Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Nakalaya At Nabuhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 4

Nang naglakad si Severin pabalik sa kanilang bahay, nakita niyang nasa labas si Judith habang palinga-linga sa paligid dahil nag-aalala siya kay Severin. Nang nakita niyang pabalik na si Severin, lumakad siya nang may kasamang pag-aalala sa kanyang mukha at hinawakan ang kamay ni Severin habang mabilis na nagtanong, "Ayos ka lang ba, Severin? Hindi ka naman nila sinaktan, ano?" Uminit ang puso ni Severin at ngumiti siya kay Judith. "Huwag kang mag-alala, Ma! Hindi nila ako sinaktan. Kinuha lang nila ang pera at binigay lahat sa kanila. Hindi na nila tayo guguluhin sa susunod!" "Talaga? Hindi ka nagsisinungaling sa'kin? May ganoon ka ba talagang kalaki na pera? Dalawampung anim na libo ang pinag-uusapan natin dito!" Halata na hindi naniniwala si Judith sa sinabi ni Severin. Tsaka, paano siya magkakaroon ng ganoong kalaking pera kung kakalaya niya lang galing kulungan? Nagpaliwanag si Severin, "Huwag mo nang isipin 'yon, Ma. May nakilala ako sa bilangguan at sobrang mapagbigay siya, at binigyan niya rin ako ng bank card pagkalaya ko. Sobra ang pera na laman nito, at sobra pa para mabayaran ang utang!" "Talaga? Natutuwa akong marinig 'yan, kung ganoon!" Napuno ng emosyon si Judith nang narinig niya iyon. "Kailangan mo rin pagbayaran ang kabaitan 'non sa susunod kapag nakakuha ka ng pagkakataon, Severin." "Opo naman, Ma, gagawin ko!" Ngumiti si Severin, at nagpatuloy, "Napalaya ako nang maaga dahil din sa kanya!" Wala nang magawa si Severin kung hindi ipaliwanag iforo. Tsaka, kailangan niyang may sabihin para lang mawala ang pangamba ni Judith, pero mahirap sa ipaliwanag ang totoong nangyari. Sa dulo ng araw, ang kung anong sinabi niya ay totoo, na ang tandang wacko ay isang napakamapagbigay na tao. "Kung ganoon ay mabuti na lang at hindi na tayo gagambalain ng mga taong iyon. Ngayong nakalaya ka na, pwede ka nang kumuha ng trabaho para hindi na kami magtrabaho nang sobra ng papa mo!" Bumuntonghininga si Judith at nagpatuloy, "Malalang babae si Lucy. Sumama siya kay Easton sa kalahating taon ng pagkakulong mo, hindi namin kayang bigyan ka ng kahit na anong pera, at wala kaming maayos na bahay. Twenty-eight ka na, kaya kailangan nating subukan at magtabi ng mas malaking pera para makahanap ka na ng mapapangasawa!" Naging emosyonal siya habang nagsasalita siya. "Mabuti na lang ay nakalaya ka sa kalagitnaan ng sentensiya sa'yo. Kung mas tatagal ka, trenta ka na sa oras na makalaya ka. Siguradong mas mahirap na magpakasal kapag nasa ganyang edad ka na!" "Anong sinasabi mo, Ma? Gwapo ako at hindi mahirap sa akin na humanap ng mapapangasawa!" Ngumiti si Severin. Tapos ay tinanong si Judith, "Nasaan pala si Papa?" "Kumuha siya ng trabaho sa pagsesemento, kaya nasa construction site siya ngayon. Hindi pa siya nakakabalik, pero alam kong uuwi na rin siya maya maya!" Luminga si Judith sa paligid niya. Gayon nga ang nangyari, isang pawis, at maalikabok na lalaki ang bumalik gamit ang hindi maayos na bisekleta nang may mga cardboard na kahon sa likod niya. "Sinu-swerte ako ngayon. May nakita akong tumpok ng cardboard na mga kahon kanina nang pauwi ako galing trabaho mula sa construction site. Mabebenta ito ng ilang dolyar..." Pinark ng lalaki ang kanyang bisekleta sa gate, kung saan madilim ang ikaw sa kalsada. Habang nilalagay ang mga cardboard boxes, tanong niya, "Sino 'yan, Judith. Kilala mo ba siya? Nalaglag ang karton na hawak ni Maurice sa lupa, at bahagyang nanginginig ang katawan niya habang hindi makapaniwalang lumingon. "Severin? Ikaw ba talaga 'yan? Ang anak ko...bumalik na?" Nangingilid ang luha sa mga mata ni Maurice at hindi makapaniwalang tumingin kay Severin. "Si Severin talaga 'yan, Maurice. Bumalik na siya. Napaaga ang paglaya niya!" Muling bumuhos ang luha sa mga mata ni Judith, ngunit may ngiti sa labi niya ng mga oras na iyon. "Maganda balita... ito. Wala nang mas hihigit pa sa pagbabalik mo. Nakakatuwa na pinalaya ka nang maaga!" Humakbang si Maurice at tiningnan ng mabuti si Severin. "Hindi naman masama ang itsura mk, pero masyadong mahaba ang buhok mo. Dapat ay magpagupit ka bukas. Para kang palaboy ngayon, at ang kailangan mo ay maging fresh and masayahing itsura! Kung tutuusin, madali lang para magmukha kang fresh at energetic at makakakuha ka na ng asawa. Halika, pasok na tayo sa bahay, kaysa tumambay tayo rito!" Ngumiti si Judith at sinabing, "Pumasok