Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 14

Nakatingin ang lahat doon. At nakita nila si Don na nakasuot ng magandang damit at ang kanyang buhok ay nakasuklay papunta sa likod. Mukha siyang gwapo at matalino. Mayroon siyang hawak na reagalo sa kanyang kamay at naglalakad siya papasok ng nakangiti. “Salubungin natin si Mr. Xander ng masigabong palakpakan!” Sumigaw ang isang batang lalaki. Iba’t ibang klase ng pagsisigaw ang biglaang narinig. Kapansin-pansin na ang isang batang talentadong lalaki tulad ni Don ay mas kikilalanin at sasalubungin ng Zimmer family kumpara kay Harvey. Ang importante pa, maaari niyang tulungan ang Zimmer family! Sa sandaling ito, ang buong Zimmer family ay nakatingin kay Don na para bang siya ang Diyos ng Yaman! Nakangiti si Don at kumaway sa mga tao sa paligid niya. Mukha siyang bituing naglalakad sa red carpet at mukhang taong mataas ang lipad. “Senior Zimmer, pasensya na sa pagabala sayo. Nagpunta ako dito ng hindi iniimbita. Subalit, diretso akong tao. Kaya, magsasalita ako kung mayroon akong gustong sabihin!” Si Don ay ambisyosong nakangiti. Malakas niyang sinabi, “Nagustuhan ko si Mandy sa unang beses ko siyang makita, ngunit sa kasamaang palad, naikasal siya sa isang walang kwenta!” “Tinuturing ko ang kasal na ito bilang biro ng tatlong taon. Ngunit gaano kasakit na ba ang naranasan ni Mandy? Mahal ko si Mandy. Ayokong makita siya na magtiis sa ganitong paghihirap. Kung kaya, nandito ako ngayon para sabihin ito sa harap ng buong Zimmer family...” Huminga ng malalim si Don. “Gusto kong pakasalan si Mandy. Gusto ko siyang mapasaya!” Nabigla niya ang buong kwarto. ‘Si Don Xander ay sobrang tapat na tao. Wala siyang binigay na respeto kay Harvey! Si Harver ay nandito din ngayon.‘ ‘Subalit, pagisipin mo ito ng maigi, si Harvey, ang live-in son-in-law ay walang kwenta naman. Bakit pa ba rerespetuhin ni Don ang tulad niya? Hindi siya takot na bastusin siya.’ Siguradong sobrang pikon na si Harvey ngayon. Sobrang malas naman talaga niya! “Iniisip ko si Mandy nitong nakaraang mga taon!” Patuloy pa ni Don. “Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kanya. Nagdala ako ng aking pinaghirapan sa ilang taon ngayon...” Mabagal na binuksan ni Don ang regalo habang nagsasalita. Mayroong check na nasa loob nito at ang numero na nakasulat dito ay nakakagulat. “Ito ay cash check ng sampung milyong dollars. Hanggang handa si Mandy na pakasalan ako, ito na ang aking regalo para sa pagtanggap ng pagpapakasal!” Malakas na sinabi ni Don. “Kahit na ang aking pag-aari na lagpas pa sa milyong dollars ang halaga ay maaaring ilagay sa ilalim ng pangalan ni Mandy.” “Ano?!” Ang lahat ay nabigla at ang kanilang mga mukha ay namutla. Ang mga tao sa Zimmer family ay kinuha ang check at inabot ito kay Senior Zimmer. Ang mata ng lahat ay kuminang sa sandaling ito. Ang sampung milyon ay siguradong hindi malaking bagay para sa Zimmer family. Kahit na second-class family sa Niumhi ang Zimmer family, ang mga asset nito ay higit pa sa bilyong dollars. Subalit, si Don ay nagawang makapaglabas ng sampung milyon cash! Para sa kahit na sinong kilalang pamilya, karamihan ng capital ng pamilya ay mga fixed asset. Kulang sila sa liquidity o masyadong mababa ang kanilang liquidity. Kunin na natin ang Zimmer family kung halimbawa, maganda na magkaroon ng ilang milyon sa kanilang libro. Kung ang Zimmer family ay makakakuha ng cash mula kay Don, maaari nilang maangat ang lebel ng kanilang negosyo. Samantala, ang tingin ng lahat ay napunta kay Mandy. Ilan sa mga babae ay umaasa na sila ang nasa posisyon ni Mandy ngayon. “Sobrang romantiko nito! Sampung milyong dowry!” “Isang bagay ang pera. Ngunit ang pinaka importanteng bagay ay magkaroon ng puso...” “Oo, ang klase ng pagmamahal na ito ay nakakainggit. Bakit walang sinuman ang ganito nagtuturing sakin?!” Madaming tao ang pinag uusapan ang tungkol dito. Naiinggit ang mga lalaki. Naiinggit ang mga babae. Lalo na para sa mga babae, nababaliw sila kay Don. Si Lilian at Xynthia ay nakatingin kay Don ng masaya. Kung sabagay, talentado siya at gwapong lalaki. Ilang libong beses siya mas mahusay kay Harvey. Nagpatuloy si Don. “Mandy, nakatanggap ka ba ng Prague roses na may Heart of Prague na kasama kahapon? Iyan ay regalo mula sakin!” Si Don ay puno ng pride pagdating dito. Ang spy sa kumpanya ni Mandy ay pinaalam sa kanya ang tungkol dito kahapon. Nagpanggap siya bilang nagpadala matapos na makumpirma niya ang taong nagbigay ng regalo ay hindi pinaalam ang kanyang pagkatao. Maniniwala ang lahat sa kanyang sinasabi. “Ano? Ang Heart of Prague?!” “Ang maalamat na Heart of Prague?! Ito ba ang siyang sinusuot ni Mandy ngayon> Masasabi na mayroong isang ganito lang sa isang mundo. Ito ay napakahalaga, ngunit hindi ibinibenta. Hindi ito mabibili ng pera! Mr. Xander, nakakabilib ka...” “Ito, ito, ito...” Madaming babae ang napapahanga ng mapunta ang kanilang tingin kay Mandy. Ang Heart of Prague, ang maalamat na alahas! Ito ay magkasamang disenyo ng kilalang mga maestro ng sining. Ito ay kilala bilang kayamanan ng Prague. Hindi nila inaakala na lilitaw ito dito ngayon. Biglang tumayo si Harvey. Sa sandaling ito, galit na siya. Masyadong walang hiya itong si Don! Siya ang nagregalo ng Heart of Prague sa kanyang asawa. Ang lakas ng loob niya na magsinungaling na ito ay kanyang regalo? Ang mas nakakainis pa ay na ang lahat ay naniniwala sa kanya!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.