Kabanata 3
Napaatras si Judith sa biglaang pagpapakita ng anim na lalaki, at agad niyang sinabi sa kanila, "Sige, sige. Maghintay kayo rito. Kukuhain ko lang agad ang pera." Agad tumakbo si Judith sa bahay at lumabas agad dala ang medyo luma na plastic bag sa kanyang kamay.
Binuksan niya ito para maipakita ang pera na naglalaman ng isa, dalawa, at limang dolyar, kasama ang ilang mga barya. Tulad ng para sa mga perang papel sa mas malalaking denominasyon, mayroon lamang pito o walo sa kanila.
"Pucha ayan na naman?!" Hindi na makapaghintay ang isang lalaki na may peklat sa mukha at sabi sa lalaking nasa tabi niya, "Bilangin mo!"
"Aabutin ng ilang taon para bilangin ang pitong daang barya na yan." Hindi masaya ang kanyang sunod-sunuran, pero lumapit pa rin siya.
"Sandali! Bakit may utang ang nanay ko sainyo?" Hinarangan ni Severin si Judith pagkatapos makita ang buong sitwasyon at sabi sa isang malumanay na ekspresyon.
"Kung ganoon, mali ako! Akala ko isa ka lang pulubi na pumunta rito para humingi ng pagkain. Hindi kita makikilala kung hindi mo pa dedepensahan ang nanay mo. Hindi ba ikaw ang talunan na sinaktan si Mister Easton ng isang bote ng alak limang taon na ang nakalilipas?"
Ang may peklat na lalaki ay humakbang at pinagmasdan nang mabuti si Severin. Tapos ay kinamot niya ang kanyang ulo nang may ngisi at nang-uuyam na sabi, "Nakalaya ka na pala? Kung ganoon, aaminin ko na talagang hinahangaan ko ang tapang mo. Hindi ko maisip na magkakaroon ka ng lakas ng loob na saktan si Mister Easton dahil alam ng lahat na galing siya sa isang maimpluwensiya na pamilya."
Kalmadong sabi ni Severin, "Ang nangyari noon ay nakalipas na, at wala akong pinagsisihan 'don!" Nang sinabi niya 'yon, naglakad si Severin, tumingin nang diretso sa may peklat na lalaki, at tinuro ang plastic bag na puno ng pera sa lupa. "Anong meron sa mga perang 'yan?"
Umismid ang lalaking may peklat sabi, "Anong ipapaliwanag ko riyan? Wala ka bang utak? Sa tingin mo ba hindi mo dapat bayaran ang kahit anumang kabayaran para sa pambubugbog kay Mister Easton? Ang mga Lough ay humingi ng dalawang daang libo, na binayaran ng fiancee mo sa pagbenta ng iyong matrimonial home kay Mister Easton para sa halagang daan at limampung libo. Para sa natitirang limang daang libo, pinahihintulutan kang bayaran ang kabuuan nang paisa-isa."
Tapos ay hinawakan ng lalaking may peklat ang kanyang baba at sabi, "Binayaran ng mga magulang mo ang wala pa sa kalahati sa nakaraang limang taon, kaya may dalawampung anim na libo pa ang natitira. Sa kahit na anong paraan, mabuti na lang at malaya kang nakalaya. Baka naman matulungan sila sa bayarin nila!"
Ang nakababatang lalaki na siyang umupo sa lupa at binibilang ang pera ay nagreklamo, "Oo nga, lagi na lang ganito ay binibigyan kami ng nanay mo ng pera. Sayang sa oras bilangin itong lahat!"
"Hindi mo na kailangang bilangin, Limang daan at pitumpu't anim lahat ng 'yan!" nanginginig na sabi ni Judith.
"Pucha talaga! Kulang na naman!" Ang lalaking naka-squat sa lupa ay may mga tattoo sa buong balikat. Matapos marinig ang sinabi ni Judith, inihagis niya ang pera sa kanyang kamay sa lupa at tumayo para titigan si Judith. "Gusto mo yatang ipapatay ka, tanda?! Kulang ka sa tamang halaga sa bawat puchang oras na 'yan!"
"Sa tingin ko, kayo dapat ang pumatay sa mga sarili niyo." Galit na tumingin si Severin sa mga lalaking nasa harapan niya, dahil halatang-halata na ang pera ay puspusang iniipon ng kanyang mga magulang.
"Gusto mong mabugbog, hindi ba, bata?" Agad namang pinalibutan ng anim na tao sina Severin at Judith.
Malupit na sinabi ng may peklat na lalaki, "Buti na lang at nangangati ang mga kamao ko para makipag-suntukan. Kanina pa sila nakakita ng dugo!"
"Hindi! H-h-huwag mong sasaktan ang anak ko!" Sa sobrang takot ni Judith ay dali-dali niyang hinila pabalik si Severin. Agad niyang binuksan ang sobre sa kanyang kamay. Kasama sa mga nilalaman ang isang liham at ilang sampung dolyar na perang papel. Sabay-sabay silang binilang ni Judith at takot na takot na pinasok ang pera sa loob ng plastic bag na nasa lupa. "A-a-ayan! Naglagay ako ng isang daang dolyar. Ngayon ay anim na raan at pitumpu't anim na dolyar na 'yan! Kulang na lang ng dalawampu't apat na dolyar ngayon!"