na kayo ni Severin, maligo, at magpalit ng damit. Kukuha ako ng alak at ng nilaga para makapag-inom kayong dalawa ngayong gabi!" Agad siyang umalis para bumili ng mga ito. "May pera ka ba riyan? Meron ako rito. Nagsabi ako sa foreman na iabot nang maaga ang pera para may pagsuntento tayo!" Sigaw ni Maurice kay Judith dahil nag-aalala na baka wala siyang pera na dala. "Meron! Meron..." Sagot ni Judith nang hindi tumitingin kay Maurice. Tinulungan ni Severin si Maurice na itulak ang bisekleta sa bakuran at tapos ay lumuhod siya sa harapan nito. "Patawarin mo ako, Pa. Patawarin mo ako dahil hinayaan ko kayo ni Mama na magdusa. Hindi ko inaasahan na magiging malupit si Lucy pagkatapos kong makulong, at hindi ko kailanman na isip na aabot din sa gano'n si Easton!" "Ayos lang, hindi mo na kailangang banggitin ang tungkol sa nakaraan. Ang mga ordinaryong tao na tulad natin ay walang magagawa laban sa mga Lough!" Reklamo ni Maurice. Tapos sy tinulungan niyang tumayo si Severin. "Tumayo ka, anak. Mamuhay na lang tayo ng normal, tapat na buhay simula ngayon. Ang mga babaeng katulad ni Lucy ay maaaring gwapo, pero hindi maaasahan. Mabuti kung makakahanap ka ng babae na tatanda kang kasama siya sa buong buhay mo." Gayunpaman, mariing sinabi ni Severin, "Pa, hindi mo basta-basta madadala ang lahat. Ang bahay na iyon ay bunga ng dugo, pawis, at luha ni Mama! Kinagat mo ang iyong mga ngipin at binili mo ito para sa akin ng lahat ng iyong pera. . Ang bahay na iyon ay nagkakahalaga ng tatlong daang libo! Lalong nagalit si Severin nang magsalita ito. "Humingi rin ang mga Orwell ng dote na apatnapung libo! Hindi ba dapat ibalik nila sa atin ang perang iyon?" Umiling si Maurice, "Pumunta ako sa Orwells, pero hindi nila kasalanan kung bakit ka napunta sa bilangguan at hindi natuloy ang kasal. Hindi ko naibalik ang pera, ngunit nakatanggap ako ng mas malala sa halip ay binugbog ako kaya napuruhan ang aking ilong at namaga ang aking mukha nang ilang araw dahil doon!" "Bwisit. Mga mapang-api talaga sila! Hindi ako makapaniwala na ganoon kalupit ang mga Orwell!" Naikuyom ng mahigpit ni Severin ang kanyang mga kamao at sa sobrang galit ay namumula ang kanyang mga mata. Nagulat si Maurice nang makita ang galit ni Severin at sinabi sa kanya, "May kalayaan ka na ngayong nakalaya ka na sa kulungan. Huwag kang gumawa ng gulo sa mga Orwell. Mahusay na ang takbo ng kanilang negosyo ngayon, at ang mga magulang ni Lucy ay may kasamang ilang mga bodyguard sa tuwing lumalabas sila. Salamat sa mga Lough na naging mayayamang negosyante sila!" Si Judith, na kakabalik lang mula sa pagbili ng alak at nilagay, ay narinig ang sinabi ni Maurice sa oras na pumasok siya sa bakuran. Nang walang pag-aalinlangan, sinabihan niya si Severin at sabi, "Huwag ka nang maging malupit tulad ng dati, Severin. Ang mga Lough at Orwell at parehong malalaking pamilya na may malaking negosyo. Ang nga ordinaryong tao ay walang laban sa kanila! Ano nang gagawin natin sa susunod kung may mangyari na naman sa'yo?" "Huwag kang mag-alala, Ma. Hindi ako magiging malupit!" Para lang maiwasan ang pag-aalala ng kanyang magulang, ngumiti si Severin at sabi, "Sisiguraduhin ko na maninirahan kayo ng maayos at maganda buhay sa hinaharap. Pero sa pagkakaalam ko ay hiningaan ko sila tungkol dito. Baka ibalik ni Lucy ang pera sa atin mula sa nakaraan namin. Kapag hindi niya ginawa, kung ganoon ay ang huling magagawa ko na lang ay ang mag-rason sa kanya! Pangako ay hindi ko na ilalapat ang kahit daliri ko sa kahit kanino." "Karapatan mo rin ang manghingi, pero tandaan mo na huwag kang gumawa ng kahit ano sa kanila. Mas mabuting mabalik mo ang pera at mabayaran ang kung anong pera na utang natin sa kanila. Pero kung tatanggi sila na ibalik ang pera, kalimutan mo na at bumalik ka riro!" Tapos ay nag-isip pa si Maurice ng ilang sandali at dagdag niya, "Sana lang ay makonsidera naman ni Lucy ang tatlong taon na relasyon niyo at ibalik ang ibang pera dahil doon. Mayaman na ang pamilya niya ngayon - mas mayaman kaysa noon - kaya sigurado namang hindi nila ipagdadamot ang isang maliit na halaga." Umismid si Severin sa kanyang sarili. Naranasan na niya ang ugali ni Lucy nung una pa lang at hindi na niya maalala ang masaya nilang pagsssama. Siya at si Easton ang pinakabulok na magkasintahan, at hindi ito papalampasin ni Severin nang ganoon lang para sa nga bagay na ginawa nila, lalo na ang pang-aapi nila sa mga magulang niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.