, kaya sana bigyan ninyo kami ng pagkakataon na humingi ng tawad kay mahusay na si Ms. Jensen!”
Sa oras na natapos magsalita si Donald at Helen, may kakaibang katahimikan na bumalot sa buong kuwarto.
Si Scott at iba pa ay nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala. Hindi sila makapaniwala sa naririnig nila.
Hindi ba’t magrereklamo ang pamilya Shaw tungkol kay Shannon?
Bukod pa doon…
Anong ibig sabihin ng pamilya Shaw na “mahusay na si Ms. Jensen”?