"Nakakagulat. May tinatago ka pa palang pera? Hindi mo pa ibibigay 'yan kung hindi kami nagbanta na bugbugin ka?" Ngumisi ang lalaking may peklat at galit na sinabi, "Sinusubukan mo ba kaming paglaruan?"
Nag-aapoy sa galit ang puso ni Severin, at isang malamig na kislap ang sumilay sa kanyang mga mata.
Gayunpaman, pinigilan niya ang galit na iyon nang mapatingin siya kay Judith na nakatayo sa harapan niya. Para hindi mag-alala si Judith, ngumiti siya sa iba pang mga lalaki at sinabing, "Kayo diyan, 'yung may peklat. Oo,ikaw ang kinakausap ko. Dalawampu't anim na daan pa rin ang utang namin, hindi ba? Kung ganoon, huwag na kayong magpakahirap diyan. Ang dalawampu't anim na libo ay isang maliit na halaga, at kaya kong bayaran 'yan ng buo.
"Maliit na halaga ha? Sinong niloloko mo? Talagang sinabi ng pulubi na ito na maliit lang ang halaga. Kung ganoon nga, mas mabuting bilisan mo na lang at bayaran mo!" Tuwang-tuwa namang tumingin si Scarface kay Severin habang nagtawanan ang mga alagad niya.
Lumapit si Severin, dinampot ang plastic bag sa lupa, at iniabot sa gulat na gulat na si Judith. "Hintayin mo ako sa bahay, Ma. May pera ako, kaya dadalhin ko sila sa bangko at mag-withdraw ng pera para sa kanila."
"Saan ka ba nakakuha ng ganyang pera, Severin? Wag ka sanang magsinungaling sa sarili mong ina." Nag-aalalang tumingin si Judith sa anak.
"Huwag kang mag-alala, Ma. Magiging maayos ang lahat ng ito. Dali na, pumasok na kayo!" Tinulungan ni Severin si Judith na tumayo at pinapasok siya sa bahay.
Ilang sandali ang nakalipas, nilabas ni Severin ang bank card sa kanyang kamay at kinaway ito sa mga taong nasa harapan niya. "Nakikita niyo ito? Huwag niyo akong maliitin. Samahan niyo ako kung gusto niyong makuha ang dalawampu't anim na libo."
"Totoo ba ang batang ito?"
"Sinong may pakialam? Kapag nakuha natin ang pera ay masasalba na tayo sa pagpunta natin dito palago, Para saan ka para magreklamo?"
Sinundan ng mga siga si Severin, at sa wakas ay nang nakarating na sila sa malaking Banyan na puno sa malayong bahagi ng lugar, "Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba ay dadalhin mo kami sa bangko?"
Ngumisi si Severin habang tumalikod at sabi sa isang panunuya, "Talaga bang inaasahan niyong magbibigay ako ng pera sainyo kung ganoon niyo tratuhin ang nanay ko at tawagin siyang matandang walang kwenta kanina? Sa walang kwentang panaginip niyo!"
"T*ngina, bata! Sinusubukan mong makipaglaro sa amin?" Galit ang may peklat na lalaki na ang mga ugat niya sa ulo ay bumabakat na sa kanyang noo.
"Ikaw ang may gusto nito, bata!" Ang ilang mga siga ay sumugod din, at pinalibutan nila agad si Severin,
Ilang segundo ang nakalipas, nang aabutin na sana ng kamao nila si Severin, pasimpleng kumunot ang noo nila sa dulo. Isang malakas na presyon ang pumalibot bigla sa buong lugar, na siyang naging dahilan ng mga tuyong dahon sa paligid ang biglang kumalat ilang dangkal paangat sa lupa. Ang temperatura ay mukhang bumaba rin.
Ang anim na siga, kabilang ang malaking katawan na may peklat sa mukha na siyang bihasa sa pakikipaglaban, ay lumuhod sa lupa.
"GRAAH!"
Ang lahat ay humagunoy sa sakit. Ang mga bato sa ilalim nila ay nawasak, at ang dugo ay tumutulo rin sa kanilang mga tuhod,
"Patawarin mo kami!"
"Wala na kaming gagawing kahit na ano sa magulang mo!"
Tumingin silang lahat kay Severin sa takot at talagang namutla sa kung anong nangyari.
Tumingin si Severin sa kanila at sinabi sa malalim na boses, "Papalagpasin ko kayo ngayon, pero kapag gumawa pa kayo ng gulo sa mga magulang ko, siguradong papatayin ko kayong lahat! Umalis na kayo ngayon!"
Ang matinding presyon ay nawala kaagad pagkatapos ng babala ni Severin, na pinahintulutan ang lalaking may peklat sa mukha at ang kanyang barkada na tumakas.
Naikuyom ni Severin ang kanyang mga kamao at bumulong sa sarili, "Walang awa kang babae, Lucy. Gusto mo man o hindi, mayroon tayong tatlong taong nakaraan sa isa't isa. Ang panloloko sa akin ay isa nang bagay, ang pagbebenta ng matrimonial home sa kalahating halaga. na binili ko ay ang isa pang bagay. Paano mo ito naibenta kay Easton sa halagang isang daan at limampung libo nang binili ko ito sa halagang tatlong daang libo?"
Pagkatapos ibulong iyon, tinuro ni Severin sa kanyang sarili, 'Pababalikin ko sa'yo ag bawat bagay na kinuha mo sa akin! Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa mga walang kwentang taong katulad mo, pero lumagpas ka sa linya!"